Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Final Chapter

Chapter 52

7.7K 245 17
By InsaneSoldier

Steff's

"Mana ka talaga sa Papa mo, matinik sa chicks—aray, aray, aray!"

Natawa ako habang pinapanood si Mama na pinagkukurot si Papa sa tagiliran. Mukha tuloy silang bulateng hindi mapakali. Hay. Alam na alam na talaga kung saan nagmana si Cindy. Kawawang Juliet, magiging under na lang forevs. Buti pa ako.

"Kung anu-anong sinasabi mo riyan sa anak mo! Ngayon na nga lang ulit kayo nagkita, aba!"

"Kaya nga, Pa," tawag ko, "Ma, hindi ninyo man lang ulit ako yayakapin?" Paglalambing ko sa mga magulang. Mabilis naman silang tumalima at sabay akong niyakap.

"I missed you, anak."

"Miss ka namin ng Papa mo."

"Weh, ayaw ninyo na nga yatang umuwi, eh." Pang-aasar ko. Napaubo sila.

"Hindi, ah."

Alam na.

"Mama! Papa!"

Napabitaw kami sa yakapan. Nagulat na lang ako nang parang ipu-ipo na nakarating sa puwesto namin si Cindy at niyapos din yung dalawa. "Buti umuwi pa kayo!"

"Ay, pasensiya naman po, anak. Hiya naman kami sa binungad mo." Natatawang sabi ni Mama. Para kasing ewan 'tong kapatid ko. Hindi mo alam kung anong gusto.

"Mukha kasing wala na kayong balak umuwi." Sagot niya pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap sa magulang namin. "Lalo ka na, Papa! Buti nga si Mama nauwi kahit papaano, aba ikaw, nag-enjoy na masyado!"

Napakamot na lang sa batok yung tatay namin. Kahit hindi naman talaga sila mag-ama sa dugo, e, parang gano'n na rin ang turingan nila. Parang kami ni Mama. Kahit ganito kami, wala na yata akong mawi-wish pa. Ni hindi ko nga maramdaman na magkakaiba kami. Ang swerte lang talaga ni Papa kay Mama. Bonus nang may instant kapatid ako. Tsaka kung hindi dahil sa pamilyang 'to, hindi ko makikilala si Yanyan.

"Pa, Ma," Agaw-pansin ko. "Kausapin na natin sina Tita."

Bigla silang sumeryoso. Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba o takot. Una sa lahat, bukod sa open-minded sila, alam kong hindi sila magdedesisyon ng bagay na magpapahirap sa akin. Pangalawa, mas uunahin nilang intindihin ako. Ganoon naman ang magulang. Oo, nandiyan sila para pagsabihan ka ng kung tama o mali pero sa huli, ibibigay pa rin nila sa'yo yung karapatan mo na gumawa ng decision para sa sarili.

Kaya nga naiintindihan ko si Tita, yung mama ni Yanyan. Pinoprotektahan niya lang naman ang anak niya. Kung sabagay, normal na rin sa panahon ngayon yung ganitong relasyon pero aminadong hindi mawawala yung mga klase ng tao na hihilahin ka pababa. Ang kailangan ay lakas ng loob at tiwala. And naniniwala ako na pagkatapos, magiging malaya na kami ni Marian.

"Nakauwi na ba yung asawa niya?" Tanong ni Mama. Umiling lang ako, wala rin akong balita, eh. Pero ang alam ko alam na ng Papa ni Yanyan yung tungkol sa amin. Mukhang malabo lang na makauwi siya dahil sa kontrata niya sa trabaho. At hindi ko rin sure kung ano ang naging reaction niya. Sana naman hindi ganoon kasama. Mabait naman si Tito, eh.

"Oh, sige, mamayang gabi ay pupunta na tayo sa kanila." Sabi ni Mama.
"Parang aakyat ng ligaw 'tong anak natin, 'no?" Komento naman ni Papa. "Magbibigay na ba tayo ng ginto at—"

"Ano ka, Pa, katutubo?" Natatawang singit ni Cindy. Parang mga sira talaga, natatawa na lang tuloy ako, eh! "Magpahinga muna kayo ni Mama. Bilis na."

Boss talaga umasta, eh.

"Opo, anak."

Inaya ni Mama si Papa na pumunta nang kwarto nila. Naiwan kami ni Cindy, nakatingin lang siya in a mataray way. Sus! Wala naman nang bago. "Nakatingin ka riyan?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Pake mo?" Masungit na tanong niya. "Na-realized ko lang na mas maganda ako sa'yo."

