Our Asymptotic Love Story (Pu...

By UndeniablyGorgeous

31.8M 812K 1M

Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at... More

Panimula
f(x - 0)
Kabanata f(x - 1)
Kabanata f(x - 2)
Kabanata f(x - 3)
Kabanata f(x - 4)
Kabanata f(x - 5)
Kabanata f(x - 6)
Kabanata f(x - 7)
Kabanata f(x - 8)
Kabanata f(x - 9)
Kabanata f(x - 10)
Kabanata f(x - 11)
Kabanata f(x - 12)
Kabanata f(x - 13)
Kabanata f(x - 14)
Kabanata f(x - 15)
Kabanata f(x - 17)
Kabanata f(x - 18)
Kabanata f(x - 19)
Kabanata f(x - 20)
Kabanata f(x - 21)
Kabanata f(x - 22)
Kabanata f(x - 23)
Kabanata f(x - 24)
Kabanata f(x - 25)
Kabanata f(x - 26)
Kabanata f(x - 27)
Kabanata f(x - 28)
Kabanata f(x - 29)
Kabanata f(x - 30)
Kabanata f(x - 31)
Kabanata f(x - 32)
Kabanata f(x - 33)
Kabanata f(x - 34)
Kabanata f( x - 35)
Kabanata f(x - 36)
Kabanata f(x - 37)
Kabanata f(x - 38)
Kabanata f(x - 39)
Kabanata f(x - 40)
Kabanata f(x - 41)
Kabanata f(x - 42)
Epilogo
Ang Huling Asimptota
OALS Published Books
Other Stories

Kabanata f(x - 16)

622K 16.1K 26.5K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 16]

"Let me ask time has passed
Do you feel this could last
If you dont, why then stay
Take your wings, fly away"

-A1 (One Last Song)



"Aleng! Gising na... Hindi ka na naman ba papasok?" naalimpungatan ako nang tapik-tapikin ni mama ang binti ko. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong pa ni mama habang patuloy pa rin akong ginigising. Ang bigat ng ulo ko, dalawang araw na akong hindi nakatulog ng maayos. Friday na ngayon at wala pa rin akong balak pumasok.

"Ngayon ang laban ng kapatid mo diba? Di mo ba siya papanoorin?" tanong pa ni mama, napamulat naman ako ng mata pero nakatalikod pa din ako kay mama. Oo nga pala, ngayon ang Academic Pasiklaban in Physics Category at si Alex naman ang representative ng course nila.

Napatingin ako sa orasan, malapit na mag-8 am. Ang alam ko 8 am ang umpisa ng contest nila Alex, hindi na rin ako aabot. "Mukhang masama pa ang pakiramdam mo, magtitimpla ako ng salabat" sabi pa ni mama at lumabas na siya sa kwarto namin. Napalingon ako sa bintana, umuulan ngayon... kaya siguro ang bigat bigat na naman ng dibdib ko.

Ang pagkakaiba nga lang alam ko ngayon kung bakit ako nagkakaganito. Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nasaksihan kong pag-uusap ni Sir Nathan at nung girlfriend niya...



"Cassandra please..."

Hinawakan nung babae yung kamay ni Sir at bigla niyang niyakap si Sir Nathan. "I'm sorry, please I love you" tugon pa nung babae habang yakap-yakap ng mahigpit si Sir. Humihikbi yung babae at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap kay Sir Nathan.

Hanggang sa niyakap na rin siya ni Sir Nathan pabalik...

"I love you Nate" sabi pa nung babae pero hindi naman sumagot si Sir Nathan. Ilang sandali pa, Sisilip sana ulit ako kaso naaninag kong papaakyat na silang dalawa kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa taas hanggang fourth floor at doon sumakay na lang ako sa elevator pababa.



Napabangon na lang ako sa inis... Teka nga! Ano bang pakialam ko sa kanila? bakit ba ko naaapektuhan? Ugh! Nasobrahan lang siguro ako ng kaaral ng math para sa contest kaya nagkakaganito na ko. okay lang naman siguro na magpahinga ako matapos ang halos isang buwan na pagrereview kasama si... Sir Nathan. What the heck! Naalala ko na naman siya! Erase! Erase! Erase!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko at nagtaklob ulit ng unan sa mukha. Hindi ako pumasok kahapon at hindi rin ako pumasok ngayon, nakokonsyensya na ko kasi nagsinunggaling pa ko kay mama at papa na masama ang pakiramdam ko.

Pero totoo naman, ang kirot-kirot na naman ng puso ko. siguro kasi umuulan ngayon kaya nararamdaman ko na naman to.

Bumangon na ulit ako at bumaba na sa higaan ko. sa bawat paghakbang ko ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan ko. baka nagkatotoo na nga na may sakit ako dahil sa pagsisinunggaling ko. paglabas ko sa kwarto naabutan kong nasa mesa na sa hapag si mama at sinasalin na niya yung mainit na salabat sa tasa. "Inumin mo na ito anak habang mainit pa..." sabi pa ni mama at inalalayan niya pa ako maupo.

Hindi ko naman mainom agad yung salabat kasi nakakapaso ang init nito. Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni mama "Mabigat na naman ba ang dibdib mo?" tanong ni mama, napatango naman ako. mukhang hindi ko naman na kailangan pang magpanggap na may sakit kasi totoo namang ang sakit ng dibdib ko.

Bigla namang hinimas-himas ni mama ang ulo ko "Hayaan mo anak pag naka-ipon na tayo, ipapa-check up ulit natin yan" sabi pa ni mama at ngumiti siya ng bahagya sa akin.

Pagkatapos ko mag-almusal, bumalik na ulit ako sa kwarto pero sa higaan ni Alex na ako humiga kasi wala na akong gana umakyat pa sa higaan ko. chineck ko na ang phone ko at bumungad na naman sa akin ang sandamak-mak na texts mula kay Jen, Iryn at Leana. Kahapon pa nila ako tinatadtad ng text, nireplayan ko naman sila kaso hindi pa rin sila maawat sa pangungulit sa akin.

Shemay!

Bigla akong napabangon nang makita kong may naligaw na text sa inbox ko.

Nag-text si Sir Nathan!

Kalma lang Aleeza! Kalma lang! whooo!

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang message niya.

All classes in Metro Manila are suspended today. PAG-ASA declared Signal #3 in Metro Manila, Cavite ang Laguna. Keep safe everyone.

Inis na nilapag ko na lang yung phone ko sa gilid ng higaan. Alam niyo yung feeling na sobrang kinabahan ka dahil nagtext siya pero forwarded advisory lang pala. Napataklob na lang ulit ako ng unan, itutulog ko na lang to baka paggising ko mawala na tong weird na nararamdaman ko.





Lumipas na ang dalawang oras hindi pa rin ako makatulog, kung kelan naman kailangan ko ng tulog ayaw naman ako dalawin ng antok. May sumpa rin siguro tong higaan ni Alex. At dahil hindi pa rin ako makatulog bumangon na ako sa kama at naupo na lang sa study table namin. Sinara ko na rin muna yung kurtina ng bintana kasi mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa labas.

Napalingon naman ako sa mga bookshelves at agad napukaw ng atensyon ko yung nobelang 'Our Asymptotically Love Story' kinuha ko na lang iyon at naisip kong ituloy na lang ang pagbabasa niyon kaso bigla akong nagulat nang biglang bumukas ang pintuan sa kwarto ko.

"Ngets!" sigaw ni Jen at dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. "Sabi ko na nga ba! Tinamaan ka lang ng katamaran kaya di ka pumasok kahapon tsaka ngayon eh!" reklamo niya pa at nagawa pang hampasin yung braso ko. Ouch.

"Hindi ka rin pumasok? Bakit-----"

"Kainis nga eh, kaka-suspend lang ng klase kanina kung kelan naman nakapasok na ko sa school haays... tsaka bakit ba hindi ka pumasok kahapon? Pag di ka papasok sabihan mo naman ako para dadamayan kita" tawa niya pa habang nilalapag yung gamit niya sa kwarto namin at nagpapagpag din siya kasi nabasa ng ulan ang sapatos niya.

"Oh... Jenina heto magpunas ka Hija" sabi ni mama sabay abot ng tuwalya kay Jen, napangiti naman si Jen at niloko-loko pa si mama, feel at home na rin kasi si Jen dito sa bahay kaya dire-diretso lang siyang nakapasok dito sa kwarto. "Salamat po mama Cath..." lambing pa ni Jen at pinunasan na niya ang sarili niya. ngumiti naman si mama at naiwan niyang bukas ang pinto, at nakita kong nasa salas na si Alex at nagpupunas din siya ng tuwalya.

"Kasabay mo si Alex papunta dito?" tanong ko, tumango naman si Jen at nilugay na niya yung buhok niya. "Don't worry ngets hindi ko siya inaway ah, kahit pa gustong-gusto ko na siya tanungin kanina kung bakit niya tinurn down ang kapatid ko" tugon pa ni Jen. Sabagay kahit ano namang mangyari, kahit pa hindi kayo masyado magkasundo ng kapatid mo kapag may kaaway naman ito join force pa din kayo.

