Step’s POV
More more more
Yan ang mga naririnig ko sa mga tao.
“Wow ang galing mo pala kumanta.. singer ka ba? sabi ni dona.”
“ ahh sa church lang.. choir ako dun”
“ahh kaya pala.. bakit di ka sumali sa banda namen. For sure dadami tong tao na manunuod dito” sbi ni Jr
“oo nga naman step, para naman hindi puro boses nitong si dona naririnig namen.. at ng kumita pa lalo tOng bar namen..” sabi naman ni drew
“kahit kelan talaga pera yang nasa isip mo.. at isa pa.. maganda naman boses ko noh. Di nga lang kasing galing nya.” Sabi ni dona sabay batok sa Kapatid nya.
“I’m just being practical noh. At isa pa wag mo kong binabatukan. Mas matanda ako sayo ng 5mins.”
“ mas matanda ka nga immature ka naman!”
“kayo ngang magkapatid jan tigil tigilan nyo na yang bangayan nyo. Kita nyong nakatingin si Stephanie sa inyo dina kayo nahiya. Nagbabangayan nanaman kayo.” Awat naman ni Jr na parang nag sesermon ng mga bata
“hahah ok lang noh ganyan din kasi kami ng kapatid ko minsan. Mas malala pa nga ata kami”
“teka asan na si Nathan? Sabi ni Dona na patingn tingin sa paligid..
Tumingin din ako sa taas ng stage. Pero wala sya dun.
“baka umalis na.. Ahmm kelangan ko ng umalis. Baka kasi ng aalala na mama ko at hindi pa ko nauwi.
“hatid na kita” sabi ni Drew
“naku hindi na at me kukuning gamit pa ko sa dressing room”
“ oo nga naman Stephanie hatid ka nanamin nitong kuya ko. At delikado na sa daan.”
“wag na talaga Alam kong di pa kayo dapat uuwi kasi dami nyo pang order oh”
“sige, pero next time bonding tayo ha. Sabi ni Dona na kumikislap pa ang mga mata *.*
“oo naman.. cge bye na muna.”
Kaya dumiretso na ko sa dressing room at sinuot ung uniform ko. Nag tataka lang ako at bakit ni anino ni Nathan di man lang Makita.. eh step talaga natural gabi ngayon kaya di mo talaga makikita ang anino.. duh..
Nakakainis lang kasi pinakanta nya ko sa harap ng marming tao. So un pala. Un pala utos nya sakin. Buti nalang kahit papano marunong akong Kumanta.
Anu ba gusto nyang mangyari at inutos nya sakin yun. Gusto nya ata akong mapahiya eh.. well sorry sya dahil di ko sya uurungan..
Nasalabas na ko ngayon ng bar at nag lalakad ng feeling ko me nasunod sa akin. Dali dali akong lumiko at binilisan ko ang lakad ko.. kaso bumilis din sya
Kinakabahan ako.. ganto yung mga napapanuod ko sa pelikula eh.. hahabulin yung babae at papatayin.
Waaaa Lord help me.. di pa ko handa.. marami pakong pangarap sa buhay
Tapus me humawak sa braso ko!
Oh no!!!
“ waaaaaa kuya Kunin mo na ang lahat sa akin wag lang ang aking puri at si coco martin!”
Anu bay an nasa panganib na nga ako nakuha ko pang mag joke. Yun kasi naririnig kong kinaanta ni Angeline Quinto eh.
O____O
NATHAN??
“Ang bilis mong mag lakad.. Tara hatid na kita”
Di na nya ko pinag salita pa
Hinila nya ako papuntang parking lot. Grabe naman to makahila wagas.
“oi saglit lang makahila ka naman parang bf kita ah..”
Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sakin. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko kaya magkapantay na kami.tapus dinikit nya yung noo nya sa noo ko kaya ilang inch nalang ang distansya sa pagitan naming
Kinakabahan tuloy ako sa mga kinikilos nya.
“ahh,, nathah o-okay kalang ba?
“ahh Fuck this is bad “
Then tumalikod sya..
Eh?? Anu nanyari dun at napamura pa?
Sumakay na kami sa kotse nya at hinatid na ako sa bahay.tsk past 10pm na at lagot ako nito
kay mama.
Nang makarating na kami ng bahay agad na kong bumaba sa kotse ni Nathan at binuksan ang gate.
