Our Asymptotic Love Story (Pu...

By UndeniablyGorgeous

31.9M 815K 1.1M

Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at... More

Panimula
f(x - 0)
Kabanata f(x - 1)
Kabanata f(x - 2)
Kabanata f(x - 3)
Kabanata f(x - 4)
Kabanata f(x - 5)
Kabanata f(x - 6)
Kabanata f(x - 7)
Kabanata f(x - 8)
Kabanata f(x - 9)
Kabanata f(x - 10)
Kabanata f(x - 11)
Kabanata f(x - 12)
Kabanata f(x - 13)
Kabanata f(x - 14)
Kabanata f(x - 15)
Kabanata f(x - 16)
Kabanata f(x - 17)
Kabanata f(x - 18)
Kabanata f(x - 19)
Kabanata f(x - 20)
Kabanata f(x - 21)
Kabanata f(x - 22)
Kabanata f(x - 23)
Kabanata f(x - 25)
Kabanata f(x - 26)
Kabanata f(x - 27)
Kabanata f(x - 28)
Kabanata f(x - 29)
Kabanata f(x - 30)
Kabanata f(x - 31)
Kabanata f(x - 32)
Kabanata f(x - 33)
Kabanata f(x - 34)
Kabanata f( x - 35)
Kabanata f(x - 36)
Kabanata f(x - 37)
Kabanata f(x - 38)
Kabanata f(x - 39)
Kabanata f(x - 40)
Kabanata f(x - 41)
Kabanata f(x - 42)
Epilogo
Ang Huling Asimptota
OALS Published Books
Other Stories

Kabanata f(x - 24)

488K 14.7K 16.1K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 24]

"And all my love
We're holding on forever
Reaching for the love that seems so far" 

-Westlife (My Love)



"Magaling! Magaling!" narinig naming sigaw ni Sir Albert sa lahat ng estudyante na kasama sa play, tuwang-tuwa sila dahil naging matagumpay ang theater play nila. nasa labas kami ngayon ng backstage at hinihintay namin lumabas mula doon sila Alex.

Pagkatapos ng play... pagkatapos tumugtog ni Sir Nathan sa piano, hinila na ako nila Jen papunta dito sa backstage para magpalibre daw kaming lahat kay Alex. Kanina pa sila nagtatawanan at nag-iingay pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila, ayaw pa rin mawala sa isipan ko yung mukha ni Sir Nathan sa mall 11 years ago.

Sabi nila, kapag may bagay daw na nagtrigger sa subconscious mo na related sa memories mo maalala mo iyon... pero bakit parang ang weird, matagal ko nang naaalala ang pangyayaring iyon pero bakit ngayon lang naging malinaw sa'kin kung sino ang binatilyong tumutugtog noon ng piano sa mall?

"Aly? Ayos ka lang ba? bakit di ka kumikibo?" tanong ni Iryn sabay akbay sa'kin habang ngumunguya pa rin siya ng popcorn. "Naamaze yan sa kapatid niya ang galing galing kasi ni Alex nasapawan siya sa pag-arte" pang-asar pa ni Jen habang pinapanood nila ni Leana yung nirecord niyang video ng play. Bukas naman yung pintuan sa backstage kaya lang hindi kami pumasok sa loob kasi nandoon lahat ng mga actors at actresses, ang dami ring mga props at costume na nakakalat sa loob baka makasira pa kami ng gamit nila.

Baka masyado lang akong naamaze sa piano skills ni Sir Nathan kanina kaya inakala ko na siya rin yung tumugtog ng piano sa mall noon. Eh kung tanungin ko kaya siya? parang ang weird naman, masyado nang matagal iyon 11 years na ang lumipas.

"Hoy ngets?"

Natauhan ako kasi may pinapakita pala silang video sa'kin "Natutulala ka na naman... hay nako! Gutom lang yan, panoorin mo to dali" excited na sabi ni Jen sabay pakita sa'kin nung video camera niya habang nagkukumpulan na kaming apat sa gilid ng pintuan ng backstage. "Ang ganda naman ng camera mo HD na HD" pang-asar pa ni Leana kay Jen kasi ang labo-labo ng pag-zoom ni Jen kay Sir Nathan habang nagpipiano ito.

"Bulok na nga to eh pero papalitan daw ni daddy pagdating niya" tawa na lang ni Jen at kilig na kilig sila habang zinozoom pa lalo yung mukha ni Sir Nathan.

Kelan pa natutuo mag-piano si Sir? Ang dami pa pala talagang bagay na hindi ko alam tungkol sa kaniya.

Ilang sandali pa, naglabasan na yung mga kasamahan ni Alex habang bitbit nila ang mga gamit nila, yung iba naka-make up pa habang yung iba naman ay nagtulong-tulong na sa pagliligpit ng gamit nila. "Congraaats Alex!" bati ni Jen kay Alex sabay takbo papalapit sa kaniya at pinakita yung nirecord niyang video. Bakas naman sa mukha ni Alex na nagulat siya dahil sa biglang pagbati at paglapit sa kaniya ni Jen.

"T-thanks"

"Tingnan mo oh! Eto yung pinaka-favorite kung part niyo ni Lily" sabi pa ni Jen habang nakangiti ng todo sabay pakita nung video na magkahawak kamay si Alex at ang kapatid niyang si Lily. Tumango na lang si Alex, mas lalo naman siyang nawindang nung lumapit na rin sa kaniya sila Iryn at Leana at nagpapicture pa.

"Ngets Aly! Picturan mo kami dali" utos pa nila sa'kin sabay abot nung camera nila. "Wow ha! Ako pa ginawa niyong photographer" wala na lang akong nagawa kinuha ko na yung camera ni Jen at pinicturan sila.

Tumabi na silang lahat kay Alex, nakadikit ng todo si Jen kay Alex at sa kabila naman niya nakayakap si Iryn at Leana. Finocus ko na yung camera, at nag-focus iyon sa mukha ni Alex at Jen na parehong nakangiti at magkatabi ngayon "One... Two... Three---"

Pag-click ko ng camera hindi ko napansin na naka-on pala yung flash kaya biglang nangibabaw yung nakakasilaw na liwanag ng flash, maging ako ay napapikit din dahil sa biglaang liwanag na nag-reflect sa likod ng glass door ng backstage.

Hindi ko alam pero parang biglang bumagal ang pagikot ng paligid ko, at parang biglang pumintig ang ulo ko, Muntikan ko ng mabitawan yung camera ni Jen dahil napahawak ako sa noo ko. May kung anong pangyayari akong nakita na hindi ko maintindihan...



Isang madalim na gabi, may napakalaking puno sa tabi ng ilog, may isang babaeng naka-pusod ang buong buhok sa likod, mahaba ang kaniyang saya na sumasayad na hanggang sa lupa, naupo siya sa isang batuhan at inilapag niya ang gasera doon, sinindihan niya ito, napatakip siya sa kaniyang mata dahil sa nakasisilaw na liwanag ng gasera. Ilang sandali pa, tumayo na siya, binitbit niya muli ang gasera at nagsimula nang maglakad sa masukal na gubat sa tabing ilog. Hanggang sa mapatigil ang babaeng iyon nang makita ang anino ng isang babae at isang lalaki na magkahawak kamay, nakatayo silang dalawa sa dulo ng ilog habang umaagos ito ng malakas.

"Nilong! Isabela! Anong ibig sabihin nito?!"

"P-patawad ate!"

"Sandali---! Huwaaag!"



Naramdaman ko na lang na tumama ang tuhod ko at naikabig ko ang kamay ko sa sahig "Aleeza!" narinig kong tawag pa nila Alex, Jen, Iryn at Leana, nanlabo na rin ang paningin ko pero nakita ko pa silang tumakbo papalapit sa akin bago tuluyang dumilim ang lahat.





Naalimpungatan ako nang may maamoy akong fried chicken, "Mukhang gutom lang yan Ate" narinig kong sabi ni Lily na nasa tabi ko habang binubuksan yung balot ng fried chicken at inilagay niya iyon sa paper plate. Teka! Anong ginagawa ni Lily dito? Nasaan ang ate niya?

"N-nasaan ako?"

Ang bigat ng ulo ko at sobrang tuyo ng lalamunan ko, maging ang dibdib ko ay sobrang bigat din. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ni Lily. "Nandito ka sa clinic ate Aleeza, lumabas sila ate kasama sila ate Iryn at Leana para sa excuse letter mo" sabi pa niya sabay abot sa'kin nung fried chicken with rice.

Napalingon ako sa paligid, nasa clinic nga kami, medyo matapang ang amoy ng alcohol at sobrang lamig din ng aircon. Inalalayan naman ako ni Lily na maupo para makakain. "Ano bang nangyari sayo ate Aleeza? ang sabi ng doktor kulang ka raw sa tulog at pagkain" panimula ni Lily at umupo na siya sa tabi ng kama na hinihigaan ko. hindi naman kami ganoon kaclose ni Lily, alam kong nahihiya siya sa akin kasi patay na patay talaga siya noon sa kapatid kong si Alex lalo na noong high school sila. Maganda si Lily, mas maganda pa nga siya kay Jen at magkasing edad lang din sila ni Alex kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya magustuhan ni Alex.

Maputi, straight ang buhok, matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata ni Lily, payat siya at matangkad. "Ano bang nangyare?" tanong ko ulit, ang huli kong natatandaan pinicturan ko sila Alex at ang mga kaibigan ko, tapos biglang may flash at biglang...

"Wait! Buhay pa ba ako?" gulat kong tanong dahilan para biglang magtaka yung itsura ni Lily. "Oo naman ate Aleeza"

"Kasi nung nahilo ako bigla akong may nakitang kakaiba, may babaeng naglalakad sa tabing ilog----Teka! parang ako yung babae doon, parang ako yung naglalakad at may bitbit na gasera ba yun? yung ilawan noong sinaunang panahon... ang dilim dilim ng buong paligid parang naglalakad ako papunta sa kabilang buhay" saad ko na ikinatulala ni Lily, nakatingin lang siya sa'kin. napahawak naman ako sa braso ko, bigla akong kinilabutan.

"Tapos may nakita akong isang babae at isang lalaki na magkahawak kamay sa tabing ilog" patuloy ko pa, nanatili namang nakatingin lang si Lily sa akin ngayon. ilang sandali pa nagsalita na siya, "Tapos? Anong nangyare ate Aleeza?" napaisip naman ako ng matagal pero parang biglang naging blurred at Malabo ang lahat.

