One Night's Mistake (Publishe...

By bluekisses

27.7M 370K 12.6K

The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own p... More

One Night Mistake
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
AUTHOR'S NOTE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
Bonus
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR (part 1)
FORTY FOUR (part 2)
FORTY FIVE
EPILOGUE
Author's Closing Note:
SPECIAL CHAPTER
12.25.14
Special Update 2.0
Published Under Pop Fiction

EIGHTEEN

576K 7.4K 206
By bluekisses

CHAPTER EIGHTEEN

LARA

"You're awake, wait na lang baby, matatapos na itong hinanda ko para sa 'yo." Nakangiting bungad sa akin ni Enrique pagpasok ko sa kitchen.

Pero hindi ako kumibo. Kahit three days na ang lumipas ay hindi pa rin kami nagkakaayos. At nag-effort talaga akong iwasan siya, sa umaga ay hindi na ako lumabas ng maaga para hindi ko siya maabutan. Lalabas lang ako ng kwarto kapag alam kong naka-alis na siya.

Sa gabi naman, kapag alam kong parating na siya ay magkukulong lang ako. Araw-araw siyang kumakatok. Sa umaga pagkagising at bago siya umalis, tapos sa gabi pag-uwi niya at bago siya matulog. Pero hindi ko siya pinagbubuksan.

I know this was childish, pero talagang naiinis ako. Sa tuwing maaalala kong nagsinungaling siya sa akin. Then that voicemail. Naiinis akong isipin na babae ang kasama niya nung mga panahong alalang-alala ako sa kanya. At mukhang hindi lang basta-basta ang baabeng kasama niya sa kanya. Mukhang malapit na malapit iyon sa kanya. Because she addresses him with his second name.

"Baby, nagtatampo ka pa rin ba?" kailangan pa ba iyong itanong.

Pero hindi ako kumibo, umakto akong babalik na paakyat.

"H'wag ka nang magtampo please. I'm sorry." Paglalambing niya na lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko.

"Bakit ka nandito? May pasok ka 'di ba?" pag-iiba ko sa usapan. Sabado pa lang ngayon, ibig sabihin dapat ay pumasok siya kahit halfday.

"May kasalanan kasi ako sa asawa ko e." bulong niya sa tenga ko, kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok, hindi ko pa pala siya nasaway sa pagyakap niya sa akin.

"Ayoko kasing nagtatampo sa akin ang asawa ko." Patuloy niya na humalik pa punong tainga ko. "Ayoko rin siyang nakasimangot, kasi malulungkot ang baby. And lastly, I missed her so much." He said na gumagapang na ang kamay mula sa tiyan ko paangat.

Kamuntik na akong madala sa mga pinaggagagawa niya. Mabuti na lang at natauhan ako at bumalik ang inis ko. Kaya mabilis na kumalas ako sa kanya. "Tigilan mo nga ako Enrique!"

"Baby, sorry na kasi. I didn't mean to—"

"Who's with you?" patanong na pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya.

Natigilan siya at natagalan bago nakasagot. Kaya nag-alsa ang dugo ko. Magwa-walk-out na sana ako nang bigla siyang sumagot na nagpatigil sa plano kong pag-alis.

"It's just a colleague na nagpasundo sa airport." Tumigil siya at binantayan ang reaksyon ko. Tapso nagkasarapan ng kwento tungkol sa whereabouts ng mga buhay namin ngayon." Patuloy niya pa. "Kaya baby, please wag kang magtatampo."

"Babae ba ang kasama mo?" hindi ko napigilan ang sarili ko nung lumabas iyon sa bibig ko. At nakita ko kung paano kumurba ang labi niya sa isang ngiti. Subukan niya lang akong pagsinungalungan at hindi talaga ako maakikipag-ayos.

"She is, but don't be jealous?" nagpanting ata ang tenga ko sa sinabi niya. "She was just an old friend."

