Barbie Girl

By thephantelle

628K 14.1K 3.1K

❝Hi! Ako si Kathryn at isa akong manika!❞ More

Barbie Girl [KathNiel]
01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.

14.

16.2K 409 88
By thephantelle

BARBIE GIRL
CHAPTER FOURTEEN

 (Daniel)

"Tita Ai, Lola Adele, ako nalang po!!"

Aish. Ang ingay naman ng babaeng 'to. "Ano ka ba, hija?! Kaya na 'yan ni Daniel. Tsaka tulungan mo na lang kami maghain dito." Saad ni mama kay Kathryn. Pinapabili kasi ako ni mama at ni lola ng Coke at Sprite sa tindahan. Malapit lang naman dito 'yung tindahan. Walang kaso sa akin 'yon. Eh etong si Manika, gustong siya ang bumili. Ewan ko ba kung anong trip niya.

"Ako na, Kathryn. Ang kulit mo naman, eh!" Sabi ko kay Kathryn.

Binelatan lang niya ako. Tae! Manika ba 'to? "Hindi! Okay lang po talaga sa akin. Tsaka sa kanto lang 'yon. Kanina niyo pa po kasi inuutusan si Daniel baka pagod na po siya. Tsaka may bibilhin din po ako. Kaya ako nalang po!!!" Nakng! Ang kulit talaga ng manikang 'to.

"Ano namang bibilhin mo?" Tanong ko kay Kathryn.

"Yung binigay sa akin ni baby Xyriel. Ano nga 'yun, baby Xyriel? Yung nginunguya tapos pwede mo gawing bubbles? Nagsisimula sa letter P! Pin...pinto?!" Napakamot pa sa ulo si Kathryn habang inaalala 'yung bubble gum na binigay sa kanya kanina ni Xyriel. 

"Pintura, ate Kathryn." Sabi ni Xyriel.

"Ah, Pintura! Ako nalang po bibili, ha?" Nakangiti pa niyang saad kay mama at kay lola. Hay. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Manika nga daw, eh.

"Sasamahan na kita." Tatayo na sana ako pero tinulak ako ni Kathryn kaya napaupo ulit ako sa sofa. Anak ng. Ano bang balak ng babaeng 'to? "Problema mo?"

"Anong sasamahan mo ako? Edi sana ikaw nalang bumili!" Sabi niya tsaka sinamaan ako ng tingin. "Ako ng bahala! Intayin niyo na lang ako!" Dagdag pa niya.

"Sigurado ka?"

"Oo nga! Ang kulit." Nilagay na ni Kathryn ang pera na ibinigay ni mama. "Bye po tita Ai at lola Adele! Babalik po ako kapag nakabili na ako!" Nakangiting sigaw ni Kathryn at patakbong lumabas ng bahay ni lola. Sinundan ko ng tingin si Kathryn at mukhang kaya na naman niya.

"Kuya, ate Kathryn is better than Mich." sabi ni Xyriel at patakbong pumunta kay mama.

Hindi ko naman hinihingi opinyon ni Xyriel, ah! Labo. Parang si Kathryn lang.

(Kathryn)
"Hi ate! Ang cute mo naman. Ako po pala si Kathryn. Pabili po ako ng Coke at Sprite, 1 liter po pareho. Tsaka po thirty pesos na Pintura. Thank you po!" Masaya kong saad kay ateng nagtitinda. Ang saya. Hihihihihihi. Feeling ko tuloy independent na ako dahil marunong na akong magbayad at kumuha ng sukli mag-isa. Hihihihihihihi! So happy!!!

"Bolera ka, teh. Kunin ko lang 'yung Coke at Sprite.." Nakangiti saad ni ateng nagtitinda.

Ano ba 'yan si ateng nagtitinda. Siya nga ang tinawag ko na ate pero tinawag niya rin akong 'teh. Hihihihihihi. Pero cute pa rin siya. Ang laki-laki ng cheeks niya parang Siopao. Pinakain ako ni Trina ng Siopao, eh. Ang sarap tapos ang lambot. Hihihihihi!

