Love. Sex. Escapade. [One-Sho...

By iamaivanreigh

682K 7.6K 639

Sa mga napaiyak ng mga short stories ko, I'm happy na nagustuhan niyo po ang bawat kwentong nakapaloob sa pos... More

Boarder of thy Heart
Love Is Blind
Letters to Troy
The Morning After
Hiram Na Gabi (SPG)
Angel
Let Me Be The One - 01
Let Me Be The One - 02
Let Me Be The One - 03
Let Me Be The One - 04
Let Me Be The One - 05
Let Me Be The One - 06
Let Me Be The One - 07
Let Me Be The One - 08
Let Me Be The One - 09
Let Me Be The One - 10
Let Me Be The One - 11
Sa Piling Ng Mga Ulap
My Idol (SPG)
The Yummylicious Security Guard (Part 1)
KAPE TAYO?

Wasted Chance

29.6K 448 28
By iamaivanreigh

Ako si Lara.

Minsan na akong umibig.

Subalit sa dikta ng aking isip, pinilit kong itago ang nararamdaman ko para kay Migz.

Transferee sa San Carlos University si Migz.

Magkatapat lang halos ang dorm namin kaya madalas ko siyang nakikita.

Minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

Pero agad din naman siyang nagbabawi ng tingin kapag alam niyang nakatingin na rin ako sa kanya.

Huling araw ng ikalawang semestre.

Lumapit si Migz sa akin minsang palabas ako ng school.

Inabot niya sa akin ang isang pumpon ng pulang rosas.

Hindi ko alam, pero bigla na lang siyang umalis sa harap ko… nang walang iniiwanang salita.

Nalaman ko na lang sa kaklase ko na umuwi pala si Migz ng Leyte para magbakasyon.

Hinintay ko ang pagbabalik niya.

Gusto kong itanong sa kanya kung may katugon ba ang damdamin ko para sa kanya.

Parang taon ang paglipas ng mga araw.

Hanggang isang balita ang dumating sa akin.

Lumubog daw ang isang barko na galing Leyte.

Pabalik na diumano ang barkong iyon sa Cebu.

At isa si Migz sa mga pasaherong nasawi.

Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

Nagpasya akong pumunta ng Leyte upang makapiling sa huling sandali ang lalaking lihim kong minahal.

Masayang larawan sa ibabaw ng kabaong ni Migz ang sumalubong sa akin.

Ang impit kong pag-iyak ay nauwi sa hagulgol.

“You must be Lara? Ako ang mama ni Migz.”

“Paano niyo po akong nakilala?”

“My son speaks so much about you. Halika’t may ipapakita ako sayo.”

Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Kwarto raw iyon ni Migz.

Nanlamig ang katawan ko nang makita ko ang painting na nakasabit sa dingding.

It was me. Nasa terrace ako ng aming dorm.

“Si Migz mismo ang gumuhit niyan.” sabi ng mama ni Migz.

“Siya ho ang iniisip ko ng mga panahong iyan.” sagot ko.

“Alam mo bang umuwi si Migz dito sa bahay para sa iyo?”

“Hindi ko ho maintindihan?” naguguluhang tanong ko.

“Umuwi siya upang magpaaalam sa amin ng kanyang papa na manliligaw na raw siya." tugon naman ng ginang.

“Minsan, binigyan niya ho ako ng flowers, pero wala po siyang sinabi na manliligaw siya.”

“Masyadong mabait iyong si Migz. Gusto niyang bago ka niya ligawan ay malaman muna namin ng papa niya.”

Katahimikan.

“Nang matagpuan ang bangkay ng anak namin, hawak hawak niya ang kwintas na ito.”

Isang kwintas. Ang pendant niyon ay pangalan ko.

Muling tumulo ang aking mga luha.

“Mahal na mahal ka ng anak ko. Sayang at wala na siya. Hindi na natin siya makakasama.”

“Kahit sa malayuan ko lang po siya nakikita, minahal ko rin po si Migz.”

“Sabi ni Migz, lagi ka raw niyang hinihintay sa gate ng school niyo… Pero nahihiya siyang lapitan ka kasi lagi kang may kasama.”

Tama… madalas ko siyang makita na parang laging may hinihintay sa gate.

Gusto ko siyang lapitan, pero natatakot akong mapahiya.

Gustong-gusto ko siyang kausapin… kaibiganin.

Pero lagi na ay pinapangunahan ako ng kaba.

Ako si Lara…

Lihim na umibig, iniwan, nawalan, nasaktan.

At ito ang aking kwento ng Wasted Chance.

Kung minsan, masyadong mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa ka nang sumugal sa ibinubulong ng iyong puso, saka naman ilalayo sa iyo ang taong mahal mo.

Walang makakapagsabi kung kailan darating ang true love mo.

Pero kung sakaling dumating ang panahon na maramdaman mong nagmamahal ka na, huwag mong itago iyan sa sarili mo.

Walang katiyakan ang buhay nating ito. Lahat ay hiram lang natin sa maykapal.

Maaaring bukas o makalawa, wala na siya…

Hindi masamang magmahal…

Kaya hangga’t may pagkakataon ka pa, sabihin mo sa kanyang mahal mo siya. Iparamdam mo ito sa kanya.

Huwag nating hayaang mabuhay tayo na puno nang panghihinayang.

 AUTHOR'S NOTE: I wrote this maybe 4 years ago. My very first attempt to write using the 1st person point of view. Hope you did liked it. :)

Continue Reading

You'll Also Like

72K 2K 28
GXG
1M 18.6K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
TOO LATE By eyynis

Short Story

116K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
413K 15.8K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee