His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[13] Pumara

5K 248 25
By Yaoistorywriter

V I N C E N T

"Ano 'yan pre?! Nagbabasa ka niyan? Haha!" Sabi ni Joo Hyuk, ang ka-varsity namin nang makita nya aklat sa loob ng bag ko.

Katatapos lang ng laro at champion kami. Hindi naman siya ganun ka-exciting dahil expected ko na na mananalo kami.

"Wala kang pake. Gago." Sabi ko at nilayasan ko na sya.

"O chill bro. Nagbabasa rin ang kapatid ko ng ganyan." Sabi nya.

Ang tinutukoy nya ay ang nakita niyang aklat sa bag ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako bumili ng aklat.

Syempre joke lang 'yun. Bumili ako non dahil alam kong mahilig dun si Ken. Alam kong kailangan nya ng enlightment ngayon knowing na paalis ang besprend nyang si Renz.

"Una ka na. Cr lang ako." Sabi ko kay Joo Hyuk at naghiwalay na kami ng landas. Dumiretso ako ng cr para maghilamos at magpalit ng t-shirt.

Naisip ko rin na hindi ko maibibigay kay Ken itong binili kong 'to, kaya kailangan kong mag-transform as Paul. Transform talaga e no.

Habang nandito ako sa cr ay nagpalit na ako ng anyo ko. Dati, parang nag-aalinlangan pa akong gawin 'tong bagay na 'to. Parang nako-cornyhan pa ako. Pero ngayon, ine-enjoy ko na sya.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng cr.

And yeah, as expected, wala man lang isang estudyante ang naglaan ng oras para tumingin sa akin.

Ngayon, kailangan kong makita ang batang 'yon.

~*~

Nakalabas na ako't lahat ng school, hindi ko pa rin nakikita si Ken. Saan ba kasi lumusot ang batang 'yon? Parang kanina lang enjoy na enjoy siyang manood ng laban.

Hay nako.

Sinubukan ko munang maglakad-lakad sa subdivision na katabi ng school namin. Maganda, tahimik.

Pero mas maganda pa rin 'yung subdivision namin. Haha.

Habang naglalakad ako ay naaninag ko ang isang playground. Sa swing ay may dalawang estudyante.

Kilalang kilala ko kung sino ang dalawang 'yun. At hindi na rin ako magtataka kung bakit nandito sila at nag-take ng moment para mag-usap.

Siguro nagkaka-paalaman na sila? Sus. Ang corny. Kala mong magjowa. Aalis lang naman, di naman ganun ka-big deal. Isa pa, babalik rin naman 'yang si Renz.

Hanggang sa napansin ko na they bid goodbyes. Tumayo si Renz at nag-wave kay Ken. Medyo napatago ako sa may likod ng puno dahil muntikan na akong makita ni Renz.

Maya-maya ay bumalik si Renz kay Ken at niyakap ito.

Asuuuus! Ang da-drama ng mga 'to.

Nang totally nagpaaam na si Renz at umalis na, sinubukan ko naman lumapit kay Ken.

Hindi ko naman sila masisisi kung bakit nagd-drama sila. Hindi ko alam kung gaano katagal ang pinagsamahan nila. Wala akong ideya kaya tingin ko, hindi ko dapat pinapakealaman ang buhay nila.

But I have to do this. Ewan ko ba. Bigla na lang ako napapayag sa pabor ni Renz. Part of me eh nadadalian dun sa pabor na 'yun. Pero napagisip-isip ko na, hindi kaya ako magsisi? Bahala na.

Lalapitan ko na sana si Ken nang mapansin kong humihikbi siya. Wrong timing naman, oh.

"Si Ken, kahit medyo masungit 'yon, iyakin 'yon. Gusto ko sana, mabantayan mo sya. Huwag mong hahayaan na may magpa-iyak sa kanya. Huwag mong hayaan na may manakit sa kanya."

Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan ko na siya. Pupunasan na nya sana ang luha nya nang pigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya ay pinatayo ko siya.

