Moving Into the Monster's Hou...

By areyaysii

748K 13.1K 968

Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst... More

Free again!
Published Book
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Special Chapter: The Office Chronicles - Busted

Chapter 9

22.5K 485 9
By areyaysii

"G, I'll go ahead. Hindi ako pwedeng ma-late sa orientation ko. Will you be okay on your own?" tanong ni Dwight sa akin no'ng naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"Yup. Magpapanggap lang naman akong hindi ko siya naririnig o nakikita, 'di ba? Besides, kailangan ko na rin namang mag-prepare para sa trabaho ko. I'll be spending the whole day in the office so hindi ko na sila magiging problema," sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Tumango na lang si Dwight sa sinabi ko tapos umalis na siya. Habang papalayo nang papalayo 'yong sasakyan niya sa bahay ng nanay niyang bruha, mas lalo kong nararamdaman na magiging impyerno ang buhay ko sa susunod na mga oras.

Since kabado rin lang ako sa pwedeng gawin no'ng bruha, dumeretso na lang ako sa kwarto namin ni Dwight. Sinubukan kong ayusin 'yong gamit naming dalawa para ma-distract ako kahit papaano pero hindi rin umubra. I was getting helpless as the minutes pass by.

Nang nauhaw ako, saka lang ako naglakas loob na lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng juice at naglakad na rin ako papunta sa pool para pakalmahin 'yong sarili ko. At that time, everything was so peaceful. I actually thought that it could stay that way forever but it seemed like what other people say is true–nothing lasts forever. Narinig ko kasi 'yong boses no'ng dalawang bruha at mukhang papalapit na sila nang papalapit sa kinatatayuan ko.

"Tita, believe me. Their relationship is going nowhere."

"I could see that as well but Dwight's too blind to see that. I tried convincing him but he shuts me out every time I bring this up."

"Ayan 'yong hindi ko ma-gets, Tita. I don't know why Dwight likes her so much. She doesn't have class and oh my god, have you heard her speak? I swear I thought I heard some tramp talking. If I know, gold digger lang talaga 'yang babaeng 'yan."

"You think so?"

"I know so. Sa dami ng binibili ni Dwight for her, I'm not surprised na nauuto niya si Dwight for those," sagot ni Denise and they both laughed. Ito na nga ba 'yong isa sa dahilan kung bakit ayaw ko talaga tumira rito, e. Puro stress lang ang nakukuha ko.

Gustuhin ko man na iwasan silang dalawa at bumalik na agad sa kwarto para makapag-ayos na for work, nakita na nila ako rito sa pool.

"Oh, look who's here."

"I'm so sorry, Denise. I forgot to tell the new maids that they aren't allowed to stay here unless they're going to clean the pool," sagot no'ng bruha and I swear, kung hindi lang ako nagpipigil, sinugod ko na siya at nilublob sa pool na sinasabi niya. Pero hindi. Katulad ng pinangako ko kay Dwight, magpapanggap akong hindi ko siya naririnig o nakikita kaya hindi na lang ako nag-react at dumeretso na lang ako sa kwarto namin, kinuha ko 'yong gamit ko at umalis na ako para pumunta sa opisina.

Days passed by and the scenario is still the same–nagta-tandem pa rin sina Denise at 'yong nanay ni Dwight para pag-trip-an ako. Dinadaig pa nga nila sina Gohan at Goku kung makapag-fusion. Every day, mas nagiging below the belt na 'yong mga ibinabato nila sa akin pero hindi pa rin ako lumalaban. Nangako ako kay Dwight na magpapanggap akong hindi sila nag-e-exist and I'm going to keep that promise. Pero isang beses, sobrang below the belt na talaga ng hirit nila na nakalimutan ko na ang pangako kay Dwight.

Kauuwi ko lang galing trabaho nang marinig ko na namang nag-uusap 'yong dalawang bruha. Hindi naman na bago sa akin 'yon dahil mukha namang pampalipas oras nila ang panlalait sa akin.

"Georgina? Who even gives that name? It sounds so cheap!" sabi ni Denise tapos nag-agree naman agad 'yong nanay ni Dwight na bruha.

Napailing ako dahil sa narinig ko. Palalampasin ko na lang sana 'yong sinabi niya pero 'yong sumunod niyang sinabi ang nagtulak sa akin sa sukdulan.

"And what kind of person would live in her ex's house? Only desperate people would do that! It seems like her parents trained her to be a gold digging and desperate woman."

Dahil sa stress na nararamdaman ko sa tambak ng trabahong mayroon ako, sumabog na ako sa harapan nila. With my blood boiling and my nose flaring, I walked straight to where they are and said my piece.

"Excuse me, Denise, but you don't know anything about me or my family so you don't have any right to say anything against me. You only know my name and not my story," singhal ko sa kanya tapos nag-walk out na ako. 'Yong dalawang bruha? Ayon. Natanga na lang dahil sa sinabi ko.

