Moving Into the Monster's Hou...

By areyaysii

748K 13.1K 968

Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst... More

Free again!
Published Book
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Special Chapter: The Office Chronicles - Busted

Chapter 11

20.8K 429 8
By areyaysii

Tahimik akong sumunod kay Martina pagkatapos kong pulutin 'yong mga suot ko kanina. With my life on the line, sa tingin ko, it was pretty safe to keep my mouth shut na lang kaysa mag-comment na naman ako ng kung ano. Pagkatapos bayaran no'ng bruha 'yong pesteng bestida, dumeretso na rin kami sa opisina.

Just what I expected, malaki 'yong opisina nila. If my estimate is right, hundreds of people work here. It didn't help the fact na sinusundan ako ng tingin ng mga empleyado rito habang nakasunod ako sa bruha. Kinakabahan na nga ako at feeling ko, ang nasa isip lang nila ngayon ay may isa na namang kawawang nilalang na pahihirapan nitong babaeng 'to.

"From now on, Georgina will be working with you. Teach her everything that she needs to know pronto," pag-uutos no'ng bruha sa babaeng hindi ko man lang natandaan ang pangalan. Pagkatapos noon, dumeretso na siya sa kwarto niya. Ibinalibag pa niya 'yong pinto para magising ang kung sino man 'yong emplyedong nakatulog na sa tapat ng opisina niya.

"Follow me. Pakinggan mo lahat ng sasabihin ko kasi hinding-hindi ko na siya uulitin. I don't tolerate stupidity and I hate people who commit mistakes. Kung gusto mong magtagal sa trabahong 'to, keep your eyes sharp and your mouth shut. Understood?" sabi ng babae sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "By the way, call me Ms. Courtney. Drop the miss and you'll regret why you ever lived."

Tumango na lang ako kay Ms. Courtney at sinundan siya sa loob ng office. Ipinakilala niya sa akin 'yong head ng departments saka kung ano ba 'yong ginagawa nila sa company. Pagkatapos, tinambakan niya ako ng mga dokumento na kailangan ko raw aralin tapos lumayas na siya. If my guess is correct, kaunti lang naman ang itinanda niya sa akin. Kung bakit first day na first day ko pa lang ay nagpapaka-bitchesa na siya sa akin, wala akong ibang maisip maliban sa inutos 'yon ng bruha. Or maybe she's just really like that.

A couple of hours passed at hindi ko pa rin malaman kung bakit ko ginagawa ang ginagawa ko. Medyo nagkakaroon na rin ako ng information overload at sumasakit na ang ulo ko. Papunta pa lang sana ako ng pantry para kumuha ng inumin nang biglang bumalik si Ms. Courtney mula sa meeting na pinuntahan nila ng bruha. Binati ko siya agad pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Where do you think you're going, huh?" tanong niya sa akin sabay harang sa daraanan ko palabas ng cubicle.

"Kukuha lang sana ako ng tubig. Gusto ko sanang uminom ng gamot, e. Sobrang sakit na kasi ng ulo ko."

"No can do, Georgina. You arrived late for work so your break will be late as well. You could go get your glass of water after two hours. Do I make myself clear?"

"Uhh, I think so," mahina kong sagot sa kanya.

"Good. Now, go back to reading."

Sinunod ko na lang 'yong sinabi ni Ms. Courtney kahit na labag sa loob ko. Kung first day pa lang ng trabaho ko, parang impyerno na, paano pa ako magsu-survive sa susunod na mga araw?

***

Sa bawat araw na lumilipas, patindi nang patindi ang nangyayari sa akin sa opisina. Ms. Courtney wasn't helping either. Parang mas nagbibigay pa nga siya ng rason para mag-quit na ako rito. Lahat na lang ng maisip niyang utos, kahit gaano kaliit o kasimple pa 'yon, ibinibato niya sa akin. Kahit na may housekeeping kami sa opisina, ako ang pinakukuha niya ng kape at pastries. Pinapupunta niya pa ako sa kung ano-anong department only to find out na tapos naman na pala 'yong mga pinakukuha niya. Pinagbubuhat niya ako ng sandamukal na documents sa meetings pero ang ending, useless naman pala lahat ng 'yon.

Honestly, sinubukan ko naman na ang lahat ng pwede kong gawin. Hindi ako pumapatol sa kanya kahit na halatang pino-provoke niya ako. Ginagawa ko lahat ng utos niya kahit na parang sobrang useless ng mga 'yon o kaya naman ay labag sa loob ko. Then came the time when Dwight's path and mine finally crossed.

At that time, may buhat akong kahon na puno ng mga pinakukuha sa akin ni Ms. Courtney. Nasa harapan ko siya pero nagulat ako no'ng bigla siyang huminto sa paglalakad. As a result, bumangga ako sa kanya at muntik ko nang malaglag 'yong kahon na buhat ko. Buti na lang may tumulong sa akin at kinuha 'yong kahon mula sa mga kamay ko.

"Sir Dwight," pagbati ni Ms. Courtney habang nakatayo siya roon at nagmumukhang long lost fan girl sa harapan ni Dwight.

"Bakit buhat-buhat mo 'tong kahon? Pwede mo namang ipabuhat na lang 'yan sa iba," tanong sa akin ni Dwight, completely ignoring the fact na katabi lang namin si Ms. Courtney.

"Kaya ko naman, e. Besides, malapit lang naman 'yong meeting room," sagot ko.