"Basta may sinabi ako sa kanila pagkatapos may sinabi yung lalaki sa akin kaso di ko na maalala" sabi ko pa, Nagmistulang isang panaginip na sobrang malabong pangyayari ang lahat.

"Anong nangyare sa kanilang dalawa?" tanong pa ni Lily, pinilit ko namang alalahanin yung sumunod na nangyari... pero di ko na talaga maalala. "Hindi ko alam, biglang dumilim na lang lahat" sagot ko, napatahimik naman kami ni Lily ng ilang segundo.

Pero bigla na siyang tumayo, at inabot na niya sa akin yung isang basong tubig. "Nasaan nga pala si Alex?" tanong ko, sabay inom ng tubig. "Tinatawagan niya na sila para masundo kayo ate, hindi kasi kayo pauuwiin ng mga administrator sa school hangga't walang parents na susundo sayo" sagot ni Lily at inayos na niya yung mga pinaglagyan ng pagkain na nakapatong sa gilid ng maliit na mesa.

Nanatili lang akong tulala doon, pinipilit kong alalahanin yung kakaibang pangyayari sa tabi ng ilog, para kasing totoong nandoon ako. "Ate... may gusto si Alex kay ate Jen diba?" biglang tanong ni Lily na ikinagulat ko. hala! alam na niya.

"Wag kang mag-alala, matagal ko ng alam iyon, matagal ko ng alam na si ate Jen talaga ang gusto ni Alex, si ate Jen talaga ang sinsilip niya sa bintana ng bahay namin kapag napapadaan siya sakay ng bisikleta, at si ate Jen talaga ang ang dahilan kaya hindi niya ako magawang magustuhan" patuloy pa ni Lily habang inaayos yung mga gamit doon sa mesa at hindi siya nakatingin sa akin.

"Lily..."

"Okay lang... tanggap ko naman na ate, wala naman akong galit kay Alex o kay ate Jen dapat nga maging masaya na ako para sa kanila, tanggap ko na sa isang istorya ako ang karakter na hindi magagawang mahalin ng bida dahil hindi naman ako ang bida sa kwento" tugon pa ni Lily, mahilig siyang magbasa ng mga libro at siya talaga ang book collector sa family nila.

"Alam ko na ngayon ang pakiramdam ni Salome..." patuloy niya pa, bigla akong napatingin sa kaniya. Oo nga pala! Siya ang nagbigay ng librong iyon kay Alex. Gusto pa nga iyon itapon ni Alex pero pinigilan ko siya kasi babasahin ko pa.

"Oo nga pala Lily, bakit mo pala niregaluhan ng libro si Alex? hindi naman siya mahilig sa romantic novel, puro science fiction at fantasy ang binabasa niya" tugon ko, bigla namang napatigil si Lily sa ginagawa niya. at hindi siya kumibo ng ilang segundo, bagsak na bagsak kasi ang buhok niya at may mahaba pa siyang bangs kaya natatakpan ang mata niya, hindi ko tuloy masyado makita ngayon ang itsura niya.

"Lily?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin "Dahil ang librong iyon ay isang... babala" sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, sa pagkakataong iyon bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot na hindi ko maipaliwanag. Sa tono ng pananalita niya parang may nais siyang iparating na hindi ko maintindihan. "Isang babala upang hindi na muling mangyari ang nakaraan..." patuloy niya pa. Napatingin ako sa gilid ng bintana ng clinic, umuulan pala ngayon. 3 pm pa lang pero madilim na ang paligid dahil sa kapal ng ulap at sa malakas na buhos ng ulan.

Ano ang tinutukoyniyang nakaraan na hindi na dapat muling mangyari?







Ilang saglit pa dumating na si Jen kaya nagpaalam na si Lily, tatawagin ko pa sana siya kaso dire-diretso na siyang lumabas sa clinic. "Anong nangyari kay Lily?" tanong ko kay Jen pero bigla naman siyang nagtaka "Ha? Bakit anong meron sa kapatid ko?" tanong niya, napailing na lang ako. ayoko na muna isipin iyon mas lalo lang gumugulo ngayon ang isipan ko. maya-maya pa pumasok na rin sa clinic si Alex, "Ate, andiyan na sila papa" tawag niya sa'kin, kasama rin niya sila Iryn at Leana na binilhan pa ko ng mga pagkain. "Ayan ngets Aly kumain ka ng madami, lagot ka kay doc" sabi pa nila, natawa naman yung lalaking doctor dito sa clinic, nasa edad 40s pa lang siguro siya.

"Take care of your health Ms. Agcaoili, matulog ka ng sapat at kumain ng tama" paalala pa nung doctor, at tinapik pa ang ulo ko. "Thank you, doc,"

Inalalayan naman na nila ako tumayo kahit pa kayang-kaya ko naman tumayo, pinipilit pa nilang buhatin ako ni Alex at ito namang kapatid ko ay pakitang gilas kay Jen. "Wag niyo na akong buhatin, kaya ko naman" tugon ko pa, siguradong pagtitinginan kami ng mga tao sa hallway kapag buhat buhat ako, at ang daming nakaalalay sa akin, ayoko ng ganun.

Dahan-dahan lang kaming naglakad papalabas sa clinic, normal naman na ang pakiramdam ko iyon nga lang medyo mabigat pa rin ang ulo ko, pagdating naman sa lobby, natanaw ko na agad sa labas ng building ang jeep na pinapasada ni papa, nakatayo rin sa entrance door si mama habang kausap si...



