May Forever Daw?! Wala Kasi A...

Par SalanghaeTaetae_328

7.5K 1.3K 1.2K

[On Going] FOREVER. Ako si Patty. Isang babaeng napaka sawi sa pag ibig. Nasaakin naman ang lahat pero nagaw... Plus

Chapter 1
Cast
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Author's Note
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Author's Note
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Birthday Celebration
Chapter 24: Birthday Celebration

Chapter 11

188 35 54
Par SalanghaeTaetae_328

Patty's POV

Monday nanaman. Hayzz! Same routine kapag weekdays. Naligo, nag bihis at kumain. Nandito ako ngayon kumakain ng breakfast. Ako lang mag isang kumakain dito. Si kuya kasi may meeting sa office nila kaya maagang umalis. Ganon din naman si mama. Ang lungkot nga eh kung mag isa ka lang kumakain.

"Excuse me po ma'am." Sabi sa akin ni yaya.

"Bakit yaya?"

"May lalake po kasing naghihintay sa inyo sa labas. Matangkad po siya, gwapo, maputi at medyo malaki ang ilong." May naghihintay na lalake sa labas ng bahay namin? Sino naman yun?

"Malaki ilong!? Ha? Sino daw siya yaya?"

"Sabi niya po siya daw si Daryll. Kaklase niyo daw po."

"Ah ok po yaya." Agad naman akong pumunta sa labas. Ang weird! Si Daryll, nag hihintay sa labas ng bahay namin. Paano naman niya nalaman kung saan ako nakatira?Pagka tingin ko, may hawak siyang bulaklak. Huh? Para saan naman yun? May patay ba dito?

"Daryll. Ba..bakit ka nandito?"

"Tara! Sabay na tayong pumunta sa school." Maligaya niyang sabi.

"Eh may driver naman ako eh. Di mo naman kailangang magpaka bayani." Sabi ko sa kanya. Actually kaya ko yun sinabi kasi nahihiya ako. Business partner namin sila. Eh nakakahiya naman kung ihahatid pa niya ako sa school.

"Sus. Sayang naman effort kong pumunta dito." Malungkot niyang sabi. Nakaramdam naman ako ng konting awa sa kanya.

"Sure ka pwede? Nahihiya kasi ako eh." Sabi ko sa kanya habang  naka yuko. Nahihiya na talaga ako.

"Talaga sasama ka na?!" Masayang sabi ni Daryll.

"Oo na sige na. Ikaw na panalo. Ahahahaha."

"Ay eto pala Patty, para sayo." Sabay abot ni Daryll ng flowers sa akin. "Medyo malaki ang nagastos ko diyan kaya sana magustuhan mo." Sabay ngiti niya sa akin. Wow! Ang ganda ng flowers! Ang bango bango pa.

"Maraming salamat Daryll ha. Nag abala ka pa tuloy." Sabi ko sa kanya. Tinawag ko rin si yaya para ilagay na itong flowers sa loob.

"Ahh di naman. Hehehe."

"Tsaka huwag ka mag alala, hinding hindi ito masasayang kasi may ipapakain na ako sa mga daga diyan." Nanlaki naman bigla yung mga mata niya. Nagulat ata siya sa sinabi ko eh. "Ito naman! Joke lang yun noh! Wag ka mag alala ilalagay ko 'to sa study room ko."

"Whew. Kala ko....AHAHAHAHA!" Malakas niyang tawa.

"Wait lang Daryll ha, lagay ko lang 'tong flowers sa loob." Pumasok muna ako at iniabot kay yaya yung flowers.

"Wow ma'am! Ang ganda naman niyang flowers na binigay nung kaklase ninyo. Hihihi!"

"Oo nga eh. Ang ganda noh yaya!"

"Opo ma'am sobra. Mamahalin siguro yan. Bagay pala kayo nun ma'am, nung nag abot sa inyo niyan." Sabi ni yaya habang kinikilig kilig.

"Ya! Kak-la-se ko lang po yun. Wala ng iba! Hanggang magkaibigan lang po kami nun!"

"Ito naman! Binibiro lang kita eh, masyado ka nang difensive. Ahahaha."

"Hay naku ya! Mamaya na lang tayo magkwentuhan. Palagay na lang po nito sa study room ko." Sabay abot sa kanya nung flowers. "Mauna na rin ako ya ha. Baka malate ako eh."

"Sige sige. Lagay ko na lang 'tong bulaklak sa study room. Ingat kayo ha ng 'kaklase' mo." Sabi sa akin ni yaya habang nakangisi. Nilagyan pa talaga niya ng diin ung 'kaklase'. Di ko na yun pinansin at lumabas na ako kaagad sa bahay namin.

