Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 43

6.9K 207 11
By InsaneSoldier

Cindy's

Okay.

"Good morning, Cinderella!" Ang laki ng ngiti niya habang may dalang tray na may lamang pagkain. Wait. May tray ba kami? "Breakfast in bed!"

Anong meron?

Sukat doon ay may lumitaw pang isang dalaga sa tabi niya at pasimple siyang binangga sa balikat. "Mine—I mean, Cindy, good morning!" Tulad ng nauna ay may dala rin siyang tray ng pagkain. "Breakfast mo. Ako nagluto niyan."

Nanlaki yung mata ko. "Marunong ka?"

"Uh, I practiced." Ngumiwi siya. Saka ko lang napansin yung band aid na nasa daliri niya. "But I assure you that it really tastes good!"

"A-ako rin nagluto nito!" Kontra no'ng isa.

Okay.

Napahawak ako sa sentido ko nang magsimula na silang magtalo. Sumasakit ang ulo ko. "Juliet. Nikki."

"Yes?" Sabay nilang sabi. Tumingin sila ng masama sa isa't isa. Parehas na naghahamon. Juicecolored!

"Lumayas-layas nga kayo!" Bulyaw ko kaya napaigtad sila. Umirap ako at talaga namang pinanlisikan ng mata itong dalawang babaeng nasa harap ko. "Ang aga-aga pinapainit ninyo ulo ko."

"But—"

"Pero—"

"Lalabas kayo o ipapalunok ko 'yang mga tray sa inyo?" Seryosong saad ko. Napalunok sila at akmang tatalikod na. "Wait." Utos ko. Sabay naman silang lumingon at ngumiti ng malaki. Sus! Akala yata nila hindi ko sila matitiis. Asa! "Iwan ninyo yung pagkain."

Laglag ang balikat na iniwan nila ang tray at sabay na lumabas ng pinto. Nagsiksikan pa bago makaalis. Napailing na lang ako. Parang mga bata. Manliligaw ko ba talaga yung dalawang babaitang 'yon? Nakakaloka.

Sa mga makakaalam nito, iisipin siguro nilang ang haba ng hair ko dahil dalawang babae ang nagkakandarapa sa akin. Well, sinong hindi, 'di ba? Eh, ang diyosa-diyosa ko. Sinong kokontra? Wala! Dahil totoo!

Muli na naman akong napailing habang sinisimulan nang lantakan yung dala nilang breakfast. Napangiti ako nang matikman yung luto ni Juliet, in fairness, pwede na rin para sa babaeng hindi marunong magluto. Yung kay Nikki naman, well, masarap siya. Period.

Okay. Payn. Mas masarap yung foods ni Nikki. Chef yata iyon, eh.

Napailing ulit ako at natawa ng mahina. Hay. Ganda problems.

"Mahal kong pinsan, para kang praning. Nangiti ng mag-isa." Sabi ni Yanyan na sumulpot na lang out of nowhere at mabilis na nilantakan yung pagkain. "Uy, penge, ah. Yum!" Inirapan ko siya at pinitik sa noo. Napanguso naman siya habang puno yung bibig. "Aray!"

"Nagpaalam ka pa, eh, inuna mo na lamon." Umismid ako. "Sipain kita riyan, eh."

Hindi na niya ako pinansin. Buti na lang at hindi na siya sumagot at baka sa kanya ko pa ipakain yung tray kasama yung matabil niyang dila. Baka pati utak niya ipa-digest ko sa kanya.  Ako naman ay kumain na lang din habang napapaisip kung bakit ba ako napunta sa ganitong situation─sa isang nakaka-stress na situation.

Si Nikki, talaga namang nakipagmatigasan at niligawan pa rin ako kahit tinanggihan ko na siya. Gusto ko na nga siyang paslangin, eh. Si Juliet naman, nagpaalam siyang manliligaw ilang araw nang matapos ang Valentine's.

"Cindy..."

"J-Juliet?" Napakunot yung noo ko nang makita siya sa kwarto ko. Ni hindi ko man lang namalayan na may kasama na ako rito. "Anong—teka," Napailing ako. "Paano ka nakapasok? Gabing-gabi na, ah."