"Ang cute mo namang umiyak. Para kang panda. Haha," sabi ko then I handed him a handkerchief.

Tiningnan lang nya 'yung panyo. Napansin ko rin na may hawak siyang maliit na box. Sa loob ng box ay isang medal.

Medal na kagaya nung sa akin.

"P-paul," sabi nya.

Tiningnan nya uli 'yung panyo. Hindi niya ito ginagamit. Ngunit pinunasan nya ang kanyang luha gamit ang likod ng palad nya.

"Bakit ayaw mong gamitin 'yang panyo? Sayang naman, in-offer ko pa." Sabi ko sa kanya.

He smiled sadly, "Hindi ko alam kung paano mo ako natunton dito. Hangga't maaari, ayokong may napu-purwisyo sa ka-dramahan ko. Kaya hindi ko ginamit. Pero salamat sa pag-offer." Sabi nya.

Napangiti ako.

Ken is unpredictable. Isa sa biggest conclusion ko about him.

Ewan ko ba. Ang dami ko nang na-encounter na tao pero siya ang pinaka-iba. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman. Hindi ko alam kung kailan siya lulungkot o sasaya, hindi ko ma-predict ang susunod nyang gagawin maging ang sasabihin nya.

He's very unique. And somehow, nag-uumpisa na akong makaramdam ng interes sa kanya.

"Hindi naman ako napupurwisyo. Gusto mo yakapin pa kita eh," sabi ko sa kanya at niyakap ko na sya.

Hindi sya nagpumiglas na akala ko, gagawin nya. Hinayaan lang nya akong yakapin siya hanggang sa gumaan ang bigat ng nararamdaman nya. Naramdaman ko bigla ang warmth nya.

The warmth I used to feel before.

"Ken, samahan mo ako. I have something to give you. I know a place. Sigurado akong magugustuhan mo dun."

~*~

"Dito ako dinala ni Renz last time." Sabi ni Ken nang makarating na kami sa pinuntahan namin.

We sat down under the tree para may kanlong. Since hapon na naman, hindi ganoon kainit ang panahon.

Tumigil na sa pag-iyak si Ken pero 'yung mukha nya mukhang undas. Hindi ko kasi alam kung paano sya patawanin.

"Nakakainis si Renz. Parang gusto ko siyang hambalusin ng dos por dos. Sinabi nyang aalis siya pero hindi naman nya sinabi kung kailan." Sabi nya. Medyo napatawa naman ako.

"It's ok. Mas ok na 'yun kesa magcountdown ka nang magcountdown dyan. Mas ok na yung surprise. Para di masyadong mabigat." Sabi ko.

Sinamaan nya ako ng tingin, "May surprises na nakaka-excite pero never akong mae-excite sa pag-alis ni Renz."

I just chuckled.

Actually yesterday, nagmeeting ang buong varsity regarding sa pag-alis ng captain na si Renz. Ako ang na-appoint na bagong captain right after the finals dahil co-captain ako. Renz told us na after the game, kinabukasan ay aalis na rin agad sya.

Hindi ko na sasabihin kay Ken. Hindi ko na sya papakialaman. Aakto akong walang alam dahil after all, hindi ko naman kilala si Renz bilang Paul at wala naman ako sa posisyong sabihin sa kanya bilant Vincent.

"I mean, maganda kung araw-araw ready ka. Hindi 'yung araw-araw kang nab-bother sa pag-alis nya dahil alam mo nga kung kailan." Sabi ko.

Tumingin sya sa akin.

"Sa tingin mo ba hindi naka-kabother ang hindi ko alam kung kailan sya aalis? Kung alam mo lang, mas lalong nakaka-anxious." Sabi nya.

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita. Alam ko naman hindi ako mananalo sa kanya.

"Ay, right."

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko 'yung aklat na ibibigay ko sa kanya.

"Ano 'yan?" Tanong nya.

"Aklat, hindi ba obvious?" Sabi ko naman sa kanya.

Nagulat ako dahil walang patumpik-tumpik ay bigla nyang hinablot sa akin 'yung libro, "She Who Stole Cupid's Arrow? Wow naman, san mo 'to nabili?" Tanong nya.

