Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 33

8.5K 224 18
By deliixx


Kabanata 33

Surprise


Sa sobrang gulat ko ay pinatayan ko siya ng phone at pumasok na, totally ignoring his incoming calls. Nisilent ko iyon at pinatong sa coffee table bago pumasok sa bathroom. 


Habang naliligo ako ay panay ang katok ni Maxxine sa pintuan at alam ko na agad kung anong sasabihin niya


"Zeeyan's calling you!" sabi niya, kumakatok parin sa pintuan ko. Seriously, Maxxine? Paano ko bubuksan yan kung naliligo ako?


"Sabihin mo naliligo ako!" Tumigil siya sa pagkatok kaya nasisisigurado kong sinagot na niya ang tawag ni Johansson para sabihin ako sinabi ko


"Sorry daw! Anong  pinagusapan ninyo at mukhang masayang masaya siya Tiara?" Ayan nanaman, nagpatuloy parin siya sa pagkatok


Mabuti na lang at nasa banyo ako at hindi niya nakikita ang mga irap ko sakanya. Ewan ko sainyo!


Pagkalabas ko ay naabutan ko silang lahat na nakatutok sakanilang mga cellphone, checking and updating their social media accounts. Mabuti naman para hindi na ako intrigahin ni Maxxine tungkol sa 'Sorry' at tawa ni Johansson


Umakyat kami para kumain at nag-inuman ang iba habang ako naman ay gusto ng matulog. Nakakapagod ang lumangoy at mag-cliff diving. Bilib rin ako sa mga kaibigan ko, mukhang may energy pa silang uminom hanggang madaling araw.


Nilingon ko si Maxxine at Karlie na humikab, hudyat na pagod na sila. 


"Tara na sa kwarto?" anyaya ko at tumango sila pati na rin kay Bianca. Siguro ay ayaw niyang maiwan


Patayo na kami ng may pumasok sa restaurant, iyong grupo ni Yves. Nahagip ng paningin ko si Javier na malaki ang ngisi at kinawayan pa ako. Tinitigan ko lang siya at hindi sinuklian ang ngiti niya.


"Hi, Ate Tiara!" bati ni Azira na sobrang cute sakanyang braid


"Hello." kinawayan ko  siya at ngumiti kay Yves na mukhang naghihintay na tignan ko siya


"Oh? Aalis na kayo?" tanong niya ng nakalapit sa amin. 


Ang nakatalikod na si Nick at Owen ay napalingon ng marinig ang boses ni Yves. Nagbulungan sila at tumango naman iyong isa.


"Kaming mga girls lang pero yung mga boys mag sstay pa. Sina Mr. and Mrs. Ambrosio?" 


"Nagpapahinga na sa kwarto nila." Tumango ako at nagpaalam ng umalis


"Dito na kayo sa table namin!" anyaya ni Nick. Umiling na lang ako sa mga maiisip na kalokohan nina Nick at Owen mamayang kasama nila ang grupo ni Yves.


"Sana huwag sirain ni Nick ang reputasyon ng SCSU sa mga Archers." bulong ni Maxxine at hinila na ako paalis doon


"Sure sure!" 


"Bye, Ate!" sabi ni Azira at niyakap ako.


"Oh, Karlie at Bianca? Akala ko ba pagod kayo?" tanong ni Maxxine ng mapansin na hindi susunod sa amin ang dalawa


"Dito muna kami, Max. Mabilis ang wifi dito." sabi ni Karlie kahit na alam kong palusot niya lamang iyon, alam ko kung ano talaga ang dahilan at hindi iyon ang WiFi. Natawa ako sa pagtaas ng kilay ni Nick at pagtitig niya ng masama kay Karlie, nilakihan siya ng mata ni Karlie


Umirap na lang ako at nagpahila na kay Maxxine na gustong makipagkwentuhan sa akin tungkol kay Johansson. Noong sinabi niya iyon sa elevator ay parang gusto ko na lang bumalik sa restaurant. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya at kung paano magsisimula pero mas gugustuhin ko pa iyon kesa sa makita iyong pagmumukha ng lalaking iyon.


Chinarge namin pareho ang phone naming low bat na. Umilaw iyon kaya nakita ko ang mga iilang tawag ni Johansson at ilang mensahe galing sakanya at sa aking mga magulang nangangamusta.


Nagtitipa ako ng reply sa mga magulang ko ng tinanong ako ni Maxxine ng diretso.


"So kayo na?" ilang sandali pa noong nakabawi ako sa tanong niya pero hindi ako agad sumagot, busy pa ako sa pagreply sa mga magulang ko at nang natapos na ay umupo ako ng maayos


"What Tiara? Gusto ko ako ang unang makaalam!" umirap ako. Kami ba? Yes, we kissed so does it mean na kami na?