"I am not jealous okay?" defensive na sagot ko.

"Okay if that's what you said." natatawa niyang sabi na pinipigilan ang tumawa. "H'wag ka na magalit baby please? Nawawala kasi ako sa konsentrasyon sa tuwing naiisip ko na nagtatampo ka at isa pa ay makakasama 'yan sa baby natin." Litanya niya na lumapit pa sa akin and frame my face using his hands. "Please? Di na mauulit." Nagpapa-cute pa niyang pakiusap.

Pero nagmatigas pa rin ako at ibayong pagpipigil ang ginawa ko, para hindi ko mapisil ang ilong niya. Nang hindi pa rin ako kumibo ay ngumuso siya.

"Hindi mo pa rin ba ako papansinin?" malungkot na tanong niya. "Inaamin ko namang mali ko 'yon, and as I said hindi na mauulit. Promise." Namumungay ang mga mata at nakataas pa ang kanang kamay na pangako niya.

Nakakahipnotismo pa naman 'yong mala-abo niyang mga mata. "Pleae baby?" pakiusap pa niya. At dahil hindi ko na din matiis ang tampuhan namin napagdesisyunan ko na patawarin na siya.

"Okay." Mahinang sabi ko, ewan kung narinig niya.

"Really?"

Tumango-tango lang ako, naisip ko din kasing ang hirap naman na nagsisimula pa lang kami tapos simpleng misunderstanding lang e hindi na kami magkasundo.

"Yes! Thank you!" nakangiting sagot sigaw nito na humalik pa sa pisngi ko. "Let's eat baby." Bulong niya nagpakilabot sa akin, I missed that voice of him.

-----

"Baby? Matagal ka pa ba diyan?" di na mapakaling katok sa akin ni Enrique sa banyo. Dito na ako nag-ayos dahil kung sa kwarto ay paniguradong hindi agad ako matatapos dahil sa kaharutan ng asawa ko. "Baka m-late tayo."

Niyakag niya pala ako sa birthday ng inaanak niya. Anak daw iyon ng barkada niya nung college.

Aba syempre nag-ayos ako. Nakakahiya naman, ngayon pa lang kasi ako ipapakilala sa mga kaibigan niya. I should atleast be presentable.

"Baby? Lars? Are you still there?" pangungulit pa niya nung wala pa rin siyang matanggap na kahit na anong sagot galing sa akin.

"Yeah, wait. I'm coming." I answered as I picked up my pouch bag na nakapatong sa sink.

Natulala siya nang makita niya akong lumabas ng banyo, kaya na-concious ako.

"Why? May mali ba sa suot ko?" naguguluhang tanong ko. Gandang-ganda kasi ako sa suot ko pero mukhang ayaw niya. Nang hindi sya sumagot ay parang nanghina ako. "Hindi ba maganda?" malungkot na tanong ko.

"Huh?" wala sa sariling tanong niya.

"Hindi mo ba nagustuhan ang suot ko?"

"No—no actually I like it. You look sexy with that dress." Nakangiting sagot niya.

I wore a sleeveless baby pink flared dress, na hanggang tuhod, medyo pabuka 'yon sa baba para hindi mahapit ang medyo halata ko nang tiyan. Lace ang parteng dibdib at ang likod pero hindi naman siya mahalay tignan. I partnered it with a pair of crème doll shoes. Ayoko kasi mag-high heels at baka mapagod lang ako at isa pa nakakatamad mag-heels.

"Halika na." yakag ko sa kanya.

He was wearing a pair of khaki pants and tucked a light blue poloshirt na fit sa kanya. Kaya bakat na bakat ang mga muscles niya sa dibdib at braso. Ewan ko nga kung paano niya name-maintain ang katawan niyang 'yan. Hindi ko naman siya nakikitang nagwo-work out.

