Our Asymptotic Love Story (Pu...

By UndeniablyGorgeous

31.8M 812K 1M

Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at... More

Panimula
f(x - 0)
Kabanata f(x - 1)
Kabanata f(x - 2)
Kabanata f(x - 3)
Kabanata f(x - 4)
Kabanata f(x - 5)
Kabanata f(x - 6)
Kabanata f(x - 7)
Kabanata f(x - 8)
Kabanata f(x - 9)
Kabanata f(x - 10)
Kabanata f(x - 11)
Kabanata f(x - 12)
Kabanata f(x - 13)
Kabanata f(x - 14)
Kabanata f(x - 15)
Kabanata f(x - 16)
Kabanata f(x - 17)
Kabanata f(x - 18)
Kabanata f(x - 19)
Kabanata f(x - 20)
Kabanata f(x - 21)
Kabanata f(x - 22)
Kabanata f(x - 23)
Kabanata f(x - 24)
Kabanata f(x - 26)
Kabanata f(x - 27)
Kabanata f(x - 28)
Kabanata f(x - 29)
Kabanata f(x - 30)
Kabanata f(x - 31)
Kabanata f(x - 32)
Kabanata f(x - 33)
Kabanata f(x - 34)
Kabanata f( x - 35)
Kabanata f(x - 36)
Kabanata f(x - 37)
Kabanata f(x - 38)
Kabanata f(x - 39)
Kabanata f(x - 40)
Kabanata f(x - 41)
Kabanata f(x - 42)
Epilogo
Ang Huling Asimptota
OALS Published Books
Other Stories

Kabanata f(x - 25)

444K 14.2K 16.4K
By UndeniablyGorgeous

A/N: Kung naaalala niyo pa, ang pamilya Valenciano na tinutukoy dito ay ang pamilya ni hukom Hilario Valenciano sa I Love you since 1892. Si Hukom Valenciano ang punong hukom ng San Alfonso na nagpataw ng bitay (Garrote) kay Heneral Sergio Alfonso at Kapitan Corpuz sa I Love you since 1892. Si hukom Hilario Valenciano rin ang nagpatapon kina Juanito sa Bohol. Ang kabanatang ito ay ang kwento ng nakaraan ng pamilya Valenciano at ni Esmeralda.

*********************

[Kabanata 25]

Filipinas 1841

Sa karatig bayan ng San Alfonso naninirahan ang pamilya Tenerio, pagkatawid lamang sa lawa ng luha nakatirik ang kanilang maliit na bahay kubo. Ang ama ng tahanan na si Mang Gilberto ay isang magsasaka sa hacienda Montecarlos na pinapamunuan ni Don Santiago Montecarlos na ama ni Senorito Alejandro Montecarlos.

Habang ang asawa naman ni Mang Gilberto ay si Aling Juana na siya ring tumutulong sa pagsasaka sa hacienda. Mayroon silang tatlong anak, si Esmeralda ang panganay, ang sumunod naman ay si Bartolome at ang huli ay si Puloc.

Si Esmeralda ay labing siyam na taong gulang lamang nang magsimula siyang manilbihan sa pamilya Valenciano. Isa sa mga principales na kabilang sa mayayamang angkan sa bayan ng San Alfonso. Ang angkan ng pamilya Valenciano ay kilala sa larangan ng abogasya, halos lahat ng kalalakihan sa kanilang pamilya ay nakapagtapos ng Abogasya sa Unibersidad de Santo Tomas at sa San Juan de Letran.

Si Esmeralda ay kilala sa galing nito sa pagluluto, kung kaya't siya ang palaging nagluluto ng iba't-ibang putahe para sa pamilya Valenciano. Sa halos apat na buwan na paninilbihan niya sa pamilya Valenciano hindi niya maitanggi na siya ay humahanga sa pamangkin ni Don Rodrigo Valenciano na si Senor Rolando Valenciano.

Si Senor Rolando Valenciano ay isang maginoong binata na mahilig magbasa ng mga libro tungkol sa politika, medisina at matematika. Kilala rin si Senor Rolando sa galing nito sa musika lalo na sa pagtugtog ng piyano. Bukod sa isang maginoo, marami ring mga kababaihan ang humahanga kay Senor Rolando lalo na't isa itong Peninsulares, kastilang pinanganak sa Espanya na ninirahan sa Pilipinas. matangkad, maputi ang balat, kulay tsokolateng mata, matangos na ilong at manipis ang labi. Ilan lamang iyan sa mga katangiang pisikal ni Senor Rolando na labis na hinahangaan ng mga dalaga sa bayan ng San Alfonso.

Samantala, ang anak naman ni Don Rodrigo Valenciano na si Senor Hilario Valenciano ay isang sikat at magaling na abogado. Marami itong napapanalong kaso lalong-lalo na ang mga kasong hawak ng kasalukuyang Gobernador ng bayan na si Don Anastacio Alfonso na siyang ama ni Senorito Mariano Alfonso. Si Senorito Mariano Alfonso ay pitong taong gulang pa lamang ngunit siya ay nakatakda nang ikasal sa batang mestiza na si Senorita Juanita pagtutong nila sa wastong edad.

Malapit sina Senor Rolando Valenciano at Senor Hilario Valenciano sa dalawang batang Senorito na si Mariano Alfonso at Alejandro Montecarlos. Iniidolo ni Senorito Mariano at Senorito Alejandro ang dalawang binatang Valenciano na nakapagtapos na sa pag-aaral at may maganda nang kinabukasan. Kung minsan pa ay palaging pinapaalalahanan at binibiro ni Senor Rolando ang dalawang Senorito na huwag gagayahin si Senor Hilario dahil babaero ito, marami na itong napa-ibig at napaiyak na binibini.

Si Senor Rolando rin ang maestro o unang guro ni Senorito Mariano Alfonso. Siya ang nagturo ng pagbabasa at pagsusulat sa batang tagapagmana ng posisyon bilang Gobernador sa tamang panahon. Naging estudyante rin ni Senor Rolando si Senorito Alejandro Montecarlos na walong taong gulang pa lang ngunit para na itong matanda kung mag-isip at mangatwiran. Si Senorito Alejandro ay isang insulares (Kastilang ipinanganak na rito sa Pilipinas). Sa pagsalin-salin ng lahi nagtataglay ng dugong Kastila ang pamilya Monetcarlos na siya ring kilala bilang pinakamayamang pamilya sa buong lalawigan ng San Alfonso. Makapangyarihan din ang pamilya Montecarlos dahil marami itong koneksyon sa politika lalong-lalo na sa pamahalaang Kastila nan aka-base sa Maynila. Katulad ni Senorito Mariano ang kapalaran at buhay pag-ibig din ni Senorito Alejandro ay napagdesisyunan na. Siya naman ay nakatakda nang ikasan sa anak ng isang mayamang angkan mula pa sa Laguna, ang batang mestiza na si Senorita Soledad Dela Cruz.

Payapa, tahimik, maunlad at masigla ang bayan ng San Alfonso. Lalong-lalo na dahil sa lakas ng pagsasamahan ng mayayamang pamilya sa buong bayan. Nangunguna na ang Pamilya Alfonso na siyang namumuno sa bayan ng halos dalawang daang taon. Sumunod ang pamilya Montecarlos na pinakamayaman sa lahat, sumunod naman ang pamilya Flores na bagama't hindi masyadong aktibo sa bayan ng San Alfonso dahil nanirahan na sila sa Maynila ngunit ang kanilang impulwensiya lalong-lalo na sa larangan ng pakikidigma at hukbo ay hindi matatawaran, pinaniniwalaan na ang bagong silang na sanggol sa pamilya Flores na si Senorito Vicente Flores ang siyang magtataas muli sa pangalan ng kanilang pamilya.

Sumunod naman ang pamilya Valenciano na siyang kilala bilang pamilya ng mga abogado at manananggol. Katuwang nila ang pamilya Fernandez na kilala ring pamilya ng mga abogado na kilala naman sa Maynila. Habang ang pamilya Valdez naman ay kilalang malapit na kaibigan, mga guro, pilosopo at tagapagpayo ng pamilya Alfonso at Montecarlos.

Si Senor Rolando Valenciano ay isang tahimik at maprinsipyong tao. Bagama't isa siyang purong Kastila, kailanman ay hindi niya tinuring na iba o mas mababa ang mga Pilipin. Madalas niyang tulungan ang mga Indio lalong-lalo na ang mga naaapi ng mga guardia civil. Ang katangian niyang iyon ang labis na hinahanggan ni Esmeralda, matagal na siyang may lihim na pagtingin sa binatang kastila.

Bagama't si Esmeralda ay kabilang sa mababang uri ng antas ng pamumuhay, tinuturing man siya at ang pamilya niya na Indio at mga alipin ng Kastila para kay Senor Rolando ay isa siyang espesyal na Binibini. Maganda si Esmeralda, maliit lamang siya ngunit agaw pansin ang ganda ng kaniyang mukha, maputi at makinis ang kaniyang balat dahil may lahi siyang Intsik. Ang kaniyang ina na si Aling Juana ay isang intsik.

Maging siya ay hindi nakaligtas sa panunuyo ni Senor Hilario Valenciano na siyang magiliw sa mga babae, ngunit batid ng ni Senor Hilario na ang napupusuan ni Esmeralda ay ang pinsan niya na si Senor Rolando.

Naging malapit si Esmeralda at Senor Rolando nang minsang umulan ng malakas sa bayan, kakagaling lamang ni Senor Rolando sa munisipyo habang si Esmeralda naman ay papauwi na sana mula sa palengke dahil kailangan niyang dalhin ang halamang gamot na binili niya para sa kapatid niyang si Puloc na inaapoy na ng lagnat.

Naabutan sila ng malakas na ulan, pinatigil muna ni Senor Rolando ang kaniyang kalesa at sumilong sa labas ng pintuan sa simbahan ng San Alfonso, nagkataon namang iyon lang din ang tanging masisilungan ni Esmeralda kung kaya't sumilong din muna siya roon.

Nakasarado ang simbahan kung kaya't nasa labas lamang sila ng pinto. Huli na nang mapagtanto ni Esmeralda na ang ginoong nasa tabi niya ay si Senor Rolando na siyang hinahangaan niya. "Marahil ay may importante kang patutunguhan upang magpabasa ka sa ulan ng ganiyan" wika ng binata ng magtama ang tingin nilang dalawa.

Hindi naman agad nakapagsalita si Esmeralda, halos sumabog na ang kaniyang puso dahil hindi niya inaasahang kausap na niya ngayon ng harap-harapan ang Ginoong pinapangarap at tinatanaw lang niya noon sa di-kalayuan. "Hindi ba't ikaw ay isa sa mga kasambahay ni Tiyo Rodrigo?" patuloy ni Senor Rolando. Tumango naman si Esmeralda bilang tugon sa tanong ng binata.

Sandali silang napatahimik, muling sinulyapan ni Esmeralda si Senor Rolando na isang dipa lang ang layo mula sa kaniya, mariin niyang pinagmasdan ang kakisigan at kagwapuhan ng binatang Kastila na kasalukuyang pinagmamasdan ang buhos ng ulan.

Ilang sandali pa'y inilahad ni Senor Rolando ang kaniyang palad sa tapat ng ulan upang saluhin ito "Sa tingin mo... Bakit kaya umuulan ngayon?" tanong pa muli ni Senor Rolando habang nakatitig pa rin ito sa sa pagbuhos ng ulan.

Napalingon na rin si Esmeralda sa malakas na buhos ng ulan, "Hindi ko alam Senor... marahil ay umiiyak muli ang diwata ngayon" sagot ni Esmeralda na dahilan ng biglaang pagngiti ni Senor Rolando. Napasulyap ang binata sa kaniya "Iyong nabasa na rin pala ang Alamat ng Ulan" wika ni Senor Rolando habang nakangiti ito, bihira lamang siya makakilala ng taong nagbabasa ng ganoong klaseng literatura lalong-lalo na sa isang Pilipina.

