Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 13: Instant Celebrity

704 9 3
By chumeleven

(A.N: Ang HOT body ni Adrian ------------------------------------------------------------------>)

Last day ng final exam ngayon sa Maryland Academy. Lahat ng estudyante ay excited na gumala at mag-relax dahil bakasyon na. Oo, sa mga 1st year at 2nd year students, bakasyon. Pero hindi para sa mga 3rd year students dahil kailangan nila mag-OJT.

                “Whooo! Tapos na din ang exam!” sigaw ni Adrian. Tuwang-tuwa siya dahil makakapaggala na sila ni Jen.

                “Love, hindi ka naman excited?” sambit ni Jen kay Adrian.

                “Excited talaga lalo na at makakasama kita.”

                “Gusto nyo pumunta sa mall?” yaya ni Jiro.

                “Sige ba!” sabay na sagot nila Adrian, Jen at Yumi.

Habang naglalakad sila sa hallway palabas ng school, ang mga estudyante sa Maryland Academy ay binabati si Jiro at Yumi dahil sa commercial nila. Pinalabas na kasi sa tv at kalat na din sa youtube.

                “Jiro! Ang gwapo mo sa commercial!” sigaw ng isang grupo ng mga kababaihan.

                “Bagay na bagay kayo ni Jiro, Yumi!” sigaw naman ng isa pang grupo.

                “Yumi, ang swerte mo! Nahalikan mo si Jiro!” isang grupo pa ng mga kababaihan ang sumigaw.

Nakakunot ang noo ni Jen. Out of place siya. Huli na siya sa balita na nag-shoot ng commercial si Jiro at Yumi.

                “Jiro, anung commercial ang sinasabi nila?” tanong ni Jen kay Jiro.

                “Hindi ba nakwento sayo ni Adrian?” agad naman tumingin si Jen kay Adrian agad naman umiwas ng tingin.

                “Love, tumingin ka sa akin.” Agad naman tumingin si Adrian kay Jen.

                “Ahehehe. Sorry, love. Nakalimutan kong i-kwento sayo. Nag-shoot ng commercial sila Jiro nun nasa Albay tayo. I-kwento ko na lang sayo mamaya un ibang detalye.” Paliwanag ni Adrian.

                “Kailan ka pa naging makakalimutan ha, love?” pinisil-pisil ni Jen ang magkabilang pisngi ni Adrian.

                “Ah! Aray, love. Sorry. Nakalimutan ko talaga. Sorry talaga.”

                “Kailangan ko mapanood ang commercial. Yumi, akin na ang Ipad mo.” Agad naman binigay ni Yumi ang Ipad niya. Umupo silang apat sa isang cottage. Sabay-sabay nilang pinanood ang commercial.

                “Whaaa! Yumi! Ang ganda mo dito at bagay na bagay kayo ni Jiro. Ayieee!” sabay kurot sa tagiliran ni Yumi. Si Yumi naman nagblublush na sa sinabi ni Jen.

                “Th-thank you, bestfriend.” Niyakap naman ni Yumi si Jen.

                “Instant Celebrity ka na, bestfriend! Sana maraming kumuha sa inyo ni Jiro para mag-model ulit.”

Pagkatapos nila panoorin ang commercial, dumiretso na sila sa mall. Naglaro muna sila sa playzone bago kumain.

                “Adrian, one on one tayo!” hamon ni Jiro kay Adrian. Nasa isang shooting arcade sila.

                “Anong consequence ng matatalo?” tanong ni Adrian.

                “Maglalakad ng topless sa mall.” Nagulat si Jen at Yumi sa sinabing consequence ni  Jiro.

                “Game!” agad naman pumayag si Adrian. Wala naman siyang dapat ikahiya dahil maganda naman ang katawan niya. Pero, tumutol si Jen.

                “Ack! Jiro, pwede ba iba na lang?! Ayoko makita ng mga tao ang pandesal abs ng love ko!” reklamo ni Jen.

                “Love, hindi naman ako papatalo kay Jiro. Kaya hindi ako ang gagawa ng consequence.”

                “Wag ka magsalita ng tapos, Adrian. Hindi pa nagsisimula ang laro natin.”

                “Basta, ayoko. For my eyes only ang pandesal abs ng love ko.” Singit ni Jen. *3*

                “Jen, pumayag ka na. Minsan lang naman tayo mag-enjoy eh.”

                “Hmp. Sige na nga, pero, pagpasok natin mamaya sa restaurant at saka pag-uwi natin, dapat nakabihis na kayo.”

                “Sige, sige.” Si Yumi naman, tahimik lang sa sulok. Natatawa kay Jen dahil sa pagiging possessive nito.

Pumwesto na sila Adrian at Jiro. Sabay sila naghulog ng token at nagsimula na sa pag-shoshoot ng mga bola.

Sa first round...

                “Go, love, go!” cheer ni Jen kay Adrian. Sunud-sunod na napasok ni Adrian ang bola sa ring. Nagsimula na magkumpulan ang mga tao kanila Adrian.

                “Go, Jiro! Whoo!” cheer naman ni Yumi. Kahit papano, hindi naman din nagpatalo si Jiro.

Si Adrian ang panalo sa first round. Ang score: 140 – 142.

Sa second round...

                “Love, wag kang sumablay. Para ikaw na ang panalo!” cheer ni Jen.  Habang si Yumi naman, isang goodluck kiss sa cheeks ang binigay kay Jiro kaya mas ginanahan maglaro si Jiro.

Si Jiro ang nanalo para sa second round. Ang score 156 – 146.

Pagod na parehas si Adrian at Jiro pero kailangan pa nila maglaro para sa tie-breaker. Biglang may naisip na ideya si Jiro.

                “Pano ba yan, pagod na kami ni Adrian pero kailangan pa ng tie-breaker.”

                “Kailangan pa nun? Pwede tie na lang kayo para walang maglalakad ng topless? Hehe.” Sagot ni Jen kay Jiro.

                “Hindi pwede. May naisip ako. Kayong dalawa ni Yumi ang maglalaro para sa tie-breaker.”

                “ANO?!” sigaw ng dalawa.

                “Teka lang, Jiro. Hindi ako magaling mag-shoot. Panigurado, talo tayo.”

                “Trust me. Mananalo tayo.” sagot naman ni Jiro at hinaplos ang mukha ni Yumi for

assurance.

                “Love, galingan mo ha. Kailangan mo manalo para sayo lang ang pandesal abs ko.”

                “Don’t worry, love. Mahilig ako maglaro nito dati.” sagot naman ni Jen kay Adrian.

                “So, ano? Ready na ba kayo?” ang ibang tao sa loob ng playzone ay naghiyawan na.

Nagsimula na maglaro sila Jen at Yumi. Binulungan ni Jiro si Yumi at dahil dun, sunud-sunod na shoot ang nagawa ni Yumi. Nag-cheer naman si Adrian kay Jen.

                “Go, love!” cheer ni Adrian.

                “Whaa! Wag kang maingay!” sigaw ni Jen kay Adrian. Na-distract siya kaya ayun, sumablay ang isang bola.

                “Oh, sh*t!” napamura si Adrian dahil sa pag-sablay ng isa pang bola. Alam na niya kung sino ang maglalakad ng topless.

Natapos na ang game.  Ang score....

40 – 38! In favor of Yumi.

                “Whooo! Sabi ko naman sayo, Yumi, mananalo tayo.” Sabay pisil ni Jiro sa ilong ni Yumi. Nag-blush naman si Yumi.

                “Whaaa! Sorry, love! Kung hindi lang sumablay yun dalawang bola, panalo sana tayo. :(“ sabay yakap ni Jen kay Adrian.

                “Ok lang, love.” Hinalikan naman ni Adrian si Jen sa noo.

                “So, pano ba yan, Adrian. Maghubad ka na.” Nagsimula nang tanggalin ni Adrian ang mga pang-itaas niya. Ang mga babae naman na nasa playzone, naghiyawan at kanya-kanyang labas ng cellphone para ma-picturan ang katawan ni Adrian. Si Jen naman ay inis na inis dahil sumablay siya ng dalawang beses.

                “Kain na tayooo!” yaya ni Jen habang naglalakad sa mall. Pinagtitinginan pa rin sila ng mga tao sa mall. Yun iba, na-weweirduhan dahil topless si Adrian, yun iba naman, natutuwa.

                “Ano ba yan. Wala bang damit yang lalake na yan at naglalakad ng walang pang-itaas.” Sabi ng isang matandang lalake.

                “Kyaaaah! Kuya, ang hot ng body mo!” sigaw naman ng mga haliparot na babae. Nahihiya na si Adrian pero konti na lang at malapit na din matapos ang consequence niya. Pagdating nila sa St. Louise, agad na nagbihis si Adrian.

