APPLE's POV
Hindi ko na alam kung papaano ko pa sya pakikitunguhan, masyado ng hindi normal ang pagtibok ng puso ko kapag kasama ko sya at alam ko na malapit na akong bumigay kapag ipinagpatuloy nya ito dahil hindi sapat ang ilang buwan para makalimutan ko yung nararamdaman ko para sa kanya, matagal syang hindi nagsalita
"wala na ba talaga?" he broke the silence
hindi ako umimik, natatakot ako para sa sarili ko
"kahit kaunti?" I took a deep sigh
"sige aaminin ko, umasa ulit ako ng sinabi mong you'll have me again, umasa ako na baka this time ako naman pero kapag dumarating yung time na gusto kitang bigyan ng another chance, nararamdaman ko that a part of me saying that I should not trust my heart in you again" I confessed
"alam ko namang hirap ka ng pagkatiwalaan ako, pero hindi ba mas maganda kung hahayaan mong sundin ang sinasabi ng puso mo? kung hahayaan mong maging masaya ka, tayo, please apple" he plead
"pag-iisipan ko" nagliwanag ang mukha nya
"thank you" sabi nya sabay yakap sa akin
"o-oy t-teka wala pa ah! nakayakap ka na agad sa akin"
alam ko naman na nung binitawan ko yung mga salitang 'pag-iisipan ko' alam ko na I already considered the thought about forgiving him
napaisip din naman kasi ako sa sinabi nya, siguro mas okay to follow what my heart says
"s-sorry, don't worry, you'll never regret it" he said still wearing that awful smile
ganun ba sya kasaya?
"hoy, hindi pa kita pinagbibigyan ah! huwag kang excited dyan" sabi ko while smiling
"I love you" hindi ko napigilang hindi ngumiti sa sinabi nya
mukhang mas expressive na sya ngayun
"APPLE!" someone's calling me
lumingon ako at nakita ko si cloud na tumatakbo at kumakaway sa akin
"hay!" sabi nya ng maabutan nya ako
"anong kailangan mo?" mataray kong tanong
hindi ko alam kung bakit pero kapag nakikita ko sya, naiinis ako
"ikaw naman girlfriend, Inis agad? sabay na tayo pagpunta ng room" he said at alam ko naman na wala akong magagawa, sa kulit ba naman ng isang ito.
"kainis!"
"maganda yan!" sabi nya wearing that annoying smile
"anong maganda doon e, naiinis na nga ako sa'yo" sabi ko still Irritated
he smiled, a big one
"hindi ba okay yun, kasi kahit papaano mayroon ka pa ring nararamdaman para sa akin"
"ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad
"being annoyed is another form of love, same as being angry, happy or kahit ano pa yan, kaysa naman sa wala, nothing at all" he's crazy
"ibig sabihin pati sila mahal ko kasi galit ako sa mga tsismosang katulad nila?" I said referring to those girl who always want a gossip
"yea, pero alam ko iba yang nararamdaman mo para sa akin"
"ay ewan!" pagsuko ko na lang
liliko na dapat ako ng bigla nya akong pigilan sa braso
"saan ka pupunta?" cloud asked
"ah..sa locker?" sabay hila ng kamay ko para makawala sa pagkakahawak nya
"sama ako" hindi na ako nagtangkang tumutol pa, ng makarating na sa locker ko binuksan ko yun and as expected mayroong sulat pero walang picture, hinanap ko itong mabuti, bakit wala yung picture? yun na yung last e, last na yun para makita ko yung mukha nya, the whole body, nasaan na? I'm that desperate para makita yun, importante sa akin yung nagbibigay nito, para sa lahat ng effort nyang pasayahin ako
"anong hinahanap mo?"
"huy apple" hindi ko pa rin sya pinansin
"the picture" maigsi kong sagot
"Nasaan na ba kasi yun?" inis na inis na ako habang naghahanap
"what?!" singhal ko kay cloud dahil sa paraan nya ng pagngiti, he didn't bother answering, instead his smile became wider, nakakaasar.
"ano ba? model ka ba ng toothpaste?! kung tinutulungan mo na lang kaya ako!" I hissed
"no need" he said
"why? nakita mo na ba?" excited kong tanong sa kanya
"ano ba?! ngingiti ka na lang ba dyan?" I'm totally pissed off
"naiinis na ako sayo ah!" I really hate this feeling na parang pinaglalaruan ako, hindi na naman sya sumagot bagkus ay itinapat nya sa mukha ko ang isang papel
"ano na namang kalokohan yan?"
iwinagayway nya sa harap ko yung papel, no. It's not just a simple paper, it's actually a picture?! Kaagad kong hinablot sa kanya ang picture at tiningnan ito, nakatalikod kasi yung litrato and when he handed it to me I was shocked
"Ikaw?!"
I can't believe this, I don't know why but I am disappointed
"Oo" he answered smiling
"t-teka?! p-paano?! b-bakit?" takang tanong ko pa rin sa kanya
"Isa-isa lang naman" papaanong hindi ako magkakaganito kung yung huling picture na inaasahan ko na matatanggap ko ay larawan pala nya
"so paano nga?" I asked
"paano? Well, kilala na naman kita talaga e" he confessed
"papaanong kilala? e di ba kakalipat mo lang ng school?"
