Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 45

6.8K 219 13
By InsaneSoldier

Yanyan's

"Seryoso? May girlfriend ka?"

Kumunot yung noo ko sa tanong nitong ka-friendship ko na si Rin. Siguro kung makikita sila ng pinsan ko, ay. Malamang sa malamang, hindi sila matatandaan ni Cindy. Sad layp.

"Meron nga kasi." Sagot ko sabay pout. Pang-ilang tanong na nila kasi iyan. Parang ayaw maniwala na girlfriend ang meron ako at hindi boyfriend. Hay. Hindi ba talaga kapani-paniwala iyon? Kung sabagay. Sa cute ko ba namang 'to, walang mag-aakalang pwede palang mainlab ako sa girlash na katulad ni Steff. "Ayaw ninyo maniwala."

"Hindi naman sa gano'n," singit ni Renzy, "tanda mo? Parang last time lang, kilig na kilig ka pa kay Renzo kasi nililigawan ka na niya." Tumaas yung kilay niya. "Tapos biglang malalaman na lang namin na may girlfriend ka na? At talagang girlfriend, ha?"

"Sa girlfriend, eh." Baliwalang sagot ko. "Susunduin niya ako ngayon!"

Ih, nikikilig ako!

"Sinong lalaki sa inyo?" Tanong ni Mariel na ikinakunot ng noo ko. Ano raw? Lalaki? "Siya siguro, 'no?"

"Ha? Lalaki?" Gulong tanong ko. "Babae si Steff. Kaya nga girlfriend, eh." Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?

"Oh, Steff daw name." Sabi ni Renzy na patangu-tango pa. Tumangu-tango naman sina Rin at Mariel. Anong problema ng mga 'to? "Mukhang siya nga ang lalaki. Steff, eh. Medyo manly."

"Tama. Tama." Sang-ayon ni Rin.

"Kailangan makilatis." Biglang sumeryoso yung tono ng boses ni Mariel. "Alam mo naman ngayon, hindi na lang lalaki marunong manloko."

Ano raw?

"Hoy, pinagsasabi ninyo?" Naguguluhang tanong ko. Seriously, daya nila, ah. Hindi man lang ako sinasali sa usapan. Hello! Nandito kaya ako!

"Kailangan protektahan natin itong kaibigan natin."

"Pagong pa naman."

"Ha?" Lumingun-lingon ako sa paligid, puro mga students na labas-masok lang sa gate ng university ang nakikita ko. "Wala namang pagong, eh."

Tumawa sila. "Meron."

"Wala naman, eh." Napakamot na ako ng ulo. "Pinagloloko ninyo ako."

Tawa lang sila. Bahala nga sila riyan!

Kinuha ko yung selpon ko at napangiwi sa dami ng missed calls ni Cindy. Ilang hours nang nakalipas yung mga tawag na hindi ko nasagot at sinadyang hindi sagutin. Eh, kasi naman! Baka pahirapan na naman niya ako! Suking-suki ako ng kasadistahan no'n. Kaiyak.

Yung ngiwi ko ay napunta sa ngiti nang biglang lumitaw sa screen yung pangalan ni Steff. Ih, natawag siya! Nikikilig ako, bakit!

"Steff, hello!" Masiglang bati ko sa kanya na ikinatawa nito. Pansin ko namang biglang napatitig yung tatlong kasama ko sa akin. Kiber ko sa kanila. "Saan ka na?"

"Malapit na ako."

"Drive ka?"

"Yep," sagot nito. Pansin ko namang mas lalong lumalapit yung pagmumukha nina Rin sa akin. "Naka-loud speaker naman ako kaya nasa daan lang ang mata ko."

"Okey." Pakantang sagot ko. "Malapit ka na?"

"Oo nga." Narinig ko yung tawa niya. "Miss mo 'ko, 'no?"

"Hindi kaya." Kontra ko. "Punta ka na rito, bilis!" Pinatay ko  kaagad yung tawag bago pa siya makasagot. Kaso napangiwi ako. Baka gantihan ako no'n mamaya dahil sa ginawa ko, yikes!

"Nasaan na raw yung Steff?" Usisa ni Mariel.

"Ah, malapit na raw siya."

Hindi na sila sumagot pagkatapos no'n at parang nagkaroon na naman ng sariling mundo. Napanguso ulit ako. Daya naman!

Maya-maya lang ay may natanaw na akong familiar na sasakyan. "Si Steff!"

"Saan? Saan?"

Hindi ko sila sinagot. Parang mga ewan lang sila kung maghanap. Malamang hindi nila agad makikita, nasa loob pa ng car, eh.

Bumagal yung takbo ng sasakyan hanggang sa huminto ito sa harap namin. Bumukas yung pinto ng sasakyan at automatic na napangiti ako. Emerghed.

"Steff! Yuhooo!"

Natawa siya sabay lapit sa akin. Humalik siya sa noo ko. "Nainip ka?"

"Hindi. Pero libre mo 'ko ice cream!" Ungot ko na ikinailing lang niya. "Ay, nga pala," Iminuwestra ko ang kamay ko sa direksyon ng mga kasama ko. "Mga kaibigan ko—si Renzy, si Rin, tsaka si Mariel."

"Hello." Nakangiting bati ni Steff. Parang timang lang yung tatlo na nakanganga. "I'm Steff. Girlfriend ni Marian."

Parang may dumaang anghel sa pagitan namin sa sobrang tahimik. Unti-unti na ring tumataas yung isang kilay ni Steff. Natatawa tuloy ako.

"Huy! Ano ba kayo?" Sita ko sa kanila. "Tahimik ninyo."

"Siya si Steff?" Parang gulat na tanong ni Renzy. "Akala namin..."

"Anong akala ninyo?"

"W-wala."

"Akala namin, butch siya."

Napakamot ako sa ulo sa sinabi ni Mariel. Natawa naman si Steff kaya namula sila. Nahihiya yata.

"Ang ganda mo pala."

"Ahm, salamat."

Bigla akong binatukan ni Mariel kaya tiningnan ko siya ng masama. "Ba't nambabatok ka?"

"Hindi mo sinabing babae pala siya!"

"Hello! Sinabi ko kaya! Hindi kayo nakikinig!"

Natigilan ako nang hawakan ni Steff yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Pauwi na rin ba kayo? Sama muna kayo sa amin ni Yanyan, kain ng ice cream."

Tango-tango naman agad yung tatlo—ay, apat pala. Kasama ako, eh. Yey! Ice cream!

--

"Ate Steff, Ate Steff! May Facebook ka?"

"Add ka namin!"

"Oo nga. Oo nga."

Para silang mga batang nanghihingi ng candy habang nalamon kami ng ice cream. Yum yum! Parang kanila lang ang aangas nila tapos ngayon mukha na silang maamong tupa. Maka-Ate wagas!

"Sige, tanungin ninyo na lang kay Yanyan yung name ko sa Facebook." Sagot ni Steff habang kumakain na rin pero yung isang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Enebe.

"May kapatid ka? Maganda rin ba? Gwapo?" Narinig kong tanong ni Renzy. Hay nako.

"May stepsister ako pero kapatid na talaga ang turingan namin. Nag-aaral din siya sa Parker. I'm sure you know her."

"Sino?"

"Ay. Hindi gwapo..." Halatang disappointed, eh.

"Cindy Hayssbert."

Napatingin ako sa kanila. Nanlalaki yung mata ng tatlo.

"Yanyan! Pinsan mo 'yon, 'di ba?"

"Yung babaeng may kasungitan at conceited na girlfriend ni Miss Juliet?"

"Edi..."

Kumunot yung noo ko. "Edi, ano?"

"Magpinsan din kayo ni Ate Steff?"

"Magpinsan kami. Pero hindi sa dugo." Si Steff na ang sumagot sa kanila.

"Ah, okay." Sabay-sabay na sagot nila.

Nakahinga naman ako ng maluwag kasi hindi na sila nagtanong pa. Alam ko naman kasi na medyo alanganin yung situation namin ni Steff. Obvious na obvious kaya! At sa totoo lang, medyo natatakot ako. Sino ba namang hindi?

Pagkatapos manginain ng ice cream ay nagkanya-kanya na ring uwi yung mga friendships ko pagkatapos mag-thank you. Kami naman, eh, bumili pa ulit ng ice cream bago umuwi.

"Ang bait ng mga kaibigan mo." Sabi niya habang nagmamaneho pauwi. "Kwela pa. Buti na lang hindi sila slow like you."

"Ano?" Napanguso ako. "Hindi ako slow! Magulo lang kasi kayo kausap."

Nagkibit lang siya ng balikat sabay tawa. "Hay, buti na lang mahal kita, Yanyan ko."

Umiwas ako ng tingin. Ih! Ang init ng mukha ko! Bakit ba ang bilis kong kiligin pagdating sa kanya?

"Aysus! Kinikilig ka, 'no?"

"H-hindi, ah!" Deny ko sa kanya. Kasi naman, eh! Maka-smirk wagas! "Feelingera ka, Steff!"

"Aysus!" Sagot niya lang pero halata namang hindi siya naniniwala sa akin.

"H-hindi nga kasi!"

Nakarating kami ng bahay nang panay siya ng pang-aasar. Nakasimangot na nga ako, eh. Tumigil lang siya nang hindi na ako namamansin.

Walang paalam na hinila niya ako sa room niya pagkatapos ilagay sa ref yung mga ice cream. Para kay Cindy kasi yung iba roon. Nasaan na kaya yung babaeng 'yon? Ewan.

"Marian."

"Hm?" Magkatabi na kami sa kama ngayon. Pumikit lang ako habang siya nakayakap sa akin.

"Naalala mo yung sinabi ko, 'di ba? Gusto kong maging legal tayo."

Natigilan ako at biglang naalala yung sinabi niya noon. "Gusto kong maging legal na tayo...sa magulang mo."

Bigla akong kinabahan. Gusto ko rin naman, eh. Kaso anong sasabihin nina Mama at Papa? Kasi magpinsan pa rin kami kung titingnan.

"Yanyan."

"B-bakit?"

"Decision mo lang yung hinihintay ko." Napatingin ako sa kanya. Parang may tumusok na something sa puso ko nang makita yung malungkot na expression niya. "Ayaw mo ba?"

"H-hindi naman—"

"Natatakot ka?"

Hindi ako nakasagot. Natatakot ako na baka kapag sinabi kong oo, natatakot ako, baka masaktan ko siya. Kasi sino ba namang hindi makakaramdam no'n? Pero gusto ko rin naman maging legal kami. Kaso maisip ko pa lang na aamin kami, nanginginig na yung tuhod ko.

Natigilan ako nang maramdaman ko yung lips niya sa akin. Mga ilang seconds din ang tinagal ng halik bago siya humiwalay. "Alam kong takot ka kahit hindi mo sabihin. Naiintindihan ko naman, eh."

"Hindi ka nasasaktan?" Diretsong tanong ko sabay pout. Ngumiti siya at hinalikan ulit ako sa lips pero smack lang. Aww, I want more!

"Hindi. Ayoko namang i-pressure ka." Hinaplos niya ang buhok ko. "Natatakot din ako, 'no."

"Weh?" Kumunot yung noo ko. Hindi kaya halata!

"Nilalakasan ko lang loob ko. Siyempre takot din ako. Tingin mo sa'kin, fearless? Pero mas lamang kasi yung will ko na mapagmalaki yung relasyon natin kaysa diyan sa takot na 'yan."

"Woah..." Tinaasan niya ako ng kilay sa reaction ko. Kulang na nga lang pumalakpak ako, eh. "Ang matured ng pagkakasabi mo, Steff. I love you na talaga!"

Natawa naman siya. "Kailan kaya kita makakausap ng matino?"

"Matino ako!" Ungot ko sabay pout. "Grabe ka! Bad!"

Bigla na na naman niya akong hinalikan sa lips. Nahampas ko pa siya sa balikat nang kagatin niya yung lower lip ko. "Ano ba! Sakit, eh."

"Ugh," Parang pigil na pigil na daing niya. Humalik pa ulit siya, mas madiin, mas matagal. "Nakakagigil ka." Pinaglapit niya yung katawan namin. "Gahasain kita riyan, eh."

Nanlaki yung mata ko. "B-bawal!"

"Bakit?" Nag-pout siya sa akin. Napakagat ako sa lower lip ko. Ang cute!

"Bawal pa."

"Bawal pa?" Ngisi niya na talagang in-emphasized yung word na pa. "So, kailan?"

"Ahm," Bigla yatang nag-malfunction yung utak ko. "Kapag k-kasal na tayo."

"Hmm..." Ngumiti siya ng matamis. "Okay."

Nakahinga ako ng maluwag. Hay, buti na lang—

"Pero pahalik na lang."

"Ha?"

Sinagot niya ako ng isang halik sa leeg na ikinasinghap ko. Pumunta siya sa ibabaw ko at maagap na nahawakan yung isang kamay ko samantalang yung isang kamay ko pa ay nakahawak na ng mahigpit sa balikat niya.

"S-Steff—teka—" Napapikit ako sa ginagawa niya. Patay na naman ako, umaandar na naman yung kamanyakan niya!

Bumaba yung labi niya sa collarbone ko at kinagat-kagat ito ng mahina. Nakuyom ko yung kamay ko na nasa balikat niya. Sa isang kamay naman ay pinag-intertwine niya ang mga daliri namin. At yung isang libreng kamay niya ay nakahawak sa may pisngi ko.

Bumaba pa ng kaunti ang halik niya. Naramdaman ko na lang na parang, ahm, ano, sina-suck niya yung balat ko. "S-Steff?"

Nag-angat siya ng tingin. "I love you."

Napangiti ako. Bakit gano'n? Sobrang kita ko sa mata niya yung nararamdaman niya? Nakakapanlambot. Feeling ko mahal na mahal niya talaga ako. At hindi lang basta feeling iyon. Ramdam na ramdam kong totoo yung sinasabi niya. Ako na yata ang pinakamasuwerteng nilalang sa Earth!

Hay...Steff. Hindi na kita pakakawalan. Bahala na! Para kasing automatic na nawala yung takot ko dahil sa sinabi niya at nakita ko. "I love you, too. Steff?"

"Yes?"

"Payag na ako." Tulad niya, gusto ko ring malaman ng lahat yung tungkol sa amin. Takot pa rin ako. Pero. Bahala na! Lalakasan ko na lang ang loob ko!

"Payag ka nang ma-rape?"

"H-hindi!" Parang napunta yata laha ng dugo ko sa ulo ko, nakakaewan naman itong babaeng 'to! "Pa-payag na akong sabihin sa kanila yung relasyon natin."

Mula sa perv na expression ay kaagad itong napalitan ng pagkagulat. "T-talaga?"

Tumangu-tango ako. Lumaki yung ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit. Humalik siya sa noo ko ng paulit-ulit. "I love you so much!"

Yung puso ko!

_____

Continue Reading

You'll Also Like

879K 31.6K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...
517K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
126K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
62.4K 3K 65
Lucia found herself living under the same roof with her cousin who she never met before in her entire life. Will they be able to co-exist like normal...