Chapter 7: Jealous

125 2 0
                                    

Step's POV

Waaaaa inaantok pa ko.. huhuhu

Hindi ako makatulog na maayos kagabi… lagi nalang pumapasok sa isip ko yung ginawa ni Nathan.. Bat kasi bigla bigla nalang syang nagiging ganun. At bakit nya ko hinalikan? Simula pag uwi naming nagging weird na sya..

Alas 3 na ko naka tulog .. pano ba naman kahit anung pilit kong matulog hindi talaga ako dalawin ng antok.. kahit pikit ang mga mata ko ang utak ko naman patuloy padin sa pag iisip..

 Tapus ito ako ngyon parang Zombie dahil antok na antok.. ang aga pa naman ng clase ko ngyon..

Habang ng start ang clase lahat ng tinuturo samin ng prof ko wala tlagang napasok.. tapos nakatulog pa ko pag nkatalikod si prof.. buti nalang di ako masyado pansinin,,

“Step ok ka lang?”

Tanong sakin ni Risa. Sya yung naka close ko sa mga clasemate ko… halos kasi lahat ng subject mag clase kami..nagkaron narin naman ako ng mga friends dito pero mas nagiging malapit kami ni Risa.

“oo ok lang.. medyo puyat lang.. dami ko pa naman subject ngayon”

“hehe bakit naman kasi ng pupuyat ka eh alam mo naman na maaga tayo ngayon.. tapos basta araw ng Thursday loaded tayo… pahinga ka nalang mamaya may mahabang break naman na tayo”

“ oo mag papahinga nalang ako mamaya.”

12 nn na at lunch time na naming. Sa wakas makakain na rin ako. Medyo gutom na rin ako.. kaya pumunta kami ni Risa sa Canteen para mag lunch.

Pag minamalas ka na naman.. ang dami pang tao sa canteen

“ayun oh” tuyo ni Risa dun sa chair na may mga bakante pa..

Teka si Nathan un ah..

At may kasamang babae.. Kasama nya si Denise.

Ang campus crush sa Saint Gabriel University

“Nathan paupo ha…” sabi ni Risa

Tumango lang sya at nang di man lang tumitingin samin.. kaya umupo na rin kami.. pinag mamasdan kong mabuti si Nathan ..bat parang may iba sa kanya? Gf nya ba si Denise? Kung Gf nya bat nya ko kiniss? aaaahhh anu  ba yan... Di dapat ako ng iisip ng ganito.

Naalala ko may ibibigay nga pala ako sa kanya.. yung hinihingi nyang parent’s consent.. ibibigay ko ba? Eh hindi naman nya ko pinapansin.. parang d naman kami magkakilala nito..

Bahala sya dyan.. kakain nalang ako dito.

“oi Step si Casper oh.. wala atang maupan.. Casper dito oh may Vacant pa” sigaw ni Risa.

When Mr. Teaser Command (new version)Where stories live. Discover now