Felicita [Short Story]

By IcyDominance

2.6K 123 69

Kategorya: Paranormal Taong 1966 ng may nakabunggong babae si Emmanuel. Hinawakan niya ito sa balikat upang a... More

Habilin ng Tagasulat
I - Sa Kanyang Mga Mata
II - Ang Muling Pagtatagpo

III - Ang Pagtatapos

532 33 22
By IcyDominance

Kabanata 3: Ang Pagtatapos

EMMANUEL

Nagtaka ako nang makita ang katulong namin dito. Paano siya nakarating at anong ginagawa niya rito?

"Emmanuel? Paanong ika'y narito rin? Anong ginagawa mo dito?"

"Ganyan rin po sana ang itatanong ko sa inyo sapagkat bigla na lang akong nagising dito."

"Ako rin. Sa pagkakaalam ko kasi ay natutulog ako at dito rin ako nagising."

"Anong mga nakita mo ba pagkagising mo dito, Yaya? Talahiban lang kasi 'yung mga naaaninag ko dito."

"Talahiban rin, iho," sabi ni Yaya habang pinapaikot sa buong lugar ang dalang kulay itim na panilaw.

"Emmanuel! Emmanuel! Emmanuel!"

Bigla na lang kaming may narinig na sumisigaw sa pangalan ko.

Teka. Napakapamilyar ng tinig na iyon.

Pagkatapos tumakbo ng matulin ay nakalumbabang lalaki ang bumungad sa mga mata namin ni Yaya.

"Sino ka?"

"Alejandro? Anong ginagawa mo rito?"

"Hinahabol kasi . . . ako ng mga malalaking aso . . . ang laki nila . . . mukhang hindi pangkaraniwan. Pero pagdating ko rito ay bigla na lamang nawala."

Inaya ko sina Yaya at Alejandro na maglakad-lakad muna. Kanina ko pa napapansin na mukhang talahiban lang talaga ang lugar na ito.

Nakakapangilabot ng kinalalagyan namin ngayon. Idagdag mo pa ang napakakulimlim na sinag ng buwan, napakalawak na mga talahiban, ang atungal ng mga aso sa kapaligiran, at . . .

"Tulong! Tulungan ninyo ako!"

Dali-dali kaming tumakbo sa direksyon ng pinanggagalingan ng sigaw. Kaagad naman namin na nakita ang lokasyon ng sumisigaw. Isang babaeng nakasabit sa sanga ng puno na kung sakaling mahulog siya ay sa bangin ang kanyang babagsakan.

"Felicita? Sandali lamang at ako'y kukuha ng kahoy."

Agad ko namang inabot ang dulo ng kahoy kay Felicita. Mabuti na lang at agad rin siyang nakawala sa pagkakasabit at tuluyan ng nakawala sa panganib. Hindi ko sana siya tutulungan dahil alam kong isa siyang demonyo ngunit nanaig ang pagiging tao ko sa kanya.

"Maraming salamat, anak." Hinagkan niya ako pagkatapos magpasalamat.

"Walang anuman, Felicita . . . pero teka ano? Anak? Felicita naman, hindi ikaw si nanay."

Sina Alejandro at Yaya naman ay nagsisimula na ring magtaka.

"Pero anak. Ako talaga ito. Hindi ko alam kong paano iyon nangyari pero ginamitan ako ng salamangka ni Felicita upang maging kaanyo ko siya."

"Papaanong nangyari iyon?" sambit ni Yaya.

"Kung gano'n, maaring nandito rin si Felicita na nasa anyo ng ina mo Emman—" Hindi na natapos ni Alejandro ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang umalingawngaw sa paligid ang nakakapangilabot na tawa ni Felicita . . . na nasa katauhan ng aking ina..

Inilawan ni Yaya ng panilaw niya ang pinanggagalingan ng sigaw at nainagan namin ang nakakatakot na mukha ni Mama.

"Aaaahh! Takbo na! Bilis!" sigaw ni Alejandro, na dahilan ng pagkagulat at dali-dali naming pagtakbo.

May nakitang malaking bato si Alejandro at naisipan naming dito na muna magtago.