Sir Nathan!



Hala!

"Ma!" tawag ni Alex dahilan para mapalingon sa amin si mama at si Sir Nathan. Waaait! Talaga naman tong kapatid ko tinawag agad sila haays.

Dali-daling naglakad papalapit sa'kin si mama at hinawakan niya agad ang noo ko, ang leeg ko ang balikat ko at ang braso ko. "Aleng! Bakit ba hindi ka nagkakakain?" reklamo sa'kin ni mama. Kumakain naman ako palagi iyon nga lang hindi masyado, "At bakit ka ba nagpupuyat? Ano bang pinagpupuyatan mo?" patuloy niya pa. hindi naman ako nagpupuyat, sadyang hindi lang talaga ako makatulog nitong mga huling linggo dahil kay Sir Nathan at Cassandra haays.

At syempre hindi ko sasabihin iyon dahil nasa likod lang ni mama si Sir Nathan na nakatingin ng diretso sa akin ngayon. "Hi sir" bati nila Jen, Iryn, Leana kay Sir Nathan at tumango lang ito sa kanila sabay balik ulit ng tingin sa'kin, hindi ko naman siya magawang tingnan kaya nakatingin lang ako kay mama na nagdadakdak pa rin ngayon.

"Tara na, nag-aalala na rin papa mo" patuloy pa ni mama sabay bukas ng payong, napalingon pa siya kay Sir Nathan "Sige Hijo, mauna na kami Maraming Salamat ah" sabi ni mama sabay tapik sa balikat ni Sir, ngumiti lang at tumango si Sir sabay tingin ulit sa'kin. Bakit nagpapasalamat si mama kay Sir?

"Bye ngets, ingat kayo lalo ka na magpagaling ka ah" paalam pa nila Jen, Iryn at Leana at naiwan na sila doon sa lobby, si Alex naman ang nagdala ng bag ko. sumakay na kami sa jeep, nasa unahan kami ni mama sa tabi ni papa habang si Alex naman ang nasa likod ng jeep. Umuulan pa rin ng malakas kaya binaba ni Alex yung plastic na trapal sa dalawang mahabang bintana ng jeep para hindi pumasok ang tubig, may pintuan din sa passenger seat ng jeep na pinapasada ni papa kaya hindi rin kami mababasa ni mama sa ulan.

Sa huling pagkakataon, nilingon ko pa silang lahat, kumakaway pa rin sila Jen, Iryn at Leana sa amin habang nasa tabi naman nila si Sir Nathan na nakatingin lang ng diretso sa akin. Sa totoo lang, hindi ko malaman kung bakit ganoon siya makatingin, hindi naman siya galit at hindi naman seryoso ang tingin niya, parang may kakaiba akong nararamdaman dahil sa tingin niya. at bakit hindi man niya ako kinausap? Hindi rin siya nagsalita kanina. Anong nangyayari?







"Buti na lang, tinawagan agad ako ni Sir Nathan kaya napuntahan ka agad namin dito anak" wika ni papa habang nagmamaneho ng jeep, medyo traffic ngayon kasi maulan. At ang dami ring pumapara sa amin kahit pa wala namang sign board na nakalagay sa jeep. Napalingon naman ako kay papa, "Pa, paano po nalaman ni Sir ang number niyo?"

"Kay Totoy" sagot ni papa sabay tingin kay Alex na napatingin sa amin at tinanggal ang earphones sa tenga. "Wala kasi akong load at tatakbo na ko papunta sa canteen para magpaload per sabi ni Sir siya na ang tatawag kaya binigay ko number nila mama at papa" sagot ni Alex, Oo ng apala nandoon din sa theater room si Sir kanina, tiningnan ko lang ng mabuti si Alex ngayon ko lang din napansin na naka-gel pa rin pala ang buhok niya na inayos kanina sa play nila.

"Si Sir Nathan na rin ang gumawa ng excuse letter para madali kang makalabas ng school" dagdag pa ni Alex, na ipinagtaka ko. "Akala ko ba sila Jen, Iryn at Leana ang gumawa ng excuse letter?" tanong ko pero napailing lang si Alex.

"Dapat, pero si Sir na ang gumawa para mas madaling maaaprove, kaya namili na lang sila ng pagkain para sayo" tugon pa ni Alex. Hindi naman ako nakapagsalita agad, mukhang kailangan kong magpasalamat kay Sir. Tsk, paano na ko makakapag-move on nito haays.







Kinabukasan, hindi na muna ako pinapasok nila mama kaya naiwan lang ako sa bahay mag-isa, nagtitinda sa palengke si mama at nagpapasada naman ng jeep si papa habang si Alex naman ay nasa school. Umuulan pa rin hanggang ngayon, buti na lang din nandito lang ako sa bahay, nakaupo ako ngayon sa sofa habang nanonood ng tv, at dahil walang magandang palabas, pinatay ko na lang yung tv. kinuha rin muna ni mama yung phone ko para hindi daw ako magbabad sa phone habang wala sila, magpahinga lang daw ako.

Kaya eto bored na bored na ako dito sa loob ng bahay. bumalik na lang ako sa loob ng kwarto at naupo sa study table namin, kukunin ko na sana yung Algebra textbook na nakalagay sa bookshelf namin nang biglang maagaw ng atensyon ko yung librong binigay ni Lily kay Alex, 'Our Asymptotically Love Story'

Napatigil ako sandali, sa simula pa lang una ko pa lang makita at mahawakan ang librong iyon noon may kakaiba na talaga akong nararamdaman. Dahan-dahan kong kinuha ang librong iyon at pinagmasdan muli ang book cover nito, isang graph na kung saan may dalawang lines na maglalapit na ngunit hindi nagdugtong.

Naalala ko bigla yung sinabi sa akin kahapon ni Lily,

"Dahil ang librong iyon ay isang... babala, Isang babala upang hindi na muling mangyari ang nakaraan..." - Lily

Anong babala mayroon ang librong ito? At sino ang taong binibigyan ng babala nito?

Napatingin ako doon sa author ng libro, a novel by f(x – 1)

Sino ba si f(x – 1)? Bakit parang hindi naman siya pinag-uusapan? Sikat na author ba to?

Agad kong tiningnan yung likod ng libro at wala naman doong nakalagay na picture ng author o ang background profile nito, ang weird.

Naupo na lang ako sa study table habang pinagmamasdan ko pa rin mabuti yung libro, siguradong marami na ang nakabasa nito at nakita ko na rin ang madaming kopya nito sa isang bookstore noon, agad kong binuksan yung laptop at sinearch ko ang librong iyon.

Our Asymptotically Love story is a Philippine novel written by f(x – 1). It was published last May 2013 under Perspectives publishing inc. This novel is purely written in Filipino and is believed that the author himself want it to be written in that said language.

So last year pa pala na-publish ang librong ito, iniscroll down ko pa ang article na binabasa ko pero iyon lang ang nakasulat at wala ng iba. Naghanap pa ako ng iba pang mga blog at articles pero puro ganoon lang din ang lumalabas. kaya sinearch ko na rin kung sino si f (x – 1), puro nakalink sa social media account ang pangalang iyon.

Who is f (x – 1)?

The real f(x – 1?)

The story behind the author of Our Asymptotically Love Story

Agad kong clinick yung last article, pero wala na namang kwentang blog ang nabasa ko. madami rin palang nacucurious kung sino ang author ng librong iyon, pero bakit ni isang trace na maglilink sa kaniya ay wala akong mahanap.

Napasandal na lang ako sa upuan dahil sa inis, Bakit pakiramdam ko napakahiwaga at nababalot ng misteryo ang librong ito?

Muli, napatingin ako sa bintana sa tapat ng study table namin. Patuloy pa ring bumubuhos ang lakas ng ulan sa labas.

Katulad ng kakaibang lungkot at kirot sa dibdib na nararamdaman ko sa tuwing umuulan.







"Ate, are you sure okay ka na? I need to go" tanong ni Alex habang pacool na nakasabit ang bag niya sa balikat niya. sabay kaming pumasok ngayon dahil bilin talaga iyon ni mama para raw may kasama ako. 6 am pa lang nandito na kami sa school, maaga kasi ang first class ni Alex ngayon at mukhang nagmamadali na rin siya.

"Sige na, mauna ka na" sabi ko, agad siyang tumango at nagtungo na sa building nila. pumasok naman na ako sa building namin, si manong guard pa lang ang nandoon at wala pang ibang tao. naupo muna ako sa lobby at tinext ko sila Jen na pumasok sila ng maaga pero sa tingin ko tulog pa ang mga iyon.

Tumayo na lang ako at naglakad-lakad muna sa hallway, napakatahimik ng buong paligid halos ako pa lang kasi ang tao dito, pero bukas naman na lahat ng ilaw. Napatigil ako nang mapatapat ako sa malaking bulletin board sa bandang kaliwa ko, doon nilalagay ang lahat ng announcement at incoming events ng department of nursing.

Parang biglang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang makita ko ang isang post na nakadikit sa pinakagilid ng bulletin board. Isa itong tula,

"Unending Love"

By Rabindranath Tagore

I seem to have loved you in numberless forms, numberless times...

In life after life, in age after age, forever.

My spellbound heart has made and remade the necklace of songs,

That you take as a gift, wear round your neck in your many forms,

In life after life, in age after age, forever.

Whenever I hear old chronicles of love, it's age old pain,

It's ancient tale of being apart or together.

As I stare on and on into the past, in the end you emerge,

Clad in the light of a pole-star, piercing the darkness of time.

You become an image of what is remembered forever.

You and I have floated here on the stream that brings from the fount.

At the heart of time, love of one for another.

We have played along side millions of lovers,

Shared in the same shy sweetness of meeting,

the distressful tears of farewell,

Old love but in shapes that renew and renew forever.

Today it is heaped at your feet, it has found its end in you

The love of all man's days both past and forever:

Universal joy, universal sorrow, universal life.

The memories of all loves merging with this one love of ours -

And the songs of every poet past and forever."



Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko, "A beautiful poem about Reincarnation" tugon ni Bryan, agad akong napalingon sa kaniya. "A-anong ginagawa mo dito?" reklamo ko, Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya kanina pa.

Ngumisi lang siya sabay turo sa suot niya, "Training" sagot niya sabay hawi sa buhok niyang ang gulo-gulo pa. iniisip niya sigurong shunga ako kasi obvious naman na naka-suot siya ngayon ng football jersey nila. "Anyway, how are you? Nabalitaan ko na nahimatay ka raw" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa'kin, bakit parang may kakaiba sa tingin niya? bakit pareho sila tumingin ni Sir Nathan?

Teka nga, ibig sabihin kumalat na rin dito sa school na nahimatay ako, haays nakakahiya.

"Ahh---Okay na ko, napagod lang ako that time kakatapos lang din kasi ng exams" sagot ko na lang, tumango naman siya. "Don't force yourself, everything will come on the right time" sagot niya sabay tingin doon sa poem na nakapost sa bulletin board.

"And I hope that, this time, love goes the other way around" patuloy niya pa, napakunot naman yung noo ko. may sakit siguro ang lalaking to ngayon kaya nagwiwise words ng ganiyan. "Anong pinagsasabi mo?" tanong ko pa, bigla naman siyang ngumisi at natawa sa sarili niya.

"Nothing, Okay see you soon babe" ngisi niya pa sabay talikod at kumaway-kaway pa sa'kin. Whuut? Ang kapal talaga ng mukha ng mokong na'to ever.







"Yes! Wala si Sir! Mag-attendance na lang daw" sigaw ng mga class representative namin, kakagaling lang niya sa faculty room kasi 30 minutes na ang lumipas hindi pa rin dumadating si Sir Nathan.

Agad namang naghiyawan at napatalon pa yung iba sa tuwa dahil walang klase ngayon, nagkumupulan na sila agad para magsulat ng attendance sa isang yellow pad at naglabasan na sa classroom.

Bakit absent si Sir? May nangyari bang masama sa kaniya?

"Ngets! tara na! canteen na tayo" tawag ni Jen sa'kin at tuwang-tuwa siya. agad niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako patayo. "Wait magaattendance pa ko"

"Okay na nasulat na kita sa attendance, pinirmahan ko na rin haha!" tawa pa ni Jen sabay hila na sa'kin papalabas sa classroom, loko din talaga tong kaibigan ko.

"May klase pa sila Iryn at Leana kaya mauna na tayo sa canteen, di pa ko nag-brebreakfast eh" patuloy pa ni Jen habang hila-hila ako. hinahayaan ko na lang na hilahin niya ako kung saan, parang lutang na lutang ang utak ko ngayon. Bakit ba kasi absent si Sir kung kelan naman ang aga ko pumasok ngayon haays.

Pinaghandaan ko pa ng bongga kagabi kung paano ako magpapasalamat sa kaniya tapos ngayon wala naman pala siya.

"Ngets? okay ka lang ba? Oyy! Baka mahimatay ka na naman diyan, magsabi ka pag masama na pakiramdam mo" tugon pa ni Jen at naupo na kami sa pinakadulong table dito sa canteen. "Wala si Sir Nathan dito, walang magbubuhat sayo sa clinic" patuloy pa ni Jen dahilan para manlaki yung mga mata ko sa gulat.

"ANO? SIYA ANG NAGDALA SA'KIN SA CLINIC?" shems! Bakit pala hindi ko natanong sa kanila kahapon kung sino ang nagdala sa'kin sa clinic. My Goodness!

"Yep, Teka nga ang OA naman ng reaction mo ah" reklamo ni Jen at napaaray siya kasi hawak ko na pala ang braso niya dahil sa pagkagulat ko kanina. Binitiwan ko na siya at pinakalma ko ang sarili ko, hindi niya dapat mahalata na apektado ako ngayon. "Ano bang nangyari doon sa backstage?" tanong ko ulit, sinusubukan kong maging normal ang boses ko kahit pa sobrang sumasabog na ngayon ang puso ko dahil sa nalaman ko.

Kaya pala ganoon na lang katodo magpasalamat si mama kay Sir Nathan. "Nagulat kaming lahat nung bigla kang bumagsak sa sahig, then dumating si Sir Nathan at agad ka niyang binuhat at dinala sa clinic, sumunod naman kami sa inyo, Grabe sobrang nakakaba talaga akala namin nabagok na yung ulo mo, sobrang nag-alala nga rin si Sir sayo eh" patuloy pa ni Jen sabay ngisi dahil sa huling sinabi niya na 'sobrang nag-alala nga rin si Sir sayo eh'

"Oyy wag kang malisyoso dyan!"

"Hindi naman ah, alam naman naming close kayo ni Sir pero ang OA rin niya mag-alala ah, parang yung OA na reaction mo kanina" tawa pa ni Jen sabay hampas sa braso ko. Shocks! Nahahalata na ba niya?

Buti na lang naisipan na niyang bumili ng pagkain kaya tumayo na siya at nagtungo na sa counter samanatlang naiwan naman ako doon sa table, napalingon na lang ulit ako sa bintana dito sa canteen. Umuulan pa rin hanggang ngayon, Kamusta na kaya si Sir? mukhang kailangan ko talaga siyang pasalamatan, at hindi pa ako ready... mukhang kailangan ko na namang magpratice mamaya sa harapan ng salamin ng sasabihin ko sa kaniya. Haays







Kinagabihan, hindi ako makatulog ng maayos. kanina pa ko binabagabag ng katanungan na kung bakit absent si Sir? may sakit kaya siya?

