7 Days of Darkness. (NEW)

By JTMLover

42.5K 236 21

Harper Milan is a famous young journalist at a well-known national newspaper called the Daily Chronicle. One... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

2.1K 59 6
By JTMLover

EMAIL

 

Binuksan ni Harper ang kanyang computer at tiningnan ang kanyang email account, habang tinitingnan nya ang nasa inbox ay nakatawag pansin ang isang email na may subject na '7 days of darkness is near!".       

"Spam email!" Sabi ni Harper at kahit di pa nya ito nababasa ay dinelete niya ito, pagkadelete ay may nag email ulit '7 days of darkness is near!"

"What the...." Klinik nya ito para alamin kung sino ang nag email sa kaniya.

<Harper this is Stacey remember me?>

May naka attached na picture nito, maliit pa sila noon, 12 years old si Harper, same age with Stacey nung time na 'yon, magkasama silang dalawa sa tabi ng fountain.At kuha nila iyon sa likod ng bakuran ng isang lumang simbahan, dati silang magkapitbahay sa isang countryside.At naging mag kaklase sila nung elementary.At sa City na sila nagpatuloy ng pag aaral pagdating ng high school.At mula nung lumipat sila sa syudad ay hindi na sila nagkikita, 12 years ago na yung kuha na 'yon.At nang pinagmasdan ni Harper ay mayroon syang naalala.

"She is crazy, its been 12 years at sineryoso niya yung sinabi ng priest?"

May isa pang naka attached na picture at nakita nya ang kuha ng isang puting wolf.

"Wolf?" nagtatakang wika ni Harper sa kanyang sarili.

May naka attached na kontak number ni Stacey at napilitan syang tawagan ito.

...

Samantala...nasa condo unit si Stacey, isa syang vlogger sa internet.

Seryoso syang nagbabasa ng isang lumang notebook nang biglang nag ring ang kanyang cellphone.

"Hello, may I talk to Stacey?"

"Yes its me, who is this?"

"This is Harper, kamusta ka na Stacey? natanggap ko email mo, how did you know my email address?"

"Harper? oh thank God! I got it from website ng company nyo, nag try ako na baka mabasa mo yun, I also sent a message in your social media pero you don't even replying,"

"I'm more on email than that, anyway, anong ibig sabihin nito, 7 Days of Darkness?"

"Don't you forget?"

"Oh Yeah, hanggang ngayon naniniwala ka pa rin ba?"

"Maaari ba na magkita tayo ngayon, please kailangan mong malaman ang sasabihin ko,"

Pansamantalang nag-isip si Harper.

"Ok, right after my work, 2 hours from now."

"Saan tayo magkikita?"

"Sa coffee King, Rockwell blvd."

"Ok, see you then!" wika ni Stacey sa kabilang linya.

FLASHBACK

12 years ago...Sa loob ng simbahan sa hometown ni Harper at Stacey.Nakaupo sila sa tabi ng mga magulang habang nakikinig ng sermon ng pari.Maya-maya ay biglang tumayo ang dose anyos gulang noon na si Harper.

"Where are you going son?" bulong na wika ng kanyang ina.

"Mom, sa fountain lang po, I feel hot in here,"

"Ok, stay close," di na napigilan ng kaniyang ina si Harper na lumabas.

Samantala napatingin sa kaniya si Stacey na kasing edad din ni Harper, at kaniya itong sinundan.

Pagdating ni Harper sa fountain ay nakita niya si Nadine, ito ang unang araw na nakilala niya ito.Ngunit di nagtagal ay umalis na agad ito.Habang nakatanaw si Harper sa papalayong si Nadine ay dumating naman si Stacey. "Hi, ano ginagawa mo dito?" Naka ngiting tanong ni Stacey.

"I saw a very beautiful lady, sayang di mo nakita!"

"Talaga? Ilang taon na siya?"

"Hmn...maybe 17, alam mo yung mga mata niya nakaka inlove, kakaiba yung kulay ng mga mata niya, and her lips is so red,"

"Ah sayang di ko nakita,"

"Sa susunod na Linggo pupunta ulit ako dito, baka makita ko ulit siya!"

"Pero 17 na siya, parang ate mo na,"

"Pero iba ang nararamdaman ko eh!" wika ni Harper at naupo sa pabilog na pond kung saan nakalagay ang fountain sa gitna nito.

Habang sila ay nag-uusap ay may pari na lumapit sa kanila.

"Mga anak, bakit hindi kayo nakikinig ng misa? bakit kayo nandito?"

Nagmano ang dalawang bata sa pari.

"Sorry po Father, kasi..." di malaman na isasagot ng dalawa.

"Basta sa susunod huwag kayong lalabas ng simbahan hangga't di natatapos ang misa ha?"

"Opo Father,"

"Ako nga pala si Father Robert, kayo ano mga pangalan ninyo?"

"Ako po si Stacey,"

"Ako naman po si Harper,"

"Hmn...madalas ko kayong makita at kilala ko mga magulang ninyo,"

Ilang sandali pa ay nagtanong si Harper.

