Chapter 23: Surprise

104 1 0
                                    

Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at hinihila ako palayo...

"Wait.... wait..."

Bakit ba bigla nalang dumilim... Brownout ba? Anu ba to si Casper  kung makahila naman baka madapa ako.. wala kaya akong makita  dahil napaka dilim..

" Ahh Casper sandali lang baka naman kasi madapa ako... wala akong makita napakadilim.."

Bahagya syang tumigil sa paglalakad.. Pero hindi sya nagsasalita..

"Ahh Casper tungkol nga pala sa tangong mo..ang totoo kasi nyan... AHhh"

Hinila na nanaman nya ko.. anu ba to... Bakit parang ayaw naman nya marinig ang sasabihin ko. Hindi pwede to. Kaya hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya..

"Casper Sandali lang.. Kelanga mong marinig ang sasabihin ko... Sa totoo lang sa una palang crush na kita.. totoo yun.. Gwapo ka at magaling knag sumayaw.. napakabait mo sakin.. at gusto talaga kita.. Hindi ko rin alam kung tama ba tong sasabihin ko o baka pagsisihan ko tong mga sasabihin ko.. Alam kung gusto mo ko.. at gusto din kita.."

Pinakikiramdaman ko sya pero tahimik lang syang nakikinig..

"Casper gusto kita.................Pero hindi pa ko sigurado kung mahal nga kita.. gusto  ko kasi kung magkaka bf ako yung sigurado akong sya na.. Dahil natatakot akong masaktan at ayoko rin na masaktan din kita.."

Bakit hindi parin sya nagsasalita? hinawakan nya ulit ang kamay ko alam kong masakit yung sinabi ko sa kanya.. Pero sana naman maintindihan nya ako pero tanga ko lang para isipin kong maintindihan nya ko..

"Casper sana naman makapag antay kapa.. enjoy muna natin ang company ng isat isa..pwede ba yun? panahon lang naman ang hinihiling ko"

"Anong panahon?"

Bigla syang nagsalita Teka hindi si Casper to ahh..

"Kanina pa ko naririndi sa mga sinasabi mo alam mo ba yun Casper ka ng Casper eh ako yung kasama mo"

Nabigla ako sa narinig ko si....

"N-Nathan?"

"Bakit dissapointed ka ba na ako ang kasama mo at hindi sya?"

Me tono ng galit sa boses nya, teka  bakit sya magagalit ako ang dapat magalit dito dahil  sya tong nanghihila nalang bigla bigla..

" Sandali nga lang bakit ang lakas naman ng loob mong magalit samantalang ikaw nga tong hila nalang ng hila sakin.. and as far as i know si Casper ang kaharap ko kanina at hindi ikaw!"

"Yun na nga ang kinagagalit ko... Puro ka si Casper  Ni hindi mo man lang siniguro kung sino ang me hawak sayo.. Ganya ka ba talaga ka walang alam... Napaka inosente mo.. pano kung ibang tao ang humila at kung san ka dalhin wala ka man lang ka alam alam.."

When Mr. Teaser Command (new version)Where stories live. Discover now