Produce Academy: Violet || CO...

By blackglim

2.8K 70 4

Produce Academy Series: 1st Story ft. Jeon Somi and Lai KuanLin Completed More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
EPILOGUE

Chapter 9

162 2 0
By blackglim



[Violet]


Another productive day indeed. Ang sarap talaga sa feeling ng laging sinisipag. Ewan ko ba kung bakit hindi ko nagagawa 'yong mga ganitong bagay sa labas. Inaamin ko naman kasing napakatamad at walang silbi ko sa lipunan noon. Kaya hindi niyo naman siguro ako masisi kung proud na proud ako sa sarili ko ngayon. 


Nakakapanibago man pero hindi na rin ako sanay ng walang ginagawa. Hanggang pagbalik sa dorm halos ako na rin ang palaging kumikilos. Hindi naman ako nagrereklamo, in fact  napagusapan na rin namin 'to ni Guanlin. Since palagi na rin siyang pagod sa pagtuturo sa'kin at sa mga bagong Auo, napagdesisyunan kong ganoon na lang ang set-up namin. 


Speaking of mga bagong Auo. May tatlong Auo na dumating noong araw na pinatawag sila Yellow, Gold, at Gray unnie. Kaya nga ang hihirap ng hagilapin ng mga bruha dahil natagpuan na rin nila ang mga nagga-gwapuhang mate nila. 


"Violet! ang aga mo ah." salubong ni Daehwi pagkapasok ko ng room.


"Gulat na gulat? nasaan na yung iba?" tanong ko pagkaupo.


Agad naman siyang bumalik sa kaninang ginagawa niya. He was busy writing something on his notes. Kung hindi niyo na kasi naitatanong, he's elected as our new president kaya naman busy'ing busy ang bessy ko.


Nangyayari daw kasi 'yon once the former president found his or her mate. Eh nagkataong dumating na ang mate ni Gray unnie so, she passed the responsibility to Daehwi. 


"Probably late lang yung mga 'yon." kibit-balikat niyang sagot. 


Dahil mukhang hindi ko naman siya maiistorbo, nilabas ko na lang din ang libro ko. Brown unnie recommended this book to me dahil sa interest ko sa laboratory equipment nowadays. Naiisip ko kasing mas maganda sigurong mag-focus ako sa ganito. Ang panget naman kung parehas lang kaming naka-focus ni Kuanlin sa Detective department.  






After 20 minutes nakumpleto rin kami. Si Mr. Kim na lang ang wala kaya halos may kanya-kanya pa rin kaming mga mundo. 


"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" kunot-noo kong tanong kay Kuanlin. 


Kanina pa kasi siya nakatingin sa'kin simula pagkarating niya. Ang weird niya tuloy kaya hindi ko siya pinapansin. 


"Bakit ang aga mong umalis?" walang emosyon niyang sagot. 


Ano bang bago kay Kuanlin ha, Violet? 


"Wala na kasi akong magawa 'don. Kinain mo ba yung niluto ko?" pag-iiba ko ng usapan pagbaling ko ng atensyon ko sa librong binabasa ko. 


"Bakit hindi mo ko ginising?" 


Anak ng tokwa naman oh! iniba ko na nga yung usapan eh. 


"Bakit naman kita gigisingin? late ka na umuwi kagabi, ang sarap-sarap ng tulog mo-"


"Yie! nag-aaway nanaman sila. Kayo na ba? 'cause this reminds me of Black and Jonghyun before." pangangasar ni Brown unnie. 


Agad naman akong napayuko sa lakas ng boses niya. Anong ginagawa niya dito? Saka kailan pa nagkaroon ng daan sa likod? Mygod! nakakahiya tuloy sa lahat. Ikaw ba naman bigyan ng mapangasar na tingin. Eto namang si Kuanlin parang wala lang nangyari. Diyos ko! bakit ba ang affected ko lagi?


"Nagugulat ka pa rin ba? Palagi namang ganyan 'yang dalawa." natatawang sagot ni Gray unnie. 


Aba! kailan pa siya nakisali sa mga ganitong kalokohan? eto ba ang epekto ni Sungwoon oppa?


"Hindi ko na kayo kinaya." nakangising sagot ni Brown unnie ng makarating siya sa harap. 


Pumwesto siya sa usual spot ng mga professor kaya naman nagtaka agad ako. Saka never naman siyang pumasok dito dahil alam ko nasa professional level na rin siya. Ewan ko ba diyan, siya lang ang pro level na pakalat-kalat lang palagi. 


Kailan ko lang din napagtanto 'yon. Pero diba dapat may mate na siya? bakit parang wala naman? never ko rin siyang nakitang may kasamang lalaki. Naguguluhan ako pero wala naman akong karapatang magtanong pa.


"Bakit ka ba nandito? ang ingay tuloy." tanong ni Haknyeon.


 True! aba mukhang nahahawa na si Haknyeon kay Kuanlin ah. Ganito ba ang epekto pag palagi mo ng kadikit si Kuanlin? 


"Ay wow! sayo pa talaga nanggaling ha? may pinapasabi kasi si Mr. Kim dahil hindi niya kayo mapapasukan ngayon." sagot ni Brown unnie saka ko lang napansin ang black folder na hawak niya. 


"Para 'to sa bago nating mga Auo, Jihoon, Heeseok, at Sungwoon. I'm happy to say that in behalf of Mr. Kim and Ms. Kwon you guys are finally advancing to senior level." 


Halos lahat naman kami ay napanganga at tuwang-tuwa para sa kanila. Agad naman nakipag-apir si Gray unnie sa mate niyang si Sungwoon oppa. Habang kinindatan naman ni Gold si Heeseok at nagngitian lang sila Yellow at Jihoon. 