"Bilis! Bilis! Paparating na siya!"

Walang nagsasalita pero rinig na rinig ko ang bawat pagtibok ng puso naming apat. Balot na balot ng takot ang aming buong pagkatao.

"Yuhoo? Lumabas na kayo . . . Maglalaro pa tayo . . . Ay teka, naglalaro na pala tayo . . . Ahihi . . ." pakantang turan ni Felicita—na nasa katauhan ni Mama.

Nang akma na sana akong sisilip ay natulala ako. Ikaw ba naman na kaharap mo na ang nakakatakot na mukha ng ina mo.

"Putangina! Tayo na bilis!" sigaw ko habang hinila na lang ang kung sino mang mahila ko.

Bigla na lang akong nahintakutan ng hindi pala si nanay ang nahila ko kung hindi ay si Alejandro.

"Asan si ina?" tanong ko sa kanya habang inililibot sa buong paligid ang aking paningin. "Ayun!"

Hinila ko si nanay na nasa katauhan ni Felicita. "Nay bilis! Parating na siya . . . Nasaan po si Yaya?"

"Anak, nakuha siya ni Felicita. Tulungan natin ang Yaya."

"Pero Ma. Alam mo namang demonyo ang ating kalaban!"

"Anak! Hindi ba hindi naman talaga lingid sa kaalaman mo na matagal nang naninilbihan sa atin si Yaya?"

"Alam ko nam—" Hindi ko na natapos ang dapat ko pang sasabihin sana kay ina nang bigla na lang may kung anong gumulong sa aming paanan. Ito'y walang iba kung hindi . . .

"Ang ulo ni Yaya! Dyusko!" Napatakip ng bibig si Mama. Kalunos-lunos ang kanyang sinapit dahil nakabuka pa ang kanyang mga mata at bibig samantalang umaagos pa rito ang masaganang dugo ni Yaya.

Hindi na ako nag-atubili pang maglahad ng reaksyon sapagkat hinila ko na nang malakas ang inay mula sa kinatatayuan namin.

Kaagad kaming nagtago sa mga mas malalagong parte ng talahiban. Hindi gumagalaw pero rinig na rinig ko parin ang bawat pagtibok ng aming mga puso.

Habang tahimik kaming nagtatago sa mga mayayabong na talahiban ay bigla na lamang nag-iba ng anyo ang buong kapaligiran. Ang buong talahiban ay tila ba nabalot ng mga gumagapang na mga halaman na walang ano-ano'y naging tila isang napalawak na 'maze' na ang kinaroroonan namin.

"'Nak? Anong nangyayari? Bakit nawala ang mga talahiban?" sambit ng ina ko habang nagiginig na nakahawak sa kanang kamay ko.

"Hindi ko rin alam, Ma. Pero alam kong kagagawan na naman ito ni Felicita na nasa katauhan mo. Ma, kailangan pa kitang ibalik sa dati, hindi pwedeng habang-buhay kang sa katawan ng demonyitang iyon!"

"Emmamuel . . . Anak ko . . . Halika ka na dito . . . Punta ka sa mama mo . . ." Biglang nabalot ng nakakatakot na sigawan namin ang pinagtataguan namin ni Mama nang marinig namin na tinatawag ako ni Felicita.

Kumaripas kami ng takbo upang pilit na layuan ang taong tumatawag sa akin. Takbo lang kami nang takbo habang pilit na hinahanap ang daan palabas, pero waring bumabalik lang kami sa pwesto namin kanina. Idagdag mo pa na parang mas lumalakas ang napakatinis na boses ng demonyong iyon.

Sa 'di kalayuan ay may naaninag akong nakaratay na lalaki sa likod ng isang pader ng 'maze'. Hindi ko makita ang kanyang mukha kasi mula tuhod patungong paa lang ang nakikita ko. Doon na ako nagtaka ng makitang napakapamilyar ng sapatos niya. Kagayang-kagaya ito ng sapatos na iniregalo ko kay Alejandro noong may 'christmas party' kami sa eskwelahan.

Nang makalapit na ako nang tuluyan sa taong nakahiga ay agad akong napahagulhol nang malakas ng malaman ko ang kinahatnan ng aking nag-iisang kaibigan. Alam kong siya ito dahil sa kanyang kasuotan. Sabog ang kanyang bungo habang nagkalat naman ang mga munting piraso ng kanyang utak sa paligid. Demonyitang Felicita! Kailangan kong makaganti sa kanya! At dapat makaalis na rin kami ni nanay dito. Halaka? Nasaan si Nanay?

"Nay? Nay? Nasaan ka Nay?"

Inilibot ko ang buong paningin ko sa paligid. Kahit na madilim ay pilit kong inaninag ang buong kapaligiran. Wala na akong pakialam kahit na nakita kong may naapakan akong isang mata na paniguradong kay Alejandro.

"Tulong! Tu . . . long! Emmanu—"

"Anak!"

Alam kong boses iyon ni nanay kaya kumaripas ako ng takbo patungo sa pinanggagalingan ng kanyang boses. Dapat ko siyang tulungan baka kung ano nang ginagawa sa kanya ng demonyitang iyon!

"Ma? Anong? Sino sa inyong dalawa ang totoong nanay ko?"

Hindi! Hindi maaari ito! Paanong naging dalawa ang nanay ko?

"Ako!" sabay na sigaw ng dalawang babaeng kamukha ng nanay ko. Magkatulad na magkatulad talaga ang dalawang nasa harapan ko. Mula sa boses, sa tindig, at maging sa pananamit.

"Hindi! Impostora kalang!"

"Tumahimik ka Felicita! Alam mong ako ang totoong Teresa!"

"'Wag kang maniwala sa kanya, anak! Gusto lamang niyang maagaw kayo ng tatay mo sa akin! Pero wala siyang magawa dahil patay na ang tatay mo!"

"'Wag mong ibahin ang usapan Teresa dahil ikaw ang manggagaya ng mukha! Ikaw ang gustong umagaw sa anak at asawa ko! Pinatay mo pa si Yaya!"

"Tama na!" Agad silang tumahimik ng sumigaw ako nang napakalakas at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Hindi totoo yan!"

Matapos na sumigaw ng isa sa kanilang dalawa ay biglang bumuka ang lupang nasa harapan namin. Pagkatapos ng ilang mga segundo ay nakita kong napakalalim ng ibinuka ng lupa at ang mas nakakatakot, dagat-dagatang apoy ang nandoon at ang sigawan ng tila nasusunog na mga tao.

"Hindi! Hindi totoo to!"

"Anak!"

"Ikaw ang may kasalanan nito, Felicita! Itatapon kita pabalik sa pinanggalingan mo!"

"Hindi mo magagawa 'yon! Dahil iuuna na kita!" aniya at saka sinugod ang isa pang kamukha ni Mama.

Hindi ko alam kung sino ba si Mama sa kanilang dalawa. Pareho kasi silang malakas at magkatulad, sa naaalala kong mga katangian ni Mama.

Paano ko ba sila aawatin? Papagitna ba ako sa kanilang dalawa? Tapos baka mahulog pa ako sa dagat-dagatang apoy o 'yung tinatawag nilang impyerno.

Habang nagsasabunutan at nagsasapakan ang dalawa ay bigla na lang nahulog ang isa sa bangin pero siguro sinuwerte siya dahil napakapit pa siya sa ibabaw ng bangin.

Tutulungan ko ba siya? Kasi baka kung tulungan ko siya, siya pala si Felicita. Tapos yung nanay ko pa ang mapahamak.

Lumapit ako sa dalawang babaeng kamukha ng mama ko. Tatapakan na sana no'ng isang nakatayo ang kamay ng babaeng nakakapit sa bangin nang pigilan ko ito.

"Ma, huwag! Hayaan mong ako ang tumapos sa kanya. Dapat kong ipaghiganti ang matalik kong kaibigan at ang yaya natin."

"Sige, anak. Gawin mo ang nararapat," aniya at saka niyakap ako.

Impyerno. Ang lugar kung saan tinatapon ang mga nagkasala noong nabubuhay pa sila. Ang lugar kung saan pagdadalamhati, kalungkutan, at mga palahaw ang siyang nangingibaw. Ang lugar kong saan nararapat ang kagaya ni Felicita.

Bago ko pa maapakan ang mga daliri niya ay napansin kong may tila ipinahihiwatig ang kanyang mga mata. Napakapamilyar nito.

Hindi na pumalag ang babaeng kamukha ni mama nang tuluyan ko nang tapakan ang mga daliri niya. Waring tanggap na niya ang sasapitin niya sa lugar kong saan siya nanggaling.

Muli kong niyakap ng mahigpit ang babaeng nasa likod ko at hinalikan sa noo. Napakasaya ko dahil nagbalik na si mama.

"I love you, Ma."

"Walang anuman, Emmanuel."

•••••

7:42 AM

Napakasakit na ng sikat ng araw ng ako'y magising mula sa bangungot na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero memoryang-memorya ko pa rin ang bawat detalye ng masamang panaginip na 'yon. Para bang nangyari talaga ito.

Nakapagtataka? Bakit hindi ako ginising ni Yaya? Nasaan kaya iyon? Makalabas na nga muna at mag-agahan.

Nang makababa ako ng hagdan ay agad kong naamoy ang napakabangong niluluto ng kung sino mang nagluluto sa kusina.

Si Mama lang pala.

"Good morning, Ma! Ano pong niluluto niyo?"

"Hipon."

Agad akong nagtaka. Nalimutan na ba ni mama na allergic ako sa hipon?

Kaagad kong naalala ang mga nangyari sa aking bangungot. Akala ko noon mawawala na si Mama pero mabuti na lamang at tama ang naging desisyon ko. Iyon na siguro ang pinakamahirap na desisyon sa tanang buhay ko kahit na nangyari lang 'yon sa isang panaginip.

"Ma? Asan si Yaya?" tanong ko habang sinusuri ang mga laman ng refrigerator.

"Umuwi muna siya sa kanila. Nasasabik na raw kasi siya sa pamilya niya."

"Ano? Matagal nang walang pamilya si Yaya!"

"Ha? Ganun ba? Siguro dala na rin ito ng pagod kaya kung ano-ano na ang naiisip ko."

Niyakap ko na lamang si Mama upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang pagod.

"I love you, Ma."

"I love you, too anak," aniya habang hinahaplos ang likod ko.

Pagkatapos naming magyakapan ay tumingin ako sa mukha ni Mama. Nang mapadako ako sa mga mata niya ay napagitla ako. Kitang-kita ko . . . kitang-kita ko kung paano naging pula ang kanyang mga mata. Hindi maaari! Hindi ako pwedeng magkamali. Tama nga ang hinala ko. Hindi ito ang nanay ko!

"May problema ba anak?" aniya habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ko.

"H-hindi, Ma. Wala ito."

Hindi maaari! Si Felicita ang kasa-kasama ko ngayon!


PRINSESA CASSANDRA aka FELICITA

Hindi mapigilan ni Felicita na mapangiti habang nagluluto. Paano'y may pumalit na sa kanya sa dagat-dagatang apoy.

Nagwagi ako! Natalo kita Teresa! Paniwalang-paniwala ang anak mo na ako talaga ang totoo niyang ina. Hahaha! Magdusa ka diyan sa impyerno!

•••••

Author's Note:

Salamat po sa mga sumuporta ng Felicita. Please hit vote button and don't forget to leave a comment. Nawa'y pagpalain kayo ng Maykapal.

©IcyDominance, 2017

Continue Reading

You'll Also Like

39.6K 1K 60
Alam kona pangit ako sa paningin ng maraming tao pero wala akong pake di naman nila buhay ito. Pero ng dahil lang sa isang lalaking minahal ko ng lub...
52.1K 1.8K 35
Di ko inaakala na darating ang isang kagaya nya sa buhay ko. Sya yung lalaking pinangarap ko na mapasaakin. Mala-fairytale ang storya namen. Hindi bo...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
27.9K 1.2K 29
Sa ika-labimpitong kaarawan ni Thessa ay nakatanggap siya ng isang napaka-espesyal na regalo mula sa long time crush niya. Ang hindi niya lang alam a...