I smiled, "SM Megamall. Booksale. I just feel like I need to give you that. Alam ko kasing bibliophile ka."

"So, para sakin 'to?"

"Hindi. Sa kapatid ko. Pinakita ko lang sa'yo."

He frowned, at ngumiti sya ng malungkot. "Kala ko akin. Haha. Sorry," sabi nya at binigay nya sa akin yung aklat.

Agad ko naman itong ibinalik sa kanya, "Sayo nga 'yan! Kaya nga sabi ko diba, I felt like I need to give YOU that?"

"T-talaga?"

Lumawak ang ngiti niya. Napangiti na rin ako.

Fact about Ken: nakakahawa siyang ngumiti. Literal na nakakagaan ng pakiramdam.

Kung kanina ang down down ng itsura niya, ngayon para siyang sinilaban ng apoy.

"You know what, Paul? Sobrang sayang magbasa ng libro. Nakakatakas ka sa reality. Marami kang nakakasalamuhang fictional character. Kaya gustong-gusto ko talaga lagi ang naliligaw sa loob ng libro. Ang dami kayang gwapo at maganda dun." Sabi nya.

"Eh ako? Hindi ba ako mukhang fictional character?" Pabiro kong tanong sa kanya.

"Alam mo, pang fictional character sa wattpad naman talaga yang itsura mo. Ang pogi mo kaya. Boyfriend material ka pa. Kaya lang, ang wirdo mo kasi! 'Yung totoo, anong year ka ipinanganak at ang wirdo ng taste mo sa fasion? O baka naman sa ibang mundo ka galing at naligaw ka lang dito sa earth? Hay nako Paul. Hindi mo ba talaga pwedeng tanggalin 'yang mga chechebureche dyan sa mukha mo? Sayang kagwapuhan mo sa totoo lang." Sabi nya.

"Hindi pwede." I told him.

Umirap sya. Taray neto. Kala mong babae eh.

Nang mapansin kong maggagabi na ay naisipan na rin naming umuwi na.

~*~

K E N

"Ken, uwi ka na. Maggagabi na." Sabi ni Paul nang makabalik kami dito sa may gate ng eskuwelahan. Good thing, nasa locker ko ang aking bag. So ok lang na naiwanan ko siya. Monday naman.

"Thank you Paul. Ingat ka," sabi ko.

He waved goodbye then umalis na rin sya. Umupo na ako sa bench na nandito sa waiting shed at naghintay ng jeep na dadaan, kagaya ng palagi kong ginagawa.

Napansin ko na wala na masyadong estudyanteng nauwi. Mukhang mga college na hanggang 8pm ang klase na lang ang nasa loob. Kami kasi ay tuwing wednesday at friday may until 8pm class dahil sa minor subjects.

Napatingin naman ako sa librong hawak ko. Ang yaman ni Paul. Itong librong 'to, kinaadikan ko 'to sa wattpad kaya ang saya saya ko nang mabalitaang map-publish na sya. At the same time, nalungkot ako kasi wala akong pambili haha.

Then, all of a sudden, eto na. May hawak na kaagad ako. Ang yaman talaga ni Paul. Ipinagpapasalamat kong nakilala ko sya. Haha.

Noong finally, meron nang dumaan na jeep ay dali-dali na akong sumakay. Nakakatakot na kasi sa waiting shed. Ang dilim na. Haha.

And, hindi ko alam kung coincidence ba 'to o sinasadya ni tadhana, kasabay ko na naman 'yung magjowang nakasabay ko last time. Nung una kong na-encounter 'yung bwiset na si Vincent.

Ayan na naman, naalala ko na naman! Kainis!

Mukhang may LQ sila. Panay ang suyo ni ate mong gay kay boy eh.

Nang mapansin naman ni ate mong gay na nakatingin ako sa kanya ay tumingin rin sya sa akin. Nagulat pa sya.

"Wow, Shorty! It's you!"

Shorty. Shorty? SHORTY?!