"Hindi ho, hindi ho ako marunong magbasa... ikinuwento lang ho sa akin iyon ni inay" sagot ni Esmeralda. Sandali namang napatahimik si Senor Rolando, binabagabag ng konsyensiya dahil tanging mga mayayaman at Kastila lamang ang maaaring mag-aral.

"Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil umuulan ngayon..." Saksi ang ulan sa puso kong nag-uumapaw na sa saya ngayon. Ang bulong ni Esmeralda sa kaniyang sarili, nang magtama ang paningin nilang dalawa hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman... pakiramdam na kung saan parang nagkakilala na sila noon pa man.

Hindi nagtagal halos araw-araw at gabi-gabing nagkwekwentuhan si Senor Rolando at Esmeralda, Naging malapit din ang loob ni Senor Rolando sa mga magulang at kapatid ni Esmeralda lalong-lalo na kay Bartolome na siyang tinuturuan din niyang magbasa at magsulat, naging malapit din ang loob ni Senor Rolando kay Puloc na bunsong kapatid nila Esmeralda na hindi nakakapagsalita.

Madalas ding dalawin ni Senor Rolando sa kusina si Esmeralda na siyang kasambahay at tagapag-luto ng pamilya Valenciano. Sa kanilang madalas na pagkwekwentuhan nalaman ni Senor Rolando na mahilig sa matematika si Esmeralda.

Isang gabi alas-dose na ng hatinggabi, habang umuulan ng malakas sa labas nasa kusina lamang si Esmeralda at nagsusulat sa kaniyang kuwaderno, tanging ang isang kandila lamang na paupos na ang nagsisilbing liwanag sa buong kusina. Nakaupo siya sa tapat ng mesa at taimtim na nagbibilang gamit ang Sistema ng aritmatika (Arithmetic).

Ilang saglit pa, nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto sa kusina at pumasok ang isang lalaki, "S-senor Rolando" gulat na wika ni Esmeralda na muntikan pang mahulog sa upuan dahil sa matinding pagkabigla.

Napangiti naman si Senor Rolando, "Paumanhin kung nabigla kita, Ako lamang ay naghahanap ng maaaring kainin sapagkat ako'y nagugutom na" tugon ni Senor Rolando, agad namang tumayo so Esmeralda at dali-dali niyang sinindihan ang pugon upang initin ang natirang ulam na niluto niya kaninang hapunan.

"Sandali lamang ho Senor, iinitin ko lang ho ang natirang kaldereta kanina" wika ni Esmeralda habang abala sa paglalagay ng gatong sa pugon. Kahit nakatalikod siya sa binata ramdam na ramdam pa rin niya ang paghakbang nito papalapit sa mesang inuupuan niya kanina.

"Malalim na ang gabi, bakit ikaw ay gising pa? Ano ba ang iyong pinagkakaabalahan?" tanong ni Senor Rolando sabay tingin sa kuwaderno ni Esmeralda na naiwan niyang bukas. Napangiti siya nang makita ang numerong nakasulat sa kuwaderno ng dalaga. "Ikaw pala ay mahilig rin sa matematika" wika pa ni Senor Rolando na ikinapula ng pisngi ni Esmeralda. Nais sana niyang bawiin sa kamay ng binata ang kaniyang kuwaderno ngunit mas nahihiya siyang lumapit sa kaniya.

"Para sa akin ho ay mas madali intindihin ang mga numero kaysa sa mga letra sa alpabeto" wika ni Esmeralda na ikinangiti muli ni Senor Rolando. Ang bawat salitang binibitiwan ng dalaga ay nagpapangiti sa kaniya sa di niya malamang dahilan.

Kinuha na ni Senor Rolando ang kuwaderno at inilipat ang mga pahina nito, mas lalo siyang napapangiti sa mga numerong nakasulat doon. May napansin din siyang isang salita na nakasulat doon sa wikang Kastila "Nais mo rin bang matuto ng wikang Kastila? Handa akong turuan ka" tanong pa ni Senor Rolando at naupo na ito sa katapat na upuan sa mesa. Habang si Esmeralda naman ay nakatayo sa tapat ng pugon habang hinahalo ang kaldereta sa palayok ngunit napatigil siya nang marinig ang alok ng binata. Agad siyang napalingon kay Senor Rolando nang may malaking ngiti sa labi.

"Talaga ho Senor?" gulat na may halong galak na wika ni Esmeralda. Tumango-tango naman si Senor Rolando habang nakangiti rin ito ng todo. Muntikan nang maihagis ni Esmeralda sa kisame ang sandok na hawak niya dahil sa sobrang tuwa. "Maraming Salamat ho Senor!" habol pa ni Esmeralda na hindi pa rin makapaniwala na matututo na siyang magbasa at magsulat.

"Walang anuman... basta para sa iyo Esmeng" tugon ni Senor Rolando na ikinagulat ni Esmeralda, lumulukso na ngayon ang puso niya dahil tinawag siya ni Senor Rolando sa kaniyang palayaw. "Mula ngayon Esmeng na rin ang itatawag ko sa iyo... Ako naman si Landong" ngiti pa ni Senor Rolando sabay lahad ng palad niya kay Esmeralda, napatitig naman si Esmeralda sa kamay ng binata at sa pagkakataong iyon parang awtomatikong sumilay muli ang ngiti sa kaniyang labi.

Iniabot na niya ang kaniyang kamay sa kamay ni Senor Rolando na marahan naman nitong hinalikan.


Lumipas ang ilang buwan mas lalong naging malapit sa isa't-isa si Esmeralda at Senor Rolando, lalong-lalo nan ang malaman ni Senor Rolando na mahilig din pala sa musika si Esmeralda at nais nitong matuto tumugtog ng piyano. Halos araw-araw tinuturuan ni Senor Rolando si Esmeralda tumgtog ng piyano, umaraw man o umulan patuloy lang sila sa pag-eensayo hanggang sa natuto na rin si Esmeralda.

Ang paborito nilang tugtugin na magkasama ay ang Canon in D na nilika ni Johann Pachelbel na taga-Alemanya. "Sa tuwing naririnig ko ang musikang ito ikaw ang naalala ko... habambuhay kitang maalala iyan lamang ang tanging maipapangako ko sa iyo" biglang wika ni Senor Rolando nang matapos nilang tugtugin ni Esmeralda ang musikang iyon.

Napalingon naman sa kaniya si Esmeralda ng may pagtataka sa mukha dahil hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng binata "Ano ho ulit iyon Senor?" tanong ni Esmeralda, bigla namang napailing si Senor Rolando. "Wala... kalimutan mo na ang aking sinabi" wika ng binata, bakas sa mukha niya ang kalungkutan at pag-aalilangan.

Nakaupo silang dalawa ngayon sa isang pahalang na upuan sa tapat ng piyano, habang umuulan sa labas at pumapasok ang malamig na hangin mula sa bintana sa bandang likuran nila. Sandali silang nanahimik ng ilang minuto habang ang malakas na buhos ng ulan lang ang umaalingangaw sa buong tahanan. Napayuko na lang si Esmeralda, matagal na rin niyang alam na nakatakda nang ikasal si Senor Rolando sa isang kastilang dalaga mula sa Maynila.

Ilang sandali pa ay iniangat ni Senor Rolando ang kaniyang daliri at muling tumugtog sa piyano. Mas mabagal, mas malalim at mas malungkot na musika na animo'y nagpapahayag ng kanilang nararamdamn ngayon. "Oro para que nos encontremos en una situación diferente, Donde no hay nadie que pueda detenernos...De enamorarse" (I pray that we find ourselves in a different situation, Where there is no one who can stop us ... From falling in love) wika ni Senor Rolando. Hindi naman nakaimik si Esmeralda, kahit pa hindi niya nauunawaan ang sinabi ng binata batid niyang nagpapaalam na ito sa kaniya.