"Tara na. Baka malate na tayo eh." Si Daryll.

Pumunta na kami sa kotse nila. Pinag buksan pa niya ako ng pinto. Ang sweet naman nitong si Daryll. Nag soundtrip naman ako habang papunta sa school. Pag kadating ko naman sa school, agad naman akong sinalubong ni Kylie.

"Cous, bakit parang ang laki laki ng ngiti mo diyan? 'Kaw ha, may tinatago ka ata sa akin." Sabi niya sa akin.

"Ah paano kasi si Daryll. Hinatid niya ako dito sa school tapos dinalhan pa niya ako ng maga bulaklak. Kinikilig nga ako eh!" Paliwnag ko sa kanya.

"Yes naman bes! Ang haba ng hair mo!" Sabay tusok niya sa tagiliran ko.

"Oh nandiyan ka na pala." Sabi ni Kylie kay Kyle.

"Kakarating ko nga lang eh." Sabay kiss niya sa pisnigi ni Kylie.

'Tsss! Lam poreber'

Tignan mo 'tong dalawa PDA much. "Oh. Hi Patty!" Masayang bati ni Kyle sa akin.

"Hi. Sige una na ako ha. Kita na lang tayo mamaya sa classroom cous." Sabi ko sa kanya.

Hayss....buti pa si Kylie may taong nag mamahal ng tapat sa kanya. Eh ako naman lahat naman sila nagawa akong lokohin eh. May mahal nga ako pero di ko naman alam kung mahal niya rin ako. Lord, pag dumating sa harapan ko si Daryll ngayon, sign na yun na dapat tigilan ko ng mahalin si Mikey at muling buksan ang puso ko para sa iba. 

"Ay Patty." Gulat kong inangat ang aking ulo at nakita ko si Daryll at Mikey. Sabay silang nag salita. Lord sabi ko si Daryll lang hindi silang dalawa. Anong meaning nito?

"Ano yun?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"A-ahh nakita ko kasi 'to sa upuan ng kotse. Nahulog mo ata." Sabay abot sa akin ni Daryll ng necklace na ibinigay sa akin ni Mikey noon.

"Naku! Maraming maraming salamat at binalik mo sa akin 'to!" Sabay kuha ko at lagay sa aking bulsa. Lagi ko lang yun nilalagay sa aking bulsa. Hindi naman kasi lahat ng oras babagay ito sa outfit ko eh. "Napaka importante kasi nito sa akin ehh."

"Ahh ganun ba. Sa susunod, ingatan mo kasi yung mga bagay bagay na importante sa iyo. Mamaya sa dulo, magulat ka na lang na nakuha na pala ito ng iba. Sige ha una na ako." Sabi ni Daryll sabay lakad niya paalis. Anyare dun? Lalim ng hugot ahh.

"Ahh ano pala yung sasabihin mo Mikey?" Tanong ko sa kanya.

"A-ahh mamaya ko na lang sasabihin sayo. Tara na punta na tayo sa classroom baka malate pa tayo eh." Sabi niya sabay bitbit ng bag ko. Pinabayaan ko na lang siyang gawin yun. Tatanggihan ko pa ba!

Mga quarter to seven na kami nakarating sa classroom. Umupo na kami kaagad sa aming mga upuan kasi maya maya dadating na rin ang teacher namin. Err! Math ang una. Di bale na, may hangganan naman ang lahat eh! Kasi nga WALANG FOREVER!!!

Bumukas na ang pinto at pumasok na rin si ma'am. "Good morning class. Nagtataka siguro kayo kung bakit ang aga ko ngayon. May ieexplain kasi ako sa inyo. This month of July, ise celebrate natin ang nutrition month. Alam niyo naman siguro yun diba."

"Yes ma'am!" Sabay sabay naming sabi.

"Ngayon month of July, para ma iba, napag planuhan naming gumawa ng bagong activity para sa 4th year students. Ito ay tinatawag na "Immersion". Dagdag pa nito. Immersion? Ano naman yun? Pero kung ano man yun, nakaka excite!

"Immersion?"

"Ano meron don?"

"Wow mukhang exciting ah!"

"Ano yun??"

"Ano gagawin dun??"

"Wow! Mukhang masaya yun ahh!"

"Shhh! Keep quiet class!" Sita sa amin ni ma'am. "Immersion. Ano yun? Yun yung pupunta tayo sa isang orphanage para magsa gawa ng feeding program. Pero may twist. Kayo ang mag eentertain sa mga bata. Kayo rin ang gagawa ng mga games at kayo rin ang magpapakain." Paliwanag ni ma'am

"Ma'am, paano po yung pera? Saan tayo makakakuha nun?" Tanong ng class president namin na si Christine. Ang cute nga niya eh! Kamukha niya si Lisa, yung sa Blackpink.