Monsters: 0. Georgina: 1.

***

Pagkatapos no'ng naging sagutan namin no'ng dalawang bruha, medyo nabawasan 'yong tensiyon sa bahay. Hindi ko alam kung ginagawa ba nila 'to para biglain nila ako sa counter attack nila o na-realize na nilang kaya ko palang lumaban. Nevertheless, hinahabaan ko na lang din nang todo 'yong pasensya ko.

"Georgina, pakidala naman 'yong pagkain mula sa kitchen dito!" sigaw no'ng bruha. Nasa may pool siya at since nakabukas 'yong pinto papunta sa terrace sa kwarto ni Dwight, naririnig ko siya. Okay lang sana kung nasa kitchen ako no'ng sumigaw siya kaso hindi, e. Nasa kwarto ako. Seryoso. Ano ba ako rito? Daughter-in-law o katulong?

Dahil wala ako sa mood na makisalamuha sa isang bruha ngayon, hindi ko siya pinansin. Nag-stay lang ako sa kwarto tapos ipinagpatuloy ko 'yong panonood ng favorite TV series ko. Nilakasan ko pa 'yong volume para hindi ko siya marinig.

"Ma'am, ako na lang po ang kukuha," pag-o-offer ni Ate Irma.

Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya for that pero hindi naman sa minamaliit ko 'yong trabaho nila pero sila naman talaga dapat 'yong gumawa ng mga ganoon, 'di ba? Bakit ba ipinagpipilitan pa no'ng bruha na ako ang magdala no'ng lecheng pagkain na 'yon?

"No, my dear. Si Georgina ang gusto kong magdala ng pagkain," sagot niya kay Ate Irma tapos sumigaw na naman siya. "Georgina! Sinabi nang dalhin mo 'yong pagkain dito, e! Bingi ka ba, ha?"

Hindi ko alam kung bakit ko kailangang sundin 'yong utos niya pero fine. Para matahimik lang siya, gagawin ko na 'yong gusto niya. Manalangin na lang siya na hindi ko siya lalasunin.

Para mas mabwisit 'yong bruha, binagalan ko nang todo 'yong kilos ko. Akala ko naman kung anong pagkain 'yong ipadadala niya sa may pool area. Dalawang slice lang naman pala ng chocolate cake saka dalawang baso ng orange juice. Nakalagay na sa tray 'yong pagkain tapos dadalhin na lang talaga sa kanya. Pero teka. Kasama na naman ba niya si Denise? Dahil naisip kong magkasama na naman sila, nakipagdaldalan muna ako kina Ate Irma bago ako pumunta sa kanya. It took me and my baby steps around 30 minutes to reach her.

Nung nakita ako no'ng bruha, ngumiti siya bigla. Ine-expect kong may gagawin na naman siyang kalokohan pero nagulat ako nang nakita ko siyang mag-isa. Pinakalma ko 'yong sarili ko habang ibinababa ko 'yong tray sa lamesa. For all I know, baka may kung ano na namang plano 'tong bruha na 'to.

"Take a seat," she said, or more like ordered, to me. "First of all, I'm sorry if I needed to shout my lungs out just to make you come here. I could have asked one of the maids to do so but I thought this method might be more effective. Second, I wanted to talk to you."

"Tungkol po saan?" kalmado kong tanong kahit na ang totoo, kabadong-kabado na ako.

"Regarding you and Dwight." Oh, no. Not again. Sawang-sawa na ako rito!

Patayo na sana ako para iwan siya pero nagsalita siya ulit.

"What I said regarding your pregnancy is true. I know that Dwight was lying when he said that you are pregnant. Your reaction during your graduation was a giveaway," sabi niya at pakiramdam ko, tumigil na ang pagtibok ng puso ko.

"P-Pero, bakit n'yo pa rin kami pinag-stay dito?"

"The answer is simple—I wanted to make sure that you'll regret the moment that you lied to me," sabi niya and I swear, at that moment, parang tumalbog palabas ng skull ko 'yong dalawang eyeballs ko. Jusmiyo. Hindi ko akalaing may mga taong nabubuhay talaga para pahirapan lang ang ibang tao.

"Since nandito ka na rin lang, I have a proposition. I want to have you tested. Gusto kong masiguro na capable kang mabuntis but don't get your hopes up, Georgina. Hindi ibig sabihin nito ay tinatanggap na kita sa pamilya namin."

"Then what do I get in return? I wouldn't undergo a stupid test and even risk my life under your hands for nothing," tanong ko sa kanya tapos tumawa siya bigla dahil sa sinabi ko. Para bang ine-expect na niya 'yong reaksyon ko.

"Ganito ka ba talaga? Palaging naghahanap ng kapalit sa mga ginagawa ng ibang tao para sa 'yo?" tanong niya, as if mocking me.

"Let me ask you the same thing. Ganito ka rin po ba talaga? Nagpapa-test ng kung sino-sino for no particular reason at all?" She still had that resting bitch face so I was kind of expecting na magagalit na naman siya o kaya below the belt na naman 'yong pambawi niya pero iba ang naging sagot niya sa inaasahan ko.

"Alright, then. I'm offering you a position in the company as well but you will be in a completely different department than Dwight. You will be working under me."

"Excuse me?"

"Do I really have to repeat myself?" tanong niya at halatang naiirita na siya.

"I think so? Hindi po ako sigurado kung tama 'yong pagkakarinig ko sa sinabi n'yo."

"You heard me right, Georgina, and I won't be repeating myself. So, what can you say?"

"How do you expect me to agree to your proposition if I'm not even sure if I heard it correctly? Pasensya na po pero hangga't hindi n'yo inuulit 'yong sinabi n'yo, hindi kayo makakukuha ng sagot sa akin," sagot ko sa kanya at nagbago na nang tuluyan 'yong mood niya.

Nagsisimula nang magsalubong 'yong kilay niya tapos nararamdaman ko na 'yong pagkainis niya sa mga pinagsasasabi ko. Sorry na pero gusto ko pa talaga siyang pag-trip-an ngayon.

"Are you really trying to annoy me?"

"Hindi ko naman po kailangang bumaba sa level n'yo para lang mabwisit kayo. Hindi ko po kailangang mang-insulto o mag-utos ng mga walang kwentang bagay para lang mambwisit ng iba. Pero to answer your question, no. Hindi ko po kayo binubwisit. Gusto ko lang po talagang maliwanagan sa mga bagay-bagay," kalmado kong sagot sa kanya.

"Ugh, fine! You win! I'm offering you a job in the company and you'll be working directly under me. When we are in the office, it will strictly be professional. I will be treating you as my subordinate and you will be treating me as your boss. You will no longer be the wife of my son so don't expect me to give any sort of special treatment," sabi niya tapos tumigil siya saglit sa pagsasalita. Sasagot na sana ako sa kanya pero nagsalita ulit siya. "Let's give this a try and you could also think of this as a truce. If things would work out, then you will continue having a job. If not, well, you already know the consequences. So, is it a deal?"

Or no deal? Gusto ko sanang ituloy pero tumahimik na lang ako. Para naman kasi siyang game show host kung makapagtanong kung may deal na kami.

"Hanggang kailan po 'tong deal?"

"Subukan natin for a month. Usually, three to six months ang probationary period ng new employees sa company but I'm willing to bend the rules for you. Would that be alright with you?" tanong niya sa akin at doon na ako napaisip. Feeling ko, masyadong mahaba ang isang buwan pero hindi lang naman kasi para sa akin 'to. Para sa amin 'to ni Dwight so I guess kailangan ko talagang tiisin ang lahat.

Papayag na sana ako sa proposition niya nang may maalala ako bigla.

"Teka lang po. Ano pong gagawin ko sa trabaho ko ngayon?" Kasisimula ko pa lang sa trabaho ko. Hindi ba parang ang unprofessional naman kung aalis ako bigla dahil lang sa sinabi ng monster-in-law ko?

"Resign. If you need to pay for the breach of contract of some sort, tell me the amount and I'll pay for it."

Kinailangan kong pigilan ang sarili ko para hindi ko maiikot ang mga mata ko. Para sa mayayamang katulad niya, wala naman talaga kasi silang pakialam. Kaso paano naman 'yong track record ko? Alangan namang ilagay ko sa resume ko na umalis ako sa kompanya after a few weeks? Mas mahaba pa nga 'yong OJT ko rito ,e!

"Pero—" Makikipag-bargain pa sana ako pero hindi na niya pinatapos 'yong sinasabi ko.

"Wala akong pakialam diyan. Call our company lawyer for all I care. I need you to work for me for a month. So, deal?"

"Fine, deal," sagot ko sa kanya tapos nag-shake hands na kaming dalawa.

"Alright, then. Go ahead and eat. By the way, bukas 'yong test mo. Sasamahan na kita kaya huwag na huwag mong isipin na tumakas." What the—Paano naman ako makatitiis nito kung ngayon pa lang, sinasakal na niya ako?

"Hindi po ba pwedeng ilipat sa ibang araw 'yong test? Aayusin ko pa po 'yong resignation ko."

"No, Georgina. We're doing this deal as fast as we could. Just go and draft your resignation letter and send it to our company lawyer. He'll deal with everything promptly and quietly." Dahil wala na talaga akong choice at wala nang point ang pakikipagtalo sa kanya, tumango na lang ako sa kanya bilang sagot sabay dasal para sa isang milagro.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 551 32
When they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
6.6K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...