Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 7: The Meet-up

812 16 5
By chumeleven

(---JENNY’S POV---)

Maaga kaming pumunta ni Yumi sa Starsky Coffee Shop. Nakaupo kami sa kasuluk-sulukan ng shop. Nakaupo ako sa isang couch style na upuan na nadikit sa dingding. May harang sa gilid kaya hindi agad makikita ng tao kung may nakaupo doon o wala. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Sinuot ko ang favorite turtleneck sleeveless cheetah dress na regalo sa akin ni Yumi last year nun birthday ko. Nagsuot din ako ng black belt na medyo malapad para ma-emphasive ang curves ng katawan ko. Naglagay din ako ng manipis na makeup at pinonytail naman ni Yumi ang buhok ko. Para naman sa sapatos, hiniram ko ang blank ankle shoes ni Yumi. Tinatawanan nga ako ni Yumi kanina bago pumunta dito dahil overdressed daw ako.  Hindi naman daw kasi party ang pupuntahan ko kundi isang meet-up lang. =_=

(A.N: Nasa gilid po yun pic ni Jenny nun meet-up. ---------------------------------------------->)

Nasa tabi ko ngayon si Yumi. Simple lang ang suot niya. Nagsuot lang siya ng sleeveless tank top at nag-cardigan na color pink, jeans at sneakers. Simple lang talaga manamit si Yumi. Sa mga special occasions lang siya nagbibihis ng todo. Super busy nya ngayon sa pagbabasa. Kung minsan, ngumingiti na lang bigla.     

“Ui, patingin nga ng binabasa mo. Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan.” Inagaw ko kay Yumi ang Ipad niya.

                “Teka lang! Maganda na ang scene!” pilit na inaagaw ni Yumi ang Ipad niya pero hindi ko binigay sa kanya. Binasa ko ang title.

                “Crazy textmates to crazy couple? So, baliw-baliwan ang characters?”

                “Tch. Hindi no. Akin na nga yan. Hindi ka naman mahilig magbasa ng mga ganyan eh.” Pilit ulit inagaw ni Yumi sa kamay ko ang Ipad.

                *3* -------> itsura ni Yumi nun hindi ko binalik ang Ipad nya.

                “Teka nga. Babasahin ko lang ang introduction.” Hmmm. Mukhang maganda ang story. Tungkol sa isang girl na nagka-crush sa ka-textmate nya kahit hindi pa nila nakikita ang isa’t isa sa personal.  Teka, parang ako lang to ah! Hindi ko na tinapos ang pagbabasa dahil baka mainis lang ako sa huli kaya binalik ko na kay Yumi ang Ipad.

                “O, ayan na.” Iniabot ko kay Yumi ang Ipad at ngumiti siya.

                ^_^

                “Sabi ko na nga ba, hindi mo type to eh. Nakakatawa nga kasi kung ano ang nakasulat dito, yun din ang mga nangyari sayo. Parang ginawa ang story na ito para sayo. Hihihi.”

                “Tumigil ka nga dyan. Posible ba yun? E ni hindi ko nga kilala ang author nyan.” Sabay irap ko kay Yumi. Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras. 3 pm na pala. Andito na kaya si Papa Adrian ko? :3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

Kanina pa ako nasa labas ng Starsky Coffee Shop. Nakaupo lang ako sa loob ng kotse ko. Tinitingnan ang bawat tao na pumapasok at lumalabas sa coffee shop nang bigla ko napansin si Ms. Chewing gum kasama ang kaibigan niyang si Yumi na pumasok sa coffee shop. Hindi ko mapigilan mapatingin sa suot ni Ms. Chewing gum. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang katawan niya. Lalo na ang maputi at makinis niyang legs. Teka nga! Hindi dapat yun ang iniisip ko. Erase, erase!  

Hmmm. Bakit kaya sila andito? Bigla akong kinabahan. Napaisip ako na baka si Jen at si Ms. Chewing gum ay iisa. Argh. Hindi pwede. Hindi naman siguro siya yun. Madaming Jen sa mundo.  Hindi lang siya. Tumingin ako sa relo ko at 3 pm na. Kaya tinext ko na si Jen.

To: Jen :D

Hi Jen! Nasa coffee shop ka na ba?

From: Jen :D

Yup. Andito na kami sa loob. Nasaan ka na ba?

(Kami? May kasama siya? Bigla ulit ako kinabahan. Sh*t. Nasa tapat na ako ngayon ng pinto.)

Reply to: Jen :D

Kami? May kasama ka?

From: Jen :D

Oo. Bestfriend ko. Nagpasama lang ako sa kanya para hindi ako ma-bore sa paghihintay.

Reply to: Jen :D

Ok. Papasok na ako ng coffee shop. Saan banda kayo nakaupo?

From: Jen :D

Sa corner side kami nakaupo. Sa bandang dulo. :)

Inhale, exhale. Kinakabahan ako. Ngayon lang ulit ako kinabahan sa tanang buhay ko. Kinakabahan lang naman ako kapag kaharap ko si Lolo. Pumasok na ako sa loob ng coffee shop at hinanap sila. Corner side, corner side. Kabisado ko na ang coffee shop na ito dahil dito ako madalas nagpapalipas ng oras tuwing weekends. Hinanap ko kaagad si Jen. Sa unang corner ng coffee shop, dalawang lalaki na matanda ang nag-cocoffee. Naglakad-lakad muna ako. Sa likod ng counter ay ang restroom at utility room kaya imposible na doon nakaupo sila Jen. Paglingon ko sa kaliwa, nakita ko si Ms. Chewing gum at si Yumi. F*ck. Tama nga ang hinala ko. Nakita din niya ako at nagkatinginan kami.

                “IKAW?!” sabay pa kami ni Ms. Chewing gum na napasigaw. Nabasag ang katahimikan sa loob ng  coffee shop at nagtinginan sa amin ang mga tao pati mga staffs. Lumapit ako sa kanila at umupo sa katapat nya na upuan.

                “Anong ginagawa mo dito?!” bungad ko sa kanya. Teka. Bakit ko nga ba tinatanong yun. Obvious naman ang sagot sa tanong ko. Tanga ko talaga kahit kalian.

                “Ano pa ba sa tingin mo? Ang tanga mo naman.” Sagot sa akin ni Ms. Chewing gum. Argh. Naiinis ako sa kanya.

                “Ikaw ba talaga si Jen?”

                “Oo. Ako nga. Jen short for Jenny Choi.”

                “Haist! Naku naman. Sinasabi ko na nga ba eh. Sinet-up mo to no?”

                “Set-up?! Ano tingin mo sa akin criminal? FYI, hindi kita type. Kung yan ang iniisip mo.” Aba, talaga naman. Hindi lang pala siya amazona kundi ilusyonada pa. Pero aminado ako na ang ganda niya ngayon. Lalo na sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya. *_*

                “FYI din. Hindi rin kita type. Tch. Makaalis na nga.” Agad akong lumabas at sumakay sa kotse. Nakakainis. Bakit sa lahat ng tao, siya pa? Argh. Bakit ko pa kasi natripan maghanap ng ka-textmate nun sembreak.

*flashback*

                “Jiro! Mababaliw na ako sa sobrang boredom.“ Andito ako ngayon sa condo ni Jiro. Buti pa siya may condo kaya nagagawa nya lahat ng gusto nya.  -_-

                “Ang dami mo naman pwedeng gawin bukod sa pagtambay dito sa condo ko. E kung tumulong ka na lang kaya sa paghahandle ng business nyo?”

                “Ayoko. Wala naman akong alam pagdating dyan. Kaya lang naman ako kumuha ng business administration dahil na rin yun ang gusto ni Dad.” Hindi kasi ako mananalo pagdating kay Dad dahil lahat ng gusto nya ang dapat nasusunod.

                “E kung maghanap ka na lang ng ka-textmate? Para naman may ka-....” naputol ang pagsasalita ni Jiro dahil bigla akong sumingit.

“Tama! Teka, asan na ba yun cellphone ko? Ayun!“ kaagad akong nag-imbento ng cellphone number at nag-text.

“Bakit ayaw mo i-text si Lian? Ano bang meron sa inyo ha?” tanong ni Jiro.

“Kami ni Lian? fling lang. Alam mo naman na hindi ako mahilig pumasok sa isang seryosong relationship at saka hindi ako naniniwala sa love love na yan.”

(A.N: Imbento ko lang po yun number. Hehe. )

To: 0943-1230987

Hi! Can you be my textmate? :D

                “Nasasabi mo lang yan ngayon kasi hindi mo pa nakikita ang babaeng para sayo. Yun babaeng magpaparamdam sayo ng pagmamahal.” Ani ni Jiro.