"Eto oh." Inabot sa akin ni ateng nagtitinda ang Coke, Sprite at yung mga Pintura na nakalagay sa malaking plastik. Inabot ko ito at nginitian si ateng nagtitinda. "Marami pong salamat!"

Habang masaya akong naglalakad pabalik sa bahay ni lola Adele ay may nakita akong color pink na feather. Wow! Ang cool! And ang cute!! Hihihihi. First time ko 'tong makita sa planet Earth. Madalas ko kasi 'to nakikita sa Barbie World. Sinundan ko 'yung pink na feather kasi lumilipad-lipad siya. Napatakbo na ako dahil tinatangay ng wind 'yung feather.

"Gotcha! Yay!" Sabi ko. Sa wakas, tumigil din 'yung feather. Pagkapulot ko sa pink na feather, nakita ko si Mich sa harapan ko at may kausap siyang lalake.

Omo! Paano nangyari 'yon?

Sinusundan ko lang 'yung feather tapos nakita ko na si Mich?!

Amazing! Omo! Omo! Iniligay ko sa plastik yung feather at nagtago sa likod ng puno. Baka kasi makita ako ni Mich tapos irapan na naman niya ako. Ang taray kasi niya, eh.

Hmmm, hindi po ako tsismosa! Pero naririnig ko kasi 'yung pinaguusapan ni Mich at nung lalake. Ang lakas kasi ng boses nila. Tsaka feeling ko kailangan kong makinig.

Feeling ko lang.

"What? Sisigawan mo ba ako?" Mataray na saad ni Mich sa lalake.

"Ano ba, Mich?! Umayos ka nga. Ano bang nangyayari sayo? Palagi ka nalang ganyan. Para kang kulang sa pansin!" Omo! Nakakatakot 'yung lalake. Parang galit na galit.

"Kulang sa pansin? What the hell?! Syempre, kulang ako sa pansin! Simula nang maaksidente 'yung kapatid ko, wala ng pumapansin sa akin! Naiintindihan mo ba ako? Hindi, diba? Kasi hindi ka naman nawalan!" Nagulat ako kasi biglang may tumulong tubig sa kaliwang mata ni Mich. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Hindi ko alam pero gusto ko siyang yakapin kasi nasasad ako sa kanya. "Masakit kasi. Para bang wala na akong puwang sa mundong ito. Pati magulang ko sinisisi ako. Hindi ko naman sinasadya, eh! Wala naman akong alam noong mga panahong iyon. Ang sakit, sobrang sakit."

"Mich... nandito naman ako, eh." 

Sumakit ang ulo ko sa mga narinig ko. May kapatid si Mich na nawawala or what? Hindi ko alam na may ganitong palang pinagdadaanan si Mich. Grabe. Parang ganito 'yung mga napapanuod ko sa movies. Ang sakit naman sa ulo ng mga nalaman ko. 

Wala na muling nagsalita sa kanila kaya naisipan kong umuwi na sa bahay ni lola Adele. "Bakit ang tagal mo?" Muntik ko ng mabitawan 'yung plastik dahil kay Daniel. Nakasandal siya sa may gate tapos parang kakainin niya ako sa mga tingin niya. Omo! Alam ko na ang ibig sabihin ng ganitong titig ni Daniel. Omo! Omo! Ibig sabihin, angry siya.

"Uhmmm... traffic kasi." 

"Anong traffic? Hindi ka naman nagdrive, eh. BAKIT ANG TAGAL MO?" Pinanlakihan ako ni mata ni Daniel. Omo! Omo. Nakakatakot talaga si Daniel kapag ganito yung itsura niya.

Lumapit ako kay Daniel at hinawakan ang braso niya. Ayaw kong sabihin kay Daniel na nakita ko si Mich. Tuwing nababanggit ko kasi ang pangalan ni Mich, parang may kung anong meron sa mata ni Daniel. Parang namimiss niya talaga ng todo si Mich. 

Ang swerte ni Mich, sa totoo lang.

"Daniel, sorry na. Kumain na tayo sa loob. Nag-iintay na sila tita Ai tsaka si lola Adele." Malambing kong sabi sa kanya at hinila siya papasok.