Dumaan muna kami saglit sa isang mall para humanap ng regalo para sa inaanak niya. Babae daw iyon two years old. Kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung ano kaya ang magiging anak namin. I want a girl para may Barbie ako. Pero parang gusto ko na rin ng lalaki, parang mas maganda kasi kung lalaki ang panganay. Ano ba 'yan kung anu-ano na ang naiisip ko? May panganay pa akong nalalaman.

Dumiretso kami sa kilalang brand ng mga damit pambata. Pina-describe ko sa kanya kung gaano na kalaki ang bata. Ang sabi niya ay matagal na nung huli niyang nakita ang bata. Pero ang pangangatawan daw ay katamtaman lang. Hindi kalakihan at hindi din kapayatan.

We ended up getting a cute raffled dress. Naalala ko tuloy nung nagmodel ako noon with a cute baby girl para sa isang line ng damit na may pang baby, kasama ko pa n'un si Harry.

Palabas na kami ng shop nung may tumawag sa akin. "Cassie?" napatigil ako nung narinig ko iyon. Pamilyar ang boses, kaya hinanap ko ang pinanggalingan n'un.

"Harry?" di makapaniwalang pagkumpirma ko. Parang kanina lang ay naalala ko siya. Tapos ngayon ay nandito na siya.

"Cassie? Babe is that really you?" 'di makapaniwalang tanong niya na lumapit sa akin. I mean sa amin, may kasama nga pala ako and he was now holding my arm tightly.

"Where have you been? Bigla ka na lang nagresign." Concerned na tanong niya. "Nag-alala ako sa 'yo. Hindi naman sinabi ni Manager Joe kung bakit ka nag-resign." Tuloy-tuloy niya pang sabi na walang pakialam sa kasama ko.

"It's a long sto—" I was cut-off by him.

"I am willing to lis—" this time siya naman ang napatigil dahil sa pagtikhim ng kasama ko, na dahilan para mabaling ang atensyon ni Harry kay Enrique. Biglang nagkaroon ng tensyon sa, paligid. Nagkasukatan ng tingin ang dalawa, parang walang gustong maunang magbawi, kaya tumikhim ako na dahilan para pareho silang tumingin sa akin.

"Ahm, Enrique, this is Harry a frie—" hindi ko na naman iyon natapos dahil sumabad na naman si Harry. I don't know what was wrong with him.

"Her ex." Taas noong pakilala niya na nagpalaki ng mga mata ko at nagpatiim sa bagang ng katabi ko, na ngayon ay ipinulupot na ang braso sa may bewang ko.

"And Harry, this is Enrique, my husband." Pakilala ko naman kay Enrique. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat at pag-iba ng aura ng mukha ni Harry.

"Enrique Buenavista pare." Pakilala ni Enrique na inilahad ang kamay niya.

"Harry." Pagpapa-unlak ni Harry. "Harry Rogers." Natagal na nagkamay ang dalawa. Mabagsik din ang palitan nila ng tingin, nagsusukatan na naman sila.

Shit! Anong gagawin ko?

"Excuse me." Pabasag ko sa tensyon na nagpabitaw sa kamayan nila. "Harry it was nice to see you here, but we need to go. May pupuntahan pa kami." Paalam ko na para mabawasan na ang mainit na hangin dito sa mall.

Hindi pa man nakakapagpaalam ng maayos si Harry ay hinila na ako ni Enrique.

"Baby let' go, male-late na tayo sa party." Lumingon na lang ako para tanguan si Harry bago kami tuluyang makalayo.

Nakarating kami sa parking na seryoso ang mukha ni Enrique. Halata mong galit pero pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto at walang kibong umikot sa driver's seat. Patuloy lang kami sa byahe, pero hindi pa rin siya kumikibo.

"Enrique?" untag ko sa kanya pero hindi sumagot. "Baby." Naiilang na tawag ko, mabuti't lumingon siya. "Bakit ba ang tahimik mo?" tanong ko pa rin nung hindi siya nagsalita.

