Out of Bounds (Ugly Past Seri...

By Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... More

Out of Bounds
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 18

982 20 16
By Crizababe

Chapter 18

Sophie


Tumatak sa aking isipan ang lahat ng nalaman ko tungkol sa pamilya ni Derrick. Isang linggo na ang lumipas mula noong pumirma ako ng contract pero hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako.

Dalawang tao na ang nakapagsabi namay kamukha ako. It was okay though but the thing is, I look like Sir Tirso's mistress. Sa dinami daming tao sa mundo na pwede kong maging kamukha, sa isang kabit pa.

I wonder how Derrick thinks of me. Did he think of me that way too? Nakikita niya rin ba sa akin ang mukha ng babaeng sumira sa pamilya niya?

I shrugged the thought in my head. I'm driving and I don't want any distractions. Tinignan ko ang hardbound copy ng thesis ko na nasa katabing upuan ko. I hope Derrick's not busy today so I could give it to him.

Ilang minuto ang lumipas at narating ko ang Castellum International. I parked my car outside the building and immediately went straight to the front desk.

"Hi, I'm Sophie Lim. I'm here to see Mr. Derrick Castillo," ibang front desk officer itong kausap ko ngayon. This one looks stricter than the first one I met days ago.

"Alright, let me check his schedule first Miss Lim."

Tumango ako at naghintay sa go signal niya. It's already four in the afternoon, nasa office pa kaya siya sa ganitong oras? I didn't bother telling him that I'm going to pay a visit since I was really preoccupied with the finals. Right after my last subject for today, dumeretso na agad ako dito.

"I'm sorry Miss Lim, but you don't have any scheduled appointment with the COO today. He's occupied until five. Is this urgent?" kunot noo niyang tanong.

Tinignan ko ang hawak kong hardbound thesis. Sayang naman kung hindi ko ito maibibigay sa kanya. Next week pa ako muling makakabalik dito sa Castellum para sa internship ko but I really want to give this to him right now. Kasali siya sa acknowledgement ng thesis ko at malaki talaga ang naitulong niya para matapos ko ito.

"Hindi naman. I just want to give him this," pinakita ko ang thesis ko sa front desk officer. "You said he's busy until five, right?"

She gave me a bored nod and tapped her fingers on the desk. "Okay, I guess I'll wait for him here in the lobby," sagot ko.

She ushered me to take my seat first on the couch. On the first quarter of the hour, I just sat there looking at the elevator to open. Sa tuwing bumubukas ito ay inaabangan ko agad kung sino ang lalabas, hoping it would be him. Pero laging ibang tao ang lumalabas galing doon.

It was almost five when I noticed that the lobby was starting to get crowded. Uwian na rin siguro ng mga empleyado nila kaya isa-isa na silang bumababa.

Inayos ko ang damit ko pati na rin ang buhok ko. Ilang araw ko na siyang hindi nakita. I don't know but I suddenly felt giddy with the thought of seeing him. Huli naming pagkikita ay noong pumunta ako sa condo niyang lasing. He said that he missed me but I didn't exactly felt it was sincere. Because if he was, he'll find a way to see me.

Damn it Sophie! Ayan na naman ang pagiging selfish mo. Ilang beses ko bang kailangan paalalahanan ang sarili ko na kaibigan lang ako at wala akong karapatang mag demand ng higit pa sa kayang ibigay na atensyon at oras ni Derrick?

The elevator pinged again and I fixed my attention there to see if I'll see Derrick. Hindi naman ako nabigo nang iniluwa noon si Derrick. Agad akong napangiti dahil makakausap ko na siya muli, ngunit naging hilaw ang ngiti kong iyon nang makita ko ang kasama niyang babaeng nakakapit sa braso niya.

They were both laughing about something and they looked like they don't give a damn fuck on what people around them would say. I know the girl he's with. It's Jillian, the store owner who participated on my study.

Bahagya silang tumigil ilang metro ang layo mula sa elevator at patuloy na nag usap. He seems having fun with their topic and I don't want to ruin it. Biglang umurong ang tapang ko. I have to remind myself that I am not in my own territory to create a scene. I'm here in Castellum and in this company, I'm just a fucking intern.

"Tingin mo, kailan kaya magpapakasal si Sir Derrick at Miss Jillian?" tanong ng isang lalakeng empleyado sa kasama niya. I can hear them from where I stand, at katulad ko ay pinapanood din nila ang dalawa.