"Sir Dwight, I'm sorry for the lack of manners of Georgina. As you can see, she's just new in the company so she doesn't know that you're the son of Ms. Olivia."

"Don't even answer when I'm not talking to you," sagot ni Dwight sa kanya.

Wala na ibang nagawa si Ms. Courtney kung hindi tumayo roon at mapanganga.

"G, tell me what on earth is going on? Si Mommy ba ang may pakana nito, ha? Kaya ko sinabing tanggapin 'yong trabaho na 'to kasi akala ko, may matututunan ka dito. Hindi ko naman alam na puro stress lang ang aabutin mo dito. You're going to quit now."

"Dwight, I'm fine. Kaya ko 'to. Just trust me on this one, please?" pakiusap ko sa kanya.

Hindi na nakasunod si Ms. Courtney sa usapan namin ni Dwight pero wala na kaming pakialam. It was proving my worth to Dwight's mom that mattered in this moment.

***

Dwight's POV

Dumeretso agad ako sa opisina ni Mommy pagkatapos kong matuklasan ang sitwasyon ni Georgina. Hindi ko matanggap na nagpapakapagod siya sa trabaho nang wala man lang siyang nakukuhang kapalit maliban sa stress. Ni hindi nga nakatutulong sa kanya si Courtney. Mas pinalalala lang niya ang sitwasyon.

"Ma, we need to talk about G," deretsong sabi ko pagkapasok ko sa opisina niya. Ni-lock ko na rin ang pinto para walang makaistorbo sa aming dalawa.

"What is it about?" tanong niya sa akin na para bang wala siyang ideya sa sinasabi ko.

"Ma, I know that you know what on earth I'm talking about!" Napalakas na ang pagkakasagot ko sa kanya dahil sa inis.

"Calm yourself down, Dwight!"

Napailing ako sa sinabi niya at naupo na lang ako sa pinakamalapit na upuan sa pwesto ko.

"Ma, nakikiusap na ako sa 'yo. Please don't be too hard on G. Ginagawa naman niya ang lahat para lang matanggap n'yo siya. Hindi mo ba pwedeng tingnan na grabeng effort na ang ginagawa niya ngayon? Hirap na hirap na nga siya sa pagtitimpi para lang hindi na kayo magkasagutan pa pero hindi naman nakatutulong sa sitwasyon 'yong assistant mo."

"Dwight, hindi ko alam kung anong tinutukoy mo. Ano bang ginagawa ni Courtney kay Georgina? Ang inutos ko lang sa kanya ay ituro niya kay Georgina ang lahat ng dapat niyang matutunan dito sa kompanya."

"Huwag na kayong magpanggap na inosente, Ma. Stop lying and stop treating Georgina like crap!" sigaw ko nang hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Kung ano-anong scenario kung saan maaaring pinahihirapan ni Courtney si Georgina ang tumatakbo sa isipan ko at gustong-gusto ko na siyang sapakin kung hindi lang siya babae.

"Dwight, please listen to me. Hindi ko alam na ginagawa 'yon ni Courtney kay Georgina."

"Paano naman po ako maniniwala sa inyo kung alam na alam kong kaya n'yong gawin 'yon sa asawa ko?"

"Sinusubukan ko namang pakitunguhan siya nang maayos. Intindihin mo naman sana na hindi rin 'to madali para sa akin. You drifted away from me before because of her. I don't want the same thing to happen again," she said as she sat right next to mine. Hinawakan din niya ang kamay kong nanginginig na dahil sa matinding galit.

"Ma, 'yan na nga ang problema. Ayaw mo akong umalis pero kung ano-ano pa rin ang ginagawa mo sa asawa ko! Hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang ang mga nangyari noon at mamuhay na lang tayo nang maayos ngayon? Alam kong nagsinungaling na naman kami but please reconsider."

"Alam kong alam mo na ayaw na ayaw ko kay Georgina."

Napabuntonghininga na lang ako pagkarinig ko sa naging sagot niya. Mas pinalalala niya ang sitwasyon sa bawat minutong lumilipas. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay taliwas lang sa lahat ng bagay na sinabi niya kanina.

"If you want the best to happen, you can always find ways to do it. Don't even try to give senseless excuses as to why you can't try to make the situation work."

"I'm already doing something. You don't even need to push me to do it," she answered, her voice shaking. Nararamdaman ko na ang pagkairita niya sa sitwasyon pero kailangan kong siguruhing naiintindihan niya ang punto ko.

"Ma, please. Stop whatever this is that you're doing to Georgina."

"Dwight, you don't understand it, do you? I offered Georgina a position in the company because I wanted her to learn something from it. I told her that this job is strictly professional and I meant that. I am still her boss and honestly, I can't think of anything that I have done in the past few weeks that could be against her. Georgina is a bright girl, Dwight. She doesn't need an extra push from me for her to excel."

"Ma, just don't add more flame to the fire. Please." I told her one last time hanggang sa may kumatok na sa pinto. Nang buksan ko ito, nandoon si Georgina na para bang naghihintay lang sa aming dalawa.

End of Dwight's POV

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...
136K 6.1K 40
Twenty-four-year-old travel blogger Cory Dimaranan is tasked to seek and showcase the wonders of Palawan. But when she accidentally discovers things...
2.4K 551 32
When they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]
4.8K 387 63
|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already de...