"Buti natagalan mo ang kasungitan ng kapatid ko" saad ko pa habang inaayos ang mga nakakalat na libro sa ibabang bahagi ng study table. "Hindi naman niya ako sinungitan... di nga lang siya nagsasalita, siguro frustrated siya ngayon kasi hindi natuloy ang competition kanina" wika pa ni Jen dahilan para mapalingon ako kay Alex, ang bagal ng kilos niya at madalas lang siyang nakayuko habang pinupunasan niya ang buhok niyang nabasa ng ulan. Mukhang malungkot din ang kapatid ko ngayon ah.

"Ngets! Nasayo pala to?" narinig kong tugon ni Jen sabay kuha doon sa librong 'Our Asymptotically Love Story' "Ito yung binigay ng hibang kong kapatid sa masungit mong kapatid noh" sabi pa niya. Oo nga pala, si Lily ang nagbigay ng librong iyan kay Alex.

"Kainis... alam mo ba pinakialaman ko lang to sa kwarto ni Lily kasi wala akong magawa noong bakasyon, bagong bili niya to nakabalot pa nga ng plastic eh tapos binuksan ko at binasa... kaso nagalit siya kasi ibibigay daw niya yun kay Alex, hanggang kabanata 6 lang tuloy yung nabasa ko haays" sabi pa ni Jen habang binubuklat-buklat yung libro. Hindi ko pala siya matatanong tungkol sa ending nung kwento kasi mukhang hindi niya pala natapos basahin.

"Kukuha lang ako ng makakain" sabi ko sabay punta sa kusina. Naabutan ko namang nandun si mama at naghahanda na rin ng tanghalian. Tuwang-tuwa pa siya kasi nandito ulit si Jen sa bahay. kumuha na ako ng naka-stock na chips at nagtimpla ng juice. Pagbalik ko sa kwarto naabutan kong parang reyna si Jen na nakadapa sa sahig namin at pinapakialaman na niya yung laptop namin ni Alex. "Ngets, download ka pa ng mga tv show interviews ng Westlife dali!" sabi pa niya habang kinakalikot na yung mga files sa laptop. Inilapag ko naman sa gilid niya yung chips at juice.

Napalingon ako sa salas, nakaupo lang doon si Alex habang nanonood ng TV at hindi pa nagpapalit ng damit kaya tumayo na ako at pinuntahan siya "Sunget, magpalit ka na ng damit magkakasakit ka niyan" paalala ko pa sa kaniya pero tumango lang siya sa akin. Napalingon naman ako sa TV at naweirduhan ako kasi nanonood siya ngayon ng cheesy na morning teleserye. "Okay ka lang ba?" nagtataka kong tanong sa kaniya kasi di ko maimagine na ang masungit kong kapatid ay nanonood ng cheesy romatic teleserye. Weird.

Humarang ako sa tapat ng TV sabay pamewang pa. "Alexander Michael Agcaoili Jr. magpalit ka na ng damit" sermon ko pa sa kaniya, ginaya ko pa yung boses at gestures ni mama kapag napupuno na siya samin.

"T-tabi diyan... Panget!" reklamo niya pa at pilit na pinapaalis ako. nagtaka naman ako kasi parang may kakaiba sa kilos niya, kilala ko tong kapatid ko eh, pag kabado siya trying hard yung pagiging masungit niya, yung tipong nauutal at nag-gagalit-galitan.

Umalis muna ako doon sandali at bumalik sa kusina, at pa-simpleng sumilip mula doon. May kakaiba talaga sa kilos ng tsonggo na to eh, mahuli nga.

Ilang sandali pa, napansin kong nakatulala lang siya doon sa TV, mukha siyang nanonood pero may malalim siyang iniisip. Nanlaki ang mga mata ko ng mahuli kong dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ng kwarto namin kung nasaan ngayon si Jen. At napangiti siya ng konti sabay sandal ulit sa sofa.

Omg! May gusto ang kapatid ko sa bestfriend ko? Halaaa!

Lumabas na ako doon sa kusina at hindi ko inalis ang mga mata ko kay Alex hanggang sa makarating ako sa kwarto. huling-huli ko na siya, dinedeadma niya ako ngayon pero mukhang kinakabahan siya kasi naaamoy ko na ang tinatago niyang kalandian.

Sinilip ko si Jen doon sa kwarto at tawa siya ng tawa sa pinapanood niya sa laptop namin. Napalingon ako kay Alex. Aha! Kaya pala hindi makapagpalit ng damit ang mokong na to kasi di siya makapasok sa kwarto dahil nandun si Jen.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at ako ng kumuha ng damit niya, "Ngets panoorin mo to dali! Si Markus Feehily ang pogi niya talaga!" kinikilig na tugon ni Jen at napapahampas pa siya sa sahig dahil sa tuwa, Si Markus Feehily ang crush na crush ni Jen na member ng Westlife. Wala ako sa mood mag-fan girl ngayon kaya napailing-iling na lang ako sa kaniya. Lumabas na ako sa kwarto pero hindi ko sinara yung pinto para makanaw ng tingin tong si Alex kay Jen.

Binato ko na sa mukha niya yung tuyong damit niya, nagulat naman siya. "Ayan na, magpalit ka na, don't worry di ko sasabihin kay Jen na crush mo siya" pang-asar ko pa sa kaniya dahilan para mas lalong lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. "W-WHAT---?" hindi na niya natapos yung pag-aalboroto niya kasi dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at sinara yun, pero di pa ko makontento kaya binuksan ko ulit yung pinto at binelatan siya sabay sara ulit kasi pinulot na niya yung tsinelas niya at akmang ibabato iyon sa akin.





Sunday na, umaga pa lang abala na kami sa bahay lalo na sa kusina. Mamayang hapon na kasi ang birthday celebration ni Alex dito sa bahay. dumating na din sila tita Rita at tita Meg na pinsan ni mama para tumulong sa amin sa pagluluto. Samantala pumunta naman si papa sa barangay hall para manghiram ng mga silya at tolda kasi itatayo namin iyon sa labas ng bahay. magsisipuntahan din kasi ang lahat ng kamag-anak ni mama at papa. Nararamdaman kong magsisimula na namang ma-echeos ang buhay ko maya-maya, at mag-tetrend na naman ang bansag nila sa akin na 'Aleng'

Sinabay na din kasi ngayon yung celebration ng pagka-panalo ko sa math contest noong Miyerkules. Haays! Naalala ko naman na nakita kong may kasamang babae si Sir Nathan sa hagdan nung Wednesday, ang sakit sa dibdib.

"Oh? Aleng... ako na diyan, mahapdi na mata mo noh?" narinig kong tugon ni tita Meg sabay tabi sa'kin. naghihiwa kasi ako ngayon ng sibuyas at sobrang hapdi nga sa mata, napatingin ulit ako doon sa hinihiwa kong sibuyas Aba! Kamukha ni Sir Nathan tong sibuyas na to ah! pareho lang sila ng sibuyas ang hilig magpaiyak! "Tulungan mo na lang mama mo sa pagkudkod ng carrots doon" sabi pa ni Tita Meg sabay ngiti sa akin, siya na rin ang nagpatuloy sa paghiwa ng sandamak-mak na sibuyas para sa spaghetti. Napatango na lang ako sa kaniya, mabait si tita Meg, maliit lang din siya at payat hawig niya rin si mama, nakapangasawa siya ng Canadian na nireto sa kaniya noon ni tito Ace.

Lumapit na ako kay mama at tinulungan ko siyang magkudkod ng carrots para sa lumpiang shanghai, pero nakaka-dalawang carrots pa lang ako bigla na akong sinita ni mama "Aleng, ayusin mo yan, wag masyadong durog" sita ni mama sabay kuha nung pang-kudkod sa akin. Nagulat naman ako kasi di ko namalayan na na-murder ko na pala yung carrots dahil sa sobrang diin ko sa pagkudkod nito. Napatulala na lang ako doon sa mga nadurog na carrots, Teka! Ganito yung buhok ni Sir Nathan pag messy look siya ah! dapat lang durugin to Ughhh!

"Ako na nga lang dito, tulungan mo na lang ang tita Rita mo sa paggawa ng fruit salad" sabi pa ni mama, gusto ko pa sana supalpalin yung carrots kaso mukhang mabeabeast mode na si mama kasi hindi maayos yung gawa ko kaya tumango na lang ako at lumapit na kay tita Rita na nasa dulo ng mesa at abala sa pagbukas ng malaking delata ng preserved fruits.

"Tara dito Aleng... maghahalo tayo ng prutas" excited na sabi ni tita Rita, si tita Rita ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan, 50 years old na siya pero kahit ganoon sobrang lively at ang energetic niya, parang siya ang babaeng version ni Mr. Pure Energy Gary V. at nag-eenervon araw-araw.

