Til Death Do us Part [Under C...

By ladyrapunzel08

44.9K 676 235

Guys Thanks For Reading this :))) Sobrang Naappreciate ko yunnn! ^_^ More

Til Death Do us Part
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue

Chapter 11

1.1K 25 11
By ladyrapunzel08

Then I closed my eyes.

"Amazing huh?"

"Y-yeah.." mabagal na pagkasabi ni Jed.

"Nagsasalita habang natutulog.." chuckles followed by tsk. tsk. tsk. sound.

"P-pagod lang siguro.."

"Kaya siguro nainlove ka sa kanya noh? coz she's AMAZING." Talagang may emphasis. Kung hindi ko ang tinuloy 'tong tulog-tulogan ko baka nabatukan na to sakin at talagang yang love-love na yan ang topic niya. "I wonder bakit mo siya nakayang.. you know.. pa--"

"Drop the subject drei.." yung boses ni Jed non parang galit na kontrolado niya. 

Bakit ba kasi hindi niya magawang sagutin na lang ng maayos yang mga tanong ni Andrei para wala ng further discussion.. diba? Para naman... para naman malaman ko kung saan pa ba ako lulugar sa kanya. Sa buhay niya..

"Di nga. It's almost 9 years since last kayong magkita, pero yang mga titig mo.. parang.. parang may i--"

"Stop it Drei!" parang inis na inis na talaga siya.

"C'mon. Natutulog siya.. She can't hear you.. Why don't you just answer me? Directly.."

*Silence*

Bakit kaya parang nagdadalawang isip siya? Is that a yes? Yung mga pag-iiwas niya? Tama naman si Andrei..yung mga titig niya parang may something pa. Parang may nararamdaman pa siya.. 

Yeah right. Paasahin mo yang sarili mo Jazmyn, paasahin mong meron pang pag-asa kahit ang totoo wala na.. Paasahin mo hanggang masaktan ka ulit. Paasahin mo ang sarili mo kahit alam mo wala ng pag-asa. You've been there Jaz. Pag-end na end na talaga. Kasi Hindi na niya maitatama lahat ng mali niya. So wala na..

Tama.. 'Wala na'

Hindi na dapat umasa pa.

"Hoy!" humiwalay naman yung kaluluwa ko sa katawan ko. Kung maka-Hoy itong si Andrei parang ang layo ng kausap niya ah. "Ano na?"

Huminga naman siya ng malalim.

"Alam mo yung motto ni Simon dati na kinopya ko? "Kung sinuka mo na, wag mo na uli isubo pa." May sinuka ka na ba na sinubo mo ulit?" Teka. Narinig ko na to dati ah?

"Gross! Nakakadiri kayong dalawa ha?"

"Di nga drei? Seryoso.." hinga malalim. "Kasi ako.. --"

♪ ♫ When you smile, everything's in place

I've waited so long, can make no mistake

All I am reaching out to you

I can't be scared, got to make a move

While we're young, come away with me

Keep me close and don't let go

Inch by inch, we're moving closer

Feels like a fairytale ending

Take my heart, this is the moment

I'm moving closer to you

I'm moving closer to you♪ ♫ 

Volume up. Ignore the world.

I'm so coward that time. Coward kasi hindi ko pinakinggan yung sagot niya.  The other side of my mind sinasabi na tama naman kasi alam ko na yung sagot eh. Ayoko lang na pinapamukha niya sakin na ayaw na niya talaga.

Alam ko naman yung sagot non eh, matagal na. Kasi daw pagsinuka mo na nakakadiri na isusubo mo pa. Sinuka mo na nga diba? Meaning nagsawa ka na. Ayaw mo na. Bakit mo pa isusubo uli?

Naging motto na niya yan simula ng nabigo siya sa una niyang niligawan. Feeling ko nga kahit sakin siya nanliligaw non may feelings pa rin siya kay Chereese eh, Kasi kahit nong time na ang laipt-lapit ko na siyang sagutin,  may special attention pa rin na nakukuha si Chereese sa kanya eh. Lagi naman. Kahit nong naging kami na. Naging malala pa nong nasama siya sa barkada. Wala naman din akong karapatan na magreklamo eh, kasi nakikibarkada lang din ako sa barkada nila. Kaya ako Okay na lang ako ng okay.

Ayoko magselos. Hindi kasi ako nagselos kung magkaibigan lang talaga sila. 

Ayoko magselos nong time na yun kasi parang kapatid na rin ang turing ko kay Chereese non. Mula nong nasali siya sa barkada kinaibigan niya ako, infact she calls me ate kaya nakuha niya talaga ang trust ko non.

Kaso, hindi ko mapigilan eh..

May mga pagkakataon talaga na sinasabi ng instinct ko na meron talagang mali pero diba nga tanga umibig? Mahal ko si Jed non. Ayoko  na magkagalit kami kaya pati pagseselos pinipigilan ko.

Kaya heto.. Sino samin ang kawawa? Diba ako?? Nangyari na nga ang kinakatakutan ko.

Pilit kong sinisiksik sa utak ko na "Move on." "Wala ng pag-asa.." "Tapos na yun!!" "Wala na.." Nagawa na niya akong saktan. Kinain niya lahat ng sinabi niya. Lahat ng pangako niya. Kinain niya lang pati ang sinuka na niya.

Pero.. Baka meron pa kasi eh. Kasi hindi niya magawang sagutin diba nga? 

Ano ba?? Para na akong Lukaret! Wala na nga Jaz.. Wag mo ng bigyan ang sarili mo ng False Hopes. Ikaw na nga nagsabi diba?

"Hurt me with the truth but never comfort me with lies"

Nagiging masokista na yata ako. Nagiging Tanga.

***********

I don't remember how did I fall asleep, pero naalaa ko yung panaginip ko.

I was walking down the shore. 'Twas sunset.

Naka-pink two piece ako, tapos naka white loose blouse na feeling ko hindi akin kasi sobrang laki. Pero feeling ko ang saya ko. Ang saya-saya ko.

Hindi ko alam kung saan yun but I love the place. I love the smell of the salty water. The wind. Ang alon. Lahat ng yun. PERFECT. 

Akala ko ako lang mag-isa.. kaya lang may narinig akong tumatawag sakin sa di kalayuan.. He was wearing a plain blue Summer shorts, light green shirt and sunglasses, Nakapaa lang din siya. Si Jed.

"JAZMYN!!!" kumakaway siya sakin non. Ang saya niya nga eh..

"Ano??"

"Dito ka!! May papakita ako sayo!!"

"Ano naman yan?? Ikaw na lang lumapit." tawa pa ako ng tawa non.

"Turtles.. Dito ka para makita mo.. Marami sila oh.."

Tatakbo na sana ako palapit ng may tumawag na naman sakin sa bandang likod ko. 

"MYN-MYN.." paglingon ko.. May kumakaway naman na naka-Blue na polo na bukas pa ang botones, naka-Khaki shorts siya match sa sombrero niya. May dala-dala siya non na Paper plate na tinuturo niya.

"M-ARKY?? ANONG GINAGAWA MO DITO?" then he smiled.

"Magkasama naman tayo diba? Halika na.. Dinner na."

Ang saya-saya niyang kumakaway non, gustuhin ko man na lapitan silang dalawa at the same time, impossible. Isa lang ako..

Nilingon ko si Jed. Pinapanood niya yung mga baby turtles na papunta sa dagat. Minsan tinitignan niya rin ako, tapos kinakawayan saka pinapalapit. Ngumingiti lang ako sa kanya. Hindi ko pinapahalata na nalilito ako.

Tumingin naman ako kay Marky, nakasimangot siya non na nakatingin kay Jed. Tapos nakita niya ako, ngumiti siya pero pilit, tapos tumingin uli siya kay Jed. Hahakbang na sana ako palapit sa kanya ng mabasa ko yung sinasabi ng mata niya. Na parang pinamimigay na lang niya ako. Na parang gusto niyang sabihin na kung saan ka masaya. 