"Can I ask you a favor?" seryoso pa rin nitong tanong na nakatingin sa akin, naka-stop kasi kami.

"It depends." Naguguluhang sagot ko.

"Just promise please?" pamimilit niya, kaya napatango na lang ako.

"Okay. What is it?" tanong ko bago mag-go signal.

"I don't want you to talk to that Harry guy." Seryoso niyang utos, hindi pabor.

"But—" aangal pa sana ako, pero agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"I don't want to see that guy near you, I don't like the way he looks at you. Feeling ko ay hinuhubaran ka niya. Basta, I don't like his presence, another thing is that... I don't want anyone except me to call you endearments." Tuloy-tuloy na litanya niya kaya natawa ako.

"What was funny? I am serious here. And I wont accept a no." he said na patuloy lang sa pagmamaneho.

"Okay!" I answered na itinirik pa ang mga mata ko.

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa party, dahil seryoso kami sa usapan namin. Bumaba siya and opened the door for me.

Awtomatikong pumulupot na naman ang braso niya sa bewang ko.

Nasa isang subdivision ang malaking bahay na pinagdarausan ng party. Pagkapasok namin ay agad na kumaway sa amin ang babae at lalaki sa harap, katabi nito ang isang batang babeng, sa palagay ko ang celebrant.

"Come on, there they are." Kasabay nang paglpit namin ay ang paglapit ng mag-asawa. The lady wearing red was pretty and stunning. Litaw na litaw ang kaputian nito because of the color of her dress. She had this shoulder length hair na nag-frame sa bilugan niyang mukha. Sa tabi nito ay, well gwapong lalaki who wore an old rose colored three-fourts polo.

"Buti at nakarating kayo." Bati ng babe na bumeso sa akin at kay Enrique. Ang lalaki naman ay nakipagfist bump kay Enrique at ngumiti sa akin.

"So siya na ba ang malas na pumatol sa iyo?' natatawang tanong nito na nagpangiti sa akin.

"Sira." Sagot lang ni Enrique na sinuntok ng mahina ang lalaki sa sikmura.

"By the way Lars, this is Pete and her wife Sam." Pakilala ni Enrique sa mag-asawa. "Guys this is Lara, my lucky wife." Mayabang na pakilala niya sa akin.

"It was nice to meet you both." I said extending my hands, na tinanggap naman nila.

"Nasaan na nga pala 'yong dalawa?" tanong ni Enrique na tumingin sa paligid.

"Wala pa nga e." si Sam, hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila.

"Nandyan na pala sila e." si Pete na naktingin sa gate. Bumaling naman kaming tatlo sa gate. I saw a couple na may kasamang batang lalaki na sa palagay ko ay three years old. The lady was wearing a light blue maternal dress, malaki na ang baby bump niya. She was also beautiful her morena complexion suits her. On her side, maybe her husband na buhat-buhat ang batang lalaki. Medyo kulot ang buhok na gulo-gulo at gwapo din. He was just wearing a simple black polo shirt and maong pants.

So gwapo pala talaga ang barkada ni Enrique.

Nang makalapit ang dalawa ay mabilis na nakipagbeso kay Sam ang babae. Nakipag-fist bump naman 'yong lalaki kay Enrique at Pete.

"Samantha, I'm sorry na-late kami, medyo sumama kasi 'yong pakiramdam ko kanina. Alam mo naman buntis." Nakangiti nitong paumanhin.

"It's okay." Matipid na sagot ni Sam.

Magsasalita na sana muli ang babae nung mapatingin siya sa akin, tapos sa kamay ni Enrique na nakahawak sa bewang ko.

"Hoy Enrique! Sino 'yang kasama mo?" baling nito sa asawa ko. Muntik pa nga akong mapahagalpak ng tawa sa banat ng babae. Parang masyado itong maligalig at kalog.

"My wife." Nakakalokong sagot nito sa babae.

"Seryoso ka Ric?" hindi makapaniwalang tanong niya pa. Tumango-tango naman si Enrique.