Habang kumakain, hindi pa rin mawala sa mind ko 'yung narinig ko. Tsaka bakit ko namang kailangang marinig 'yon? Omo! Hindi kaya... ang mission ko ay ang tulungan si Mich maging maayos? I mean, maging nice? Omo! Paano ko ba tatawagan si Barbie Superior?

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si tita Ai at si lola Adele sa pagliligpit. Nanunuod si Daniel sa sala samantalang nakatulog si baby Xyriel sa tabi ni Daniel. Ang cute nga nilang tingnan, eh. Para talaga silang mag-kuya. Cute siblings! Hihihihihihi! Gandang lahi!

 "Kathryn, aalis muna kami ng lola Adele niyo. Ikaw na munang bahala kay Daniel at Xyriel, ah. Baka mamayang gabi na kami bumalik. Basta, i-text mo na lang ako kung may problema ah? Pasensya na," Saad ni tita Ai sa akin.

Nginitian ko si tita Ai. "Okay lang po sa akin tita Ai. Mag-ingat po kayo!"

Tumango si tita Ai at pinat ang braso ko. Pagkatapos, pumunta siya sa sala at nagpaalam kay Daniel at hinalikan si baby Xyriel sa noo. Napangiti ulit ako. Ilang buwan ko na rin silang kasama. At sa mga buwan na iyon, nafeel ko na belong ako sa family nila. Ewan ko. Pero ang saya. Parang tuwing kasama ko sila, bumibilis ang tibok ng puso ko. Happy ako tuwing magkakasama kami. Super duper love ko 'tong feeling na 'to. Swerte ko nga at dito pa ako napadpad.

Omo! Ba't ako nagdadrama?!

Eto 'yung napapanuod ko sa movies, eh. 'Yung tipong magdadrama 'yung bida tapos mamamatay na siya kinabukasan. Omo! Mamamatay din ba ako bukas?

"Omo! Aray! Daniel, ba't mo naman binato 'yung unan." Sigaw ko kay Daniel.

"Eh, para kang sira diyan! Ano bang iniisip mo?" Sigaw rin ni Daniel.

Hihihi! Nagsisigawan kami. Pinulot ko ang unan at pumunta sa sala. Tulog pa rin si baby Xyriel at nakahiga siya sa may hita ni Daniel. Ang cute-cute! Nakakagigil.

"Wala akong iniisi-,"

"Syempre, wala kang utak." Sabat ni Daniel bago pa man ako makatapos sa sinasabi ko. Ang labo ni Daniel. Minsan, cool. Minsan, halimaw.

Hindi pala. Madalas, halimaw.

"Ba't ang yabang mo?" Sabi ko sabay pout. Hihihihi! Feeling ko ang cute ko kapag nagpapout. Kaya lagi akong nagpapout. Para palagi akong cute katulad ni baby Xyriel.

"Wag kang pa-cute." Mataray na saad ni Daniel sa akin. Tumingin siya kay baby Xyriel at tumingin ulit sa akin. "Nakausap mo na ba ulit 'yung Barbie Superior mo? Aish, ang bakla!"

Hihihihi. Hindi talaga matatapos ang salita ni Daniel hangga't wala siyang masamang sinasabi. Wala, eh. Si Daniel 'yan, eh. "Hmm, hindi na nga. Teka, ba't ka ba interesado?"

"Sabihin mo sa akin kung... pinapauwi ka na niya."

"Gusto mo na ba talaga akong magdisappear?" Nakapout kong tanong.

Pinat niya ang ulo ko at ngumiti. "Ayaw kitang mawala. Basta, sabihin mo sa akin kung aalis ka na dito. Kung... babalik ka na sa mundo niyo."

"Eh, bakit muna?" Tanong ko. Hindi na ako nagpout, para akong duck, eh. Hihihihi.

"Nawala na sa akin si Mich. Kapag nawala ka pa, baka mabaliw na ako. Kaya kung pwede lang wag ka munang umuwi sa inyo. Dito ka muna... sa tabi ko."

Normal bang mamula ang cheeks sa mga moments na ganito?

END OF CHAPTER FOURTEEN
GOD BLESS!

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 1.4K 39
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
6.6K 473 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
49K 1.9K 33
Si Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay...
84.8K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...