"didn't you heard what my cousin said yesterday?" And then flashback follows
'wow! ang bilis mo naman pinsan, sya kaya yung sinasabi ko sayo na chicks'
That is what clark exactly said nung nakasalubong namin sya sa may upper ground pagkababa ko ng elevator
"ibig sabihin matagal mo na akong kilala?!" I asked, marami pa akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko alam kung saan sisimulan, siguro ay dahil umaasa ako na si James ang gumagawa ng lahat ng ito
"oo, at para sa tanong mo naman na bakit e simple lang naman yan, I like you" he confessed again
grabe, hindi ako makapag-isip ng maayos, para bang nawalan ng battery yung utak ko kaya naman hirap na hirap ako na paganahin ito
"o, ano na? I guess it's your time to say something"
papaano ko ba pakikitunguhan ito?
"something" sa kawalan ng masabi at dahil na rin sa hindi ko alam ang dapat gawin ay sinubukan kong ibahin ang usapan
"Ang saya" he said full of sarcasm
tinitigan kong mabuti yung picture ng mga mata nya kasama na ng forehead nya at kinuha ko yung iba pang pairs, yung mas nauna na nyang ibigay, yung mga picture ng kamay nya, shoulders and all, muli akong nagulat, it really fits, yung bawat cut in each picture na parang puzzle really fits for each other at nang napagdugtong-dugtong ko na, napaupo ako, mukha nya talaga
hindi ko alam kung bakit, pero ng malaman kong si cloud pala yun sobrang bumagsak lahat ng expectations ko, too much expectation really leads to disappointment
Inaamin ko na umasa talaga ako na si james yun lalo na ngayun na sinabi ko sa kanya na pag-iisipan ko kung bibigyan ko sya ng isa pang chance
"bakit ka ganyan? disappointed ka ano?"
"h-hindi ah, n-nagulat lang ako!" deny ko
"hindi daw e halata naman sa itsura mo"
I'm sorry and I am thankful when the bell rang
"tara na, time na" hindi ko na sya hinintay na sumagot dahil tumayo na ako kaagad para pumunta sa room at habang naglalakad, inakbayan nya ako
"alam mo okay lang naman yun e, hindi mo kailangang suklian lahat ng ginawa ko sayo, kasi sapat na sa akin yung nakikita kitang nakangiti kapag binibigyan kita ng mga flowers and stuff, okay na yun" and he gave me his reassuring smile
"BAKIT ba ang tagal mo?!" james hissed
Kasama ko sya ngayun kasi tinawagan nya ako pagkadismiss ng class ko kanina, at sabi nya na ihahatid daw nya ako sa amin
"ayan ka na naman e, two minutes pa lang naman ang nakakalipas kung makaasta ka parang ang tagal-tagal mo namang naghintay"
parang nuon lang, yung firts date namin sa lake, yung sinabi nya na marami ang pwedeng mangyari kada segundo,di pa rin talaga sya nagbabago
"halika na nga"
Isa ito sa gusto ko simula ng nagdesisyon sya to have me back, yung alam mo sa sarili mo na he's trying his best para hindi kami mag-away at inaamin ko na masaya ako, minsan nga naiisip ko na siguro okay na din yung ganito, walang bitterness na nararamdaman sa isat-isa
"saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya ng mapansin ko na iba na naman yung dinaraanan namin
"kain muna tayo" he said
"okay"
Narealize ko rin na I should stop trying so hard to do something, because forcing things to happen when they're not suppose will just cause frustration
kung alam ko lang na mas masaya kapag hindi mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa isang tao, sana noon ko pa ginawa ito pero hindi rin naman mangyayari ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin ngayun kung hindi ko ginawa ang mga pangyayari sa aking nakaraan
and I smiled with that thought
"masaya ka ata? Did something good happened?" he asked, still his eyes on the road
"wala naman masyado, I just happen to know na si cloud pala ang secret admirer ko"
syempre hindi ko naman sasabihin na masaya ako dahil unti-unti ng nababalik ang dati naming samahan
"what?!" he shouted
"hindi mo kailangang sumigaw, ako rin naman nagulat e"
"hindi yun? Teka?paano mo nalamang si Cloudio yun?" sabi pa nya habang itinatabi ang sasakyan, ganun ba sya kagulat?
"di ba sabi ko nga sayo yung picture na lang ng eyes nya including his forehead dun sa puzzle picture na pinapadala nya sa akin ang kulang" simula ko
"and?" he asked habang titig na titig pa rin sa akin
"yun nga, nagpunta ako sa locker kanina kasi alam ko na may darating na picture ngayung araw, kasama ko nun si cloud kasi tinawag nya ako tapos pagbukas ko walang picture, yun pala si cloud ang magbibigay sa akin ng huling larawan nya" paliwanag ko
"what the f-ck! mapapatay ko yung cloud na yun" sabi nya, his forehead knotted at alam mo na galit talaga sya
ano bang nangyayari?!
"san t-tayo pupunta?" sabi ko ng bigla nyang kabigin ang manibela pabalik sa school
"Mayroon lang akong babangasan"
September 28, 2012
FigsAraza
Edited