Inilagay na ni tita Rita yung laman ng malaking delata ng fruit salad sa malaking mangkok habang hinalo-halo ko naman iyon Kumakanta-kanta pa siya at may paindak-indak pang nalalaman. Binuksan na rin niya ang gatas, all purpose crème at kondensada at isa-isang binuhos iyon sa mangkok na puno ng iba't-ibang prutas.

Buti si Tita Rita stress free, sana ganiyan din ako pag fifty years old na'ko. hindi pa rin siya maawat sa pagkanta ng 'Build me up Buttercup' by the Foundations. Kahit nakakaindak yung kanta niya parang ayaw pa rin maki-up beat ng katawan ko.

Sabi nila kapag malungkot ka raw kumain ka ng matamis para mag-increase ang sugar level mo at magiging Hyperactive ka. nakita kong may natira pang kalahating lata ng kondensada, napalingon naman ako kay tita Rita na ngayon ay abala sa pagbubukas ng isa pang delata ng fruit salad. Napatingin ulit ako doon sa kondensada, siguro mababa lang ang sugar level ko kaya lugmok na lugmok ako ng ganito at nanghihina ako.

Dali-dali akong kumuha ng kutsara at pinapak ko yung kondensada ng mabilisan habang nakatalikod pa si tita Rita, pagharap niya agad kong ibinuhos yung natirang kondensada doon sa mangkok "Sayang naman tita, lagay na rin natin tong natira" sabi ko pa, napangiti naman si tita Rita, as in yung ngiting tagumpay. "Napaka-praktikal at ang sipag talaga ng pamangkin ko!" puri niya pa sa'kin at pinanggigilan pa ko. siguro kaya hyper lagi si tita Rita kasi lumalaklak din siya ng kondensada.

Ibinuhos na ulit ni tita yung another batch ng fruits at todo pwersa na ako sa paghalo. Inutos din niya na buksan ko na yung isang kilo ng asukal at ilagay ang kalahati doon sa fruit salad. Pero ilang sandali pa bigla akong napatigil at nagulat nang mapasigaw si tita Rita "Sus Maryusep Aleng! Ang asukal!" tili ni tita dahilan para matauhan ako. Hala! naibuhos ko lahat yung isang kilo ng asukal doon sa malaking mangkok ng fruit salad.

"Nako! Magdadagdag na lang ako ng isa pang delata ng prutas para mabawasan ang tamis niyan, siguradong magkaka-diabetes lahat ng kakain niyan" tawa pa ni Tita Rita, buti na lang hindi niya ako pinagalitan. "Tulungan mo na lang ang papa mo mag-ayos ng mga silya sa labas, ako na lang dito" sabi pa ni tita Rita, napatango na lang ako. mukhang tinataboy na rin niya ako sa kusina gaya ni mama at tita Meg kanina. Ano bang nangyayare saken?

Lumabas na ako ng bahay at naabutan kong kinakabit na nila papa at Alex yung tolda sa labas, tumutulong din sa kanila yung mga tambay na lasenggero na kapitbahay namin at nagkwekwentuhan sila tungkol sa lotto, politika, at palakihan ng sweldo.

Naupo na muna ako sa silya, maganda na ang sikat ng araw ngayon. Kahapon pa tumigil ang ulan pero parang nawawala pa rin ako sa sarili hanggang ngayon, at ang bigat-bigat pa rin ng katawan ko. Pumasok na lang ulit ako sa loob ng bahay at nahiga sa kama, siguro kulang lang talaga ako sa tulog.





"Panget! Gising na! andiyan na sila!" narinig kong tugon ni Alex habang niyuyogyog ang balikat ko. inis naman akong napabangon dahil ginising niya ako. "Kanina ka pa hinahanap nila tita Aireen at ng mga pinsan natin" patuloy pa ni Alex habang naglalagay ng gel sa buhok, pilit niyang pinapataas yung buhok niya para magmukhang cool na rock star pero mukha naman siyang preso sa bilibid.

Kinusot-kusot ko na lang ang mata ko, ang bigat pa rin ng ulo ko. nakakainis talaga to si Alex kahit kelan! "Bilisan mo kanina pa kami kumakain, nahiwa na nga rin yung cake na dala ni tita Aireen eh" dagdag pa ni Alex at pa-cool siyang lumabas sa kwarto, mukha naman siyang tuko.

Napatingin ako sa orasan, 6 pm na pala. Medyo madilim na rin dahil palubog na ang araw. bumaba na ako sa higaan at naligo muna saka nagbihis at nag-ayos. Pink shirt at shorts lang sinuot ko, hindi ko na rin tinali ang buhok ko dahil wala ako sa mood. Napansin na rin iyon dati nila Jen na kapag nakatali ang buhok ko masaya ako pero kapag nakalugay ako wala talaga ako sa mood.

Paglabas ko ng kwarto bumungad sa'kin yung limang batang pinsan ko na naglalaro sa salas. Agad silang tumakbo papunta sa'kin at humalik sa pisngi ko. parang biglang nawala yung stress ko dahil sa reaction nila nang makita ako, nag-aagawan pa sila sa pagyakap sa'kin "Wait! Wait! Baka matumba----Ayan" natatawa na lang ako kasi natumba kaming anim. Sinunggaban kasi nila ako ng yakap eh ang lulusog nilang bata kaya heto para akong nasapol ng bola ng bowling.

"Shawn, Reeze, Aya, Mitch at Peng... wag niyong daganan ang ate Aleng niyo! Kayong mga makukulit na bata kayo kumain na kayo, tara sa kusina bubuksan ko na ang ice cream" tugon ni tita Meg, agad namang napatalon sa tuwa yung mga batang pinsan ko at nag-unahan sila sa pagsunod kay tita Meg sa kusina dahil sa ice cream. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila, sana bata na lang din ako na kapag narinig ko ang salitang 'Ice Cream' ay biglang makakalimutan ko ang problema ko, parang wala lang nangyari... masaya na ulit.

"Aleng anak! Gising ka na pala! Halika na dito sa labas" tawag sa'kin ni mama na nakatayo sa pintuan, may dala siyang mga plato, naka-OOTD din si mama ngayon, para siyang Donya dahil sa daming kumikislap na glitters sa blouse niya. nakakulot din ang buhok niya at naka-make up pa siya.

Tumayo na ako mula sa pagkakatumba sa sahig dahil na-knock out ako ng mga batang pinsan ko kanina. "Oh? Bakit naka-pambahay ka lang? magpalit ka at maglagay ka rin ng make up" utos pa sa'kin ni mama pero napailing lang ako at lumambing sa kaniya para hindi na niya ako pilitin pa. "Ikaw talagang bata ka, sige na nga tara na" sabi ni mama sabay hila na sa akin palabas ng bahay. Maingay sa labas at ang daming tao, ang dami ring mga pagkain sa bawat mesa, mga pitong mesa ata ang nandito sa labas at ang dami naming bisita. Karamihan ay mga kapitbahay namin at kamag-anak na dumayo pa dito sa amin.

Apat na malalaking tolda ang nahiram ni papa sa barangay at nasakop na rin namin ang isang lane ng kalsada dito sa street namin dahil sa handaan dito sa bahay. Madami ring mga motor at jeep na naka-park sa helera ng street namin, karamihan ay pagmamay-ari ng mga kaibigan ni papa at mga kamag-anak namin. Si tita Aireen naman ay may dalang van, sinama rin niya lahat ng bata kong pinsan.

May videoke din na nirentahan si papa at eto ang bida sa selebrasyon na'to. kasalukuyang bumibirit ng 'My Way' yung lasing na kaibigan ni papa na si Mang Jun, kasamahang jeepney driver niya rin si Mang Jun. Napatakip na lang ang karamihan sa mga tenga nila dahil sa birit ni Mang Jun na lumihis sa tono ng kanta, umiyak pa yung baby ng kaptibahay namin na kalong-kalong ng nanay niya. hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa nakikita ko, kahit pa sintunado sa pagkanta si Mang Jun todo cheer naman sa kaniya yung tropa nila ni papa. At pinalaklak pa siya ng alak, may nag-request pa ng 'More! More!' at eto naman si Mang Jun eh pinagbigyan sila kaya kumanta pa siya ulit, 'Too much love will kill you by Journey' naman yung kinanta niya, at hindi na maawat yung baby sa pag-iyak ngayon dahil sa boses ni Mang Jun.

Kung nandito lang sila Jen, Iryn at Leana mukhang may makakalaban na si Mang Jun sa biritan sa videoke. Kaya lang hindi sila nakapunta kasi may kani-kaniya silang lakad ngayong araw.

"Aleng! ang paborito kong pamangkin! Ang laki-laki mo na!" bati sa'kin ni tita Aireen na agad akong niyakap, si tita Aireen ang pinaka naging matagumpay sa lahat ng kamag-anak ni mama kasi nakapagtapos siya sa college at naging lawyer. Maganda si tita Aireen, kung iisipin para ko siyang ate kasi magkahawig kaming dalawa, iyon nga lang matangkad siya at sobrang sexy. Malapit na siya mag-40 years old pero wala pa rin siyang asawa.

