Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 47

6.4K 208 11
By InsaneSoldier

Cindy's

Napadpad kami ni Nikki sa Jollibee. Ang walang kasawaang bida ang saya whatever na mahal na mahal ng mga bata. Ayoko sa Mcdo dahil walang poreber.

Nilibot ko ang tingin sa buong lugar habang umo-order iyong kasama ko. As usual, hindi yata nawawalan ng tao rito kahit twenty-four hours na bukas itong fastfood chain. May mga bata ring nagtatakbo sa kung saan na akala mo nakawala sa hawla. Oh, well. Bata, eh. Masarap sakalin.

"I'm here!" Tawag-pansin ni Nikki pagkaupo. Dumating na rin agad yung in-order namin na iniayos na ng waiter.

"Ang dami naman." Puna ko. Mauubos kaya namin lahat ng binili niya? Halos lahat in-order niya, eh! Kulang na lang mag-extend pa kami ng table. Kakaloka!

"I'm hungry," katwiran niya, "hindi ko rin kasi natanong kung anong gusto mo. Tsaka i-take out na lang natin yung matitira."

"K. Mayayaman talaga." Nasabi ko na lang. Mukha namang narinig niya yung sinabi ko kasi nagkibit lang siya ng balikat. "Gusto kitang sapakin." Diretsong sabi ko. Nakakaasar yung reaction, eh.

"Huwag naman," Tumawa siya. "Ang ganda ko masyado para suntukin lang."

Feeling ko tumaas yung kilay ko hanggang kisame sa sobrang pagka-presko ng sagot niya. Eh, kung bangasan ko kaya talaga siya? "Ang hangin! Grabe! Nahiya naman ako!"

Tumawa siya at nag-wink. Inirapan ko naman siya. "Papayagan kitang suntukin ako basta girlfriend na kita."

Ay, wow! "Mukha mo. Manigas ka riyan. Saksakin kita, eh."

"Ang sarap mo talaga magmahal." Pamimilosopo niya. Tinutukan ko siya ng plastic na letseng tinidor pero tinawanan lang ako ng loka-loka! Baliw talaga.

"Kain na us!"

Hindi na ako sumagot. Nagsimula na rin akong kumain katulad niya. Tiningnan ko siya habang abala sa paglamon. Mapapansin mo talaga na anak-mayaman kasi pino pa rin kumilos. Hindi na siguro talaga nawawala yung pagka-classy sa gesture ng mga tulad niya. Parehas lang sila ni Juliet.

Hay, si Juliet na naman. Mahal na mahal ko talaga, eh.

Kung ipagkukumpara silang dalawa, mas matino talaga si Juliet kausap kahit na manyakis kung minsan. May pagka-childish din iyon pero mature naman sa mga seryosong usapan. Si Nikki naman, chill-chill lang. Parang hindi marunong mapikon, marunong din makisabay sa usapan pero may pagka-spoiled. Siya yung tipong masarap maging kabarkada.

Iyon lang yung tingin ko sa kanya.

"So, anong pag-uusapan natin?" Tanong niya nang matapos kami sa pagkain. Gaya ng ine-expect ko, hindi namin naubos lahat ng orders kaya ipinabalot na namin. Pero hindi pa kami umaalis.

Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng seryoso sa mata. Pansin ko, never talaga siya na-intimidate sa lahat ng ginawa ko. "Nakausap ko yung kuya mo."

"Oh, and?" Kaswal na tanong niya. Ni hindi man lang nakaramdam yata ng kaba or kung ano man.

"Sinabi na niya yung totoo." Simula ko. "Alam ko nang kinausap mo si Romeo para pormahan niya si Juliet. Na ginawa mo po 'yon kasi gusto mo ako—"

"Mahal kita."

Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi niya. Mahal? As in?

"Hindi ko itatanggi yung sinabi ng kapatid ko. Totoo naman, eh." Itinukod niya ang braso sa lamesa. "Sinadya ko 'yon, at pumabor naman sa akin yung nangyari maliban na lang sa katotohanang hindi ka pa rin akin."

"Nikki—"

"Mahal na mahal mo talaga yung Juliet na 'yon, 'no?" Seryosong tanong niya. "Nakakainis. Alam mo 'yon? Break na kayo. Nanliligaw na ako pero hindi mo pa rin ako napapansin. Kasi nandiyan pa rin siya, eh." Napailing siya. "What's worse is she's pursuing you, too."

"Alam mo naman pala, eh. Bakit kasi pinipilit mo pa?" Hindi ko maiwasang magtaray kahit na naiintindihan ko naman siya. Anong magagawa niya kung nabiktima rin siya ng pana ni Kupido. Papakulong ko yung loko-lokong 'yon, eh. Bigla ring pumasok sa isip ko yung sinabi ni Romeo na may tendency talaga si Nikki na magkaroon ng obsession. "Marami pa namang iba diyan."

"Ikaw ba sila?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi. Malamang, maganda ako, eh."

Natawa siya sa sinabi ko kaya pinanlisikan ko siya ng mata pero hindi naman effective. Kaasar! "Gusto kong maging girlfriend ka. Kaya pinipilit ko."

Napakamot ako sa may sentido ko. "Nikki, didiretsuhin na kita. Gusto kita, pero hindi bilang girlfriend. Mas okay siguro na maging magkaibigan na lang tayo."

"Bakit?"

Huh? "Anong bakit?"

"Bakit hindi mo ako magustuhan?"

"Kasi nga ikaw na rin ang may sabi, mahal na mahal ko si Juliet." Napansin kong nasaktan siya sa sagot ko. Eh, anong magagawa ko? 'Yon ang totoo, eh. At aware siya roon. "Nikki kasi, ang tigas ng ulo mo. Gets mo ba? Tama na."

"Prangka ka talaga, 'no?" Sumandal siya sa usapan. "Sadista ka nga katulad ng sinasabi ng mga nakakakilala sa'yo."

"Mas okay na 'yon kaysa naman makipagplastikan ako."

"Why do you still love her even though she hurt you?"

"Normal lang naman magkamali, eh." Nasabi ko na lang, "Sa relationship, hindi naman lagi kailangang masaya. Normal na yung may nasasaktan tayo, hindi talaga iyon naiiwasan. Pero kasi, kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit pa magkamali yung mahal mo ng maraming beses, kahit na paulit-ulit kang masaktan, mapapatawad at mapapatawad mo pa rin talaga, eh. At saka alam kong deserve ni Juliet na mabigyan ng chance kasi alam kong nagsisi na siya. Ramdam ko rin na mahal niya talaga ako. Hindi naman mawawala basta yung pagmamahal ko dahil sa lang sa isang mali. Hind ako gano'n kababaw."

"Then why did you break up with her?" Sunod na question niya. "Kung mahal mo, ba't mo ginawa 'yon?"

"Para sa kaniya 'yon, Nikki. Nakipag-break ako kasi kailangan niya ng oras at space para pag-isipan kung ano ba talaga yung feelings niya—" Natigilan ako nang mapansin kong umiiyak na siya. Teka, Nikki?"

Nagtakip siya ng mukha. Pinunasan niya ang mata niya pero tuluy-tuloy pa rin naman yung agos ng luha niya. Bigla tuloy akong na-guilty. Napasobra na yata ako. Naku naman. Hindi ko naman gustong paiyakin siya, eh! "Nikki—"

"Sorry," Hikbi niya habang panay pa rin ang pagpunas sa mata. Napapatingin na rin yung ibang tao rito pero bahala sila riyan, pakialam ko ba. "Masakit, eh."

"Nikki, sorry—"

"Uwi na tayo?" Putol niya sa akin. "Ihahatid na kita."

Bakit may pakiramdam ako na ayaw niyang may nagso-sorry sa kanya?

Hindi na lang din ako kumontra. Nakaka-guilty kasi yung pag-iyak niya. Mabuti kung si Yanyan yung naiyak edi natuwa pa 'ko. Binitbit na namin yung take out foods at lumabas na. Medyo awkward, ang seryoso niya kasi. Pero at least tumigil na siya sa pag-iyak. Nakakapanibago rin kasi.

"Nikki, okay ka na ba?" Oh, 'di ba, ang ewan lang ng tanong kontra awkwardness.

Sa wakas ngumiti na rin siya. Bumalik na rin yung chill-chill aura niya. "Oo naman."

"Buti naman."

Hindi na siya sumagot. Tahimik lang kaming naglalakad pero unlike kanina ay mas komportable na ako. Ayoko na ring mag-sorry kasi mukhang ayaw niya ring marinig 'yon.

"So, basted na ako?" Tanong niya. "For real?"

"Basted ka na naman talaga, 'di ba?" Taas kilay na tanong ko. "Makulit ka lang talaga."

"Aray talaga," Iling niya. "Wala ba talagang filter 'yang sinasabi mo?"

"Wala. Feeling mo special ka? Hah!"

"So, friends na lang talaga?" Medyo napangiwi pa siya sa sariling tanong.

"Yup." Pagtango ko. "Hanggang doon na lang talaga."

Alam kong nasaktan siya pero hindi na niya pinahalata. Wala na ulit nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami ng bahay. Since marami kaming bitbit at saka mabait pa naman ako kahit papa'no ay inalok ko na siyang pumasok sa loob.

"Ang ganda ng bahay ninyo." Puna niya. Hindi ko alam kung papuri ba talaga 'yon o ano, eh. Alam ko namang mas maganda yung bahay nila if ever.

"Oo na lang."

"Nikki? Cindy?"

Sabay kaming napahinto nang makita namin si Juliet. Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Napalunok ako nang mapansin yung selos sa mata niya.

"Hey, Juliet!" Bati ni Nikki bago inilapag yung mga nakabalot na pagkain sa mini table. Feeling ko nang-aasar siya. Bigla ba namang umakbay sa'kin! "Naka-date ko 'tong si Cindy and we really had fun!"

Date? Kailan pa naging date 'yon?

Tiningnan siya ng masama ni Juliet. Nako, gulo na naman!

_____

Continue Reading

You'll Also Like

La Calle Real By Nine

Historical Fiction

1.3K 167 6
Violet Manalo went inside an old museum in the street of Calle Real. She offended the paintings and broke the wooden doll of a witch that she didn't...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
768K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...
188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...