"Ang yabang naman po!" Natatawang sabi ko. Saan kaya humuhugot ng sasabihin itong babaeng 'to? Ang daming dalang hangin!

"May maipagyayabang naman." Ngisi niya.

Hindi na lang ako sumagot. Buti na lang hindi ako napipikon sa kapatid ko.

"Pero seryoso na," pagdaka'y saad niya. Ay, ang deep ng Tagalog! "Anong nafe-feel mo? Mamayang gabi mag-uusap na sina Mama tsaka Mama ni Yanyan."

Napangiti ako. "Papayag din iyon si Mama."

"Mama?"

"Mama ni Yanyan." Sagot ko sabay ngiti at wink. Nagtaas na naman siya ng kilay.

"Mama agad, 'no?" Tumawa siya ng malakas. "Masyado kang advanced, Ate Steff!"
"Eh, bakit ikaw ba?" Balik tanong ko. "Hindi mo tinatawag na Mama at Papa mga magulang ni Juliet?"

Tumahimik siya, umirap ng wagas, at talagang nag-walk out ang babaita! Aba't. Ang pikon naman no'n. Naasar yata sa tanong ko. Anong nakakaasar do'n? Napailing na lang ako sa inakto ni Cindy. Hay, nako. Buhay.

--

Parang gusto kong sumimangot. Hanggang tingin lang kasi ako kay Yanyan my loves. Paano ba naman kasi, ayaw kaming pagtabihin ni Tita!

Kasalukuyan kaming nandito sa sala. Kasama ko mga magulang ko at kaharap namin sina Marian tsaka yung Mama niya. Ugh, para kaming mga ewan dito na ang tatahimik.

"Talagang walang magsasalita, 'no?" Biglang sabi ni Yanyan, hindi na yata nakatiis. Tiningnan tuloy siya ni Tita ng masama kaya napanguso na lang yung huli. Napangiti tuloy ako. Ano ba 'yan, kahit halatang kabado siya ang cute niya pa ring tingnan. Nai-in love tuloy ako lalo! Hay...

"Alam ninyo na naman siguro kung bakit gusto ko kayong makausap, 'di ba, Ate?" Tanong ni Tita kay Mama. Mas bata kasi yung nanay ni Yanyan ng three years.

"Oo naman."

"So, anong tingin ninyo?"

"Tingin ko walang problema."

Ayan na. Kumunot na yung noo ni Tita. "Sigurado ka ba? Kasi tingin ko meron."

"Talaga?"

"Oo."

"Dahil magpinsan sila sa mata ng iba tao at parehas silang mga babae?"

Lumungkot ang mata ni Tita. "Ayoko lang na mahusgahan sila. Masakit 'yon para sakin."

"Hindi natin 'yon maiiwasan. Alam mo, kahit naman maging perfect itong mga junakis natin, e, may huhusga at huhusga pa rin sa kanila." Sabi ni Mama, may halong biro pa yung way ng sagot niya. Pero alam ko naman na may sense lahat ng gusto niyang sabihin.

"Kaya nga habang maaga pa, dapat itigil na nila 'tong kahibangan nila." Depensa ni Tita, "Alam mo naman mga tao ngayon! Hindi naman lahat ay bukas ang isip! Gusto mo bang maranasan nina Marian 'yon?"

"Pero nauna mo na silang husgahan."

Napatungo na lang si Yanyan. Wala naman akong lakas na sumingit sa usapan nila. Si Tita naman ay natahimik. Si Papa, nag-o-observe lang. Napailing si Mama. "Kahibangan ba na magmahal?"

"Ang gusto ko lang naman—"

"Paano yung gusto nila?"

"Ayoko lang na pagsisihan nila ito sa huli."

"Malalaki na si Steff at Marian." Sa wakas ay nagsalita na si Papa. "Alam naman nila siguro ang ginagawa nila. Kung magkamali man sila, may pagsisisihan man sila, o masaktan man sila, alam nating normal 'yon. Dumaan din naman tayo sa pagkabata. Nadaanan na natin 'yan."

Napabuntong hininga si Tita at napahawak sa sentidosentido niya. Tumingin siya kay Yanyan. "Ikaw ba, e, mahal mo talaga si Steff?" Tanong niya. "Kasi kung ikaw ay nag-e-experiment lang, tumigil ka na."

"Hindi naman 'to experiment, Ma, grabe siya!" Reklamo ni Yanyan bago ngumuso. Nako, ang bata. Cute! "Tsaka mahal ko siya. Promise!" Nagtaas pa siya ng kamay.

Tumaas tuloy ang kilay ng Mama niya. Para kasing ewan kausap, eh. Yanyan talaga.

"Eh, ikaw, Steff?" Baling niya sa akin.

"Mahal ko po siya, Tita," sagot ko, "at seryoso po ako. Kung gusto ninyo nga po, pakasalan ko na siya, eh."

"Gusto mong pakasalan yung kutsilyo ko?"

"J-joke lang po." Lahi talaga ng mga sadista!

"Alam kong may magandang trabaho ka na, pero sinasabi ko na sa'yo, hindi ko ibibigay ng tuluyan 'tong anak ko hangga't hindi pa siya tapos sa pag-aaral." Warning niya, "Oo nga't katakwil-takwil 'tong si Marian pero mahal ko 'tong anak ko."

"Wow, Ma, ha." Sarcastic na reaction no'ng isa. "Na-touch ako."

"Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating shunga."

"Aray naman!"

Wala na sa focus ng okrayan nila ang attention ko kung hindi doon mismo sa huling sinabi ni Tita. "I-ibig sabihin po—"

"Oo na." Ngumiti na rin siya sa wakas. "Gusto ko lang naman talagang makausap iyang Mama tsaka Papa mo. Hindi naman tama na ako lang yung magdesisyon." Nagkibit siya ng balikat, sina Mama at Papa naman ay parehong nakangiti na. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan, kahit nga ako tuluyan nang nakahinga ng maluwag, eh. "Aaminin ko na hindi ko talaga gusto yung nalaman ko. Okay, hindi ako against sa ganyang klase ng relasyon pero mahal ko kayo, eh. Ang gusto ko lang ay mapabuti kayo."

Napatango ako. Si Marian naman ay parang kiti-kiti sa tabi ng Mama niya na panay ang yakap dito. Parang naaaning na hindi mo malaman, eh. Buti na lang mahal ko siya.

"Pero naisip ko, mas mabuti nang sa'yo ko ipagkatiwala ang anak ko kaysa sa kung sinong lalaki riyan. At least ikaw, kilalang-kilala ko na. Medyo tanga pa naman 'tong si Yanyan, baka makapili ng hindi matinong lalaki."

Parang no choice na siya sa akin sa way ng pagkakasabi niya, ah. Pero masaya ako kasi pumayag na siya. Yes!

"Aray naman, Ma!" Napasimangot na yung love of my life ko. "Ang hard mo talaga sa'kin!"

"Eh, totoo naman."

Natawa na lang kami. Kawawa talaga si Yanyan sa amin, eh. Mala-Cindy pa naman si Tita kung minsan, may kutob tuloy akong pinaglihian siya ni Mama noong cute na fetus pa lang si Cindy. Posible.

"Salamat po ng marami, Tita." Sincere na pahayag ko. Para na nga akong dito sa kakangiti, eh. Sino ba namang hindi magiging masaya, 'di ba? Ang daming magkarelasyon na tulad namin ang takot umamin. Kasi mahirap naman talaga. Siguro masuwerte lang kami kasi binigyan kami ng magulang na sobra-sobrang kung umitindi. Pero siguro, iba-iba lang ng paraan ng pagtanggap ang mga tulad nilang magulang. Ganoon siguro talaga.

"Huwag kang mag-thank you." Sabi niya, "Kapag sinaktan mo si Yanyan—"

"Kami mismo ang magbibitin kay Steff ng patiwarik." Sabay na sabi ni Mama at Papa. I pout.

"Hindi ko po 'yon gagawin." Pag-a-assure ko.

"Ma, pwede ko nang lapitan si Steff?"

"Oo na."

"Yay!" Tumakbo siya sa akin at mabilis akong niyapos ng mahigpit habang nakaupo sa lap ko. Natatawa tuloy ako kasi nakita ko kung gaano kabilis na nagtaas mg kilay si Tita habang sina Mama at Papa ay nakangiting nakakaloko lang, at naka-thumbs up pa talaga!

"Mish kita, Steff!" Parang batang saad nitong girlfriend ko.

Niyakap ko siya sa baywang habang ngiting-ngiti. "Paano ba 'yan, akin ka na talaga."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

126K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
197K 6.9K 21
Walang mahalaga kay Ramcel kundi manood ng cartoons sa T.V, mabili at mabasa ang latest issue ng Funny Komiks at kung paano makakakupit sa sari-sari...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
4.8K 253 11
"I don't want to end what we have, but I am also the reason why it has to end. Mahal kita." - Lux.