"Kamusta na? balita ko nanalo ka raw sa math contest! Nako ang galing-galing talaga ng pamangkin ko" patuloy pa ni tita Aireen at pinaggigilan niya rin ako. hinila na niya ako sa table nila, kasama niya ngayon ang iba ko pang mga tita at pinsan na teenagers na hindi ko ganun ka-close. Nagsimula ng magkwento si Tita Aireen, puro advise sa magiging trabaho ko pagka-graduate ko ang sinasabi niya sa'kin, mag-aral daw akong mabuti para pagka-graduate ko dadalhin ako ni tito Ace sa Canada, maging ang love life ko ay ineecheos niya rin.

"Wag ka munang mag-boboyfriend Aleng, panggulo lang yan sa pag-aaral, Oo nga maiinspire ka pero pag nag-away kayo maapektuhan naman ang studies mo" bilin pa ni Tita Aireen habang kinakain yung fruit salad na ginawa namin ni tita Rita kanina. "Ang tamis" komento niya dun sa fruit salad at nangisay pa siya saglit sabay inom ng tubig dahil sa sobrang tamis nung fruit salad.

Napalunok na lang ako sa kaba, mukhang pati yung fruit salad eh nasabotahe ko. "Umamin ka nga Aleng may nanliligaw na ba sayo?" echeos pa ni tita Aireen, napailing naman ako agad. "Wala po tita, walang nangangahas" sagot ko, tumawa naman si tita sabay kain ulit. Inaya niya pa ako kumain pero tumanggi ako kasi wala talaga akong gana. Sinabi ko na lang na kumain na ko kanina kahit hindi pa.

"Siguro naman may crush ka sa school niyo...Ayieee" pang-eecheos pa ni tita, hindi naman ako agad nakasagot. Kung sana nga crush lang eh... pero mukhang higit pa roon.

"Hay Nako pamangkin ko, hindi naman masama magka-crush pero make sure na hindi iyon aabot sa love" bilin pa ni tita Aireen dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya at tumango-tango na lang. "Uhh--- tita, may kukunin lang po ako sa kusina wait lang po" paalam ko sa kaniya, tumango naman siya at inecheos pa ko bago ako nakaalis doon sa pwesto nila. pero napatigil ako sa gitna nang bigla akong tinawag ni papa "Aleng anak halika rito!" tawag pa ni papa at kumakaway-kaway pa siya habang napapalibutan ng tropa niya. lumapit na ako sa kanila at naamoy ko agad yung tapang ng alak na iniinom nila.

"Mga pare! Ipinagmamalaki ko nga pala ang panganay ko, nanalo siya sa contest---Ano nga ulit yung sinalihan mong contest anak?" tugon pa ni papa, natawa na lang ako kasi mukhang lasing na siya at sobrang hyper na rin niya ngayon. nakaka-hyper din pala ang alak, masubukan nga... Ayy hindi pwede masisigawan ako ni papa.

"Math contest po papa" sagot ko at humalakhak naman siya "Oo yun nga yun! Mga pare nanalo sa math contest ang anak ko!" pagmamalaki pa ni papa, natuwa naman ang mga ka-kumpare niya at nag-cheers pa sila habang binabati ako. nakakatuwa lang tingnan sila papa at ang tropa niya, ang alam ko mula pa noong mga binata sila ay tropa-tropa na sila, sabay-sabay din nila pinasok ang hanapbuhay na pagpapasada ng jeep at hanggang ngayon magkakasama pa rin sila.

Matapos ang halos kalahating oras nagpaalam na ako sa kanila, hindi pa rin maawat si papa sa pagmamalaki dahil sa achievements namin ni Alex at walang ding katapusang yung pag-thothrowback nila ng mga memories nila ng mga kaibigan niya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, pero hinarang ako ni tita Meg na nasa kusina habang bitbit ang tatlong gallon ng ice cream "Aleng tulungan mo ako, ilagay mo tong mga ice cream sa mga mesa labas... at eto rin yung mga baso" nagmamadaling tugon ni tita Meg sabay pasa sa'kin nung tatlong gallon ng ice cream at tatlong balot ng plastic cups.

Dahan-dahan akong lumabas sa bahay habang bitbit ang mga iyon, hindi ko rin masyado makita ang daan kasi ang dami kong dala-dala. Pagdating sa labas inilapag ko na muna lahat ng iyon sa mesa nila tita Aireen na nasa bungad lang pinto. "Ice cream naman! Pila-pila na mga bata" tawag ni tita Aireen, agad namang nagtakbuhan yung mga bata papalapit sa amin at nag-uunahan sila pumila. Binuksan ko na yung balot ng plastic cups kaso bigla akong napatigil nang bigla kong marinig na sumigaw si Alex.

"MA! PA! ANDITO NA SI SIR!"

Sinong Sir------

Napanganga na lang ako sa gulat at nabitawan ko pa yung mga plastic cups na hawak ko nang makita ko kung sino yung tinutukoy ni Alex na dumating...



Si Sir Nathan!



SHEMS! ANONG GINAGAWA NIYA DITO?



"Wag niyo na pulutin yan madumi na yan" narinig kong suway ni tita Aireen doon sa mga batang pumulot nung plastic cups na nabitawan ko at ngayon ay nagkalat na sa lupa.

"Goodevening po Ma'm... Sir" bati ni Sir Nathan kay mama at nag-mano pa siya, tumayo naman si papa at nakipag-shake hands kay Sir. Si Alex naman ay nasa tabi nila at todo asikaso kay Sir, habang ako... eto tulala at hindi pa rin makapaniwala na nandito siya ngayon!

Shemay! Baka nananaginip lang ako!

Pero bigla akong napatulala nang magtama ang mga mata namin ni Sir Nathan, bigla siyang ngumiti na parang nahihiya at tumango sa akin. Parang biglang tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo ko, at hindi ko rin namalayan na napatulala na pala ako sa kaniya, hindi siya naka-formal polo attire ngayon. naka-green chekered shirt lang siya at gray pants, messy din ang brown hair niya at mukha lang siyang college student. Grabe! Hindi ko akalaing makikita ko si Sir sa ibang anyo, palagi kasing polo ang suot niya at ngayon lang siya nag-casual.

"Nako! Kay gwapong binata naman pala ng Ser Ethan niyo" puri pa ni mama at pinanggigilan din niya si Sir Nathan na namumula na sa hiya ngayon. "Ma! Sir Nathan po... Sir Nathan Abrantes" pag-correct ni Alex kay mama napahalakhak naman si mama at hinila na si Sir Nathan paupo sa isang table na malapit kina papa. Shems! Anong gagawin ko? lalapit ba ako sa kanila? Wait! Di pa ko ready!

"ALENG! HALIKA RITO ANDITO TITSER MO!" sigaw ni mama na parang nasa kabilang bundok ako, napatigil tuloy sa pagkanta si Mang Jun sa karaoke dahil sa sigaw ni mama, at ngayon lahat na ng tao dito ay nakatingin sa akin, tanging ang background music na lang ng videoke ang umaalingangaw sa paligid.

"O-opo M-ma" halos pabulong kong sagot na medyo nahihiya dahil ang ingay ingay ni mama. Buti na lang nagpatuloy na ulit sa pagkanta si Mang Jun at bumalik na ulit sa normal ang lahat habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga bisita. Ang puso ko na lang siguro ang hindi normal sa mg oras na'to.

Naglakad na ako papalapit sa kanila at hindi ko magawang makatingin ng diretso kay Sir Nathan na nakaupo na ngayon sa isang mesa, si Alex, mama at tita Meg ay hindi na magkanda-ugaga sa paglalagay ng pagkain sa mesa ni Sir, "H-hi Sir" bati ko sa kaniya, napangiti naman siya.

"Kamusta na? hindi ka pumasok nung Friday" tanong niya, magsasalita na sana ako kaso biglang sumingit si mama habang dala-dala ang fruit salad at inilapag iyon sa mesa ni Sir! Hala!

"Ser Nathan Maraming Maraming Salamat talaga sa paggabay sa anak ko, Nakwento nga sa'kin ni Aleng na napakagaling niyo raw magturo" sabi pa ni mama sabay akbay sa'kin, napangiti naman si Sir Nathan yung tipong nahihiyang ngiti dahil siya ang nasa spotlight ngayon.

Maging ang mga bata kong pinsan ay lumapit sa kaniya at tinititigan siya, yung iba naman naming mga kapitbahay na malalandutay ay nagbulong-bulungan na at kinikilig pa. "Bukod doon napakagwapo niyo rin po pala Ser Nathan... siguradong maswerte ang magiging girlpren niyo, may girlpren na ba kayo Ser? Nako kung wala pa, madami akong irereto sa inyo" echeos pa ni mama, natawa naman si Sir Nathan at parang naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko sa tapat niya dahil nakita ko na naman ang ngiti niyang labas ngipin. Nag-umpisa naman si mama magbanggit ng mga pangalan, puro mga dalagang anak ng mga kumare niya ang binabanggit niya. muntik na ngang masama si tita Aireen kaso masyado ng matanda si tita Aireen para kay Sir Nathan.

