We Are Married?! (PUBLISHED u...

By iheartcandiii

18.7M 203K 33.4K

You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be y... More

We Are Married?!
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Ten- Continuation
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Author's Note: Read it! I need your answers!
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven Prt1
Chapter Forty Seven Prt 2.
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Epilogue
Special Chapter 1 (Daryl and Yla)
Special Chapter 2 (Daryl and Yla)
Special Chapter 3 (Daryl and Yla)
Special Chapter 4 (Daryl and Yla)
Special Chapter 5
Special Chapter 6 (Ralph De Guzman)
Special Chapter 7 (Ralph De Guzman)
Special Chapter 8 (Wedding)
Special Chapter 9 (The First Conversation)
Special Chapter 10

Chapter Eight

337K 3.8K 926
By iheartcandiii

Idedicate this to Ate Megan! Wala lang, natutuwa ako kay Ate Megan eh pakealam nyo ba? LOL JOKE! Hehehe I love you Ate Megan! :)))

---

"Naiintindihan kita." 

Napatingin si Ralph kay Noneen. Seryoso ang mukha nito, halatang sa sarili nya may kinikimkim rin syang galit. Parang siya lang.



"Alam ko rin yung feeling na mawalan...tsaka lokohin." Sabi ni Noneen. Narinig niya itong tumawa.



A bitter laugh.



"Si Papa...namatay siya nung 14 years old ako. Tapos yung malandi kong nanay, iniwan ako at yung kapatid ko. Sumama sa ibang lalaki at boom! Kinalimutan na kami. Kung kelan naman kailangan namin ng isang ina tsaka sya nawala. Pero sabagay...parati naman talaga syang wala..." Walang nakakaalam kung gaano ang galit niya sa kanyang ina. Sa totoo lang, hindi na nya nga ito kinikilala bilang ina dahil para sa kanya isa lang itong babaeng nagpanganak sa kanya sa mundong ito. Hanggang dun lang. Wala nang iba. Kahit kelan naman ay hindi naging ina ito para sa kanya, sa kanilang magkapatid. Natatawa nga sya minsan, ang lakas din ng loob ng nanay nyang layasan sila. Samantalang ito na nga tong walang naitutulong sa kanila. 



Galit sya, galit na galit. Paano naman kasi kung hindi dahil sa kanya, kung andito sana sya, kung hindi siya umalis at sumama sa ibang lalaki...



Hindi sana sya habang buhay na nakatali sa lalaking hindi naman nya gusto. Sa murang edad nagpakasal sya, sa murang edad natapos ang pangarap niya. Wala syang magagawa, wala silang pera. 



"Sorry." Hindi alam ni Ralph kung saan niya nakuha yung katagang iyon. Pero kusa itong lumabas sa bibig niya. Na para bang dapat niyang sabihin iyon. Tiningnan siya ni Noneen tsaka ngumiti.



"Isa ka pa eh, nagsosorry ka hindi mo naman kasalanan." Balik ni Noneen sa kanya. Natawa si Ralph sa sinabi nito. Parang kanina sya naman ang nagsasabi nun kay Noneen. "Buhay talaga no..."



"Pwedeng umiyak. May dala akong panyo." Sabi ni Ralph habang pinagmamasdan si Noneen. Ngumiti ito.



"Wag na..tapos na eh, isa pa..di siya karapat-dapat." Tanggi ni Noneen. 



"P-pwede..ko bang malaman..k-kung bakit--"



"Namatay ang papa ko?" Sabi ni Noneen. Tumango si Ralph. Medyo nag-aalangan rin siyang itanong ito kay Noneen. Alam kasi nyang sensitibo iyon para kay Noneen kaso may gusto siyang maikumpirma. Kung tama ba talaga itong iniisip niya.



"Leukemia. Haha, ewan ko nga kung bakit hindi gumaling si Papa eh. Samantalang lahat naman ginawa sa kanya. Nagkabaon baon na nga kami sa utang eh para lang gumaling siya. Kaso wala...sa huli deadbol pa rin." Malungkot na sabi ni Noneen. Para kasi kay Noneen, ang tatay niya ang pinaka importanteng tao sa buhay niya. Andun kasi ang tatay niya sa mga panahon na kinakailangan niya ng isang ina.



