His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[11] Kaya

5.2K 253 3
By Yaoistorywriter

K E N

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. O gawin. Hanggang ngayon, nasa utak ko pa rin ang lahat ng sinabi sa akin ni Renz kanina.

Aaminin ko na, medyo nakakapagsisi na naging duwag ako dati. Pero kasi, alam nyo 'yun, 'yung kahit gustung-gusto ko nang mag-take ng risk natatakot pa rin ako. Hindi sa risk na baka hindi niya ako gusto.

Kundi sa sasabihin ng ibang tao. Kumbaga, conscious pa ako sa iisipin ng iba dati. Kasi nga, hindi pa ako mature. Ngayon ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko nang magpakatapat sa sarili ko at hindi ko dapat iniintindi ang sasabihin ng iba.

Kaya ngayong sinabi sa akin ni Renz ang lahat, guilt na ang nabuo sa puso ko. Kasi 'yung nararamdaman ko para sa kanya dati, wala na. Hindi ko na maibabalik. Sa tingin nyo, kung umamin ako sa kanya dati, ano na kaya kami ngayon? Masaya kaya kami?

Siguro mas ok na na ganito ang nangyari.

Kanina, after Renz' confrontation, nag recall kami ng mga memories from the past. Siya ang nag-umpisa. Pinag-usapan namin lahat. 'Yung kung paano siya magbigay ng motives sa akin dati. Totoo na pala 'yun. Akala ko, trip lang niya akong paasahin.

At syempre, sinabi ko rin sa kanya kung paano ako kiligin dati.

Marami rin kaming pinag-usapan. Hanggang siya na rin mismo ang nag-aya at naghatid sa akin pauwi.

After parting ways, saka ako nakaramdam ng lungkot. May parte sa akin na naaawa kay Renz. Kasi kung ako dati, natakot sa risk -- ano kaya ang nararamdaman niya ngayon?

Haaaay buhay. Parang life.

Hindi ko namalayan ay malapit na pala ako sa may kanto papunta sa amin. Nang biglang mag-ring ang aking phone.

Medyo nag-alinlangan akong sagutin ito dahil unknown number. Pero sinagot ko rin.

"Hello po?" Bungad ko.

Nagsalita ang nasa kabilang linya. Ngunit 'yung unang part lang ang naintindihan ko sa sinabi niya dahil halos nawala na ako sa focus dahil sa narinig ko.

I ended the call at dali-dali na akong naghanap ng masasakyan. Pinuntahan ko ang lugar na sinabi noong nakausap ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra.

Nang makababa ay tumakbo na agad ako sa loob ng ospital at hinanap ang kapatid kong si Yael.

"Kuya!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nag-aalala akong lumapit sa kanya.

"Yael! Anong nangyari? Bakit siya nag-collapse?"

"Kuya, muntikan na kaming masagasaan ng truck.. Natapos kasi 'yung laman ng basket kaya pinulot namin. Hindi naman kami nasagasaan, kinabahan lang si mama kaya biglang inatake." Paliwanag ni Yael.

"Kasi naman, Yael! Mag-iingat kayo! Huwag kayong basta-basta tatawid o haharang sa kalsada. Hayaan nyo yang laman ng basket nyo! Mas mahalaga ba 'yan sa buhay nyo?"

"Hindi kuya. Sorry."

Nung lumabas ang doctor mula sa kwarto ni mama ay nilapitan ko kaagad ito at tinanong kung maayos na ba ang kalagayan ni mama.

"Maayos na sya. Actually pwede na syang ma-discharge later para hindi lumaki ang bill nyo. Na-shock lang ang mama mo kaya tumigil ang pahcirculate ng dugo nya. Kaya sya nag-collapse. Pero ok na sya. Hindi nyo na kailangang mag-alala masyado. Paki-iwasan na lang muna niya ang pagkilos ng mabilis at pagbubuhat ng mabibigat."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.

"Salamat po."

Medyo nabawasan ang pangamba ko dahil hindi naman pala ganun kalala ang nangyari kay mama. Naunahan lang ako ng emosyon ko. Na-blangko kasi ang utak ko inunahan ako ng takot noong marinig ko na nasa ospital si mama dahil nag-collapse.

Jusko. Wala na nga kaming ama. Pati ba naman si mama may balak na rin ata kaming iwan.

~*~

"Ken, ayos na ako. Nakakalakad naman ako. Nahimatay ang ako pero hindi ako napilayan, ok?" Sabi ni nanay.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-alalay ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo nay. Pinag-alala mo ako eh." Sabi ko at nag-umpisa na ulit kami maglakad.

"Nawawalan ka na ba ng tiwala sa maganda mong ina?"

"Nay, mali kayo parehas. Una, hindi ako nawawalan ng tiwala sa inyo. Pangalawa, hindi kayo maganda." Biro ko.

"Ewan ko sa'yo, manahimik ka na!"

Napatawa ako. Huwag kayong mag-alala, hindi naman kami nag-aaway. Ganyan lang talaga kami mag-usap sa loob at labas ng bahay. Haha. Siraulo kami parehas eh.

Sumakay na kami ng tricycle at umuwi na.

~*~

V I N C E N T

"Saan ka pupunta?" Tanong ni papa nang makita niya akong nag-aayos ng buhok at nagpapabango.