At dahil hindi na ako mapakali, kinuha ko na yung phone ko at tinext si Sir,

Sir, Thank you nga po pala sa pagdala niyo sa clinic sa akin nung Monday...

Wait! Dapat personal akong magpasalamat sa kaniya, ang panget naman kung sa text ko sasabihin. Sayang naman yung prinactice ko kanina sa harapan ng salamin namin sa banyo ng halos isang oras.

Agad kong binura yung nauna kong tinype na message,

Hi Sir! 😊 Bakit hindi po kayo pumasok kanina? 😊 😊 😊

Eww! Bakit parang ang cheesy, ang sakit sa mata ng smiley faces. At parang ang saya ko pa kasi hindi siya pumasok kanina. Agad kong binura yung mga smileys.

Teka nga! Baka maweirduhan si Sir sa'kin kung bakit ko tinatanong kung bakit siya absent? Hindi naman niya kailangan mag-explain sa'kin, hindi naman ako ang boss niya, o ang girlfriend niya.

Binura ko na ulit yung message na tinype ko, mga ilang minuto rin akong napatitig doon sa blank message text box.

Goodevening Sir... papasok po ba kayo bukas?

Shems! Aleeza, feeling boss ka, ikaw ba nagpapasweldo kay Sir.

At dahil sa inis napasabunot na lang ako sa buhok ko, wala na kong maisip na sasabihin kay Sir. tinabi ko na lang yung phone ko at nagtaklob na ng kumot. Haays itutulog ko na nga lang 'to.





Kinabukasan, research ang first class namin, Thursday ngayon kaya wala kaming Algebra. Kanina pa ako nakatitig sa pa-seatwork ng prof namin sa amin. Pumasok na kaya si Sir ngayon? puntahan ko kaya siya sa Faculty room? Eh ano namang sasabihin ko?

Bigla ko tuloy naimagine yung mangyayari pag punta ko mamaya sa faculty room...

"Ma'am andiyan po ba si Sir Nathan?"

"Yes nandito siya, why?"

"May sasabihin lang po ako sa kaniya"

Then, tatawagin ng staff doon sa information desk si Sir at lalabas naman si Sir.

"What is it Aleeza?"

"Thank you nga po pala Sir"

"Its okay"

"Thank you po sir ah"

"No problem"

"Thank you talaga sir"

"Its okay Aleeza"



SHEMS! WALA KONG MAISIP NA MATINONG SASABIHIN SA KANIYA!

Haays! Ayoko na! hindi na lang ako pupunta mamaya sa faculty room ugh!

Natigilan ako sa pag-iimagine ko nang biglang mapatili si Iryn at Leana habang hawak-hawak nila yung phone nila. "Mga Ngets! look oh! Naka-1k likes na ang fb page na ginawa natin para kay Sir Nathan!" tuwang-tuwang tugon ni Iryn at kilig na kilig sila.

"Nag-viral din yung video niya habang nagpiapiano sa play nila Alex kahit pa ang labo-labo ng camera ni Jen" tawa pa ni Leana at nag-asaran na sila ni Jen. Napatingin naman ako sa fb page ni Sir Nathan sa phone ni Iryn, ang daming na namang mga posts doon.

"Mas dumami ang fans ni Sir dahil sobrang nakakainlove siya nung play habang nagpiapiano eeek" tili pa ni Iryn na agad naming sinuway kasi napatingin sa'min yung prof namin.

"Ang galing talaga ni Sir, He's always full of surprises" tugon pa ni Leana na kilig na kilig din. Tama nga sila, palagi talaga akong nasusupresa ni Sir lalo na sa mga nalalaman ko tungkol sa kaniya.







Kinahapunan, nauna nang umuwi sila Jen habang naiwan naman ako dito sa school, nakaupo ako sa isang bench malapit sa classroom nila Alex dahil hinihintay ko siya, sabay daw kami dapat umuwi ngayon sabi ni mama. 5 pm na, mamaya pang 6 pm ang dismissal nila.

Nabwiset na ko sa kakalaro ng flappy bird kanina pa habang naghihintay ako na dahilan kaya nalowbat na ang phone ko. tumayo na lang ako at naglakad-lakad sa hallway nila, wala na ring katao-tao sa hallway dahil nagsiuwian na ang iba lalo na dahil hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan hanggang ngayon. mukhang maraming kalasada at lugar ang lubog na sa baha sa mga oras na ito.

Napatigil ako nang bigla kong marinig na may tumutogtog ng piano sa di-kalayuan, Physics Department to ah bakit may tumutogtog ng piano?

Sinundan ko na lang yung direksyon kung saan nanggagaling yung tunog, Napalingon ako sa kaliwang hallway na wala ring katao-tao ngayon. may hagdan pababa doon,

This way to Theater room

Ahh! Oo nga pala, nasa baba ng building nila Alex ang Theater room, ang lawak kasi ng school na'to at ang daming pasikot-sikot.

Babalik na lang sana ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina kaya lang biglang nag-iba yung tugtog ng piano...

Ilang minuto rin akong nanatiling nakatayo doon sa hallway habang pinapakinggan ang musika ng Canon in D. hindi ko alam pero parang may kung anong bagay na naguudyok sa akin na bumaba doon sa hagdan at sumulip sa theater room.