Pero hindi ko alam saan ako masaya eh. Kung kanino ako masaya. Hindi ko alam kung kanino sa dalawa.

Gusto ko tuloy kantahin na sana dalawa ang puso ko, pero ng tingnan ko ulit si Marky, kahit na malayo kami sa isa't isa nakikita kong may pumapatak sa mga mata niya. 

Nakonsensya naman ako, gusto ko talaga siyang lapitan non pero parang may humihila sakin kay Jed. Naiiyak na rin ako kasi nalilito na tuloy ako.. 

Sino ba pipiiin ko? Yung taong Sinaktan na ako minsan at iniwan ako? O yung taong nagpasaya sakin at binuhay yung ako?

Alam ko Obvious na yung sagot pero iba ang nilalaman ng isip ko sa sinisigaw ng puso.

Gusto kong takbuhin at yakapin ang isa, gusto ko rin habulin at pasalamatan yung isa. 

Pero alam ko, kung uunahin ko yung isa mamimisinterpret naman ng isa ang mangyayari.

Sino ba?

Sino ba a ng uunahin ko?

Tumalikod ako at nagtungo sa dagat. Alam ko hindi ako marunong lumangoy pero ito yung napili ko.. Maging mag-isa.. Kung sino ang maglalakas ng loob na languyin ako siya na..

Nasa leeg ko na ang tubig naririnig ko na tinatawag ako ni Marky. Parang siya lang yata yung nakakita sakin. Nilingon ko si Jed, naiyak ako sa nakita ko.

Nakatalikod siya sakin, hawak-hawak ang baby niya kasama ni Chereese.

I thought this is the right choice I ever made. Mali pala. Napakalaking X. Ang malas ko talaga sa pag-ibig. 

"MYN!!!!LOOK OUT!!" lumalangoy na siya patungo sakin. Mukhang nagpapanic siya. Gusto ko siyang sigawan na 'okay lang ako.. diyan ka na lang at ako na lang ang pupunta diyan' kaso nasa ilalim na siya ng dagat. Bawat langoy niya maytinuturo siya. At nagpapanic siya.Paglingon ko huli na kasi may tumama na sa ulo ko nun.

Hindi na ako nakailag. Nakakatawa nga kasi feeling ko sign yun para matauhan na ako sa lahat-lahat.

Hindi na rin ako nakasigaw ng tulong. Dahan-dahan na lang akong nag-sink sa tubig. Naririnig ko pa si Mark non tinatawag ako.

"I'm Okay.. Marky.."

Nalunod na ako.

"HEY!!!" niyuyugyug ako.

"JAZMYN!! WAKE UP!!!"

Minulat ko yung mata ko. Biglang nagising yung diwa ko ng makita ko yung kamay niya na sasampalin ako.

"GLADY SUBUKAN MO!" banta ko sa kanya.

"Thank God! Buti naman at nagising ka.. Kanina ka pa Marky ng Marky jan eh!"

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ayaw mo maniwala? Ask Andrei.." sabay turo sa nagmamaneho na si Andrei.

"HAHAHAAH." ang tino ng niyang kausap noh?

"Nasan na ba tayo??"

"San France.. 1 hour na lang nasa bahay niyo na tayo."

"Sige. Matutulog muna ako.."

"Mag-iingay ka lang.." bakit may feeing ako na ang sama-sama ng loob ng isang to?

Tinignan ko naman si Glady tinuturo si Jed.

Ahhh. Siya pala yung sumasagot.. Okayy!!!

"Eh sa gusto kong mapanaginipan uli si Marky.."

Nakatodo smile pa ako humarap sa kanya. Akala ko binibiro lang niya ako sa galit-galitan niya. Na-shock ako ng makita ko na nakatiim ang bagang niya na parang handang makipagsuntukan now na.

Okay na lang talaga ang nasagot ko sa kanya ng magkatitigan kami, saka umupo na ako ng maayos.

Then I thought about my dream..

Kung siya ba nilapitan ko hindi niya na babalikan ang pamilya niya? Sasama ba siya sakin? O magiging sawi na naman ako dahil sa kanya?

Well... Let's see.

Continue Reading