"Ang unfair ng buhay no?" Sabi ni Ralph. "Yung ibang tao swerteng swerte sa buhay tapos tayo, minamalas. Haha, bakit ganun kung sino pa dapat ang mamatay siya tong ayaw mamatay-matay. Dapat yung tatay ko na lang kinuha ni Lord eh." Pabirong sabi ni Ralph. 



"Ang sama nito. Talaga bang ayaw mo sa tatay mo?"



"Gago kasi siya eh. Tarantado ang gago." Grabe ka namans a bad words tsong. -__- Isip ni Noneen.



"Ralph...wag ganun. Tatay mo pa rin nama yun eh."



"De parang sinabi mong ang bait ng nanay mo." Depensa ni Ralph.



"Hindi naman kasi yun gago. Malandi yun. Malantod." Nagkatinginan sila tsaka sabay tumawa. Lumapit si Ralph sa kanya tsaka pinisil ang kanyang kaliwang pisngi. Para namang nakuryente si Noneen sa pagpisil ni Ralph sa pisngi niya, Bumilis ang tibok ng puso niya.



"Ang cute cute mo." Sabi ni Ralph habang nakangiti. Labas nanaman ang dimples nito, tunaw nanaman siya dahil dito. Natulala si Noneen.



Tae ka Ralph wag kang ganyan baka mahalay kita ng di oras! 



"Hahahahaha! yung mukha mo ang pula pula!" Turo ni Ralph sa mukha niya. Umiwas sya agad ng tingin tsaka hinawakan ang nagiinit niyang mukha. Grabe nakakahiya yun ha! >//< Isip niya. Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa tsaka tiningnan.



Incoming call..

Lawrence Gurang Sungit. -_____-



Panira ka naman ng moment oh! Isip ni Noneen. Tiningnan lang ni Noneen ang kanyang cellphone habang tunog ng tunog. Nagdadalawang isip siya. Sasagutin ba niya o wag na lang pansinin? Baka kasi pauwin lang din siya o sigawan pag sinagot niya to. Kung kelan naman nakakapagmoment na sila ng crush niya, tsaka epal tong gurang na to.



"Di mo ba sasagutin?" Tanong ni Ralph. Bigla naman nawala ang atensyon niya sa phone.



"Ah..Hindi" Bigla nyang napindot ang end call sa cellphone niya. Parang kusang sinabi ng katawan niyang ayaw niyang sagutin ang tawag na iyon. Bahala na isip ni Noneen. Sanay rin naman siyang nasisigawan ni Lawrence eh.



Samantalang lingid sa kaalaman ni Noneen. Kanina pa pabalik balik ng lakad si Lawrence. Ni hindi pa nga ito kumakain eh. Tingin ng tingin ito sa bintana kung babalik na ba ang asawa niya o hindi. Kanina pa rin ito text ng text at tawag ng tawag. Nag-aalala sya, miske kahit ano naman kasing gawin. Responsibilidad niya si Noneen, asawa niya ito eh.



"Hijo, hindi ka pa ba kakain ng hapunan?" Tanong ni Manang sa kanya.



"Ah, mamaya na lang po. Pag uwi ni Noneen." Sagot ni Lawrence habang hinihintay sagutin ni Noneen ang cellphone niya.



"Asan ba si Noneen?" 



"Yun nga po eh, hindi ko alam. Kanina pa ako tawag ng tawag ayaw naman sagutin. Tsk." Napangiti naman si Manang sa sinabi ni Lawrence. Unang beses kasi niyang nakita ganitong mag-alala si Lawrence para kay Noneen. Dati rati naman ay hindi na ito iniintay ang asawa.



"Alam mo kanina pa tunog ng tunog ang cellphone mo, sagutin mo na kaya?" Sabi ni Ralph habang naglalakad sila papunta sa kainan malapit sa clock tower. Nagaalangan si Noneen. Gustong ayaw nyang sagutin ang cellphone niya. Kaso, once in a lifetime lang tong moment na to eh. Isip niya. 