"Congratulations guys! I hope sa susunod na pagpasok ko sa room na 'to kayo na ang susunod na gagraduate to Professional level just like Kuanlin and Violet."


Habang tuwang-tuwa naman ako para sa kanila, saka lang nagloading sa'kin ang sinabi ni Brown unnie. Kaya kunot-noo naman akong napatingin kay Kuanlin na mukhang nagtataka rin. 


"Wow! bro congrats!" hiyaw ni Haknyeon na kinanganga ko lang. 


Hindi ko alam kung anong ire-react. Hindi ko rin alam kung nagjo-joke lang ba siya o ano pero literal na nanginginig ako sa tuwa at gulat ngayon. Lalo na't pare-parehas na nakatingin sa'kin sila Gold para bigyan ako ng thumbs-up.


"Bago pa man maiyak si Violet. I will formally inform you all that were holding a graduation event this year for Kuanlin and Violet as they are officially a new professional mate. All professional level mates are going to attend the graduation day as well so, we're expecting your attendance guys." kindat niya at napatakip lang ako ng bibig.


"Hindi ka talaga nagbibiro niyan?" mangiyak-ngiyak kong tanong na kina-irap niya naman. 


"Mukha ba kong nagbibiro?" sarkastiko niyang sagot at tuluyan na nga akong naiyak. 


Kung hindi lang ako masaya ngayon baka nablender ko na siya. Huhu









"Kuanlin? gising ka pa ba?" katok ko pinto niya.


Kakauwi niya lang kasi galing sa pagtuturo nila ni Haknyeon sa tatlong Auo. Napagdesisyunan kasi nila kanina na tutulong na rin si Haknyeon dahil once na makagraduate na kami ni Kuanlin, si Haknyeon na talaga ang hahawak sa tatlo. 


Kakatok pa sana uli ako ng bigla niya ng buksan ang pinto. At bumagsak naman ang balikat ko ng makita ko ang itsura niya. He looks so tired na para bang gusto ko na lang uli siyang patulugin. 


"Anong itsura 'yan? okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong saka sinalat ang noo niya. 


"Inaapoy ka ng lagnat! Omygod! dali pasok!" bulalas ko saka siya tinulak papasok sa kwarto niya. 


Sabi na nga ba hindi malayong magkasakit na siya sa sobrang dami niyang ginagawa. Minsan nga nakakalimutan niya na talagang kumain eh. Aish! ang kulit-kulit kasi. 


"O-Okay lang ako.." bulong niya habang pilit ko siyang pinapahiga. 


"Ay nako Kuanlin! kung ganyan pa rin ang itsura ng okay lang, wala ng hindi okay sa mundo." 


Kahit naman mukha pa rin siyang kayang pumatay ng sampung ipis. Hindi ko pa rin maatim na makita siyang ganyan no! 


"Edi samahan mo na lang ako dito." sagot niya at laking gulat ko naman ng nakahiga na ko sa tabi niya. Ang mas malala, sobrang lapit lang ng mukha namin sa isa't-isa. 


"Kuanlin.." nauutal kong bulong. 


"Pwede ba?" tanong niya na hindi ko naman naintindihan. 


Jusko bes! ilayo niyo ko dito dahil panigurado sa lakas ng tibok ng puso ko, ramdam na ramdam niya na. 


"Anong ibig mong sabihin." kagat-labi kong tanong.


Ilang minuto rin siyang natahimik kaya akala ko tulog na siya ng bigla niyang higpitan ang yakap sa'kin. 


"Pwede bang ganito muna tayo."


And that's it! I gave up. Gusto ko na talaga 'tong lalaking 'to. Hindi ko na ipagkakaila. All these unidentified feelings for him, hindi ko na alam kung paniniwalain ko pa rin ang sarili kong joke lang to.


"Pero nilalagnat ka. Kaylangan mo munang kumain-"


"Ikaw lang ang kaylangan ko. Ikaw lang ang gusto ko." pagputol niya sa'kin.


Hindi Violet, pinapakilig ka lang niyan. Pinapakilig ka lang.


"Kuanlin, hindi na ko nakikipagbiruan. Kaylangan mo ng uminom ng gamot at kumain." 


Oo na, kinilig na ko. Pero uunahin ko pa rin ba 'yon kung ganyan na ang lagay niya? 


"Hindi rin naman ako nagbibiro Violet. Naisip mo na ba kung bakit hanggang ngayon mas ginusto kong hindi ka tanungin kung anong koneksyon nating dalawa? kasi natatakot ako sa malalaman ko. Kung may nagawa ba ako sayo na hindi maatim ng konsensya ko. Ayokong malaman, kasi gusto kong ganito na lang tayo." litanya niya at hindi ko man lang ma-angat ang ulo ko para tignan siya. 


Hindi ko alam na ganun pala ang iniisip niya all this time. Malayong-malayo sa dapat niyang malaman. But at the same time para bang sobrang saya ko? sobrang saya ko dahil may halaga rin pala ako sa kanya. 


And I think this is the right time to confess everything to him. Kaylangan niyang malaman ang totoo. 


"Look at me Kuanlin." I said as I held his face for me to see him better. 


As he open his eyes, I smiled at him. I caressed his face and has been mesmerized by his eyes. 


"If you think na may kasalanan ka sa'kin then nagkakamali ka. This is just all about you and your past. It's up to you kung gusto mo pa ring malaman lahat but you can't stop me for one thing, and that's me introducing your mom to you." I said that made him stop.




Continue Reading

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.4K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...