"'Di nga? Kailan ka pa nakabulag?" saryosong tanong nung babae, na nanlalaki pa ang mga mata.

"Bakit? Wala ba talaga sa itsura ko ang makakapag-asawa? Sa gwapo kong 'to?" mayabang nasagot na naman ng asawa ko.

"Dad? Seryoso ba 'tong kumpare mo?" tanong ng babae sa asawa nito.

"Ewan ko diyan 'My. Sabi niya may asawa na daw siya e." dun ako tuluyang natawa, nagtawanan na din ang lahat. Wala ba talaga sa personality ni Enrirque ang magseryoso?

"Hi, I'm Katie and this is my husband Rocky at 'yong anak namin si Renzo." Bati sa akin ng madaldal na Katie daw ang pangalan.

"Hi, nice meeting you, I'm Lara." Pakilala ko naman sa kanya.

-----

"Pasensya ka na sa pangungulit ko kanina ha. Hindi lang talaga ako naniwala nung sinabi sa akin ni Rocky na may asawa na si Enrique. Paano kasi puro trabaho at chicks lang ang inaatupag niyan." Naaaliw na talaga ako sa buntis na ito, napakagiliw kausap.

Ngumiti lang ako sa kanya at uminom ng juice. Kaming tatlong babae na lang ngayon ang magkasama. 'yong mga lalaki ayon umiinom.

Nagkakwentuhan kami at nagkatawanan. Nalaman kong seven months na pala ang tiyan ni Katie. Binigyan niya pa nga akong ilang advice about pregnancy, nung nalaman niyang buntis din ako.

Nakakatuwa silang dalawa ang bilis ko nga silang nakasundo e. I also found-out na magkakatropa na sila mula pa nung college, kaya ibang klase ang bond nila.

"Mommy." napalingon kami nung dumating si Sophie the birthday girl.

"Why baby?" malambing na tanong ni Sam sa anak.

"I'm looking for you." She replied sweetly as she smiled at her mother.

"Oh, sweetie, you kissed first your new Ninang, that is your Ninong Ric's wife." Tumingin sa akin ang bata na nginitian ko. Lumapit naman ito sa akin. "Hi new Nangnang you're pretty." Natawa ako sa sinabi ng bata.

"Thank you, you're pretty too Sophie." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ladies are you having fun there?" Napalingon kami mula nung lumapit sa amin ang mga lalaki.

"Enrique, nabalitaan mo bang dumating si Saavedra?" tanong ni Rocky, tumingin muna sa akin si Enrique bago sumagot.

"Yeah, nagkita na rin kami." Sagot niya na uminom sa baso niya.

"Really? As in Eunice is back?" parang gulat na tanong naman ni Sam.

"Yes, she is here, dumating siya this week." Seryosong sagot ni Enrique, na parang umiiwas na maptingin sa akin.

I think I already had a hint of that Eunice-whoever-Saavedra she was.

"So bumalik na pala ang runaway college sweethear—" si Katie na natigilan sa sasabihin niya.

So hindi ako nagkakamali. That girl he was with a few nights ago was special to him.

Pakiramdam ko tuloy ay biglang nanikip ang dibdib ko. I don't know, siguro naiinis ako dahil hindi niya sinabi sa akin kung ano ba talaga sa buhay niya ang babaeng 'yon.

--------------

Salamat sa inyong lahat, leave comment and vote if you like the update. Andami nyo ng nagbabasa, kinikilig tuloy ako! Thanks din sa new followers, hindi na ako makapag thank you sa inyo one by one so, i'll give it generally nalang..

If you want dedic just tell me, pm me! thanks again!!

-LEYN-

Continue Reading

You'll Also Like

70.2K 181 2
Dr. Ranz Liam Acozta is the most strict person you'll ever meet when it comes to work. He doesn't want to repeat his words. Once is enough. If you ma...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
121K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...