Biglang napatigil sa pagtugtog ng piyano si Senor Rolando, tumayo siya at lumabas sa kwarto. habang si Esmeralda naman ay nanatiling nakayuko lang doon at nakatitig sa tapat ng piyano, napakabigat na ngayon ng kaniyang dibdib at unti-unti nang pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata na matagal na panahon na niyang pinigilan. Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto, naglakad papalapit sa kaniya si Senor Rolando may dinukot itong puting papel sa kaniyang bulsa at iniabot kay Esmeralda. "Ginawa ko ang tulang ito para sa iyo" wika ng binata ngunit hindi siya pinansin ni Esmeralda, sa pagkakataong iyon tuluyan nang bumuhos ang luha ni Esmeralda na pumapatak na rin sa tipahan ng piyano.

"Batid kong alam mo na ang lahat, hanggang dito na lang siguro tayo, hindi tamang ipagpatuloy natin ito" tugon pa ni Senor Rolando at agad niyang hinawi ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata. "G-gaya ng pangako ko sa iyo, hinding-hindi ka mawawala sa isipan ko... habambuhay kang tatak sa puso ko" patuloy pa ni Senor Rolando at dahan-dahan niyang binuklat ang papel na hawak niya kahit pa nanginginig ang mga kamay niya. "Pinamagatan ko ang tulang ito na... Mi viejo amor mi viejo corazón" (My Old love, My Old Heart)

"H-hayaan mong basahin koi to para sa iyo sa huling pagkakataon..." wika pa ni Senor Rolando, sinusubukan niyang huwag ipakita kay Esmeralda na siya'y nasasaktan at lumuluha ngayon ngunit hindi na niya kaya pang pigilan ang sakit na nararamdaman niya.

"Cada gota de lluvia muestra nuestro amor por el otro,

El viento sopla que trajo la diversa sensación de un amargo dulce amor que hemos experimentado,

Espera mi amor que no se perderá,

Tu amor es lo único que esperaba"

(Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan,

Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan,

Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam,

Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam)


"Sinuestro destino era como un número que parece suceder una y otra vez, 

Si la lluvia nos hace sentir sombríos y desesperados,

Aunque hay muchas cosas que se convertirán en un obstáculo,

En otra vida, te encontraré y te haré saber el amor que tuve por ti-----"


(Kung ang kapalaran natin ay tulad ng numero na paulit-ulit,

Maging ang buhos ng ulan na lamig at lungkot sa atin ay hatid

Kahit pa maraming bagay at pangyayari na maging balakid

Sa susunod na buhay, ikaw ay hahanapin ko at ang pag-ibig ko sa iyo'y ipababatid)


"Ano bang ang nais mong ipabatid? Bakit hindi mo na lang diretsuhin?" galit na tugon ni Esmeralda, bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang galit, lungkot, at sama ng loob. sandali namang hindi nakapagsalita si Senor Rolando.

Napahinga ng malalim si Senor Rolando at naupo siya sa tabi ni Esmeralda sa tapat ng piyano, Batid nilang dalawa na ito na ang huling pagkakataon na makakapag-usap sila dahil sa darating na Lunes ay sa hacienda Montecarlos na maninilbihan si Esmeralda, siya ay magiging tagapag-alaga ni Senorito Alejandro Montecarlos.

Ilang sandali pa dahan-dahang hinawakan ni Senor Rolando ang kamay ni Esmeralda. dahan-dahan din siyang lumapit kay Esmeralda hanggang sa maitapat niya ang kaniyang labi sa tenga ng dalaga sabay wika "Lo Siento Te amo... Esmeralda" (I'm sorry, I love you... Esmeralda)

Y seguiré diciendo eso ... Hasta que nos encontremos otra vez" (And I will still say that... Until we meet again)


Aleeza...

******************

Featured Song:

'Hinahanap pa rin' by Morissette

A/N: Sa mga hindi pa nakakabasa ng I Love you since 1892 mas maiintindihan niyo kung babasahin niyo muna ang I Love you since 1892 dahil connected talaga ang story na ito sa I Love you since 1892. Iyon lang hehe. Maraming Salamat and God Bless you all <3

"Hinahanap pa rin" by Morissette

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 147K 46
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at...
5.6M 182K 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran n...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
1.6M 89K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...