                “Ikaw na ang inlove. Torpe nga lang. Hahahaha!” Oo. Torpe yang si Jiro. Kagwapo-gwapong nilalang sa mundo pero torpe. Hahahaha! May gusto siyang babae ngayon pero hindi ko kilala kung sino.

*BEEP*

From: 0943-1230987

Name please. :)

(Kung sinuswerte ka nga naman. Teka, i-save ko na nga ang number niya.)

Reply to: Textmate :D

Adrian and you?

From: Textmate :D

I’m Jen. :3

(Talaga nga naman sinuswerte ako. Babae pa tong ka-textmate ko. Palitan ko na ulit ang name nya.)

Reply to: Jen :D

So, Jen. Ilang taon ka na? Are you still studying?

From: Jen :D

Yup. I just turned 20 this year.

                “Ang swerte ko talaga, Jiro! May textmate na ako. Babae pa at kasing-edad lang natin.”

                “Talaga? Ang malas naman nun babae. Hahaha!” sabay tawa ni Jiro. Hinagisan ko siya ng throw pillow na agad naman nyang nasalo.

*end of flashback*

Argh. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang i-text or hindi. May usapan pa naman kami ni Jiro kaya kailangan ko pa rin kausapin si Jen. Bahala na nga. Mukha naman siyang mabait. Mabait pag tulog. Hahahaha!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---JENNY’S POV---)

WHAAAAA!!!

Bakit sa dinadami ng Adrian sa mundo, siya pa ang naging ka-textmate ko at crush ko?

WHAAAAA!!!

Andito pa rin kami ni Yumi sa coffee shop. Maya-maya, magsstart na ang shift ko. Kainis. Sayang ang pag-eeffort ko sa damit, sapatos at make-up. Siya lang pala ang mamemeet ko ngayon. TT_TT

                “Oi, Jenny. Ok ka lang ba?” tulala ako ngayon. Hindi ko namalayan na kinuhanan na pala nya ako ng picture gamit ang Ipad.

                “Hahahahaha! Tingnan mo yun itsura mo, Jen.” Pinakita sa akin ni Yumi ang picture ko.

                =_=

Nakakatawa nga dahil magkasalubong na ang kilay ko at halatang disappointed ako sa nangyari sa meet-up namin ni Adrian.

                “Jen, magpalit ka na ng damit. Ako na ang mag-uuwi nyang dress at sapatos. Malapit na ang shift mo. Dumating na din ang ka-shift mo.” Sabay turo sa akin ni Yumi kay Rio na kakapasok lang sa coffee shop. Lumapit ka agad si Rio sa amin.

                “Ohmygad! Sister! You’re so pretty! Nagmana ka talaga sa akin.” Bungad ni Rio kay Jen.

                “Thanks. Hai.” Tipid na sagot ko kay Rio.

                “O, bakit hindi mai-pinta ang mukha mo, gurl? Ano bang nangyari, Yumi?”

                “Yung ka-textmate lang naman niya ay yun tao na kinaiinisan nya sa school. Si Adrian Lee.” Sagot ni Yumi kay Rio.

                “Ohmygad! Really?! Pano na ang lovelife mo, sis? Don’t tell me, mauudlot pa ang pagkakaroon mo ng boyfie.” Tanong ni Rio sa akin. Pano na nga ba? Ang hirap. Ang daming gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam kung saan anggulo ko titingnan at pakikitunguhan si Adrian. As a ka-textmate ba or yun Mr. Mahangin na Adrian sa school?

                “Hindi ko alam, sis. Hindi ko alam kung pano ko pakikitunguhan si Adrian ngayon. Hindi ko alam kung totoo ba yun mga pinakita niya sa akin sa text. Whaaa!!” TT_TT

                “Alam mo, Jen. Madali lang naman eh. Ipakita mo yun tunay na ikaw. Yun pagiging amazona mo pero ipakita mo na may soft side ka din. Pag ginawa mo yun, malalaman mo kung ano ang sagot dyan sa katanungan mo. Siguro nga, mahangin si Adrian sa school pero malay natin diba? May soft side din pala siya. Katulad ng pinakita nya sayo sa text.” Sagot ni Yumi.

                “Agree ako dyan, Yumi! O, pano, Jen? Start na tayo ng shift? Magbihis ka na.” Pag-aagree ni Rio. Siguro nga, dapat ko din bigyan ng chance si Adrian. Jen, fighting! Agad na akong nagpalit at nag-start na mag-trabaho. Si Yumi naman, bumalik na sa condo dala yun sinuot ko na dress at sapatos.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
206K 11.4K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.