Pinatay niya ang cellphone tsaka tumingin kay Ralph.



"Wala lang yun. Nangungulit lang. Hehe, tara na." Sabi ni Noneen.



"Ugh godammit Noneen!" Lawrence crused nung naging service unavailable ang phone ni Noneen. Napabuntong hininga siya. Nakuha siyang patayan ng phone ni Noneen? Grabe lang ha. Isip niya.

"S-salamat sa libre ha." Sabi ni Noneen habang nasa tapat sila ng gate ng subdivision. Sabi kasi ni Noneen hanggang doon na lang siya ihatid ni Ralph. Well, nagkamali na sya dati. Mahirap na kung magkakamali pa sya ulit. 



"Walang ano man, ako nga dapat ang magpasalamat eh. Sinamahan mo ko, miske gabi na." Ngumiti si Ralph. Namula naman si Noneen dito. Shemayz ito na ba ang start ng love story namin? Isip niya. 



"Ah.. hehe, s-sige goodnight! Magingat ka sa paguwi ha." Sabi ni Noneen. Nagulat naman siya ng biglang lumapit ang mukha ni Ralph sa kanya at hinalikan siya nito sa pisngi.



AY TAE KA TALAGA RALPH NO? GUSTO MO TALAGANG HALAYIN KITA NO? Isip ni Noneen. Para namang tumigil ang mundo sa pagikot sa ginawa ni Ralph. Nangyayari to di ba? Hindi lang ito isang panaginip? Isip niya.



"Parusa mo kasi late ka kanina. Sige goodnight din sayo." Ngumiti ito tsaka tumalikod at naglakad papalayo. Natulala si Noneen. Ganun ba ang parusa pag nalalate? Ay nako magpapalate na lang ako parati! Isip niya. Napangiti siya. Ang swerte swerte naman ata niya! Ang long time crush niya hinalikan sya sa pisngi. 



Naglakad si Noneen papunta ng bahay nya ng may ngiti sa labi. Hindi maalis ang pagkakilig at pagkasaya niya sa mukha. Binuksan niya ang pinto ng bahay, patay na ang mga ilaw pero laking gulat niya ng nakita niya si Lawrence na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Ang sama ng mukha nito. Halata kasing wala ito sa mood. 



Hindi na nagsalita si Noneen. Derederetso lang itong naglalakad ng biglang nagsalita si Lawrence.



"Talagang pinatayan mo pa ako ng cellphone ha." Malamig na sabi nito. Napahinto naman siya. Ayan na nga bang sinasabi natin eh. Naguiguilty siya. 



"Anong oras na? 10:30? Seriously Nee? Uwi ba yan ng matinong babae?" Napalunok siya. Paano  ba niya sasagutin ang mga tanong nito. Oo alam niyang mali ang ginawa niyang ganitong oras na umuwi ng bahay. Kaso mapipigilan mo ba naman ang puso pag tumibok ito?



"Pagod ako, bukas na lang tayo magusap." Sabi ni Noneen.



"Bakit? Ano bang ginawa mo at napagod ka? Ha?" Sabi ni Lawrence in a sarcastic tone. Tiningnan nya si Noneen ng masamang tingin. Oo, bwisit sya. Bwisit na bwisit. Paano naman kasi halos sumabog na ata ang ulo na kakaalala kung saan ba nagpunta si Noneen.



"Hoy, wala akong ginawa no. Napagod lang ako kasi naglakad lang kami papauwi. Wag ka ngang magisip ng ganyan. Ibahin mo ko sa mga babae dyan sa kalye." Depensa ni Noneen. Nakita niyang tumayo si Lawrence.



"Paano naman kita hindi ihahambing sa babae dyan sa kalye eh anong oras na, gabing gabi tsaka ka maglalakwatsa?! Hindi ka man lang sanay magpaalam! Hindi ka man lang sanay magsabi kung saan ka pupunta! Kung sino kasama mo! Damn it Noneen! Halos mamatay na ako kakaaalala kung ano bang nangyayari sayo!" Sigaw ni Lawrence. Parang namang tinamaan ng bala si Noneen sa puso. Naguiguilty sya. Di naman nya kasi akalain na nagaalala rin pala si Lawrence sa kanya.



"You even declined my call for five times! Ano sa tingin mo iisipin ko ha?!!" Napayuko si Noneen. Wala oo na sya na ang mali! Feeling niya tuloy para syang kandilang nauupos sa kinatatayuan nya, ang tingin kasi ni Lawrence.



Pumapatay.



"Sorry na!!" Sabi ni Noneen. Sa totoo lang naiiyak na sya ngayon. "Kaya ko lang naman nagawa yun kasi si Ralph ang kasama ko! Alam mo namang first love ko yun di ba? Hindi ko matanggihan!" Bigla namang napakunot ang ulo ni Lawrence.



"Sino kamo? Si Ralph?" Tumango si Noneen. Napabuntong hininga si Lawrence. Masama to, isip niya.



"Wag na wag na tong mauulit Nee okay?" Sabi ni Lawrence pero bigla naman syang natulala nung nakita nyang umiiyak si Noneen. Ayan nanaman tayo. Isip niya. Nagkabaligtad na sila ngayon ng sitwasyon. Sya na ngayon ang naguiguilty. Para kasi sa kanya, miske si Noneen ang may kasalanan pag umiyak na ito.



Sya na ang may mali, sya na ang may kasalanan.



Nilapitan niya ito tsaka niyakap. "Wag ka nang umiyak Nee. Sorry kung nasigawan kita." Mahinahong sabi ni Lawrence.



"Sorry na talaga Lawrence! Hindi na mauulit promise! Sorry na kasi!" Sabi ni Noneen sa bawat hikbi niya. Niyakap niya si Lawrence. Napangiti naman ang lalaki sa ginawa ni Noneen.



"Oo na, bahala ka magagalit ulit ako sayo pag hindi ka tumahan dyan." Sabi ni Lawrence.



"Wag ka nang magalit ha?" 



"Oo na po. Tahan na okay?"



Isang katok ang narinig ni Lawrence sa pintuan ng kanyang opisina. Alam nya a kung sino iyon, at hindi na siya tumayo para buksan pa ang pinto.



"Come in." Sabi ni Lawrence. Bumukas ang pinto, at gaya sa inaasahan. Si Ralph ang nagpakita sa harapan niya. Lumapit ito sa table niya tsaka nilapag ang isang folder.



"Project ko po Sir." Simpleng sabi ni Ralph. Tatalikod na sana ito ng biglang nagsalita si Lawrence.



"Layuan mo sya." Biglang napahinto si Ralph. "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Alam kong may plano ka, kaya ngayon pa lang binabalaan na kita. Layuan mo sya." Malamig na sabi ni Lawrence. Napangiti si Ralph. Umikot ito para tingnan ang guro.



"Actually, hindi ko alam..sino ba tinutukoy mo sir? Ah wait...yung asawa mo ba?" Nakangiting tanong ni Ralph. Tiningnan lang sya ng masama ni Lawrence.



"Layuan mo sya kung ayaw mo ng gulo." Nagbabantang sabi ni Lawrence. Pero tumawa lang si Ralph sa kanya.



"Bakit? Tinatakot mo ko? Di ba dapat ikaw ang matakot? May hawak akong alas, kung hindi mo lang alam.."



"Wag mo syang idamay dito." Ngumiti ulit si Ralph tsaka tumalikod at naglakad.



"Sa totoo lang, sya ang nagdamay ng sarili niya dito. Isa pa, ako naman ang gusto niya..pasensya ka na lang what done is done..



Kuya."



*itutuloy*



Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 23.3K 6
Bubbly and fierce, Mariz Ochua, is not a typical secretary. She worked hard and was getting ahead when all of a sudden, the CEO for whom she was a se...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
68.3M 895K 84
[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University...