"Hindi ba matagal ng usap usapan na magpapakasal sila? Iyon naman ang gusto ng mga pamilya nila. Ewan ko ba kung bakit ang bagal nitong si Sir Derrick. Kung sa akin irereto iyang si Miss Jillian, bukas na bukas agad pakakasalan ko siya."

I can't help but get weak with what I just heard. Kasal? Ibig sabihin ba ay matagal na silang ipinagkasundo ng pamilya nila?

"Eh baka naman hindi pa ready si Sir Derrick. Sa yaman niyang 'yan, hindi siya mahihirapan maghanap ng mapapangasawa. Maybe he's just enjoying his bachelor life before tying down. Ang bata niya pa para magseryoso."

"Gago! Ginaya mo naman siya sayo na puro chix ang laman ng utak. Umuwi na nga tayo dude."

Now my mind is in full haywire. Pinaghalong dismaya, tampo, at selos ang nararamdaman ko. I clutched the hardbound copy of my thesis as I stormed off the lobby. Hindi ko na nagawang tingnan ulit sila Derrick at Jillian. Hindi ko sila kayang tingnan, dahil... nasasaktan ako.

Inis kong inalis ang luhang nangingilid sa mga mata ko. Putangina! Ito na nga ang sinasabi ko eh. Simula pa lang noong nasa Davao pa ako ay nakikita ko na kung saan papunta itong kabaliwan ko.

I knew from the very start that what I feel is not just plain platonic. It was more than that! Araw-araw namimiss ko siya, na tila ba hindi ako magiging maayos pag hindi ko siya makita o maka-usap man lang. All these months that I've known him, I admit I was dependent on him like he holds my life. I'm so damn stupid! Now, all the vague feelings that I had came surfacing slapping me with the truth.

I am falling for Derrick Hugh Castillo. I messed up big time!

Ano, sila na ba ni Jillian? Are they engaged? What? Kaya ba hindi na masyadong nagpapakita si Derrick sa akin dahil nakatali na siya sa iba? Kaya ba unti-unti siyang lumalayo dahil iniiwasan niyang masira ang kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Jillian? Fuck!

Pinatunog ko ang sasakyan ko at agad na umalis sa lugar na iyon. My tears almost blocked my vision as I drive my way far from Castellum.

I said that I'd go to Davao to heal from my failed relationship with Daryl, hindi ko pinlano na makahanap ng bagong pag-ibig. Maybe it was a wrong decision to go there because in the middle of my process of healing from the pain, I found myself falling with someone new.

Inis kong initsa ang hardbound thesis ko sa sofa nang makauwi ako. Ano na ngayon? Itutuloy ko pa ba ang internship ko? If I'd back out, anong sasabihin kong dahilan kay Derrick? Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ako uurong dahil mahal ko na siya at nasasaktan ako dahil may Jillian na naghihintay para sa kanya.

Bakit ba kasi ang tanga ko? Sana noong nagsismula pa lang ay inunahan ko na. Yung mga panahon na hinahanap hanap ko ang presensya niya, dapat doon pa lang ay itinigil ko na para hindi humatong sa ganito.


It's already sem break and I kept myself occupied by managing the poultry farm. Pinag bakasyon ko ang ilan sa mga empleyado ko para mabisita nila ang mahal nila sa buhay na yumao na at ang tanging nagpaiwan lang ay si Tatay Norman at isang security guard.

"Ineng, hindi mo ba bibisitahin ang ama mo?" untag ni Tatay Norman nang mahanap niya ako sa may free range area. Bukas ay unang araw na ng Nobyembre.

Inayos ko ang lalagyan ng pagkain ng mga manok at nilingon siya. "Mamaya pong hapon bibisita ako. Hindi ko na ipagpapabukas dahil mas maraming tao sa sementeryo."

"Kung ganoon ay humayo ka na habang may araw pa. Huwag ka na magpagabi dahil dadagsa na ang mga tao sa ganyang oras."

"Pagkatapos ko pong pakainin itong mga manok ay aalis na ako, Tay."

Umiling iling siya ay kinuha ang maliit na sako ng feeds. "Ako na ang bahala dito Ineng. O sige na, ikamusta mo na lang ako sa ama mo."

Ngumiti ako at hinayaan na lang siya sa kagustuhan niya. Tatay Norman still talks about Papa like he's alive. Pag napag-uusapan namin ang ama ko ay parang nawawala sa isip ko na patay na pala siya.

Bumili muna ako ng bulaklak sa pinakamalapit na flower shop at dumeretso na sa sementeryo kung saan nakahimlay si Papa. Konti pa lang ang tao sa lugar ngunit makikita mo na ang iilang tents at vans ng mga pamilyang may planong mag overnight.

Lumuhod ako sa tapat ng puntod ni Papa at kinuha ang basahan mula sa isang plastic na kinuha ko pa sa farm. I wiped away the dirt on his grave and lighted a candle when it was already clean saka ko inilagay ang basket ng bulaklak doon.

Ilang oras akong nanatili doon at kinausap si Papa. I really miss him so much. Sana lang ay kahit wala na siya ay gabayan niya pa rin ako kung nasaan man siya ngayon. I miss my mother as well pero mas namimiss ko ang ama ko dahil mas malalim at matagal ang pinagsamahan namin kumpara sa ina ko. I was three years old that time when she left us. Nasaan na kaya siya ngayon?

Nang mag alas singko na ay umalis na ako at nagpaalam kay Papa. There was a heavy traffic when I was on my home. Expected ko na yun dahil maraming bumabyahe ngayon pauwi sa kani-kanilang probinsya. Halos abutin ako ng dalawang oras sa daan bago ko narating ang village kung nasaan ang bahay ko.

I slowly drove the car when I saw a familiar car parked outside my house. What now? Anong kailangan niya at bakit siya nandito?

I parked my car in front of the gate and saw him getting out of his car through my rearview mirror. Lumabas din ako at huminga ng malalim. I tried to calm my senses down and focused on what's in front of me.

He's on a casual outfit today, mukhang hindi siya galing sa office. Naglakad siya palapit sa akin at hinintay siyang magsalita. I have to lean on my car to support my weakening knees because of our proximity. Ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkaroon ng oras na mag-usap ng ganito kalapit kaya abot abot ang tahip ng dibdib ko.

"Hey, I was calling you," bungad niya. Worry etched on his face.

"You were? I'm sorry Derrick, naka silent ata ang phone ko kaya hindi ko napansin."

Actually, I was really aware of his calls. Kanina pa nag riring ang phone ko sa loob ng sasakyan noong nasa byahe ako ngunit hindi ko lang pinansin dahil hindi ako handang kausapin siya.

Nakapamulsa siyang nakatitig sa akin. "One of my employees said you were looking for me days ago. Ngayon niya lang nasabi sa'kin."

Naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko. I can't help but relive the pain that I felt that day. I want to tell him how I truly feel. I want to be honest with him. But I'm scared of what he'll say. Takot akong malaman galing mismo sa kanya na hindi kami parehas ng nararamdaman dahil may iba ng itinakda para sa kanya.

Takot ako sa katotohanan.

I have to remind myself this time that I have to keep my distance from him. Hindi ko dapat ipagpilitan ang nararamdaman ko. I know that if I stop it this early, I'll be saving myself from deeper cuts and someday I'll be thanking myself.

Hindi ko ito kailangan. I don't need this feeling. What I have to do is to focus on the sole purpose why I still have connections with him, and that is my internship.

"Yes, but you were busy so I went ahead. Pumunta lang ako doon dahil may ibibigay sana ako sayo."

Bahagyang kumunot ang noo niya. I took that opportunity to open my car and get the hardbound thesis I placed on the back seat. Sinara ko ang pinto ng sasakyan at bumaling sa kanya.

"This is a copy of my thesis. Gusto kita bigyan ng kopya dahil sabi mo nga noon, makakatulong iyan sa mga negosyanteng tulad mo. I have your name written on the acknowledgement part. Salamat sa tulong mo."

Kinuha niya naman mula sa kamay ko ang thesis at tahimik na sinuri ito like it's a masterpiece. "You know I'll be glad of help, Sophie."

I bit my lip hearing the way his voice sounds while mentioning my name. Hindi mo ito kailangan, Sophie.

He was about to say something but it was suspended when his phone rang loudly. Humingi siya ng paumanhin at sinagot ang tawag. Based on what I overheard, his presence was needed somewhere else.

"I'm sorry Sophie, I need to cut this short," ani niya nang ibaba niya ang tawag.

"Okay lang. Naibigay ko na rin naman ang thesis copy. Thanks for patiently waiting here. Naabala pa kita tuloy."

"No, it's fine. So I'll see you next week on your internship?"

"Yes."

He smiled for the last time and turned around to go back to his car. My heart constricted that he's leaving early but I'm not fool enough to tell him that I want him to stay. Hinintay ko siyang maka alis hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

It's better this way. I'll keep my distance from now on. Simula ngayon, may magbabago.  

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 91.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
170K 132 50
R18 compilation
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...