"Salamat po Mrs.Agcaoili pero may nagmamay-ari na po ng puso ko" tawa pa ni Sir Nathan na mas ikinatuwa rin ni mama, kinagulat naman ni Alex at ikinataas naman ng kilay ko. Shems!

"Tita Cath na lang ang itawag mo sa'kin hijo, masyadong pormal ang Mrs.Agcaoili" tawa pa ni mama at naupo na siya sa tabi ni Sir Nathan, nagkwentuhan naman sila sa bagay-bagay at kung ano-ano pang mga binida ni mama tungkol sa akin at kay Alex.

Naupo na rin ako sa tabi ni mama, samantalang si Alex naman ay nasa tabi ni Sir Nathan, lumapit na rin sila tita Aireen at ang iba pa naming mga kamag-anak at buong pagmamalaki ni mama na pinakilala sa kanila si Sir Nathan, mukha tuloy anak din ni mama si Sir kasi proud na proud siyang ipakilala ito sa mga kamag-anak at kapit-bahay namin.

"Mga kumare si Sir Nathan nga pala, titser nila Aleng at totoy" masiglang tugon ni mama, "MA!" sabay naming reklamo ni Alex kasi tinawag kami ni mama na Aleng at Totoy sa harapan ni Sir Nathan pero hindi kami pinansin ni mama kasi busy pa siya sa mga kumare niya, mainit namang sinalubong si Sir ng mga kamag-anak at kapitbahay namin at tuwang-tuwa rin ang lahat na makilala siya. napatingin naman ako kay Sir na mukhang nag-eenjoy din na makilala ang lahat at makipag-kwentuhan sa kanila.

Naalala ko bigla yung sitwasyon niya sa pamilya niya, malayo ang lahat sa kaniya at mag-isa lang siya dito sa Pilipinas. samantalang ako eto napapalibutan ng mga mapagmahal na mga kamag-anak at kapit-bahay kahit pa hindi kami kasing yaman niya.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ko si Sir, kitang-kita ko ang saya sa mata niya dahil welcome na welcome siya dito sa amin. Yung close family ties ng mga magkakamag-anak at kapitbahay ay hinding-hindi talaga matutumbasan ng pera. Kaya nga kahit hindi ganun kalaki ang kinikita ni mama at papa nag-ipon talaga sila para lang mapaghandaan ang birthday ni Alex at ang celebration ng pagkapanalo ko dahil sa mga okasyong ganito lang nakakapag-tipon tipon kaming magkakamag-anak.

"Ate Panget" tawag sa'kin ni Alex dahilan para matauhan ako, nakataas na yung kilay niya ngayon sa'kin sabay tingin kay Sir at tingin ulit sa'kin. "Don't worry hindi ko rin sasabihin kay sir Nathan na crush mo siya" banat pa ni Alex sabay tawa, yung tawang nang-aasar. Shems! Nahuli niya ako!

Buti na lang busy si Sir Nathan habang kumakain at kausap sila mama, tita Meg at tita Rita kaya hindi niya narinig yung sinabi ni Alex. Kainis! Mukhang na-karma ako neto ah.

"Talaga? ano bang paboritong pagkain hijo?" tanong ni mama kay Sir Nathan, ngumiti naman si Sir "Kaldereta po tita... lalo na poi tong luto niyo" sagot niya at mas tuwang-tuwa na ngayon sila mama at ang mga tita ko dahil puring-puri ang mga niluto nila. "Nako maraming salamat hijo, hayaan mo ipagluluto kita ng kaldereta at ipapaabot ko na lang kay Aleng" sabi pa ni mama, bakas na bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya kay Sir, magaling din naman kasi makisama si Sir at mukhang mabenta talaga siya sa mga matatanda.

Nagulat naman ako na yung fruit salad na ngayon yung kakainin ni Sir! Halaaa! "Si Aleeza ang katulong kong gumawa niyan" pagmamalaki ni tita Rita kay Sir Nathan. napangiti naman si sir sabay subo doon sa fruit salad, nahuli kong napakunot yung kilay niya at nahirapan din siya lunukin yung fruit salad dahil sa sobrang tamis. "I-it's good" sabi na lang ni sir sabay inom ng tubig. Sabi na nga ba eh!

Nagpatuloy pa sila sa pagkwekwentuhan habang kumakain na lang ako ng ice cream at pinapanood ko sila papa at ang tropa niya na nagtatawanan ng malakas. Kinakabahan ako baka yayain ni papa uminom si Sir Nathan haays.

"Buti na lang hijo napagtiyagaan mong turuan ang anak kong si Aleng, medyo tamad kasi yan mag-aral palibhasa marunong na raw siya sa math, nito nga lang nakaraan nagdadahilan na hindi papasok eh" chika pa ni mama kay Sir Nathan dahilan para matawa si Sir at mapatingin sa akin. Omaygash! Anong nangyayare? Baka nakakalimutan na ni mama na ako ang anak niya!

"Talaga po? Sa klase naman ay masipag siya at madalas nag-rerecite, hindi rin po siya nag-absent sa lecture sessions namin at palagi pa siyang maaga dumating" sagot naman ni Sir sabay tingin ulit sa'kin. napalunok na lang ako dahil sa kaba kasi sabay-sabay napangiti ng nakaka-echeos sila mama, tita Meg, tita Rita at tita Aireen sa akin, idagdag mo pa ang nakakakabang pangiti-ngiti rin ni Alex at may patango-tango pang nalalaman, Okay so laglagan na this! Grabe! Pinagkakanulo ako ng mga kamag-anak ko huhu.

"Sabi na nga ba eh! Ikaw talaga Aleng ah! may pa-sikre-sikreto ka pang nalalaman diyan" pang-asar pa ni tita Aireen at binigyan niya ako ng aha-alam-na-namin-ang-secret-mo-look. napailing-iling na lang ako at winawagayway ko pa ang kamay ko para itanggi ang mga iniisip nila. Mas lalo pa akong kinabahan kasi si Sir nakatingin na sa akin ngayon at nakangiti siya, yung ngiting nahihiya.

"Ahh--N-nagkakamali po kayo... W-wala po akong cru----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita na si tita Aireen.

"Okay lang naman yan Aleng, mas matutuwa nga kami eh, kaya lang bakit mo pa kailangan isekreto?" echeos pa ni tita Aireen at silang lahat ay nakangiting nang-eecheos na sa akin. Gosh! kailangan ko bang ipagsigawan sa buong mundo na crush ko si Sir Nathan? Required ba yun?

"A-ano kasi... W-wala naman talaga akong cru----"

"Wag kang mag-alala anak isesekreto lang natin to sa papa mo, mag-aral ka lang ng mabuti at maging dean lister para masurpresa siya, ikaw talaga akala pa man din namin hindi ka na nag-aayos sa pag-aaral" sabi pa ni mama sabay akap sa'kin. napatulala na lang ako sa kanila, Whuuut?

So ang iniisip pala nila ay sinesekreto ko ang pag-aaral ko ng mabuti para isurprise sila pag naging dean's lister ako? Whew! Yun lang pala yun, akala ko pa naman alam na nila na crush ko si sir---Ay shems!

Nagpatuloy ulit ang usapan buti na lang nalihis na yung topic at hindi na ako ang pinag-uusapan at ineecheos nila. nalaman ko na kaya pala invited ngayon dito si Sir Nathan kasi inimbitahan siya ni Alex dahil si Sir Nathan din pala ang mentor niya. Gosh! Oo nga pala Physics talaga ang major ni Sir Nathan at si Alex ang representative sa Physics Category.





10 pm na nagpaalam na sila tita Aireen kasama ang mga bata kong pinsan dahil may pasok pa bukas. Maging ang iba naming mga kamag-anak ay umuwi na rin. Sila tita Meg at tita Rita ay dito muna matutulog sa amin, bukas na lang daw sila babyahe pauwi sa Ternate, Cavite.

Sila papa na lang, ang tropa niya at ang iba pa naming mga kapitbahay ang nandito ngayon. ilang saglit pa nagpaalam na rin si Sir Nathan, "Tita, mauuna na po ako, maraming salamat po sa pag-imbita niyo" nakangiting tugon ni Sir sabay mano ulit sa kamay ni mama na ikinagalak ni mama kasi bihira na lang daw ngayon ang nag-mamano.

"Sige hijo mag-iingat ka sa pag-uwi, at sana makapasyal ka ulit dito sa amin... Ah! sa birthday ni Aleng sa December 13 maghahanda ulit kami, sana makadaan ka dito" magiliw na sagot ni mama habang tinatapik-tapik ang balikat ni Sir. Bigla namang napatingin sa akin si Sir sabay ngiti ulit "Opo tita, pupunta pa ako sa December 13" sagot niya. ang tanong makakapunta pa kaya siya? mukhang magiging busy na siya sa girlfriend niya.

"May dala ka bang sasakyan hijo? Saan ka nagparada?"

