No Name (COMPLETED) #Wattys20...

By VeeLiones

28.3K 1.1K 186

Akala nila ay isa lamang itong ordinaryong araw. Sa ilalim ng asul na buwan na karaniwang bumibisita sa kanil... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 13

920 35 0
By VeeLiones

Yasushi's POV

Pakiramdam ko ay kakasayad pa lang ng aking ulo sa malambot na unan nang maalimpungatan ako sa mga kaguluhan sa aking paligid. Ang buong akala ko ay panaginip lang ang lahat hanggang sa yugyugin ako ni Azul at mapilitan akong magmulat ng aking mga mata.

"Yasushi! Bumangon ka na! Kailangan na nating makaalis dito!"

Naguluhan ako. "Ano ba yung nangyayari?"

Ngunit hindi na niya kailangang sumagot para malaman ko kung ano ang gusto niyang iparating.

Panganib.

That's the first thing that came to my mind when I heard the countless footsteps outside the door. Kaagad akong napabangon at inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim pa ang kalangitan at halos wala pang maaninag sa labas ng bahay kaya ang nakapagtataka, sino kaya ang mga tao sa labas?

Ginising ni Azul si Mich at kaagad naman itong bumangon.

We felt someone move.

"Untie me." Narinig naming sabi ni Nova.

Nagkatinginan kaming magkakasama. Hindi namin inaasahang nagkamalay na pala ito.

"Hurry! We don't have much time!"

Walang kumikilos sa kanila kaya ako na lang ang naglakas-loob na lumapit kay Nova. Aktong kakalagan ko na siya nang pigilan ako ni Mich.

"Sushi babes, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong nito. "Maaaring may gawin nanaman siyang hindi maganda!"

"Wala na tayong choice. Hindi natin siya pwedeng iwan dito." Sabi ko.

"Are you crazy?! Sinubukan niya tayong patayi--"

"Look!" Pagpuputol ni Nova sa sasabihin ni Mich. "I understand if you hate me for what I did but it's not the time to argue! You can hate me all you want later but right now, you must untie me! I promise I wont hurt any of you."

Hindi ko na hinintay magsalita ang aking mga kasama at sinimulang kalagan si Nova pero sobrang komplikado ng pagkakatali sa kanya. Dagdag pa sa pressure ang dilim kaya hindi ko masyadong maaninang ang pagkakatali dito.

"Kukuha ako ng kutsilyo." Sabi ni Azul.

"Get everything that we might need like food and water. Quickly!" Utos ni Nova sa mga ito.

Kaagad namang sumunod si Mich at nagpunta sa kusina. Inabot sa akin ni Azul ang kutsilyo at kaagad ko itong ginamit para putulin ang tali kay Nova. Nagmamadali naman itong bumalik sa kusina para tulungan si Mich.

My blood ran cold when three heavy knocks where heard on the door. Napahinto kami sa aming mga ginagawa.

"Hello? Is there anyone in there?" Sabi ng isang babae sa labas ng pintuan. Nakakatakot ang boses nito.

Tinapik ni Nova ang braso ko para magising ako sa aking pagkatulala.

"Don't answer. Ignore it!" Bulong sa amin nito.

Nagpatuloy ang pagkatok sa pintuan.

"Azul bilisan natin!" Sigaw ni Akki.

Nang matanggal na namin ang tali kay Nova ay kaagad itong tumayo at minasahe ang mga kamay. Kinapkap nito ang sarili na parang may hinahanap. Tumingin ito kay Azul. Palakas ng palakas ang katok sa pintuan.

"Asan ang mga baril ko tsaka yung mga bala ko?" Tanong nito.

"U-Uhm... Nasa kwarto ko sa taas." Sagot ni Azul.

Tumango ito. "I'll get them."

Papanik na sana si Nova nang biglang may sumipa sa pintuan ng bahay at tuluyan itong nabuksan. The door hitting the wall will a loud bang. Napatili si Mich. Nagliwanang ang buong bahay dahil sa mga flashlights na gamit ng mga taong armado. They were big guys in military outfits at may hawak-hawak ang mga ito ng baril. Ang dami nila! Probably around twenty men.

Bago pa sila tuluyang makapasok ay hinawakan ko ang kamay ni Akki at pinapasok siya sa isang malaking cabinet.

"Dito ka lang, please. Huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay." Sabi ko dito.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at kaagad sinara ang pintuan.

"STOP WHERE YOU ARE!" Sigaw ng mga ito.

"HANDS WHERE I CAN SEE 'EM!"

"PUT YOUR HANDS IN THE AIR!"

Pinalibutan kami ng mga ito at nabalot ang kalooban ko ng takot. There is no way of escaping this. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto nilang mangyari at dahan-dahang tinaas ang aking mga kamay.

"Touch me and you're fucking dead." Narinig kong babala ni Nova sa mga lalaki ngunit hindi nakinig ang mga ito.