Habang kumakain, napag-usapan nila ang tungkol sa OJT nila.

                “Jen, nakausap mo na ba si Tita Beth?” tanong ni Yumi.

                “Ah, oo. Ok lang daw sa kanya na doon ako mag-OJT. Bukas, papapirmahan ko yun mga documents na kailangan ng school.”

                “Ikaw, love? Saan ka mag-oojt?” tanong naman ni Jen kay Adrian.

                “Sa Maryland Academy. Ako ang magiging chair ng Business Management Department.” Sagot ni Adrian.

                “Wow, OJT pa lang, chair ka na kaagad. Ikaw, Jiro?”

                “Sa main office ng restaurant ng sister ko.” Sagot ni Jiro.

                 “E, ikaw Yumi?”

                “Sa company namin. Magiging OIC ako ng Finance Department.” Sagot ni Yumi.

                “Wow, ang bobongga naman.”

                “Alam mo, Jen, maswerte ka. Hindi ka masyadong mahihirapan sa OJT mo samantalang yun sa amin, ang hirap. Malaking responsibilidad din yun sa amin. Bilang anak ng mga kilalang negosyante sa business world. Hai.” Sambit ni Jiro. Tumahimik ang paligid.

                “So-sorry.”

                “Ok lang yun, Jen. Sa totoo lang, na-iinggit ako sayo dahil nagagawa mo ang gusto mo. Walang mga mata  na nakatingin sayo parati. Samantalang sa amin, isa mali lang, pinupuna na kaagad ng mga tao sa paligid namin. Kailangan, lagi kaming perpekto sa lahat ng oras.”

                “Pasensya na ulit.”

                “Ok lang, Jen. Naintindihan ko. Thank you at naging tunay na kaibigan ka sa amin at naging love mo tong is Adrian kahit na isip bata. Hahaha!” nagtawanan naman sila sa sinabi ni Jiro. Si Adrian naman, nagtampo at nag-pout na parang bata kaya mas lalo pa silang tumawa.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya na silang umuwi dahil lumalalim na ang gabi.

                “Good night, love!” sabay halik ni Adrian sa cheeks ni Jen.

                “Good night din, love!” akmang bubuksan na ni Jen ang pinto ng kotse nang pigilan siya ni Adrian.

                “Wala bang good night kiss dyan? Unfair.”

                “Ikaw talaga. Isip bata ka pa din, ano?”

                *CHUP~*

                “O, ayan. Sa lips pa ang good night kiss ko ha.” 

                “I love you!”

                “Love you too!” sigaw ni Jen at kumaway kay Adrian. Sabay na sila ni Yumi na pumasok sa building.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---JENNY’S POV---)

Maaga akong gumising para puntahan si Tita Beth. Nasa office daw siya ngayon. Kailangan kong papirmahan sa kanya ang mga documents at pagkatapos ay pupunta ako ng Maryland Academy para ipasa ang mga ito sa handler namin. Ang handler ay ang assigned professor na magsasagawa ng surprise on-site visit para i-grade ang performance namin.

Nagpahatid ako kay Yumi papunta sa main office. Ayoko kasi magpasama kay Adrian kahit na pinipilit niya ako kagabi na siya na ang maghahatid sa akin. Baka kasi magpang-abot sila ni Jeremy at umiral na naman ang pagiging seloso ng love ko.

                “Mam, saan po ang punta nyo?” tanong ng guard sa akin.

                “Ah, may appointment po ako kay Ms. Beth Shin. Ako po si Jenny Choi.” May tinawagan ang guard sa telepono.

                “Sige po, mam. Pumasok na kayo. Kanina pa kayo inaantay ni Sir Jeremy.”

                “Si Jeremy? Nasan si Tita Beth?”

                “May important business meeting daw po kaya si Sir Jeremy na lang daw po ang mag-aasikaso sa inyo.”

                “Ahh. Ganun ba? Sige. Salamat.” Dumiretso ako sa receptionist para mabigyan ako ng visitor pass. Tinanong ko din kung saan at anong floor ang office ni Jeremy.

                “18th floor, kaliwa. Ang laki din pala ng building nila Tita Beth.” Bukod kasi sa coffee shop, may iba’t ibang small businesses din sila na hinahawakan kaya sila nagpatayo ng sariling office nila.

*DING*

Nandito na ako sa 18th floor. Kinakabahan ako. Ngayon lang ulit kami magkikita ng maayos ni Jeremy pagkatapos niyang umalis noon nakaraang taon.

                “Good morning.” bati ko sa secretary. Aba, suplada. Hindi ako pinansin.

                “Excuse me, andyan ba si Jeremy sa loob?” tiningnan lang niya ako at kumatok sa pinto ng office ni Jeremy.

                “Sir, may naghahanap po--...” hindi natuloy ng secretary ang sasabihin. Pinigilan kong matawa sa ginawa ni Jeremy. Karma yan. Ang suplada mo kasi.

                “Papasukin mo na siya.” Agad-agad naman akong pumasok dahil nabwibwisit ako sa ugali niya. Hindi man lang accomodating sa mga visitors. Hmp.

                “CUPCAKE!~” sigaw ni Jeremy at niyakap ako. Cupcake ang tawag niya sa akin dahil nun minsan kumain kami sa labas, puro cupcakes lang ang kinain ko. Hahaha!

                “Je-jeremy. Hi-hindi a-ako mak-kahinga.” Sobrang higpit kasi ng yakap niya. Naalala ko tuloy nun nakita ko siya sa resort.

                “Sorry, cupcake!” TT_TT

                “Ok lang. Eto nga pala yun mga documents na kailangan mong pirmahan. Ipapasa ko na yan mamaya kaya pirmahan mo na.”

                “Ok.” Madaling kausap si Jeremy. Madaling utuin kung minsan at madaling mahalin. Mabait kasi siya, maalaga, mapagbigay at mapagmahal. Pero hindi ko alam kung bakit wala pang girlfriend to. Minsan na siyang nag-confess sa akin nang nararamdaman niya pero tinanggahin ko dahil hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Dalawang taon ang tanda niya sa akin.

                “Jeremy, nasa Albay ka ba last last week?” ilang beses ko siyang nakita pero hindi naman siya lumapit sa akin.

                “Ah, oo. May business meeting ako. Gusto sana kitang lapitan kaso baka magalit ang boyfriend mo sa akin.”

                “Ano ka ba. Hindi yun magagalit no. Sa susunod, mag-seset ako ng dinner para sa atin tatlo para makilala mo siya. Akala ko nga, doppelganger mo yun nakita ko, ikaw pala talaga yun.”

                “Cupcake, mahal mo ba siya?” biglang sumeryoso ang tono ni Jeremy.

                “H-ha? Ano bang klaseng tanong yan, syempre, oo. Mahal na mahal. Kahit minsan, para kaming aso’t pusa.”

                “Buti naman. Sabihin mo lang sa akin kapag sinaktan ka nya, makakatikim talaga yun sa akin.”

                “Sige po, master. Hahahaha!” tumawa na lang ako para maging light ang mood. Masyadong seryoso si Jeremy ngayon.

                “Here. Napirmahan ko na ang mga documents. Kailan ka mag-start ng OJT?”

                “Next week siguro, mag-start na ako para maaga kong makumpleto yun 240 hours.”

                “Ok. See you around, then?”

                “Ok. Thanks!” palabas na sana ako ng pinto ng bigla niya akong tawagin.

                “Teka nga pala, cupcake. Para sayo.” Binigyan niya ako ng isang box ng favorite cupcakes ko! :D

                “Whaaa! Thank you! Naalala mo pa rin yun favorite flavor ko ng cupcake.” Ang saya-saya ko. Matagal na rin akong hindi nakakain nito.

                “Makakalimutan ko ba yun? Hahaha!”

                “Thank you ulit dito ha.”

                “No problem.  Ihahatid kita sa school. Kung ok lang sayo.”

                “A-ah, sige. Ok lang. Tamang-tama nagmamadali na din ako. Baka kasi hindi ko maabutan ang prof ko pag nag-commute pa ako.”

                “Ok. Wait lang. Kunin ko lang yun bag ko.”

                “Let’s go, sago!” ang weird talaga minsan ni Jeremy. Hahaha!

                “Sago mo mukha mo. Hahaha!”

Pagkababa namin ng building, parang naaninag ko mula sa malayo ang kotse ni Adrian. Pero, hindi naman nya alam ang office ng Starsky, kaya paano siya mapapadpad dito? Baka katulad lang ng kotse ni Adrian. Kaya binalewala ko lang ang nakita ko.

Continue Reading

You'll Also Like

141K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022