"Nice question miss Dela Cruz. Tuwing umaga, meron akong ipapaikot na malaking bote. Dapat lahat ng students ay maghulog ng pera don kasi kung ano ang magiging total non, yun ang gagamitin nating pambili ng food and drinks." Paliwanag ni ma'am.

"Ahhh...."

"Ok sige."

"Patay! Bawas sa allowance ko! Huhuhu..."

"Eh ma'am ilang weeks ba ang preparation natin para diyan?" Tanong naman ni Christian. Isa sa mga katropa ni Mikey.

"May 2 weeks pa naman kayo para paghandaan yun. So, may questions pa ba kayo?" Tanong ni ma'am sa amin. Wala naman ng nagtaas ng kamay. "Okay mag start na tayo ng klase. Kunin niyo na ang mga notebooks niyo. May kailangan kayong isolve." Oh no! Math na. Dapat pala nag tanong na lang ako ng nagtanong para maubos na yung oras namin doon.

"Arghhhhh!" Sabay sabay naming reklamo.

Boring na subject.

Boring rin na subject.

Mas boring na subject.

Mas boring rin na subject.

Pinakaboring na subject!!!!

*kringgggggg*

"Class Dismissed." Wika nung teacher namin.

Yess! Uwian nanaman. Ang pinaka masaya sa lahat! Nakakapagod ngayong araw kasi nagkaroon na rin kami ng quizzes sa ibang subjects. Piece of cake lang naman lahat ng quiz. Kaya nga lang, nakaka inis kasi napaka raming homework ngayon. Huhuhu (T-T)

Kasalukuyan akong nandito sa Miguel de Benavidez library, library ng UST. May homework kasi ako sa history kaya naisipan kong gawin na lang ito sa library. Tsaka kailangan ko rin ng mga research tungkol dito.

"Ay palaka!" Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko si Mikey lang pala. "Anubayan Mikey! Sa susunod nga, huwag ka nang mangugulat!"

"Sorry di ko kasi alam na naparami ang inom mo ng kape." Pang aasar nito. Loko loko rin to eh no!

"Whatever! Bakit ka naman nandito?"

"Kasi nandito ka!"

"Paano mo naman nalaman na nandidito ako?" Tanong ko sa kanya.

"Kase may mata ako."

'Ang pilosopo amp'

"Kung mangugulo ka lang, dun ka na lang sa labas." Seryoso kong sabi sa kanya.

Hinila niya yung isang upuan na katabi ko at umupo. "Ito naman nagbibiro lang yung tao eh. Ang sungit sungit! Ano ka, si Tandang Sora!"

"Buset, amputsa......"

"Ito na! Magseseryoso na poooo! Gusto kasi kitang iniimbitahan sa bahay namin para mag sleepover."

"Huh? Bakit? Para saan?" Sleepover. Bakla ba 'to?

"Aytsss.....Birthday ko na sa Sabado, July 15. Nagkalayo lang tayo, nakalimutan mo na kaagad yung birthday ko." Hala! Nakalimutan ko na nga. July 15 nga pala ang birthday niya. Lagot ako sa kaibigan o ka-ibigan ko.

"A-ahh...h-hindi...hindi noh! Btw, sino pala yung mga kasama?" Tanong ko sa kanya.

"Mga kasama? Yung buong G7, ikaw kung sasama ka at si Kylie. Yung ibang relatives naman namin tsaka yung iba ko pang mga kaibigan, pupunta sila pero di ko sinama para sa sleepover." Wow! Ang dami namang invited. Sabagay mansion naman ang bahay nila eh.

"Osige ba. Pupunta ako diyan." Naka ngiti kong sabi.

"Yehey!" Napa tingin naman lahat ng tao sa amin pati na yung librarian. Nag peace sign naman siya. Paano umoo lang ako, maka react kaagad 'tong taong 'to wagas.

"Yehey! Punta ka sa amin ha! Hihintayin kita." Pabulong niyang sabi.

"Eto naman. Pumayag lang ako eh maka react! OA..OA!?"

"Wala sobrang saya ko lang. Sige ha uwi na ako. Nandiyan na daw kasi yung sundo namin eh text ni kambal."

"Sige ingat ka!" Sabay lakad niya paalis nung nag salita ako. Di ko namalayang naka ngiti pala ako.

[ Eto naman para maiba ]

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...