"I don't know?" nagkibit balikat ako


"We both know him, he's cold-hearted, snob, anti social and super masungit. Tumitiklop lang iyon kapag ikaw na ang usapan." ngumuso ako sa sinabi niya, I can't agree with that


"Nagkakamali ka, he's still mean to me." 


Simula bata kami ay hindi mabubuo ang araw ng klase kung hindi ko makikita ang walang ekspresyon niyang mga mata which is a bit sad for a grade school student kaya sinubukan ko talagang intindihin siya kahit na gusto ko na siyang sapakin noong High School sa sobrang snob niya sa mga babae!


"Kapag ayaw niya ang ginagawa mo like talking to Austin or other boys." umirap ako. Well, that's true. Nakikita ko ang mga matatalim na titig ni Austin kapag magkausap kami o kay Nick noon kapag nakaakbay siya sa akin


"Ganito na lang..." ilang segundo pa bago niya iyon dugtungan na para bang tinantiya ang magiging reaksyon ko kaya agad akong kinabahan


"Nag kiss na kayo?" What the fuck? Agad akong nag-iwas ng tingin at iniisip kung sasabihin ko ba sakanya ang tungkol kagabi


"So nag kiss na kayo!" wala pa akong sinasabi ay nalaman na niya agad dahil sa reaksyon ko. Great, Tiara! 


Tumango ako at nag-iwas ulit ng tingin.


"Oh my God! Saan? Sa lips ba!?" lumuhod na siya sa kama namin sa sobrang excited niya sa kwento ko, konti na lang ay alugin niya ako


Tumango ako, biglang uminit ang pakiramdam ko dahil sa hiya. I can't believe that this is our topic! 


"Magaling ba siya? I mean... This is his first time at ganoon ka rin! Oh my God!" inalog alog na niya ako ngayon


Hindi ko iyon masasagot. Yes, his kisses are extreme that made me tremble for a moment! I don't want to fill her mind with those things kaya mas pipiliin ko na lang na manahimik at hayaan siyang isipin ang gusto niyang isipin


"So kayo na nga? I mean mahal niyo ang isa't isa?" ngumuso ulit ako, nahihiya akong tumango sa best friend kong dapat alam niya lahat ang tungkol sa akin


"Kailan pa?" dumapa siya sa kama, handang makinig sa kahit anong sasabihin ko


"Hindi ako sigurado basta isang araw na lang lagi kaming magkasama hanggang sa nabuo ang mayroon kami ngayon." Siguro sa mga tukso rin nila kaya kahit na simpleng movement lang ni Johansson sa akin ay parang big deal na.


"Well, basta ako alam ko na matagal na siyang may gusto sayo." nagulat ako na alam niya iyon, alam kong sinabi na ni Johansson ang tungkol sa pagkakagusto niya sa akin noon pa man pero hindi ko alam na alam iyon ni Maxxine. Manhid ba ako o sinabi lang ni Johansson sakanya? Alam rin ba nina Nick?


Ikaw lang itong malaki ang galit sakanya kahit paghinga niya noon ay kinagagalit mo.


"Hindi naman sa ganoon!" defensive kong sagot "Naiinis lang ako na ang insensitive niya sa mga babaeng nagkakagusto sakanya." naalala ko noong birthday niya ay may nagbigay sakanya ng cake sa Student Council pero tinitigan lamang niya iyon at lumabas. 


"Look who's insensitive here? Halata na lahat na may gusto si Zeeyan sayo pero ikaw lang ang hindi nakakakita! Sayo lang kaya ngumingiti at tumatawa si Zeeyan, ikaw lang ang nakakasigaw at nakakasagot sa kanya, the rest sinusungitan niya even me! Na mas matagal niyang kilala kesa sayo." kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. It can't be right? Kung totoo man ay talagang manhid ako kahit sa kaibigan ko na araw-araw ko ng nakakasama


"Tell me, do you like him?" seryoso kong tanong sakanya


"What? No!" agap niya na nagpatanggap sa kaba ko


"What the hell, Tiara? Naisip ko ngang bakla siya noon eh!" halakhak niya at nagulat ako sa sinabi niya pero natawa na rin. Sa gwapo niyang iyon ay pag-iisipan niyang bakla si Johansson? Well, gwapo rin si Nick pero... 


"Pero narealize ko na hindi siya ganoon nang nakita ko kung paano siya tumingin sayo at kung paano siya lumuhod sayo na para bang susundin niya ang kahit anong gusto mo." Now I don't believe her. I think she's exaggerating things


"Totoo! Remember noong Valentine's noong ninth grade, sinabi mo sakanya na tanggapin lahat ng magbibigay na regalo sakanya kasi pinaghandaan iyon ng mga babae at alam nating dalawa na hindi niya papansinin ang mga babae pero noong sinabi mo iyon ay tinanggap niya lahat ng walang alinlangan!"  


"Malay mo nasa mood lang siya noon?" at hindi ko alam na tinanggap niya ang mga regalo sakanya


"Come on! Kahit nasa mood iyon hindi yun tatanggap ng regalo hindi ba? Aanuhin nga naman niya, baka binigay niya lang iyon sa mga katulong nila o sa bodyguards niya."


"At nagagalit iyon kapag may nagkakagusto sayo."  aniya at ngumisi


"Sino naman?" tanong ko, clueless kung sino ang mga tinutukoy niya


"See? Manhid ka talaga! Or sadyang takot lang ang mga lalaki sayo kaya hanggang titig lang sila." tawa ni Maxxine 


"They always receive Zeeyan's death stares kapag nakikita niyang nakatitig sila sayo at aambang poporma and the result is hindi na sila makakalapit sayo dahil sa takot kay Johansson." Now I think na binayaran ni Johansson si Maxxine para ikwento ito, puro papuri ang naririnig ko sa bibig ni Maxxine


"As if I would entertain them? Dapat alam niyang galit ako sa mga lalaki." sabi ko


"And because of that principle, hindi umaamin si Zeeyan o takot lang siya sa sasabihin mo. It was in ninth grade, noong napansin kong may gusto siya sayo at ngayong last year siya nag-confess sayo. Well, feeling ko matagal na niyang pinapahalata na may gusto siya sayo, wala ka lang talagang pakielam sa mga lalaki." 


And we talked more about Johansson's feelings for me, his doings, his stares to me everytime na napapansin pala niya noon pa man, his considerations, his efforts and many more. Nagiging President na siya ng Johansson fanclub sa lagay na ito.


"Ah! May naalala ako!" and right after I thought na tapos na kami sa usapang Johansson ay bigla siyang sumigaw


"Remember na nauna ko siyang naging kaibigan kasi magkaibigan na ang magulang namin, lagi akong pumupunta sakanya and he would never join me play in their backyard. Lagi kong kasama iyong anak ng katulong nila at nasa balcony lang siya ng kwarto niya, nagbabasa ng libro. I never liked him because he's boring pero noong naging kaklase at kaibigan kita, naging magkaibigan rin at kasosyo sa negosyo ang parents nating tatlo ay sinasamahan mo ako kapag may dinner ang parents natin at doon ko lang nakitang sumali si Zeeyan sa akin!"


"Well, hindi naman siya technically kasama sa laro. He's like our referee or judge." sabi ko, naalala iyong panahon na nag boboardgames kami ni Maxxine at nanonood lang si Johansson sa amin, ilang beses ko siyang niyayang maglaro  ng snake and ladders pero agad siyang iiling at walang sasabihin


"It's because  he's boring... hanggang ngayon naman."


"He's not boring kung makilala mo siya, maybe he's not that adventurous but he can entertain you and make your laugh big time."


"Based on experience?" ngisi niya at hinawi ang buhok ko


"But I'm so happy for the both of you, I can see that Zeeyan's becoming less snob because of you at hindi na siya masungit kina Nick."


Yeah, I remember Nick used to submit his weekly reports to me imbes na kay Johansson. Clearly, Nick doesn't want to be rejected by Johansson's extreme jedgements so sa akin na pinapaabot. Same to the girls na hindi makausap si Johansson because they're all scared.


"Ready na?" maaga kaming nagising lahat para mag-impake na. Mamayang alas dos ng hapon ang flight namin pauwing Manila at naghahanda na kaming lahat para sa church hopping. Si Owen at Kaien ang magiging tour guide namin


Pinagamit ng hotel ang Hiace nila para sa church hopping namin at sa paghatid na rin sa airport habang iniwan ni Kaien ang kanyang sasakyan at babalikan na lang daw nila ni Owen pagkatapos kami ihatid.


Nang huminto ang van sa harap namin ay nauna na akong pumasok, gusto ko ako ang nasa tabi ng bintana, katabi ko si Maxxine at si Bianca naman sa tabi niya habang nasa tabi ng driver si Kaien, iyong tatlong maaingay ay nasa likod namin.


Sa ilang minutong byahe namin ay tinext ko ang mga magulang ko para iupdate sila. Johansson and I exchanged 'Good morning' earlier at tinext ko rin siya noong nasa lobby na kami na paalis na kami para sa Church hopping pero hanggang ngayon ay wala parin siyang reply, he must've been busy.


First stop is Miag-ao Church which is exciting because it feels like we are in a movie or something. The church looks so old and huge! Panay ang picture taking namin sa camera ni Bianca, we would pose in front of the church at ginawa naming photographer ang driver. Nagiging seryoso lang kapag papasok sa simbahan para magdasal.


Ganoon rin ang ginawa namin sa ibang simbahan tulad ng Molo Church at San Joaquin Church. The massive stone walls of the churches are surreal and made me think if it's real. The facade of it has images and designs of different Saints.


We say our last prayers to our last church, Santa Barbara Church, and proceed to the van. It took us four hours for that whole Church Hopping experience. Cinareer rin ni Owen ang pagiging tour guide niya at dinala pa kami sa famous local dishes ng Iloilo.


"Goodbye Owen!" tumawa kami sa madramang nagyakapan ng dalawa nang nasa airport na


Kinawayan at niyakap ko sila at nauna ng pumasok. I can't wait to go back to Manila, this sembreak is fun! Sayang nga lang at wala si Shaira pero ang alam ko ay babawi siya, may party siya sa The Palace para la birthday. It's a little bit intimidate dahil naroon ang kanyang parents at iilang kaibigan nila, I'm sure my parents will go kaya hindi ko na kailangang mag paalam


Maikli lang ang byahe papuntang NAIA kaya hindi ko na sinubukang matulog pero etong si Karlie sa tabi ni Nick ay nakangangang natutulog, tawa ng tawa si Nick at vinivideohan siya. He also wants to put a piece of candy in her mouth pero pinigilan ko. Ayokong magsigawan sila sa loob ng eroplano, we all both know Karlie.


I also took a picture of us at tawa kami ng tawa at sa tingin ko ay nakakaistorbo kami sa mga kasama naming pasahero kaya sinuway ko na si Maxxine na mukhang bababuyin ang mukha ni Karlie sa hawak niyang lipstick.


Hinihintay ko ang sundo ko nang bigla akong inakbayan ni Maxxine at niyakap ni Bianca sa likuran


"Oh bakit ang clingy niyo?" tanong ko nang pati si Karlie ay papalapit sa amin para yakapin ako habang si Nick naman ay naka kunot ang noo habang nakatingin sakanyang phone at tinignan ako ng may lungkot sa mata


"Punta muna tayo sainyo, Tiara? Ihanda natin yung surprise kay Shaira!" sabi ni Maxxine at hinila na ako papunta sa kadating lang na service niya


"How about my driver? Hindi pa dumadating!" sabi ko 


"Just text him!" aniya at pinauna na akong sumakay kaya wala na akong magawa 


I said sorry for my driver na sumabay na ako kina Maxxine  and then tell my parents na mag sstay ang mga kaibigan ko sa amin. I opened Johansson's messages, the last message sent was still mine, walang reply. I don't want to double send it or tell why he's not replying, he must be very busy.


"Okay! No phones allowed later okay? Pag-uusapan natin ang plano kay Shaira!" sigaw ni Maxxine nang pumasok sa kwarto ko


Humiga ako sa kama at chinarge ang phone ko, still no reply from Johansson. Iniwan ko na lang iyon at lumabas para maghanda ng makakain para sa bisita.


"Hi manang! Namiss kita." sabi ko kay Manang na naghahanda ng pasta sa dining room


"Naku, wala kang makulitan doon ano?" tawa ni Manang at akmang bubuhatin ang tray pero inunahan ko na siya


"Ako na po." sabi ko at hindi na siya hinayaang makatanggi, dumiretso na ako sa kwarto at naabutan ko silang seryosong nag-uusap sa kwarto ko


"Oh, ang seryoso niyo ata?" tanong ko at nilapag ang tray sa study table ko


"Uhm, for Shai's surprise party." hindi makatingin si Karlie sa akin


Tumango ako at nagyayang kumain na, awkward na tumayo silang lahat at si Maxxine lang itong nakatingin sa akin. 


Busog pa ako kaya habang nagkukumpulan sila para kumuha ng pagkain ay umupo ako sa kama ko at kinuha ang aking phone


The moment I opened my Wifi, my phone burst because of many notifications! Be it iMessage, Messenger, Snapchat and other social media! 


Mabilis kong binuksan ang aking Messenger at may nakita akong screenshot doon galing sa kaklase


It was Kelsey wearing a black tight long dress and Johansson with his grey tuxedo, they're in the same table. Hindi ko alam kung anong event 'to and from Kelsey's post, this happened last night!






Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.5K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
13.2K 1K 80
Audrey Monique Jimenez, a typical nerd who doesn't care about her looks and attitude. For her, she is she. Wala siyang pake sa sasabihin ng iba sa ka...
3.1K 576 36
Afraid of being hurt, afraid of being abandoned and afraid of being unlove. Yan Ang nakatatak sa isipan ni Glace. But what if ikaw yung nanakit? ikaw...