"Basta."

"Gabi na. Aalis ka pa. Baka mamaya may--"

"Pa, kaya ko na ang sarili ko."

Sabi ko at kinuha ko na ang susi ng kotse ni papa.

"Mag-iingat ka. Bumalik ka kaagad."

"Noted."

Pumasok na ako sa loob kotse at umalis na ako. Hindi naman ako pupunta sa malayong lugar, o magbubulakbol o magd-drugs o ano.

Gusto ko munang makalimot pansamantala. Tatakas muna ako sa reyalidad. Dahil hindi rin naman ako nakabili ng alak kanina, sa bar na lang ako didiretso.

Nang makarating ako sa bar, pinark ko na muna ang kotse at bumaba ako.

Pumasok ako sa loob. At dahil bar ito, iexpect nyo na ang dagundong ng sound system at masakit sa matang mga ilaw. Maging ang sayaw ng mga lasing na tao. Amoy ng alak. Sigarilyo. Sisig. Hindi ko first time dito.

Hindi na lang siguro ako mag-iinom. Aaliwin ko lang ang sarili ko sa naririg at nakikita ko dito. Kesa naman lulungin ko ang sarili ko sa katahimikan sa loob ng kwarto ko.

Pumunta na ako sa may bar counter at umorder ng pineapple juice.

May lumalapit sa aking ilang babae pero hindi ko sila ine-entertain. Wala ako sa mood. At isa pa, hindi ko gawain ang makipagmake-out. Nandito ako para magpalipas oras. Lalamunin na naman kasi ako ng anxiety kapag nasa loob lang ako ng kwarto mag-isa.

Iinom na sana ako ng juice nang may makita akong pamilyar na mukha. Si Renz. Ang aming captain.

At ano namang ginagawa niya rito? Mukhang siya lang mag-isa sa pwesto nya pero hindi naman siya lasing.

Inubos ko muna ang iniinom kong juice at saka ako lumapit sa kanya.

"O pre, ginagawa mo dito? Anong balita sa buhay naten?" Medyo tipsy niyang tanong.

Hindi ako sumagot.

"Haaaay nako. Magulo. Ang gulo ng buhay." Sabi niya at saka siya tumagay uli.

"Tangina. Gusto kong bumalik sa past.  Gusto kong ibalik ang nakaraan. "

Tumingin ako sa kanya. Hindi siya lasing. Seryoso siya sa sinasabi niya.

Parehas tayo, Renz. Gusto ko ring bumalik sa nakaraan.

"Vincent, ikaw na ang captain." Sabi nya.

"A-ano?"

"Pagkatapos ng finals sa monday, lead the team. Aalis ako."

"Aalis ka?"

"Oo. Sa Canada. May pabor din sana ako. Pero bago 'yon, kwentuhan muna kita."

Hindi ako nagsalita at nakinig na lang rin ako sa kanya.

"There's this guy na nahulog sa kaibigan nya. Una, parehas silang lalaki. Pangalawa, hindi nya nasabi sa kaibigan nya ang nararamdaman nya. Pangatlo, ngayon lang nya nalaman na gusto rin pala siya dati ng kaibigan nya ngayong nakalimot na ito. Kaya ang nangyari dun sa guy, na-reject. Nagsisisi tuloy siya. Sabi nya, kung pwede lang sanang bumalik sa nakaraan. Kung pwede lang sanang bumalik ako sa nakaraan."

Medyo napatawa siya. Hindi ako nagsalita at ipinagpatuloy niya ang sinasabi nya.

"Gago, si Ken. Tagal ko nang mahal 'yung batang 'yon. Nakakainis. Hindi ko alam kung paano ito nagsimula. Pero alam ko ang lahat ng dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Bakit ba nakukumpleto ang araw ko pag nandyan sya? Bakit ba ako nahahawa sa ngiti niya? Bakit nakakagaan ng araw kapag nakikita ko siya? Kasi mahal ko na sya. Tapos ngayon, ganito. Tangina. Ang sakit, nakakapangsisi pero wala na akong magagawa. Di ko naman sya pwedeng sisihin dahil hindi ko naman hawak ang puso nya. Akala ko makakapagpaalam ako sa kanya ng masaya kami. Pero kabaligtaran pala ang mangyayari."

Hindi ako nakapagsalita. Pilit pang pino-proseso ng utak ko ang lahat ng sinabi nya.

Pero ito ang mga nabuo kong konklusiyon: si Ken ang tinutukoy niyang first love nya. Mag bestfriend sila. Ni-reject siya dahil hindi na sya gusto ni Ken.

Hindi ko inaasahang maririnig ko to sa kanya sa ganitong pagkakataon.

"Vincent, here's my favor. Si Ken, kahit medyo masungit 'yon, iyakit 'yon. Gusto ko sana, mabantayan mo sya. Huwag mong hahayaan na may magpa-iyak sa kanya. Huwag mong hayaan na may manakit sa kanya." Sabi nya.

"Teka, ako?"

"Alam kong kilala ka nya. Ikaw dahil alam kong ikaw dapat. Ano, kaya mo ba?"

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Pero una pa lang, may sagot na sa utak ko.

"Kaya ko."

---

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 2.3K 17
Paano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan...
322K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO
637K 23.4K 42
|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng tao...