"Sa tabi po ng basketball court ko pinark ang kotse" sagot ni Sir, hala! ang layo pa nun ah. napatingin naman si mama kina papa at mukhang lasing na lasing na ang mga ito, hindi na nila masasamahan si Sir Nathan. Hinanap din ni mama si Alex pero nagpunta ito sa barangay hall kasi inutusan siya ni papa kanina na magdala doon ng pagkain bilang pasasalamat.

"Aleng, ikaw na lang ang maghatid kay Ser Nathan sa basketbolan, baka maligaw pa si Ser" utos sa'kin ni mama dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya, "Sige hijo, maraming salamat at pagpalain ka nawa ng Diyos" paalam pa ni mama kay Sir Nathan, magrereact pa sana ako kaso tinawag na si mama nung isa niyang kumare sa palengke na nagpapaalam na din. Shemay! Anong gagawin ko?

Nanatili lang kaming nakatayo doon ni Sir Nathan sa labas ng tolda, habang yung kamay niya ay nakasuksok sa bulsa niya. "Ahh---Sir tara na po" sabi ko na lang at nag-umpisa na akong maglakad pero bigla siyang nagsalita.

"I think its better if you change your clothes" sabi niya, napatingin naman ako sa damit ko. naka-pink shirt lang naman ako at shorts, anong problema dun?

"Tara na sir, gagabihin na kayo oh" sabi ko pa sabay lakad ulit pero hindi pa rin siya umalis doon sa kinatatayuan niya. "Tama ka gabi na at mas delikado kung ganiyan ang suot mo" lecture niya pa. Ah! so nagrereklamo pala siya kasi naka-short ako ngayon. hindi naman masyadong maikli yung short ko ah, yung tama lang.

Tiningnan ko lang si Sir at mukhang hindi talaga siya aalis doon hangga't hindi ako nagpapalit, haays! Ang conservative naman nito ni Sir. "Sige na po, magpapalit na po" sabi ko na lang at dire-diretso na akong pumasok sa bahay at nagpalit ng pants. May pagka-conservative side din pala si Sir, ang dami ko pa palang hindi nalalaman sa kaniya.



Paglabas ko ng bahay nanlaki ang mga mata ko nang madatnan kong pinapatungga nila papa si Sir Nathan ng alak. Waaaahhh!

"PA!" sigaw ko pa at agad akong napatakbo sa kanila pero huli na ang lahat kasi nainom na ni Sir yung isang shot ng alak. Halaaa! "Yun oh! Isa pa hijo!" kantyaw pa nila papa at ng tropa niya, napahawak naman ako sa braso ni Sir, namumula na ngayon yung mukha niya, naka-ilang shot na ba siya?

"Pang-lima na to! pagbigyan mo na kami toy!" kantyaw pa ni Mang Jun sabay tagay ulit doon sa maliit na baso at inabot kay Sir Nathan. Shems! Naka-apat na shot na pala si Sir! Napatingin naman ako kay Sir at mukhang ayaw na niya pero nahihiya siyang tumanggi sa kanila. akmang kukunin na niya yung baso pero agad ko silang pinigilan. "Pa! Mang Jun! mag-didrive pa po si Sir pauwi" reklamo ko napatahimik naman sila at napakurap-kurap pa sa'kin, parang nag-tatravel pa lang ngayon yung sinabi ko sa utak nila dahil sa matinding kalasingan.

"Ganun ba? *hik* Sige na ligtas ka na hijo! Pero sa susunod *hik* aasahan naming makakainuman ka namin dito ha!" tugon pa ni papa habang winawasiwas yung alak at papungay-pungay na ang mata niya. "O-opo Mr.Agcaoili" sagot ni Sir at napatango siya. nagsimula na namang mag-ingay at magtunggaan sila papa at yung tropa niya kaya hinila ko na agad si Sir papalayo sa kanila. Grabe! Nag-iiba talaga si papa pag nalalasing.





"Sir naman bakit po kayo pumayag?" reklamo ko kay Sir habang hila-hila ko siya at naglalakad kami ng mabilis papalayo sa bahay. "Ang alin? na babalik ako sa inyo?" tanong niya dahilan para mapatigil ako at marealize ko na hawak-hawak ko pa rin pala ang braso niya habang hinihila siya. agad akong napabitaw sa knaiya at lumayo pa ko ng kaunti, nakangiti siya ngayon sa akin, yung ngiting nanloloko. May amats na ba to si Sir? Ang bilis naman.

"A-ang ibig kong sabihin sir... bakit ka uminom?" reklamo ko ulit pero tinawanan lang ako ni sir at napansin kong binagalan niya ang paglalakad niya, nahihilo na ba siya?

"Hindi ako makatanggi sa papa mo and besides... gusto ko rin sila makakwentuhan" nakangiting sagot ni Sir, napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at sinabayan ko na lang din ang mabagal niyang lakad. Para kaming naglalakad sa prusisyon nito.

Wala ng katao-tao sa labas halos naki-party kasi ang lahat ng kapitbahay namin kanina sa bahay kaya ngayon busog na busog na sila at nasa loob na ng mga bahay nila. "You know what... ang saya ng pamilya niyo" sabi pa niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya, kanina pa siya nakangiti mula ng dumating siya sa bahay. "You're so lucky... as always" dagdag niya pa habang nakangiti pa rin sabay tingin ulit sa akin. A-anong?

Napatigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil na rin ako "You're intelligent, you have a lot of friends, you have a wonderful family and... you have the looks to make any man fall in love" tugon niya, hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa dahil sa huling sinabi niya, bukod pala sa conservative to si sir may pagka-bolero at echeosero pa. "What's funny?"

"W-wala po sir, lasing lang talaga kayo... tara na po" sabi ko na lang at nagsimula ng maglakad pero nakaka-tatlong hakbang pa lang ako narinig kong nagsalita ulit siya, "Hindi ako lasing... Aleng" sabi pa niya dahilan para bigla akong mapalingon sa kaniya. WHUUT?

Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya habang tumatawa na ngayon, Aba't sinasabi ko na nga ba! Akala ko pa naman hindi niya napapansin kanina na tinatawag ako ng buong bayan na 'Aleng' Ughh. Lasing na talaga si Sir! Pano na to?

Humakbang na ako pabalik sa kaniya at hinila ko na ulit siya, baka abutin na kami ng umaga dito sa kalsada dahil sa kaecheosan ni Sir. Pero nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan yung kamay ko na nasa braso niya, "Anyway... You can call me Natong, Nice to meet you Aleng" ngiti pa ni Sir at inayos niya ang kamay namin na magkahawak na parang nag-shashake hands.

Napatulala lang ako sa kaniya dahil sa ginagawa niya, pero ilang saglit lang napangiti na rin ako kasi mukha kaming shunga doon sa kalsada habang nagshashake hands. Idagdag pa ang mabahong mga palayaw namin. "N-natong ang nickname niyo sir?"

Tumango-tango naman si Sir at naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa ngiti niya "Ang baho noh, pero mas mabaho yung sayo Aleng" pang-asar pa ni Sir, natapos na yung pagshashake hands namin at nagsimula na siyang maglakad, samantalang ako eh naiwan lang doon na tulala at nakatitig sa kamay ko. My Gosh! first time kong mahawakan ang kamay ni Sir! Dugdugdugdug!

"You're the first person to know my old nickname" tugon pa ni sir habang patuloy pa ring naglalakad at nakatalikod sa akin. Ibig sabihin, sa akin niya lang sinabi ang nickname niya?

Sabi nga nila, kapag last name mo ang tawag sayo ng isang tao, hindi kayo close. Kapag buong first name mo naman, hindi pa kayo ganoon ka-close, kapag may bansag na siya sayo o pinaikli ang pangalan mo, close na kayo, pero ang tawagin ka ng isang tao sa palayaw mo na kinagisnan mo mula pagkabata... close na close na kayo.

So ibig sabihin... kampante na si sir sa'kin kasi sinabi niya sa'kin ang palayaw niya?

"Come on Aleng... gagabihin na tayo" tawag pa ni sir dahilan para matauhan ako at humabol na sa kaniya, medyo nakakalayo na rin siya sa paglalakad. pero hindi pa man ako nakakaabot sa kaniya bigla ng pumatak ang ulan, Hala!

Napatingala si sir sa kalangitan, "Sir umuulan!" tawag ko sa kaniya pero hindi siya gumalaw doon, Shemay! Lasing na nga talaga to si sir! Dali-dali ko siyang hinila at sumilong kami sa isang waiting shed dito sa tabi ng basketball court ng barangay namin. Natanaw ko na yung kotse ni sir na nasa dulo naka-park sa tabi ng entrance ng basketball court.

"Alam ko na kung bakit umulan ngayon... wala kang dalang payong" sabi pa ni sir habang nakatulala pa rin sa ulan. Ang weird pala ni sir malasing, ano ng gagawin ko? hindi ko rin nadala yung phone ko. teka nga! bakit niya sineryoso yung joke kong yun haays.

"Sir, okay lang po ba kayo? Nahihilo na po ba kayo?" tanong ko pa sa kaniya at lumapit ako ng konti para singhutin siya, nagulat naman ako kasi saktong napalingon siya sa'kin at nahuli niya akong sinisinghot ko siya. Omaygashh!

