His BROTHER or HIM?

By mimikmanalastas

12.8K 294 65

Pano kung kailangan mong pumili sa dalawang magkapatid? Pero ayaw mo silang masaktan? Pababayaan mo nalang b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17(part1)
Chapter 17(part2)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22(part1)
Chapter 22(part2)
Chapter 22(part3)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50(part 1)
Chapter 50(part2)
Chapter 51(part1)
Chapter 51(part2)
Chapter 53(part3)
Chapter 54(part1)
Chapter 54(part2)

Chapter 8

271 9 0
By mimikmanalastas

KEN's POV

Nasa harap ako ng apartment ni Alleah ngayon. Yung katulong ko.

Hindi ko alam kung bakit andito ako. Bigla ko nalang naisipan na sundan yung baaeng yun. Hindi ko talaga alam kung bakit. Tssss.

Natuwa kasi akong nung suot niya yung bunny costume na yun. WAHAHAHAH!

Pag naalala ko yun. Napapangit ako. Nun nalang ako tawa ng ganon kalakas.

Ewan ko din kung bakit papatirahin ko din siya sa bahay ko. Dahil meron na akong isa pang kasama sa bahay si Manang. Siya na yung parang nagpalaki samin ni Mikhael. Pinagbakasyon ko muna kasi siya kaya . Kumuha muna ako ng pamalit kay Manang.

Nabasa ko din yung mga info's sa resume niya nung isang araw. At naging curious ako. Saka natuwa siguro ako sa mga ginawa niya. Bigla ba naman akong niyakayap. Hahahah.

Dapat nga magalit ako. Pero kaka iba eh. Hindi man lang ako nagalit sakanya.

Nakita ko din sa Oxford University siya pumapasok. Kaya pumasok din ako sa same school niya pinapasukan niya. Balak ko rin naman talaga mag aral, may sarili din naman akong pangarap eh.

Ewan ko nga kung bakit andun din yung kapatid ko. Si Mikhael. Oo, kapatid ko si Mikhael. Pero hindi kami magkamukha. Dahil ako kamukha ko yung tatay ko, siya naman sa nanay ko.

Hindi lang namin pinagsasabi, para sa seguridad namin dalawa. Ayaw namin ng atensyon kasi ng mga tao. Kaya nga mas gusto namin dito sa Pinas keysa sa Korea.

Parang gusto ko lang siguro ng clown kaya pinatira ko si Alleah sa bahay? Hahahaha! Ewan basta! Wag niyo na akong tanungin. Dahil hindi ko rin alam ang sagot. Tsssss.

"Bibisita nalang po ako diyan paminsan minsan!" Si Alleah na yun ah.

Ang dami naman atang dala nung babaeng yun.

Nasa likod niya lang ako. Siyempre nakasakay ako ng kotse ko. Ano ako praning maglalakad? Malayo layo din yung village namin dito.

Talaga bang maglalakad to? Tssss.. Tatangi tangi talaga tong babae na to.

Dito na ako sa harap ng village.

"Manong! Hindi po ako magnanakaw. Sino naman magnanakaw ng nakikita ang mukha? Si manong talag! Try niyo kaya akong tulungan"

Mukha akong tanga dito sa kotse ko tumatawa mag isa pano naman kasi napagkamalan ni Mang Kadio si Alleah ng magnanakaw. Hahahah

"Sige na manong, dito ako nagtatrabaho. Kay Mr. Ken Lee"

Hala ka! Sabi ng wala dapat maka alam na nagtatatrabhao siya sakin eh.

"Naku! Baka niloloko niyo lang ako. Mawalan pa ako ng trabaho dito. Mukhang hindi ka pa katiwatiwala."

Hahaha! Hindi daw katiwatiwala. Natutuwa talaga ko sa pinagagawa ko ngayon, para akong nanunuod ng sine dito. Popcorn nga!

Hala! Ano yun! Bigla namang tumakbo yung bata na yun.

Kailangan ko ng umaksyon. Hahaha.

Inistart ko na yung kotse ko, at pumasok sa village.

"Manong! Papasukin niyo na po yan! Sakin yan nagtatrabaho. Bago ko po yang katulong" Sabi ko kay Manong Kadio.

"Osige po sir." Sabi ni mang Kadio sakin habang kinakamot yung batok.

"Bleeeehhh! Sabi ko naman sainyo manong eh! Ayaw niyong maniwala sakin." Parang bata talaga to! Nang bebelat pa.

Putulin ko na nga ang pagsasaya ng bata na to.

"BIlis PASOK! Pagbukasan mo ko ng gate! Tatayo ka lang diyan eh!"

Pinark ko na yung kotse ko.

"Ano ba kasi yang pinag gagawa mo? Pati pangalan ko dito pinakakalandakan mo. Sabi ng ayokong malaman nila na katulong kita." Pasigaw kong sabi sa kanya.

Aba! Speechless ah. sinusubukan talaga akong ng babaeng bunny na to.

"Yung kwarto mo! diyan sa tabi ng kusina!" Tinuro ko nalang yung kwarto niya. Habang umiinom ng tubig.

Aba! Tumango lang?

Tignan lang natin tong gagawin ko.

"Pero bago ka pumasok, pag luto mo muna akong hapunan. Hindi pa ako kumakain. Sawa na ako sa mga take out."

Aba! Wala talagang reaksyon sunod lang ng sunod sakin. Masaya to ah..

"Eto na po young master. Tawagin niyo nalang po ako sa kwarto ko kung may kailangan kayo." Sabi niya. 

"Aba! Iba ata nahigop mo ngayong hangin ah." Sabi ko sakanya ng may pagkasarcastic.

"Ikaw ba naman kasing tumakbo at magdala ng mga gamit mo at maglakad ng malayo, hindi ka ba mapagod?" Sabi niya ng pabulong lang.

Ah! Kaya pala! Pagod pala eh! Bahala na nga siya. Hindi ko nalang papansinin.

Hinugasan ko nalang yung mga pinagkainan ko.Masarap siyang magluto kaya medyo madami akong nakain.

Umakyat nalang ako ng kwarto para makaligo nalang. Nakakapagod din palang sumunod dun sa babae na yun. Tsss.

_____________________________________

TADAAAA!!! Ayan na update ko!! hahaha
2 chaps yan ah! Ganyan ko kayo kalab!! :)



FAN? COMMENT? VOTE? 

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...