Napairap ako nang magkibit siya ng balikat at ngumiti ng sweet. "I miss that."

"Ha?"

"You, rolling your eyes at me." Lumamlam yung mata niya. Napaiwas naman ako ng tingin at pinakiramdaman ng pasimple yung heartbeat ko. Sobrang bilis.

Mahal na mahal ko pa rin si Juliet. "Ewan ko sa'yo."

Humagikhik siya ng mahina bago lumapit sa akin sa kama. Para naman akong naaning na ewan at hinayaan lang siya na lumapit hanggang sa ilang inches na lang ang layo ng mukha niya. Sobrang seryoso ng expression niya.

Napapikit ako nang humalik siya sa noo ko. "I'm sorry for doubting my feelings for you." Sunod naman niyang hinalikan yung talukap ng mata ko. "I'm sorry for making you cry." Parang automatic naman na naiyak ako sa ginawa niya. Bumaba ang halik niya hanggang sa labi ko. Napahawak ako sa balikat niya ng mahigpit, hinihila siya palapit. Na-miss ko itong babaeng humahalik sa akin ngayon. Sobra. Ilang segundong magkalapat yung lips namin bago siya lumayo ng slight. Napasinghot ako. Malamang, umiiyak, eh. Duh.

Napakislot ako nang maramdaman ko yung pagdikit ng palad niya sa may kaliwang dibdib ko. "Juliet." Warning ko.

Wala akong suot na bra!

Binaba niya ang ulo para halikan yung part na hinaplos niya. Imbes na sawayin siya, batukan, sapakin, saksakin, tadtarin, at kung anu-ano pang karumal-dumal na gawain, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikipagtitigan sa kanya.

"I'm sorry for breaking your heart." Nag-crack yung boses niya. Tumikhim siya. Kitang-kita ko kung paano niya pinipigilang umiyak. "I'm sorry for being so weak."

Parang hinaplos yung puso ko sa narinig. Hindi ko ma-explain, eh. Alam kong sincere siya. Ramdam ko. Pati yung pagsisisi niya, yung sakit niya. Gano'n ba talaga kapag in love ka sa isang tao? Parang lahat ng nararamdaman ninyo is connected sa isa't isa? Kasi iyon ang naf-feel ko.

Ang korni pero, wala, eh. Tinamaan ako sa chinitang diyosa na ito.

Hinawakan ko yung kamay niya na nasa dibdib ko. Pinatawad ko na naman siya bago pa siya mag-sorry. Pero hindi naman kasi gano'n kadali lang na bumalik ulit sa dati.

"I don't want to say that I  am not deserving for you." Saad niya. Ramdam ko yung hininga niya. "I want you back, Cindy. I love you. And I'll prove that you'll never regret being with me again, if you'll just give me another chance—ouch!" Napangiwi siya nang batukan ko siya ng malakas. "It hurts!"

"Dinudugo na ako sa'yo, eh!" Reklamo ko. "At saka pwede ba, may second chance ka na!"

"R-really?"

"Duh," Umirap ako. Ang drama kasi, bigla akong naumay. Ew! "Hindi ba sabi ko maghihintay naman ako?"

"But I don't want to take you for granted again." Seryosong sagot niya. Sasabat na sana ako pero inunahan niya ako na siyang ikina-speechless ko. "Pwede ba kitang ligawan?"

Parang ewan na biglang nag-init yung mukha ko. Jusme, ano 'to? Bakit ako kinikilig, eh, nagtanong lang naman siya? Mahabaging langit!

"Cindy?"

"B-bahala ka!"

"Mahal kong pinsan, okay ka lang?" Para naman akong natauhan nang tanungin ako ni Yanyan.

"Bakit?" Napansin kong paubos na yung pagkain kaya tiningnan ko siya ng masama. "Masiba ka. Tumaba ka sanang letse ka."

Ni hindi man lang ako nakarami.

Nag-peace sign lang siya at nilunok yung nasa bibig niya. "Namumula ka kasi, eh. Anong iniisip mo?" Napaigtad ako nang bigla niyang sundutin yung tagiliran ko.

"Marian!"

"Uy, rated SPG 'yan, 'no?"

Pinanlisikan ko siya ng mata at hinampas sa mukha niya yung unan na nahawakan ko. "Bwisit ka! Tulad mo pa ako sa'yo!"

Iinit na naman yata yung ulo ko dahil sa epal na babaeng 'to na wala sa hulog mang-asar.

"Masakit, ah!" React niya habang hinihimas yung pagmumukha niya. "Inosente ako, huwag ka!"

"Lokohin mo nenang mo!" Sagot ko pabalik, hinagis ko yung unan sa kanya kaso nakailag siya. "If I know, puro kahalayan yung ginagawa ninyo ni Ate Steff."

"H-hindi, ah!"

"Guilty! Nautal ka." Tinaasan ko siya ng kilay nang mamula siya na parang kamatis. "Harot mo."

Nag-pout lang siya. Gustung-gusto ko na siyang tawanan bago siya ilaglag sa bintana pero hindi ko ginawa. Next time na lang.

"Cindy!"

"Cinderella!"

Sabay kaming napatingin ng pinsan ko kay Juliet at Nikki na nasa may pinto na. "Did you like the food?" Sabay nilang tanong.

Walang ganang tinuro ko si Yanyan. "Itong haliparot na 'to ang tanungin ninyo, siya halos kumain ng lahat."

Ngiting-ngiti naman ang babaeng matakaw at nag-thumbs up. "Masarap! The best! Yum yum!"

Napangiti si Juliet. Muntik na akong mapangiti pero pinigilan ko lang. "Good to know, then."

Napansin ko namang medyo napasimangot si Nikki pero kaagad ding nag-smile though wala siyang sinabi.

Isang trait ni Nikki 'yon na gusto ko. May attitude siya kung minsan pero hindi siya nahihiyang ipakita 'yon. Buti na lang slow si Yan kaya hindi niya napansin.

"Uwi na ako." Paalam ni Nikki, "May lakad pa kami ni Mom, eh."

"Me, too." Sabi naman ni Juliet, "I promised Trisha na sasamahan ko siya for shopping."

"Bakit hindi do'n sa girlfriend niya?" Tanong ko.

"Oh, she's out of town with her parents."

"Ah, sige." Tumango ako. "Yanyan, pakihatid muna so Juliet. Nikki," Lumingon sa akin yung taong tinawag ko at ngumiti ng malaki. "Usap tayo."

"Sure!"

Napansin ko yung paglungkot ng expression ni Juliet, halata ring nagseselos siya. Pero tingin ko ayaw niyang ipahalata yung nararamdaman niya kasi ngumiti agad siya.

"I'm going." Paalam niya.

Napalunok ako. "Ingat ka, Juliet."

Gaya ng inutos ko, sinamahan siya ni Yanyan palabas. Sinara naman ni Nikki yung pinto. "So, bakit gusto mo akong makausap? Sinasagot mo na ako?"

"Asa ka." Mataray na sagot ko bago gawing seryoso yung mukha ko. Kairita, eh, taas confident. "Nikki, ayokong ma-offend ka o ano, pero kasi," Nagbuntong-hininga ako. "Hindi kita gusto."

"Alam ko." Napansin ko yung mabilis na pagkurap niya, halatang nasaktan, pero ngumiti siya. "Kaya nga ako nanliligaw hanggang sa magustuhan mo 'ko."

"Nikki."

"Cinderella." Tawag niya rin, "I know how stubborn you are, I can sense it," Ngumisi siya. "Pero mas matigas kasi yung ulo ko."

Napakamot ako sa may noo ko. "Bahala ka nga riyan."

"Sabi na, eh, may pag-asa ako."

"Ewan ko sa'yo!" Upakan kita, eh.

Ngiting tagumpay naman yung babae bago ako iwan dito sa kwarto ko. Hay nako. Ano bang magagawa ko? May Juliet na nga, may Nikki pa!

Wala na naman sigurong dadagdag, 'no?

_____

Continue Reading

You'll Also Like

100K 8.4K 41
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
801K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...