"Sabi ko nga di ka amoy alak sir hehe"

Napaatras na lang ulit ako at nagpalingon-lingon sa paligid, grabe! Bakit ang init dito?

Walang ibang tao na naglalakad sa street namin, sarado na rin ang basketball court, tanging kaming dalawa lang ni sir dito sa waiting shed ng barangay namin na medyo sira na, punong-puno na rin ng vandalism at graffiti ang mga bakal at pader ng waiting shed at ang daming basura ng chichirya sa gilid.

Mukhang hindi naman napansin ni sir na sininghot ko siya kasi binalik na niya ulit yung tingin niya doon sa ulan. "Hindi ako lasing, I'll prove it" sabi pa ni sir sabay lahad ulit ng palad niya sa ulan upang saluhin ito. Okay... so... pano na?

"Narinig mo na ba ang Alamat ng Ulan?" patuloy pa ni sir habang nakatitig pa rin sa ulan na medyo malakas na ang pagbuhos ngayon. dahilan para medyo mapaatras ako kasi tumatalsik yung putik sa kalsada.

Napaisip naman ako, "Ah-Opo sir, sabi nila kaya raw umuulan dahil may isang diwata ang matagal na naghintay sa muling pagbabalik ng kaniyang minamahal ngunit nabigo siya... nabigo siya sa pag-ibig" panimula ko, hindi ko namalayan na napatitig na rin pala ako sa ulan na patuloy na bumubuhos pa rin hanggang ngayon.

"Ang sabi ng diwata sa mortal na lalaking kasintahan niya bago ito umalis... 'Kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at siguradong mababasa ka ng luha ko" patuloy ko pa, matagal ko ng narinig ang alamat na ito, hindi ko matandaan kung kelan o saan pero sa tuwing umuulan naalala ko ang masaklap na kwentong iyon.

Napalingon naman ako kay Sir Nathan at nagulat ako kasi kanina pa pala siya nakatingin sa'kin. "Alam mo ba kung bakit hindi bumalik ang kasintahan ng diwata?" tanong pa ni sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. sandali akong hindi nakapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Bigla namang napangiti si sir, "See? Alam mo ang Alamat ng Ulan, alam mo rin na nabigo sa pag-ibig ang diwata at ang sinabi niya sa binatang iyon bago sila magkahiwalay... pero hindi mo alam ang dahilan kung bakit hindi na bumalik ang kasintahan niya, hindi mo alam ang buong kwento" tugon pa ni sir at dahil dun napatulala lang ako sa kaniya at napatango-tango na lang. Oo nga noh, bakit hindi ko naisip yun dati? Bakit hindi ko inalam yung dahilan kung bakit hindi bumalik ang kasintahan ng diwata? Bakit ang panig lang nung diwata ang pinahalagahan ko?

Napalingon naman ako kay sir, mukhang alam niya ata ang buong kwento. Mahilig din pala si sir sa mga alamat eh. "Bakit po hindi na bumalik yung kasintahan ng diwata?" tanong ko sa kaniya, sandali namang hindi umimik si sir, akala ko hindi niya narinig yung sinabi ko kaya sasabihin ko sana ulit kaso nagsalita na siya habang nakatitig na sa ulan.



Noong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa Clariza ang kanyang pangalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng dagat. Isangaraw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag, napansin siya nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad naman siyang nilapitan nito at magalang na nagpakilala.

"Magandang araw sa iyo, magandang dilag, ako nga pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong pangalan?". Napatitig ang dyosa sa kanya at sumagot na may halong takot ang tono ng boses

"ah, ehh .. Clariza ang pangalan ko"

"Ikinalulugod kong makilala ka" sagot naman ni Jac habang ngumingiti. Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang dalawa, nalaman ni Jac na dyosa si Clariza ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi sila magkamabutihan. Naging magaan ang loob nila sa isa't isa at naging matalik na magkaibigan. Sabay nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na naglalaro ng mga buhangin, naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang pinagmamasdan ang buwan at mga nagniningning na bituin.

Araw-araw nila itong ginagawa at bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Dahil sa dalas ng kanilang pagkikita, hindi nila namalayang nahulog na sila sa isa't isa at hindi naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating ang araw na kinakailangan nang umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit nangako ito na babalik siya pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang nagkita at madalas na magtagpo. Bago pa man makaalis si Jac ay niyakap siya ng Dyosa ng mahigpit sabay sabing "kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko"

Maraming taon na ang nagdaan ngunit ang dyosa ay hindi na muling binalikan ng kanyang sinisintang manlalayag. Labis-labis ang kanyang pag-aalala kaya naisipan niya itong hanapin. Datapwa't sa kanyang paghahanap ay nakita niyang may kasamang ibang babae si Jac, sabay silang nagsisimba at namamasyal sa plaza. Nalaman niyang umiibig ang kanyang sinisinta sa kapwa niya tao. Hindi maikakaila na labis na nasaktan si Dyosa Clariza sa kanyang mga nakita sapagkat si Jac ay minahal at pinagkatiwalaan talaga niya, ngunit sa kabila ng sakit na kanyang nadarama ay nangibabaw parin ang tunay na pagmamahal sa sinisinta kaya naman hindi na niya ito ginambala pa at hinayaan nalang na sumaya sa piling ng iba.

Sa kanyang pagpaparaya, bumalik siya sa kalangitan at doon inilabas lahat ng sama ng loob, lungkot at pighati na nararamdaman. Nagdulot ito ng paglabas ng napakaraming luha sa kanyang mga magagandang mata, naipon sa ulap at naging tubig. Hindi naglaon ay bumagsak ito sa lupa, at sa pagbagsak ng tubig mula sa ulap ay nabasa ngang tunay si Jac dahil dito naalala niya ang huling tugon sa kanya ni Dyosa Clariza na dati niyang sinisinta "kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong mababasa ka ng luha ko". Mula noon ay tinawag niya itong ULAN na ang ibig sabihin ay "Luhang nagmula sa ULAP"



"Ngayon alam mo na ang tunay na kwento sa likod ng alamat, ang kasintahan ng diwata ay may nahanap ng ibang babaeng magpapaligaya sa kaniya" sagot ni sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon naramdaman ko na naman ang kakaibang kirot sa puso na hindi ko maunawaan.

Bakit? Bakit nagawang iwan, paghintayin ng matagal at ipagpalit ng lalaking iyon ang diwatang labis na nagmamahal sa kaniya?

Napatingala na lang ako sa kalangitan, kahit pa hindi ko masyado makita ang pagbagsak ng ulan mula sa ulap dahil gabi na, hindi ko pa rin mapigilang malungkot at maawa sa sinapit ng diwatang iyon. Bakit kailangang maging ganoon ang katapusan ng kwento nila?







Kinabukasan, pagkatapos ng klase, hindi pa kami umuwi at tumambay muna kami nila Jen, Iryn at Leana sa library dahil nag-aaral sila ngayon ng todo para sa long quiz namin bukas. Pero wala akong gana mag-aral, nakatulala lang ako ngayon sa labas ng bintana ng library. Bakit kaya umuulan na naman ngayon? may dala naman akong payong ah.

Ilang saglit pa, nakita kong pumasok si Sir Albert sa library at may dala-dala siyang madaming libro ng history, nagpaalam na ako sa kanila at sumunod kay Sir Albert na ngayon ay kakaupo pa lang sa isang table sa gitna. "Tatang!" tawag ko ulit sa kaniya, napatingala naman si Sir Albert at napangiti, "Oh anak, nakukutuban ko na nais mo na namang magpakwento" tawa pa ni Sir, napangiti na lang ako at naupo na sa tapat ng table niya.

"Bakit ba sir pag nakikita niyo ko lagi niyo na lang sinasabi na magpapakwento ako" biro ko pa, natawa naman si sir at isinuot na niya ang salamin niya sa mata. "Kilala na kita Hija, sa tingin mo pa lang alam kong may nais ka na namang malaman" natatawang sagot ni sir habang binubuklat na niya yung makakapal na aklat niya sa kasaysayan.

"Hindi ba kayo sir napapagod? Hindi kayo nagsasawa magbasa ng ganiyang kadaming detalye?" tanong ko pa, napatingin naman sa akin si sir sabay iling-iling at tinawanan na naman ako. "Ikaw talaga hija, masyado kang mausisa... ang isang bagay na gustong-gusto mo gawin ay hindi mo kapapaguran at pagsasawaan kailanman" sagot pa ni Sir Albert, napatango-tango naman ako. ang dami talagang wise words nito ni sir.

"Halimbawa na lamang ng pagkahilig mo sa math" patuloy pa ni sir, Oo nga noh. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong pa ni sir, napangiti na lang ako. "Sino po si Limahong? Nabanggit po kasi siya sa nobelang binabasa ko, pero hindi ko po siya kilala" tugon ko, napangiti naman ng malawak si Sir Albert at sinimulan na niyang buklatin ang pahina ng kaniyang libro.