Nagulat ako nang biglang baliin ni Nova ang kamay ng isa sa mga sundalong tinangkang hawakan siya sa balikat. Napasigaw sa sobrang sakit ang lalaki bago ito sinipa ni Nova sa dibdib. Napaurong ito bago nabuwal sa mga kasamahan niya.

Hindi ito nag-aksaya ng panahon at umatake sa mga armadong kalalakihan. He delivered another kick that connected to someone's jaw. Gumanti naman sa pag-atake ang mga sundalo ngunit naiiwasan lahat ni Nova ang mga ito. The next thing I knew, two guys came crashing on the walls. Bumagsak ang mga itong walang-malay sa sahig.

I honestly thought there was hope for us to escape until one of the soldiers manage to hit Nova at the back of his head. Hindi ito nakagalaw kaagad at bago pa ito maka-recover ay pinagtulung-tulungan na siyang i-restrain ng mga ito. Sinubukan pa niyang manlaban ngunit masyadong malalakas ang mga pumipigil sa kanya.

They gathered us in the living room and watched over us like hawks. Dinala nila si Nova sa amin at tinulak ng malakas causing him to fall over at my side. Bakas sa mukha nito ang galit. Bago pa ulit umatake si Nova ay tinutukan na kami ng mga ito ng baril.

"You guys are so lucky I didn't have my gun." Sabi ni Nova.

Nakarinig kami ng palakpak na nagmumula sa pintuan. Natuon dito ang atensyon namin.

"Oh my, oh my, what happened to this place?" Lumitaw ang isang babae at lumapit sa amin. "I'm actually impressed. Nagawa mong patumbahin ang lima sa mga pinakamahuhusay kong tauhan."

She commanded the soldiers to lower their guns.

Napasinghap si Azul.

"Kilala mo siya?" Bulong ko dito.

"Nandito rin sila sa bahay ko kahapon. They tried to thrash my place."

Then it hit me. "Napansin din naming maraming mga sundalo ang nagkalat sa bayan. Could these be them?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ng babae sa amin. She has an almost eerie presence that makes me uncomfortable.

"Let me introduce myself, I am Victoria Ivanov, I am a scientist researching about unexplainable occurrences in the world. We've heard reports of a loud noise coming from this area so we have decided to check things out here." Kumunot ang noo nito. "Alam niyo ba kung bakit kami nandito ngayon?"

Walang nagtangkang sumagot sa amin.

"I'll tell you anyways. There are beings that gather in these waters every two years during the Doluna Festival. Things that were only thought as myths and legends. Things that are only seen on books and fairytales." Nag-focus ang mga mata nito sa amin. "So tell me, who among you guys believe in mermaids?"

My heart skipped a beat just by the mention of that word. Alam kaya nila ang tungkol kay Akki?

"B-Bakit mo sinasabi sa amin ang mga 'to?" Tanong ni Azul.

"Because I think..." Nag-pause ito. "Let me correct that.... I know that you people know more than the rest of this town's population."

"We have no clue on what you're talking about! Tinatawag silang fairytales for a reason!" Pagdadahilan ni Azul.

Lalong sumiryoso ang anyo nito.

"You'll have to do better than that if you plan on deceiving me. I can tell from the look in your eyes that you are lying. We have years of research in our hands and we have coast guards searching these waters for them. For some unknown reason, they seem to gather here during this specific time of the year. As you can tell, we are taking advantage of that opportunity to catch one. However, they seem to slip away from our fingers each time... But not this year."

Napaisip ako. So yung mga coastguards na nag-iikot dito tuwing Doluna Festival is actually their men? All this time naghahanap sila ng sirena?

Biglang natuon ang atensyon nito kay Mich.

"So tell me, are you a mermaid?" Tanong ni Victoria.

Parang hindi inasahan ni Mich ang tanong nito.

"H-Hindi po." Sabi niya.

"No... Of course you're not honey."

"Huwag mo siyang idamay dito!" Sigaw ko ngunit parang wala itong narinig.

"Walang kinalaman ang babae na 'yan sa hinahanap niyo. They're telling the truth." Biglang singit ni Nova.

Natuon ang atensyon ni Victoria dito.

"I think it's a misunderstanding." Sabi niya. "I think what your searching for is in the forest. There are sightings in that area about a woman."

Nagtaka ako.

I am very thankful kay Nova sa pag-alis niya kay Mich ng atensyon ni Victoria but why is he doing this? He tried killing the mermaid a while ago so why is he leading them away from here?

Nilapitan nito si Nova at pinanliitan ng mga mata.

"So you do know something." Parang kinikilala nito si Nova. "You look familiar. Your face bears the resemblance of two people that I once knew. Are you perhaps, the Devil Child?"

Continue Reading

You'll Also Like

149K 4.4K 27
. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lak...
58.6K 2.1K 85
Book 2 of 'Love Hate?'. In case you haven't read the book 1 yet, you can somehow understand the story 'cause I don't let things unexplained. I do no...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
40.7K 1K 16
Teaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .