After Death (Hello, Death 3)...

By TheCatWhoDoesntMeow

1.5M 40.1K 15.6K

[This story will become free again on AUGUST 30, 2021] After Natalie escapes death, she finds a silver feathe... More

Copyright
Teaser
Prologue
Chapter 01: The first time I saw you
Chapter 02: First touch
Chapter 03: Don'ts
Chapter 04: A starlit night
Chapter 05: Premonition
Chapter 07: Beside you
Chapter 08: Look at me
Chapter 09: Shift
Chapter 10: The name I should call you
Chapter 11 : I want to love you
Chapter 12: If I hear you one more time
Chapter 13: If I try to be stupid
Chapter 14: Silver wings
Chapter 15: In secret
Chapter 16: Just once
Chapter 17: Full Moon
Chapter 18: After Death
Epilogue: Dandelions
Scene 16.1: New Moon
Scene 16.2: Half Moon
Scene 17.1: Dreams with you

Chapter 06: Glimpse

85.6K 2.4K 1.3K
By TheCatWhoDoesntMeow

While you live, death is walking behind you. When you chase after death, death is walking in front of you. The only time death will turn your way to face you, is when it is coming to get you.

***

Kinabukasan, hirap akong gumising at bumangon. Mabigat ang katawan ko kahit wala naman akong lagnat. Nag-text ako kina Doktora na hindi ako makakapasok at pumikit uli.

Mag-a-alas nueve nang kumatok si Prof. sa pinto ko. Dinig ko ang pag-ulan sa labas.

"Are you awake?" Prof. asked from outside my door.

Balot na balot pa 'ko ng kumot. Namamaluktot.

Why is it that when the heart is heavy, the body follows through? I want to sleep a thousand years. I also have the perfect weather.

"Get up. You need to eat," he said.

"Hindi naman po ako nagugutom, Prof.," mabigat ang boses na sagot ko sa kanya.

Hindi agad siya nakakibo. Then he said, "Nagugutom ako."

Nangunot ang noo ko. Eh 'di kumain siya kung gutom siya. Bakit niya pa 'ko kakatukin? Alangan namang hinihintay niya 'kong magising bago siya mag-almusal?

Natigilan ako sa naisip ko. Napatitig sa saradong pinto.

Hindi nga? Hindi pa siya nag-aalmusal? Naghihintay siya sa'kin dahil sanay na siyang magkasabay kami?

"Hindi pa po kayo kumakain?" tanong ko at naupo sa kama.

"Hindi pa."

Now, I feel sorry.

"Sandali lang po. Mag-aayos lang ako," sabi ko at parang kuhol na kumilos.

Narinig ko ang yabag niya pababa.

***

Iniusog ni Prof. Henry sa harap ko ang bowl ng pumpkin soup.

"Eat," sabi niya.

Sandali lang akong sumulyap sa kanya bago kunin ang kutsara ko at humigop. Masyadong mainit ang soup. Inilabas ko ang dila kong napaso.

Kumunot ang noo ni Prof. at napatingin sa'kin. Binawi ko ang dila ko. Pinakiramdaman. Wala nang paso. Napunta na sa iba.

Sorry, dumb death god. Napaso kita.

"It's obviously hot. Hipan mo muna," sabi niya sa'kin. Kunot ang noo.

Hindi ako umimik. Umuusok pa ang bowl ng soup. Obvious ngang mainit. Pero hindi naman niya kailangang magsungit na naman sa'kin in six words! Humahaba lang siyang magsalita kapag manenermon, magbabawal, o magsusungit.

Hinalo-halo ko ang soup habang hinihipan. Nanood naman ako sa pagsubo ni Prof. Nakatikwas na naman 'yung ilang hibla ng buhok niya sa tainga at sa batok. I wonder kung okay lang sa University na pinagtuturuan niya 'yung buhok niya. Medyo makapal kasi 'yun.

"Why are you staring?" sita niya at tumingin nang diretso sa mga mata ko.

Tumungo ako sa soup. "Wala po."

Kubyertos na lang ang maririnig sa pagitan namin.

"Wala kang pasok ngayon?" tanong niya kapagdaka.

Now, that's new. Nagtatanong talaga siya sa'kin?

"Wala po. Mabigat ang pakiramdam ko," sagot ko.

"Are you sick?"

Umiling ako. "Mabigat lang po talaga ang katawan ko today. Pero wala naman po akong fever or anuman."

Hindi siya nagkomento.

"Ikaw, Prof.? Wala kang klase today?" tanong ko sa kanya.

"I'm on leave."

Napatango ako. Kaya pala lagi siyang nasa bahay. But even if that was the case, bakit hindi ko man lang siya nakikitang lumalabas? At all? Wala ba siyang friends o colleagues na nakaka-miss sa kanya?

Tss. Wala siguro. Masyado kasi siyang masungit.

Nagnakaw uli ako ng sulyap nang mapansin kong namumula ang tainga niya. Parehas sa pisngi at leeg niya. He was wearing thick sweaters, too. Is he cold or...

"Prof.? May sakit ka?" tanong ko sa kanya, kunot-noo.

"Kumain ka," dismissive na sabi niya. He was looking at his food.

"May sakit nga po kayo?" ulit ko.

Hindi siya sumagot kaya tumayo ako saglit, dumukwang, at ipinatong ang palad ko sa noo niya.

He was hot!

"May lagnat ka nga!" napalakas na sabi ko. "Nilalamig po ba kayo kaya kayo naka-sweater? Do you even have appetite? Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may lagnat ka?" I looked in frustration at the food he prepared on the table. May pang-almusal at pangtanghalian na ro'n. "Marunong naman po akong magluto, sana ako na lang ang pinagluto n'yo."

Umiling siya. "Don't nag at me and I'll be fine."

"Hindi naman ako nagna-nag, Prof.," tutol ko.

"Sit down and eat, Natalie. This fever is nothing. I will get over it once I rest," sabi niya.

"Bawal din po ba mag-alala, Prof.?" Sumimangot ako. "May sugat lang kayo no'ng nakaraan tapos ngayon naman, lagnat."

"My wound already healed. Eat well so the food won't go to waste," sabi niya lang at hindi na 'ko pinansin.

Hindi na muna ako nangulit.

***

Itinulak ko si Prof. palabas ng kusina matapos kaming kumain. I insisted na ako na ang magliligpit ng pinagkainan namin.

Pagkatapos magligpit, I looked for him but he seemed to be in his room. Umakyat naman ako sa kuwarto ko at nagbasa ng schoolbooks ko. I needed a distraction because I constantly go back into thinking about Mary Ann. Sa labas, hindi humuhupa ang ulan. Parang nakikipagluksa.

Pagdating ng tanghalian, mag-isa lang akong kumain. Nagdikit lang si Prof. ng note sa fridge na nagsasabing kumain na siya. Gusto ko sana siyang katukin sa kuwarto niya para i-check pero baka pagalitan ako. Inisip ko na lang na since professor naman siya, alam niya kung pa'no alagaan ang sarili niya.

Pero hindi rin talaga 'ko mapakali.

Bandang hapon, naisip kong gumawa ng meryenda para kay Prof. It was a good excuse para silipin kung okay na siya o kung may kailangan siyang iba. Pero pagbaba ko, nadaanan ko siyang nagbabasa ng libro sa living room. Naka-sweater pa rin. Namumula pa rin. Hindi ko naman siya pwedeng pagalitan kasi mas masungit siya sa'kin.

Bumalik akong may bitbit na juice at suman. Inilapag ko sa kahoy na mesa sa tapat ng long couch na inuupuan niya.

"Meryenda po, Prof.," sabi ko sa kanya.

Nag-angat lang siya sandali ng tingin sa'kin pero hindi nagkomento. Sinilip ko naman 'yung libro na binabasa niya: Myths and Deities. May cracks na 'yung book cover at mukhang discolored. Mukhang luma.

Nang tutok na uli siya sa pagbabasa, dahan-dahan akong umupo sa kasangga na long couch ng inuupuan niya. I waited for a while pero parang wala siyang balak na pansinin ako. Tumikhim ako.

He raised his eyes on me. "What is it? May itatanong ka?"

Nakatingin ako sa pula ng tainga niya at sa cowlicks na nakatikwas. It was a distraction para hindi ako ma-intimidate sa paninita niya.

"Kumusta na pakiramdam n'yo, Prof.?"

"I'll be okay," sabi niya.

Iniurong ko pa lalo palapit 'yung tray ng meryenda. "Kain muna kayo bago magbasa."