Napatingin ako sa gilid ng bintana, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan pero hindi ako nakakaramdam ng lungkot o pagkirot sa puso dahil sa naririnig kong tunog ng piano, kakaiba talaga ang ginhawahang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang Canon in D.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at nang makarating ako sa tapat ng malaking two doors ng theater room napansin kong nakauwang ang isang pinto nito kaya pala ang lakas ng tunog ng piano.

Sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung bakit napatigil ako sa paglalakad, parang may naguudyok sa akin na umalis na sa lugar na iyon, pero hindi ko maintindihan kung bakit may mas malakas na pwersa na tumutulak sa akin na pumasok doon at alamin kung anong mayroon sa likod ng napakaling pinto ng theater room.

Napahinga na lang ako ng malalim, nilakasan ko na ang loob ko at humakbang na papasok sa loob. Sumalubong agad sa'kin ang malamig na aircon at mas malakas din ang tunog piano sa loob. napatigil ako nang makita ko kung sino ang tumutogtog ng piano na nakapwesto sa gitna ng entablado.



Si Sir Nathan.



Parang biglang nabalot ng kakaibang lamig ang buong katawan ko, napahawak rin ako sa tapat ng puso ko dahil sobrang lakas na ng kabog nito, hindi ko rin maintindihan kung bakit nanlalamig ang mga kamay ko at ang kirot-kirot ng puso ko.

Parang isang malakas na bagyo na biglang humupa ang lahat ng mabibigat na nararamdaman ko nang matapos ni Sir Nathan ang pagtugtog doon sa piano, at nang pindutin niya ang huling nota bigla siyang napatingin sa akin, kasabay niyon ay biglang bumagal ang paligid at may kakaibang alaala na pumasok muli sa isipan ko...



May isang babaeng nakaupo sa tapat ng isang lumang piano at nakayuko doon, nakalugay ang kaniyang mahabang buhok na hanggang baywang at ang haba-haba rin ng kaniyang kasuotan. ilang sandali pa biglang dumating ang isang lalaking maginoo na naka-suot ng itim na sumbrero. Natatakpan ng malaking sumbrero ang mukha ng lalaki, habang ang babae naman ay nakayuko lamang. 

Humakbang ang lalaking iyon papalapit sa babaeng animo'y humihikbi, May inilabas itong papel mula sa kaniyang bulsa at inibaot sa babae, "Ginawa ko ang tulang ito para sa iyo" wika ng lalaki ngunit hindi siya pinansin ng babae.

"Batid kong alam mo na ang lahat, hanggang dito na lang siguro tayo, hindi tamang ipagpatuloy natin ito" tugon pa ng lalaki ngunit nanatili lang nakayuko ang babae hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga luha niya at diretso itong tumama sa tipahan ng piano."Pinamagatan ko ang tulang ito... Mi viejo amor mi viejo corazón" (My Old love, My Old Heart)

"Cada gota de lluvia muestra nuestro amor por el otro,

El viento sopla que trajo la diversa sensación de un amargo dulce amor que hemos experimentado,

Espera mi amor que no se perderá,

Tu amor es lo único que esperaba"



"Ano bang ang nais mong ipabatid? Bakit hindi mo na lang diretsuhin?" galit na tugon ng babae, bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang galit, lungkot, at sama ng loob. sandali namang hindi nakapagsalita ang lalaki, habang nanatili pa ring nakayuko ang babae at hindi siya nililingon.

Napahinga ng malalim ang lalaki at naupo siya sa tabi ng babaeng iyon, Ilang sandali pa bigla niyang hinawakan ang kamay nito at itinapat niya ang kaniyang labi malapit sa tenga ng babae at may ibinulong dito "Lo Siento Te amo... Esmeralda" (I'm sorry, I love you... Esmeralda)



*********************

Featured Song:

'Hindi ko kayang iwan ka' by Sheryn Regis

A/N: This is it! Naalala niyo pa ba si Manang Esmeralda na naging tagapagsilbi ni Carmela sa I Love you since 1892, Tama kayo! Siya ang Esmeralda na tinutukoy dito, matanda na siya sa I Love you since 1892 pero dito, 19 years old pa lang si Esmeralda, ang pangyayaring iyon ay nangyari sa taong 1846 kung saan dalaga pa lang si Esmeralda. Ano ang connection ni Aleeza kay Esmeralda from the year 1846?... Abangan!

By the way, ito nga pala ang English at Tagalog translation ng Spanish poem na Mi viejo amor, Mi viejo corazón (My Old Love, My Old Heart) originally written by Undeniably Gorgeous

"My Old Love, My Old Heart"

Every rain drops witness our love for each other

The wind blows that brought the diverse feeling of a bitter sweet love we've experienced

Look forward to my love that will not be missed

Thy love is the only thing I hoped for

"Ang Aking Lumang Pag-ibig, Ang Aking Lumang Puso"

Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan

Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan

Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam

Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam

P.S si pareng Google Translate lang ang bff ko sa pagtranslate nito sa Spanish kaya sa mga spanish language major diyan, I will be glad if there's a correction hihi :) and Also, pinili ko ang medyo old style ng english poem kaya medyo magulo din haha! Thank you so much and God Bless you all always <3


"Hindi ko kayang iwan ka" by Sheryn Regis


Source of Unending Love poem by Rabindranath Tagore: https://www.goodreads.com/quotes/tag/reincarnation

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
237K 11.8K 57
16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was when her unreasonable life began. She wa...
31.9M 815K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...