Oo maliit ako. Oo 5 flat ang height ko. Pero para tawagin akong shorty? Tangina, ang witty.

Hindi ko sya pinansin. Nang mapansin nyang wala akong balak magsalita ay ibinalik nya ang atensyon nya sa kanyang boyfriend keme.

"Babeee, won't forgive me na already??? Hindi ko na ulit gagawin 'yon, please?" Pabebeng sorry nya.

"Doon ka na sa sugar daddy mo." Cold na sabi ni boy.

Medyo napangiti ako. Sugar daddy. What.

"Darling, hindi ko sya sugar daddy, ok? Kaw naman, super jealous! You really love me! Well, hindi ko naman kasalanang..." medyo tumingin sa akin si ate gay, "maganda ako at matangkad. Don't worry, baby babe, ikaw lang talaga."

Pigilan nyo ako guys. Sasapakin ko talaga 'tong haliparot na baklang 'to. Totoo palang may mga nage-exist na ganito. At nakakainis silang ma-encounter. Naloloka ang bangs ko.

Lumipat sa tabi ko 'yung lalaking kasama niya.

"Kuya para po." Sabi nito.

Tumigil ang jeep. "Una sa lahat, hindi ako nagseselos. Pangalawa, hindi mo ako mahal. Gusto mo lang ako pag nasa kama tayo. Pangatlo, hindi ka maganda. Break na tayo. Bumaba ka na."

"Ano ba naman babe? Ang sama mo talaga sakin! Wag ka namang mag-joke! Sigurado naman ako na magsisisi ka kapag nakita mo akong may ibang boyfriend! Kaya ngayon pa lang, bawiin mo na yang sinabi mo, please?"

Humawak si ate gay dun sa hita ni kuya mong boy.

"Bumaba ka na. Hinding-hindi ako kailanman magsisisi na hiwalayan ka." Sabi ni boy at tinaboy nya na si ate gay. Wala nang nagawa si ate gay kundi bumaba. Umalis na ang jeep.

Aray ko. Sakit noon.

At shemay naman, no? Ang pogi pogi nitong lalaking 'to, hindi pa sya nagawang mahalin nung baklang 'yon? Talagang katawan lang ang habol nya? I mean, kung minahal naman siya nitong lalaking 'to, diba? Kapal naman nya.

Ewan. Di ko alam kung maiinis o maaawa ako dun kay ate gay.

Nagsalita bigla itong lalaking katabi ko. Nag-sorry siya dahil sa inasta nung kasama niya kanina.

Oo, ginamit nya ang term na 'kasama' instead of ex or jowa or gayfriend.

"Oo nga pala. May gusto pala sana akong itanong." Sabi nya.

"Yep?"

"I'm sorry sa question na 'to but, that guy na sumakay din sa jeep the last time magkasabay tayo, boyfriend mo ba talaga siya? I mean, malakas kasi kutob ko na nagpanggap lang kayo noon." Sabi nya.

Natameme ako. Ewan ko ba. Pwede namang sabihin sa kanya na oo. Nagpanggap lang kami. Ang kaso, talaga bang kailangan kong sabihin 'yun?

Bigla namang may pumara na mula sa convenience store. May dala itong yogurt.

Sumakay ito ng jeep at napatingin sa akin. Inisnob nya ako.

Napatingin sya sa lalaking katabi ko and I know, hindi siya ganun ka-makakalimutin para hindi ma-recognize kung sino ito.

Bigla siyang pumagitna sa amin.

"Baby cute sugar pie dunkin donut, I told you sabay tayo ngayon. Bakit mo ako inunahan? I sent you a message. 'Di mo ba na-receive?"

Tumingin naman sya sa katabi nyang lalaki.

"Uy pre, ikaw pala 'yan. Back off ha, akin lang 'to."

---

Continue Reading

You'll Also Like

322K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
685K 17K 59
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
170K 7K 25
Juni had been crushing on Storm for millions of years. But didn't have the courage to confess his feelings 'coz Storm was quite popular-- and unfortu...
348K 6.4K 43
HIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to...