Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 10.1: Couple of the Year

752 21 10
By chumeleven

 (A.N: Dedicated to ChaLovesYou dahil cute daw ng cover ko. :D)

Maaga pumasok sina Yumi at Jenny. Nakaupo sila ngayon sa isang bench sa quadrangle.

                “Yumi, kinakabahan ako pero excited na ako maglaro. Sana manalo kami ni Adrian. Wag lang talaga siyang lalampa-lampa. Naku. Lagot talaga siya sa akin.”

                ”Kahit ako, Jen. Kinakabahan ng sobra. Ano kaya mangyayari sa amin ni Jiro. Whaaa!” nagulat ang dalawa ng may nagsalita mula sa likod nila.

                “Hi Yumi, Hi Jen!” bati ni Jiro. Suot na nilang apat ang couple shirt na binigay sa kanila. Required ang mga couple na mag-jogging pants para kapag nadapa man sila ay hindi kaagad sila masusugatan at para sa sapatos, required naman sila magsuot ng running shoes para mas maging komportable sila sa pagtakbo.

                “Hi Jiro. H-hi Adrian.” Bati ni Jen. Umupo ang dalawa sa bench. Katabi ni Jiro si Yumi at si Adrian naman, si Jen.

                “Jen, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” tanong ni Adrian. Si Jiro at Yumi naman ay nakikinig lang at nag-aantay ng sagot ni Jen.

                “O-oo naman. Bakit mo natanong?”

                “Baka kasi bigla kang madapa mamaya dahil sa antok. Hahaha! Tandaan mo, may pustahan tayo. Kaya kapag nadapa ka mamaya, talo ka na.” Pang-aasar ni Adrian.

                “Oo, alam ko! Leche. Panira ka talaga ng araw.” Inis na sagot ni Jen at nag-pout siya. Dahil sa ginawa ni Jen, hindi napigilan ni Adrian na pisilin ang dalawang pisngi ni Jen.

                “Wag ka na magtampo. Eto naman, binibiro ka lang. Ang cute cute mo!” sagot ni Adrian habang pinipisil ang dalawang pisngi ni Jen.

                “Aray naman! Lubayan mo nga yun pisngi ko.” Sabay hampas naman ni Jen sa braso ni Adrian.

                “Ano ba kayo. Tigilan nyo nga yan. Ang dami ng langgam oh.” Pang-aasar ni Jiro kay Adrian at Jen. Bigla naman nahiya ang dalawa kaya tumahimik na sila. Si Jiro naman ay lihim na natutuwa sa nangyayari sa dalawa. Ngayon lang niya nakita si Adrian na ganoon ka-sweet sa isang babae. Oo, marami siyang naging flings noon pero malamig ang trato niya sa mga iyon. Hindi tulad ngayon, hindi tulad ng ginagawa niya kay Jen.

*Krriiinngg*

*test mic* * test mic test* ------> tinetest ng SC president ang mic.

“Good morning, everyone!” bati ng SC president.

“Excited na ba kayo para sa event natin ngayong araw?”

“Whooo! Yes! Oo!” sagot ng mga estudyante na nagtipon-tipon sa quadrangle.

“Mabuti naman! We have a total of 50 couples na maglalaban-laban ngayon. Ready na ba ang mga participants? Pumwesto na kayo dito sa table kung saan nakalagay ang mga task card.”

“Bago natin simulan ang event, may ilang paalala lang ako sa mga couples. Ang bawat couples na mahuli na nangdadaya o hindi sumusunod sa rules ay disqualified na kaagad. Maraming nagbabantay sa inyo. Bukod sa mga SC staffs at professors, may mga volunteer students din.”

“Para naman sa mga nanonood, bawal tulungan or i-coach ang mga couples. Oo nga pala, after ng event pwede po kayo pumunta sa booth at bumoto para sa POLL QUESTION for the day. Ito ay request ng isa sa mga participants. So, after ng event, pumunta kayo ng booth at bumoto.”

“Ready na ba ang lahat?!”

“Ang unang task card ay nasa table sa harap nyo. Hep! Wala muna kukuha ng task card hangga’t hindi ko sinasabi...wait a minute...wala pa akong cue...eto na...ready...set... GO!” ang mga couples naman ay dali-daling kinuha ang unang task card at binasa.

--------------------------------------------

TASK CARD: CHALLENGE NO. 1

EXOTIC FOOD TRIP

 Huwag na kayo gumalaw sa inyong pwesto. Pabubunutin kayo ng mga staffs. Ang mabubunot nyo na exotic food ay ihahain sa inyo at dapat maubos niyo ito bago ibigay sa inyo ang susunod na task card. Ang couple na hindi nagawa ang challenge na ito ay AUTOMATIC OUT sa game.

Good luck! :)

--------------------------------------------

Pagkatapos basahin ng mga couples ang task card ay makikita sa mukha nila ang kaba. Halos lahat ng participants ay hindi pa nakakakain ng exotic food maliban kay Jen na mahilig kumain ng kung anu-ano. Agad na pinabunot ang mga couples at ni-ready na ng mga staff ang mga exotic foods na nabunot at sabay-sabay na inihain sa mga couples.

Ang nabunot nila Adrian at Jen ay isaw at kwek-kwek samantalang ang kanila Jiro at Yumi naman ay sisig at balut. Tiningnan ni Jen ang itsura ni Adrian at bigla itong namutla ng makita ang kakainin nila.

                “Adrian, bakit ka namumutla dyan? Dali, kumain ka na. Matatalo tayo!” sigaw ni Jen kay Adrian habang inuupakan na ang isang stick ng isaw. Lamang sila sa iba dahil si Jen ay hindi mapili sa pagkain at mahilig din ito kumain ng street foods. Ang ibang couples na kalaban nila ay hindi pa rin makakain. Halos hindi magalaw ang pagkain na nasa harap nila. Ang iba, nakakuha ng betamax, adidas, balut, botsi, walkman, sisig at kung anu-ano pa.

                “Masarap ba yan?” tanong ni Adrian na namumutla pa din. Dahil naiinis na si Jen at hindi pa kumakain si Adrian, pinasak niya ang isang piraso ng kwek-kwek sa bibig ni Adrian na ikinagulat nito. Dahan-dahan naman nginuya ni Adrian ang kwek-kwek at mukhang nasarapan ito kaya naubos niya kaagad ang nasa plato nila. Naubos na din ni Jen ang dalawang stick ng isaw.

                “Couples, kumain na kayo! Isang couple pa lang ang nag-advance sa next challenge.” Sigaw ng SC president sa mga couples.

Sila Jiro at Yumi naman ay hindi makain-kain ang balut. Naubos na nila ang sisig na inihain sa kanila. Sa bandang huli ay sumuko din sila.

                “Couples, kakainin nyo ba yan o hindi? Sayang ang mga inihanda naming exotic foods para sa inyo.” Tanong ng SC president sa mga participants. Last year, more on physical challenges ang ginawa ng SC para sa Battle of the Couples, pero ngayon, gusto nila i-test ang mga participants kung hanggang saan ang kaya ng sikmura nila.

Isa-isa ng sumuko ang mga couples. May ilang naglakas ng loob para kainin ang mga inihain pero sinuka din nila.

                “OMG! Lahat ng natirang couples, suko na? Isang couple lang ang naka-advance sa next challenge at yun ay sina Adrian Lee at Jenny Choi. Hindi muna namin sila i-dedeclare na winner. Dapat matapos nila ang challenge hanggang sa huli.”

--------------------------------------------

TASK CARD: CHALLENGE NO. 2

CROSS THE BRIDGE

Pumunta sa pond ng school at tawirin ang bridge na nagkokonekta sa magkabilang side ng pond, pero dapat buhatin ng babae ang lalaki patawid ng bridge. Sa kabilang dulo ng bridge ay kailangan nyong buoin ang isang puzzle piece. Kapag hindi nagawa ito ng couple ay AUTOMATIC OUT sa game.

Goodluck! :)

---------------------------------------------

                “Tara na sa pond.” Yaya ni Jen. Agad silang tumakbo ni Adrian papunta sa pond. Hindi nila napansin na lahat ng couples ay sumuko na sa first challenge pa lang.

                “Andito na tayo. Hai. Magpahinga muna tayo saglit. Bubuhatin pa kita. Tss. Sino bang nakaisip ng challenge na ito at dapat ang babae pa talaga ang bubuhat sa lalaki.” Pagkalipas ng ilang minuto, ay sinubukan ng buhatin ni Jen si Adrian.

                “Sigurado ka ba, Jen? Kaya mo ba ako?” tanong ni Adrian.

                “Oo. Kakayanin kita. Gusto ko mapanalunan ang grand prize. Kaya sumakay ka na sa likod ko.” sagot naman ni Jen. Kaya dali-dali naman sumakay si Adrian sa likod ni Jen. Medyo maliit lang ang pond kaya hindi ganoon kahaba ang bridge sa ibabaw nito. Gawa sa semento ang bridge kaya safe tumawid dito.

Habang hirap na hirap si Jen sa pagbuhat kay Adrian, si Adrian naman ay hindi mapigilang mapatitig sa mukha ni Jen. Tinititigan nito ang bawat features nito sa mukha. Ang mahaba nitong pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi. Kahit pawisan na ito ay maganda pa din.

Pagkadating nila sa dulo, napahiga si Jen sa damuhan malapit sa pond dahil sa sobrang pagod. Si Adrian naman ang bumuo sa puzzle piece. Isang quotation ang dapat niyang mabuo sa mga piece na hawak niya. Hindi na tinawag ni Adrian si Jen para tulungan siya. Kahit naman kasi puro kalokohan ang ginagawa niya, matalino din naman siya.

Nabuo na ni Adrian ang isang love quotation.

“Real love is never earned, but simply received as the greatest gift in the world.”

                “Jen, bangon na dyan. Binigay na sa akin ang last task card.” Tawag ni Adrian kay Jen. Pero hindi bumangon si Jen. Pinuntahan ni Adrian si Jen. Nakaidlip pala ito. Hindi alam ni Adrian kung ano ang sumapi sa kanya at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Jen.

*CHUP~*

Ilang seconds din nakalapat ang labi ni Adrian kay Jen bago ito dumilat at dahil nagulat ito, bigla siyang itinulak ng pagkalakas-lakas ni Jen at nahulog siya sa pond. Mababaw lang ang pond. 4 feet lang ang lalim nito. Kaya agad naman nakatayo si Adrian pero basang-basa na siya.

O_O ------> reaction ni Jen.

=_= --------> reaction ni Adrian nun mahulog sa pond.

Tulala si Jen. Ikaw ba naman ang halikan bigla ng taong gusto mo, hindi ka ba magugulat?

                “Jen! Hui, Jen!” inalog-alog ni Adrian si Jen para bumalik ang kaluluwa nito sa katawan niya.

                “Ano ba! Nahihilo na ako sa kakaalog mo.” Agad na tumayo si Jen at inagaw ang huling task card kay Adrian. Hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan siya ni Adrian kani-kanina lang. Habang binabasa ko ang task card, pinagpalit ko muna ng damit si Adrian para hindi siya magkasakit. Buti na lang at may dalang extra na damit si Adrian sa kotse niya.

---------------------------------------------

TASK CARD: CHALLENGE NO. 3

KISS ME

Kailangan nyong bumalik sa quadrangle. Pagkadating sa quadrangle, umakyat sa mini stage. May ibibigay kami sa inyo na thin heart-shaped plastic. Ilalagay nyo ang thin heart-shaped plastic sa pagitan ng mga labi nyo. Ang last standing na couple ay ang siyang mananalo.

Goodluck! :)

-----------------------------------------------

                =_= -----------> reaction ni Jen ng mabasa ang task card.

                *3* --------------> eto naman ang kay Adrian.

Agad na bumalik ang dalawa sa quadrangle. Ngayon lang nila napansin na parang walang sumunod na couple sa kanila. Ano kaya ang nangyari?

Pagdating nila sa quadrangle, nandoon lahat ng mga kasali sa event, nakaupo at parang may hinihintay. Agad silang nilapitan ni Yumi at Jiro.

                “Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay at bakit basang-basa ka, Adrian?” Tanong ni Yumi.

                “A-ah. Ano kasi, hina-...” kinurot ni Jen si Adrian sa tagiliran kaya hindi na niya na-ituloy ang sasabihin.

                “Aah! Aray! Ang sakit mo naman mangurot!” sigaw ni Adrian kay Jen.

                “Wag mo na lang pansinin si Adrian. Ano bang nangyari, Yumi?” tanong ni Jen.

                “Wala bang staff ang nagsabi sa inyo? Kayo lang ang naka-advance sa second challenge. Out of 50, 49 ang sumuko sa exotic food trip challenge. Sabi ko na nga ba at mananalo kayo ni Adrian eh.”

                “Talaga?! Pano na ang last challenge? Kailangan pa ba namin gawin?”

                “Oo. Kailangan nyo matapos ang lahat ng challenge bago kayo ang i-announce na winner.” Sagot ni Yumi.

                “Oh, andito na pala ang couple na si Adrian Lee at Jenny Choi. Umakyat na kayo sa mini stage at gawin ang last challenge. May konting changes lang kami sa rule sa challenge na ito. Dahil kayo lang ang couple na nakaabot sa last challenge, kailangan nyong gawin ang KISS ME challenge sa loob ng 10 minutes.” Paliwanag ng SC president na mukhang excited.

Agad naman umakyat si Adrian at Jen sa mini stage. Kinakabahan silang pareho. Hinawakan na ni Adrian ng dalawang kamay ang mukha ni Jen at akmang hahalikan na si Jen, nang bigla silang awatin ng SC president. Hindi pa kasi nila nailalagay ang thin heart-shaped plastic.

                “Teka lang! Awat muna! Excited masyado ang couple natin! Hahaha!” inabot ng SC president ang thin heart-shaped plastic sa kanila. Nahiya naman ang dalawa sa inasal nila kaya nag-blush ang dalawa. Hahahaha!

Pagkabigay ng heart-shaped plastic ay agad na sinimulan nila Adrian at Jen ang pagpigil na malaglag ang plastic at dahil manipis lang ito, ramdam nila na para silang nag-kiss sa pangalawang pagkakataon.

~ After 9 minutes and 50 seconds ~

Sabay-sabay na nag-countdown ang mga estudyante ng Maryland Academy.

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3..

2..

1..

                “Whooooo!!! Congratulations Adrian Lee at Jenny Choi! Kayo ang Maryland Academy’s Couple of the Year! bati ng SC president sa kanila. Agad naman naghiwalay ang dalawa pagkatapos ng announcement ng SC president. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga estudyante, staffs at professors.

                “At dahil kayo lang ang couple na nakatapos sa buong challenge, napag-desisyunan ng SC committee na sa inyo na din mapupunta ang prizes for the first and second placer sa event na ito. Congratulations!” dahil sa tuwa ni Jen ay bigla niyang niyakap si Adrian. Niyakap din naman siya ni Adrian.

                “Uuuuyyy!!! Kiss!!! Kiss!!!” sigawan ng mga estudyante sa quadrangle. Agad bumitiw si Jen sa pagkakayakap niya kay Adrian. Nahiya si Jen kaya napayuko siya, pero hinawakan ni Adrian ang mukha ni Jen, inangat at hinalikan siya noo.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note.

Isang mahabang update! Whew.

Sana kinilig kayo sa update na ito. Hehe. :D

Vote at comment naman po kayo. Thank you! :)

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]