Tumingin siya sa meryenda tapos sa'kin. "I thought you said you're not feeling well? I can take care of myself, Natalie. You don't have to do this."

Pinalabas ko sa kabilang tainga ko ang sinabi niya at iniurong lalo ang tray ng pagkain palapit. "Kain ka muna, Prof."

Nagsukatan kami ng tingin. I clutched at my necklace and breathed the magic word.

Kumurap siya. Kumunot ang noo.

"Okay."

Ibinaba niya sa mesa ang librong binabasa niya at dinampot ang tinidor. I watched him eat.

"Are you going to watch me?" tanong niya sa'kin.

Ngumiti lang ako. "Hintayin ko lang pong maubos n'yo 'yung meryenda para maibalik ko sa kusina."

"I can do that on my own," he said.

Ang sungit mo talaga, sa isip ay sabi ko sa kanya habang nakatingin. "I can do that, too, Prof. Henry."

"Nagmeryenda ka na?" he asked.

"Yes po."

Come to think of it... kung parang hindi lumalabas si Prof. everyday, pa'no siya nakakabili ng mga lulutuin? O may iba bang gumagawa no'n? As early as six thirty in the morning, may breakfast na siyang nailuluto.

"Sino palang namamalengke, Prof.?" usisa ko.

"Ako," sagot niya.

"Ano'ng oras kayo namamalengke?"

"As early as four thirty in the morning. Bukas na 'yung market nang gano'ng oras."

Oh. He's really diligent. Pero...

"You went to the market early today, too? Maulan na kanina pa, 'di ba? Kaya po ba kayo nagkasakit?"

"I think so."

Nakakakonsensiya naman. Ako ang babae at kaya ko namang gawin ang pamamalengke pero siya ang gumagawa. Kahit naman tenant ako rito sa bahay, I can do that much. Bawi man lang sa mababang upa.

"Okay lang ba pakiramdam mo, Prof.? Hindi ka nahihilo? Hirap matulog? Hirap kumilos?" tanong ko pa.

"I'm okay, Natalie," pinal na sagot niya. Uminom siya ng juice.

Wala na 'kong maisip itanong. Parang lahat ng tanong, kaya niyang sagutin into a dead end. Napadako ang mata ko sa librong binabasa niya.

"It looks like an old book," komento ko.

"It is old."

"Sa library po ba ni Lolo Dimos 'yan galing?"

"Yes."

Wow. He really can drive any question into a dead end.

"Ayaw mo ba 'kong kausap, Prof.?" tanong kong nakatingin nang diretso sa kanya.

"Do you want to talk to me?" balik-tanong niya.

"Hindi po ba obvious, Prof.?"

"Akala ko makulit ka lang."

I'm dumbfounded. Akala ko, mahilig lang siyang manermon. Hindi ako alam na judgmental din siya.

"What do you want to talk about?" tanong niya at sumandal sa couch. Tumingin sa'kin.

Kumurap ako. "Makikipag-usap ka sa'kin, Prof.? Totoo?"

"If you have things you want to ask, just spill it. You don't have to make introductory questions," sabi niya.

"Hindi naman introductory questions 'yung tanong ko kanina kung okay ka lang," sagot kong nakasimangot. "Concern po talaga 'ko sa lagnat mo."

"I already told you I'll be okay."

Natahimik kami.

"What is it that you want to ask?" untag niya uli.

Sumandal din ako sa couch. Napatingin sa libro sa mesa.

"Uh... 'yung sa book na binabasa n'yo, Prof., meron bang tungkol sa mga lower deities?" tanong ko.

"Do you have a particular deity in mind?"

"Mga death gods po," sabi ko.

"It talks a little about death gods," sagot niya.

Bumuntonghininga ako. Ilang libro na rin ang pinaghanapan ko ng tungkol sa mga death gods pero magkakahawig lang ang impormasyon na nakukuha ko. They're a myth. They're part of a folklore. They are guides to the afterlife.

Wala man lang kahit isang libro ang nagsabi na superior ang itsura nila sa normal na tao o na may silver na balahibo na pwedeng manakaw sa kanila. I specifically need to know about the feather. I need to know what to do to the deaths I see, too.

"Why are you interested about death gods? Do you study about that in Psychology?" tanong ni Prof.

Umiling ako. Pa'no ko ba itatanong ang mga gusto kong itanong?

Ilang sandaling pumagitna sa amin ang ingay ng buhos ng ulan sa labas bago ako makapagtanong uli.

"Ikaw, Prof., naniniwala ka sa death gods? Sa angels?" tanong kong nakatingin sa kanya.

"Yes," sagot niya. "Deities like that are present in myths and folklores. But that's not why I believe in them."

"Eh bakit po?"

He looked thoughtful. "According to theories of nature, from unicellular organisms came multi-cellular organisms. Then, the human evolution. Kung may link at heirarchy mula sa pinakamaliit na organismo hanggang sa komplikadong sistema ng isang tao, then higher entities must have a link to humans, too. Mula sa tao papunta sa mas mataas na uri ng nilalang—sa Lumikha."

Napatango ako.

"Each thing in this planet functions for something; a part of an intricate system. Higher beings must have responsibilities solely for themselves, too," dagdag niya pa.

"Halimbawa, Prof., halimbawa lang... Halimbawa, nahihiram ng tao 'yung ability ng mga higher beings. Kunwari 'yung sa death gods. Ano'ng tingin n'yo ang dapat gawin ng taong nakahiram?" maingat kong tanong.

"You have to be precise in your questions, Natalie."

Kinuha ko ang throw pillow na nasa tabi ko at niyakap. "Kunwari po ako, nahiram ko ang ability ng isang death god at nakikita ko kung kailan at kung paano mamamatay ang isang tao... ano'ng gagawin ko?"

"You must not interfere," mabilis na sagot ni Prof.

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Kahit na hindi pa dapat mamatay ang isang tao, hindi ako dapat makialam? I mean... pa'no kung may tao na hindi naman niya deserve 'yung death niya?"

"Do you know why collecting deaths is given to higher entities than humans?" he asked me gently. "It's because death gods do not question the judgment of the Creator."

Natahimik ako.

"Sino ang tao para sabihing hindi karapat-dapat ang kamatayang ibibigay sa katulad nilang tao? Ano ang alam nila sa buhay? Ano ang alam nila sa kamatayan? Ano ang alam nila sa kapangyarihan ng Lumikha?

"Every single human being is given the exact time he needs to exist. Walang maikli o mahabang buhay. Walang maikli o mahabang oras. Bawat tao, may eksaktong oras ng kapanganakan at kamatayan.

"But because humans are cerebral, emotional, and material beings, they make judgments according to what they think, what they feel, and what they experienced. But what goes into your brain, what goes into your heart, and what goes into your past are only a part of you. It might not hold true for other people. Iba ang dinanas ng iba. Iba ang kinalakhan ng iba. Iba ang buhay at kamatayan na dadaanan ng iba.

"Who are you to make the decision whether someone is deserving to live or die?"

"Pero... halimbawa ako, Prof., muntik na 'kong mamatay dati. Twice. 'Yung ikalawang beses, sigurado akong dapat patay na 'ko no'n pero hindi ako namatay. Pa'no nangyari 'yun?" tanong ko pa rin.

"How sure are you that you are destined to die that second death? You are here, right? That means you are to live."

Naguguluhan ako. Ibig bang sabihin, walang kinalaman 'yung death god sa phone ko kung bakit ako buhay? I mean, I used to think that he saved me. Did he not save me?

"Ano ang tingin n'yo ro'n sa mga namamatay sa aksidente, Prof.? 'Yun din 'yung death na given sa kanila? Hindi sila nadamay lang?"

"Like I told you, I think that every single human being is given the exact time needed to live. Walang labis, walang kulang. An accident is called an accident because no human see it coming. But higher entities might know."

"Tingin n'yo, 'yung mga death gods, hindi nakakapagpetisyon para sa buhay ng ibang tao? Like, magdadasal sila para madugtungan ang buhay ng isang tao?"

"I think, they can pray for that. After all, there are people who forfeited their life by committing sins against themselves. Halimbawa, 'yung mga nagsu-suicide—intentional man o unintentional. When you try to die on your own, you're rejecting the gift of life granted to you.

"If a person forfeited their life, what will happen?" he asked.

"Hindi ko po alam," sagot ko.

"There's an ancient belief that says that every sin committed incurs karma. What you reap is what you sow. If you forfeited your life and imposed death against yourself, death will latched itself on you.