“hala ka ate, lagot ka bat ngayon ka lang umu—
Di na nya natapos ang sasabihin nya dahil nakatingin sya kay Nathan na bagong baba ng sasakyan at palapit na din sakin..
“ma, pa, dali labas kayo dito si ate may uwing bigtime!”
Hay nakakahiya mang sabihin . pero yan ang kapatid ko.
“tumigil ka nga dyan bat gising ka pa?”
“malamang inaantay ka naming noh, nag aalala kaya kami
Then lumabas na sila mama at papa
“naku step, bat dika man lang nag paalam ha.naku kang bata ka anung oras na”
Si mama yan
“yang mama mo alalang alala sayo sabi ko naman sa kanyang paminsn minsan normal lang sa inyo na gabihin. Aba’y gusto pa kong tumawag sa pulis” sabi ni papa
Si mama talaga OA minsan.
“sir, pasensya na po kayo. Ako po ang may kasalanan kung bakit sya ginabi”
Tumingin ako kay Nathan na nasa likuran ko lang
O__o
Hala ung kapatid ko titig na titig kay Nathan siguro kung cartoon character lang sya may makikita ka ng heart sa mga mata nya.
“Stella, pumasok ka nga sa loob” kahit kelan talaga tong kapatid ko.
“oo na ito na .. bye kuya” tapus nag pa cute pa.. naman..
“Dito na tayo mag usap sa loob” sabi ni papa.
Nang makapasok na kami sa loob pinaupo na kami ni papa sa sala. Anu ba to parang ang laki naman ng kasalanan ko. Na late lang naman ako ng wi. Un nga lang may kasamang lalaki.
“sir pasensya na po kayo kung ginabi ng uwi ang anak nyo nag patulong lang po ako sa kanya sa ilang bagay..”
“anung tulong naman yun iho?”
“I ask her po to be one of our singer sa bar bali dun po muna sana sya mag tratrabaho for 1 month and pumyag na po sya.. I m only asking sana kung ok lang sa inyo?”
“ahh ganun ba iho? Eh magkano naman ang kikitain ng anak ko dyan?”
Sumabat agad si mama.. hello andito po ako hindi pa nga ako pumapayag eh..tapos sinabi pa nitong Nathan nato na pumayag na ako..
“15 thousand po pinakamababa. Depende din po yun sa araw ng ipapasok nya at kung me extra gig.
15k? mataas nay un para samin kung tutuusin di na masama.. para sa baguhang gaya ko… aaminin ko marunong naman talaga ako kumanta.. ng choir kaya ako.. pero first time kong gawin yung kumanta sa bar..
“ok iho, malaking tulong na samin yun kaya ok lang sa amin diba dear”
“oo Makakatulong din yun sa pag aaral ni Step.. Salamt iho ha.. anu nga bang pangalan mo?
“Nathan po.. Nathan Zamora. Don’t Worry sir 7-10 lang po ang working hour nya. Ahm kelangan ko nalang po ng parent’s consent bukas
“ok sige papadala ko na lang kay steph bukas, thank you iho ha”
Tapus na ung usapan nila. Hinatid ko na si Nathan sa labas. Tahimik lang sya.
“teka anu ba yung sinabi mo?”
“Narinig mo na lahat diba? At yun narin ang pangalawang utos ko sayo..
“grabe ka sila agad kinausap mo tungkol dito. Eh panu kung ayaw ko?
“wala ka ng magagawa pumayag na sila
Tapus tumingin nanaman sya kagaya kanina.. feeling ko tuloy malulusaw ako sa mga tingin nya.
Tapus hinawakan nya ung mga kamay ko
Dug dug dug dug
Ang heart ko.. tumatambol nanaman..
Tumingin sakin si Nathan sa mata na parang nay gustong sabihin.. yung mga tingin nya bumaba sa ilong ko papunta sa mga labi ko.. naramdaman ko nalang na unti unti akong pumipikit. Hanggang sa naramdaman ko ung labi nya sa
noo ko.
Dug dug dug dug dug dug dug
Lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko… heart attack na ba to?
Anu yun bat ganun?
Tapus umalis na sya..
Hanggang sa mawala na sa paningin ko yung sasakyan nya..pero ako naka tayo parin dun..
Bakit nya ginawa un at bakit ganun? di man lang ako tumutol sa ginawa nya?