"Father, may kilala po ba kayo na isang napakagandang babaeng laging nagpupunta dito sa fountain, nakalimutan ko po itanong pangalan niya eh,"

"Hmn...Yung babaeng sinasabi mo ba ay may kakaibang kulay ang mga mata?"

"Opo! Sya na po yung pinaka magandang babae na nakita ko po!" masiglangwika ni Harper. Napaisip si Father Robert.

"Di ko akalain na nagpakita rin sya 'sayo,"

"Ano po ibig ninyong sabihin?"

"Kung kani kanino na ako nagtatanong sa mga tao kung may nakita silang babae na kagaya ng nilalarawan mo na laging nagpupunta dito sa fountain, kahit mga kapwa ko pare at mga madre, ngunit walang sinoman ang nagsabi na may nakita na sila na ganoong tipo ng babae,"

"Nakita ko po sya!"

"Sigurado ka ba na nakita mo sya? O baka naman naririnig mo lang sa iba dahil napagtatanungan ko sila?"

"Totoo po father, kulay dagat ang kaniyang mga mata, napakasutla ng kaniyang mga balat at napaka amo ng kaniyang mukha,"

"Halika at sumama kayo sa akin sa basement, may sasabihin ako sa inyo," wika ni Father Robert.At kaniyang niyaya ang mga ito sa basement ng simbahan.
Madilim sa basement kaya nagsindi ng kandila si Father at inilagay ito sa ibabaw ng kahoy na lamesa.

"Mag-siupo kayo,"

Naupo ang dalawang bata.

"Mag-iinit lamang ako ng ating maiinom," wika ni father at nagtungo ito sa isang tabi kung saan may kalan at nag init ng tsolate. Habang abala si Father ay nakaramdaman naman ng kaba si Stacey.

"Natatakot ako Harper, baka nakakatakot sasabihin ni Father,"

"Shushhh, huwag ka matakot, makinig lang tayo.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbalik na si father at inihain ang mainit na tsokolate at bisquit, naupo ito sa kailang harapan.

"Dahil sa nakita mo ang babaeng iyon at nandito na rin lang ang kaibigan mong si Stacey ay sa inyo ko ito dapat sabihin,"

"Ano po yun?"

"Sino po siya?"

"Sa ngayon ay di ko maaaring sabihin kung sino siya dahil ako ay nangako sa kaniya, ngunit hindi siya pangkaraniwan na babae, ang kaniyang pangalan ay Nadine,"

"Saan po sya nakatira?" tanong ni Harper.

"Hindi ko alam kung saan sya nakatira at kung saan sya nanggaling, ngunit mayroon syang sinabi sa akin na dapat nating paghandaan!"

"Ano po yun Father?," intreresadong tanong ni Harper.

"Sa mga darating na panahon, di ko lamang alam kung kailan, ay mayroong magaganap na 7 Days of Darkness,"

"7 Days of Darkness?"

"Oo, gaya ng sabi ko, ang babaeng nakita mo sa fountain ang nagpabatid sa akin,"

"Kelan po ito mangyayari?"

"Kapag naganap ang tinawag nilang Perfect Blood moon ay magaganap ito sa ikatlong araw,"

Natakot ang dalawa sa sinabi ng Pari.

"At kapag nagpakita ang puting wolf, ay isa yun sa magpapatunay na ito ay magaganap, kaya kailangang malaman ito ng mga tao upang magkaroon sila ng oras para makapag handa!"

Napansin ng pari na natatakot na si Stacey at hinagod ni Harper ang kaniyang likuran.

"Kapag dumating ang takdang araw, gusto kong kayo ang tutulong sa akin na maipalaganap ang balita para makapag handa ang mga tao,"

"Pero bata pa po kami?" wika ni Harper.

"Tandaan ninyo ang sinasabi ko sa inyo ngayon pa lang, maaaring mangyari ito kapag malalaki na kayoUnti unti ko na rin itong sinasabi sa aking misa ngunit marami ang di naniniwala at ang iba ay di na dumadalo para magsimba, kaya naisipan kong ihinto na muna ang pagpapalaganap nito,"

"Totoo po kaya yun father na mangyayari?"

"Yan pa ang isang di ako nakakasiguro, dahil sinabi lamang ito ng misteryosang babaeng iyon, ngunit kapag magaganap ang mga senyales, gaya ng perfect blood moon at pagpapakita ng puting wolf ito ang katunayan na magaganap ito,"

Maya maya ay tumayo si Father at may kinuhang notebook at iniabot sa kanila.

"Ibibigay ko sa inyo ito, isinulat ko diyan ang mangyayari at ang mga nararapat gawin para makaligtas sa loob ng pitong araw ng kadiliman.At kapag malalaki na kayo at pag naganap ang mga senyales ay kayo na bahala na magpalaganap para marami ang makaligtas, nauunawaan niyo ba?"

"O-opo father,"

"Bumalik na kayo sa misa at tiyak hinahanap na kayo ng inyong mga magulang,"

Makalipas ang ilang buwan, nagkita muli ang dalawa sa tabi ng fountain.

"Pupunta na kami ng Manila bukas, doon na ako mag ha high school," wika ni Harper.

"Ah ganon ba? Paasyal ka pa ba dito?"

"Oo naman, tuwing bakasyon, ikaw Stacey, saan ka mag ha high school?"

"Sa Manila rin pero next year pa, may inaayos pa kasi ang daddy na mga lupain dito,"

"Sana magkita ulit tayo,"

"Oo naman Harper, magkikita pa tayo, basta huwag mong kalimutan yung mga sinabi ni Father Robert huh?"

"Oo ba, ikaw na ang magtago ng note book na to," sabi ni Harper at iniabot kay Stacey ito. "Pero, papano kaya kung totoo ito?"

"Kahit nasaan ka hanapin mo ako,"

"Papano kita makikita?"

"Basta magkikita pa tayo,"

"Basta kung magaganap ang blood moon at magpakita ang wolf, pagtulungan nating ipaalam sa mga tao ito ha?"

"Oo naman promise!" masayang wika ni Harper.

FLASHBACK END

Mula noon ay di na sila nagkita.

...

COFFEE SHOP

Naunang nakarating ng coffee shop si Stacey.

Naupo siya sa isang table at umorder ng coffee.

Di siya mapalagay at tingin ng tingin sa kaniyang relo.

"Harper, sana huwag mo kong biguin!" wika sa kaniyang loob.

Past 30 minutes na ay wala pa rin ito. At balak na niya sanang tawagan ito.At nang kaniyang dina-dial ang kaniyang cp ay napatingin siya sa entrance door ng coffee shop at nakita niyang may pumasok na isang guwapo at kagalang galang na lalaki.At namukhaan niyang ito ay walang iba kundi si Harper. Nang bumungad si Harper, ay napatitig si Stacey sa kakisigang taglay nito.Six footer, matipuno ang pangangatawan naka suot sya ng long sleeve na polo na color maroon at stripes na tie at naka tucked in sa black na medyo fitted na slacks pants at makintab na leather shoes na branded.Naka belt sya ng armani, at stylish ang kanyang buhok at may dala syang black coat na kaniyang hawak na nakasukbit sa kanyang balikat, at may hawak syang black na clutch bag.Almost 12 years silang hindi nagkita.

"Stacey?" Nakangiting sabi ni Harper.

"Yes its me! Long time no see!"

Nang nakita ni Harper si Stacey ay natandaan niya agad ito, laging naka pony tail ang buhok ni Stacey bata pa lamang sila, maganda si Stacey at simple lamang sya manamit.Naka white short sleeve na naka tucked in sa fitted na blue jeans at nike na running shoes naman ang suot ni Stacey.

"You look so good Harper, have a seat," masayang sabi ni Stacey.

Naupo si Harper at umorder ng hot coffee.

"So sorry I'm late.Ano ba yung email mo, so annoying!"

"Nakalimutan mo na ba ang lahat?"

"Not actually, pero, hindi ko na iniisip yon dahil hindi totoo 'yon Stacey,"

"Nagpakita na sa akin ang wolf!"

"Yung picture na sinend mo sa email? Really?"

"Totoo, yon Harper,"

"Saan at kelan mo nakita?"

"Last night , sa bintana ng condo ko, nag iinternet ako sa computer nang biglang may kumaluskos sa sliding window ng kuwarto ko, at nang hinawi ko yung kurtina ay nakita kong nandoon sa terrace.Nakuhanan ko agad ng picture, at biglang tumakbo ng mabilis sa kabilang terrace hanggang nawala sa aking paningin!"

"Wolf?"

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni father Robert, na kapag may nakita kang puting wolf, ay iyon ang sign na magaganap na ang 7 days of darkness?"

"Ah ok natatandaan ko na, pero baka co incedence lang yon Stacey?"

"How can you say that is co incedence, nakakita ka na ba ng wolf na gumagala? at nasa taas ng building? Mayroon ba nun?"

"How could it be?"

"Kaya nga, at natatandaan ko sabi ni Father Robert, kapag nagpakita na ang wolf ay bibilog ang buwan sa gabi at kasing kulay ng dugo."

"Ang tinatawag nyang Perfect Blood Moon?"

"Prescisely!"

"So anomang araw sa gabi pwede itong mangyari?" tanong ni Harper.

"Yes! At siguradong sa mga darating na araw ay lalabas ang blood moon, at baka malay mo kung ngayong gabi na! at kailangan malaman ng tao tungkol sa magaganap na 7 days of darkness.Sinulat ni father sa notebook ang mga dapat gawin para makaligtas, para di natin makalimutan, read this! its all written in this notebook, para maalala mo lahat Harper, the mankind should prepare!"

"But how can I do that?"

"Sa Daily Chronicle ka nag tatrabaho at isa kang sikat na journalist, you can spread the news Harper!"

"What? I can't do that, wala akong basehan kung totoo 'yan, do you want me to get fired in my job?"

"Yung wolf? Hindi ba basehan yon?"

"Well, ikaw nakita mo pero ako hindi ko naman nakita."

"But you have to believe me!"

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 571K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
2M 69.1K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...