"But since it's a karma, what if you can pay for the sin of forfeiting your own life? Can you continue to live?" patuloy niya.

Napahigpit ang yakap ko sa unan habang nag-iisip. Gano'n nga siguro ang nangyari sa'kin. I tried to commit suicide but I lived. But because of that attempt against my own life, I was chased by all kinds of death. Then, I was trapped to die inside a freezer. No'ng nagising ako, ang nabasa kong sinabi no'ng death god sa cellphone, nabayaran ko na raw 'yung kasalanan ko.

That must be how I paid for my sin and how I was able to live until now. He did designed a proper death for me and helped me live.

He must have prayed for me to the Creator.

"Ibig sabihin, Prof., talagang hindi ako dapat makialam sa mga makikita kong deaths? Even if I think that it is unfair?" tanong ko pa rin.

"There is knowledge and mercy greater than what you possess, and that is from the Creator. Trust that mercy," sagot niya sa'kin.

Lumubog ako lalo sa kinauupuan ko. The couch felt too comfortable now. Yari iyon sa kahoy pero nasasapinan ng cushions.

"You're right," sabi ko sa kanya.

"How a person dies is not as important as how a person spends his life. You can only die once but you can live every day. If you want something to do for the deaths you see, do something for a person's life."

Tumango-tango ako bago manlaki ang mata. "Pero kunwari lang 'yun, Prof., ha?! I mean, halimbawa lang."

"I know," sagot niya.

Humugot ako ng hangin. Gusto ko pa siyang kausap.

"How about saints, Prof.? What do you think happened to them when they die?" tanong ko pa uli.

I lost him in his thoughts before he answered me.

We talked all afternoon na hindi ko namalayang nakatulog na 'ko. Nagising na lang akong nakaunat na sa long couch, nakaunan sa throw pillow, at may fleece blanket. Si Prof. naman, nakatulog din sa couch niya.

He looked so peaceful in his sleep. He's less intimidating, pero mukha pa ring seryoso. Suplado niya talaga tingnan.

Napasulyap ako sa mabigat na ulan na gumagapang sa sa salaming-bintana. Madilim na sa labas. Kumikislap ang kidlat.

Kailangan kong maghanda ng hapunan. Prof. Henry needs to rest more. Kaya pinagpag ko 'yung kumot at maingat na iniayos sa kanya. Gusto ko rin sana siyang lagyan ng unan pero baka magising at pagalitan ako.

Dahan-dahan, ipinatong ko ang kamay ko sa noo niya para i-check kung mainit pa siya. Kasabay ng paglapat ng palad ko sa balat niya, kumislap ang kidlat sa labas.

"I've been trying to see your face but I can't. Why?" I asked.

"You're not allowed to see my face, yet."

"Really? Why?"

"You're only allowed to see it once."

"Is that why you're walking in front of me? To keep me from seeing your face?" subok ko pa rin. "Hindi ako pwedeng maglakad sa tabi mo?"

Malumanay at malalim ang boses niya sa pagsagot. "While you live, death is walking behind you. When you chase for death, death is walking in front of you. It's always like that, Natalie. The only time death will turn your way to face you, is when we are coming to get you."

Binawi ko ang kamay ko sa noo ni Prof.

What did I see? I was in it. I was following someone. Was that... the death god?

The voice I heard in the vision was ringing in my ears.

Napatitig ako kay Prof. Henry. He's breathing deeply. Magaan ang pagkakapikit ng mga mata niya.

"Stupid."

I must be hallucinating. There is no way that that death god has the same voice as Prof. Henry. #1158u/06212017

Continue Reading

You'll Also Like

111K 3.9K 13
It's a new world never seen.
109K 2.8K 30
Ako si Sharmaine Cruz a.k.a. Shay. Matalino ako, maganda rin. Hindi naman sa nagyayabang ako, alam ko lang talaga kung sino ako at kung ano ang gusto...
12K 546 31
Paid to work as Hidden Sparks' city villainess, Mystic suddenly finds herself in the middle of an impending cosmic trouble that could destroy East We...
57.4K 464 1
ACTION | ROMANCE A K E M I Meet Akemi isang tahimik na babae at malamig kung tumingin. Bumalik sa pilipinas para hanapin ang mga pumatay sa kanyang m...