(Limahong)

Si Limahong ay isang piratang intsik na nagtangkang sakupin ang hilagang bahagi ng Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1574. Mula pa pagkabata ay namulat na si Limahong sa mga gawaing krimen katulad ng pagnanakaw. Nakilala niya si Tial-lao na isang matandang pirata sa China, nang mamatay si Tial-lao si Limahong ang naging bagong pinuno ng halos 2,000 pirata. Ang madalas nilang pag-atake sa timog bahagi ng China ay naging dahilan ng pagnanais ng mga nasa mataas na katungkulan sa China na siya'y mahuli. Kung kaya't naglakbay ang pangkat nila Limahong palayo, nakuha rin niya ang mga barko ng pirating si Vin To Quiam hanggang sa ituring ng pinakamakapangyarihang hari si Limahong sa karagatan ng timog bahagi ng China.

Noong 1573, nakarating ang pangkat ni Limahong kasama ang 3,000 mga pirata sa isla ng Luzon, at doon nagtayo sila ng kaharian at nakipagdigmaan sa mga Kastila, ngunit ang kanilang panig ay humihina ang pwersa laban sa mga Kastila sa pamumuno ni Juan de Salcedo, kung kaya't umurong sila Limahong papunta sa Ilocos Sur. Noong 1574, napagtanto nila Limahong na hindi ganoon kalakas ang depensa ng Maynila kahit pa napakaraming Kastila roon. Kung kaya't inatake nila ang Maynila pero hindi sila nagtagumpay, ngunit napatay naman nila si Martin de Goiti, ang isa sa mga kauna-unahang pinuno ng hukbo na kasama ni Miguel Lopez de Legaspi na dumating sa Pilipinas. marami ring mga Pilipino ang namatay sa pamumuno naman ni Rajah Lakandula laban sa pangkat nila Limahong.



(image of Limahong fort based on oral accounts;according to some sources it was built with bamboo and other kind of wood; inside the fort there was a pagoda too)

Umatras sila Limahong patungo sa Pangasinan kung saan itinayo niya roon ang sariling kaharian. Ang mga mamamayan ng Pangasinan ay naging bihag habang patuloy pa rin ang digmaan sa pagitan nila Limahong at ng hukbong kastila na pinamumunuan ni Juan de Salcedo, ang digmaan ay tumagal ng halos pitong buwan. Natalo ang pangkat nila Limahong kung kaya't tumakas na ito at naglaho, pinapaniwalaang nagtungo si Limahong sa Taiwan. Ayon kay Restituto Basa (author of Footnores on Pangasinan History and the story of Dagupan) si Limahong ay kinasal kay Prinsesa Kabontatala na siyang tumulong sa kanila sa paghuhukay ng daan upang makatakas. Ang "Limahong Channel" ay pinaniniwalaang hinukay ng anim na buwan na ayon sa planong pagtakas kung sakaling hindi sila magtagumpay sa pagsakop sa Maynila.



Napatulala na lang ako ng matapos magkwento si Sir Albert. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang pangamba noon ng mga Kastila sa presensiya ng mga intsik sa Pilipinas, lalo na ang patuloy na pagdami ng lahi nila kung kaya't ang bawat galaw noon ng mga intsik ay minamanmanan nila dahil baka maulit muli ang nangyaring digmaan na pinasimulan ni Limahong.





6 pm na, nakaupo lang ako sa labas ng building namin, ang lakas ng ulan ngayon, hindi na ako nagtangkang sumugod sa ulan kahit pa may dala akong payong kasi siguradong masisira ang payong ko sa lakas ng hangin at ulan.

Nakauwi na rin kanina pa sila Jen, Iryn at Leana, mahigit isang oras pa kasi kami nagkwentuhan ni Sir Albert at hindi ko namalayan yung oras, kaya eto inabutan tuloy ako ng lakas ng ulan. Nakatitig lang ako sa labas ng glass door at glass window na main entrance ng building namin. Ilang saglit pa nagulat ako nang biglang may tumigil na pamilyar na puting kotse sa tapat ng building namin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang bumaba doon si Sir Nathan habang naka-payong, "Halika na" tawag niya sa'kin, nagmamadali siya kaya agad akong napatayo at sinalubong siya doon sa main entrance ng building. "Sabi ko na nga ba wala kang payong" biro niya pa at agad niyang hinawakan yung wrist ko, pinayungan na niya ako at hinila na papasok doon sa kotse niya, pero nagulat ako kasi sa backseat niya ako pinaupo.

"Hi!" bati sa'kin ng isang napakagandang babae na nakaupo ngayon sa passenger seat ng kotse ni sir, Teka! Siya yung babaeng kayakap ni sir hagdan!

Sinara naman na ni sir yung pinto ng kotse niya at umikot na siya sa harap sabay sakay sa unahan ng kotse at inilagay yung basang payong sa bakanteng upuan na nasa tabi ko dito sa back seat. "By the way, I'm Cassandra Rivera" patuloy pa nung babae sabay lahad ng palad niya sa'kin para makipag-shake hands, napatitig naman ako sa kamay niya, hindi ako makapagsalita sobrang nabigla ako sa mga pangyayari.

"She's always like that, matutulala ng ilang segundo" narinig kong biro pa ni sir Nathan at nakalingon na silang dalawa sa'kin ngayon. ako ba yung tinutukoy niyang natutulala?

"Ah-Hi! N-nice to meet you Cassandra... I'm A-aleeza Mae Agcaoili" sagot ko nang matauhan ako at inabot ko na rin yung kamay ko sa kaniya para makipag-shake hands. "Buti na lang nakita ka ni Nate, nakwento ka nga niya sa'kin... you're so charming" ngiti pa sa'kin ni Cassandra, napatango na lang ako at sinubukan kong ngumiti, pinaandar naman na ni Sir Nathan ang kotse.

Kaya pala dito sa back seat ako dinala ni sir kasi kasama niya pala ngayon ang girlfriend niya. "Nakwento rin sa'kin ni Nate na nanalo ka raw sa math contest, and he's your mentor" tugon pa ni Cassandra at bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siyang makilala ako. sa totoo lang ramdam ko na sincere ang mga sinasabi niya, yung tipong walang halong pambobola at kaplastikan.

At ang ganda-ganda pa niya, nakalugay ngayon ang mahaba niyang buhok na kulot-kulot. Naka-red dress din siya, napatingin naman ako kay Sir Nathan na nag-didrive habang may kausap sa phone. Naka-red polo rin si Sir Nathan ngayon, mukhang may date sila.

"Sana napanood ko ang competition, favorite ko rin ang math subject, I think magkakasundo tayo" patuloy pa ni Cassandra, napalingon naman sa'min si Sir Nathan at mukhang masaya siya kasi nagkakilala at nagkwekwentuhan na kami ngayon ng girlfriend niya.

Kinuwentuhan pa ako ni Cassandra at tinanong kung taga-saan ako, kung anong course ko at kinamusta rin niya ang studies ko. nalaman ko na taga-Bacoor Cavite si Cassandra at ihahatid siya ngayon ni Sir Nathan, kaya mukhang isasabay na nila ako. ilang saglit pa binaba na ni sir ang phone niya at nagsalita na siya "Is it okay kung dadaan muna tayo sa MOA ngayon? may dadaanan lang ako" tanong ni sir. Agad namang napalingon sa kaniya si Cassandra at napangiti, humawak pa ito sa kamay niya "Of course, take your time babe" sagot ni Cassandra habang nakangiti ng matamis kay Sir Nathan, napangiti lang din si sir sa kaniya.

Hindi ko alam kung nababasa ba nila ngayon ang reaksyon ko, o baka habang tumatagal kaya ko ng itago ang totoong nararamdaman ko. parang unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang palitan ng ngitian nilang dalawa.

Napasandal na lang ako sa upuan at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana ng kotse, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, napatitig na lang ako sa walang humpay na pagdaloy ng tubig sa bintana ng kotse.

Umiiyak pa rin siguro ang diwata hanggang ngayon... at sa tingin ko naiintindihan ko na ang nararamdaman niya.

Ilang saglit pa, hindi ko namalayan na nasa MOA na pala kami, agad itinigil ni Sir Nathan ang kotse niya sa tabi ng hypermarket at may tinawagan siya sa phone. "Nandito na ko sa tapat ng hypermarket, lumabas ka na diyan" tugon ni Sir sa kausap niya doon sa kabilang linya.

"Okay... Okay"

Binaba na ni sir yung phone niya at napalingon siya sa amin. "Sorry, ang kulit kasi ng pinsan ko, naawa naman ako" biro pa ni Sir Nathan at silang dalawa lang ni Cassandra ang natawa. Ilang saglit pa nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto ng backseat kung saan ako nakaupo at tumambad sa harapan ko ang pamilyar na mukha na pinaka-ayokong makita sa balat ng lupa...



"Thanks Kuya!" pa-cool na sabi ni Bryan habang hawak niya ang leather jacket niya na nakataklob ngayon sa ulo niya, nagulat naman siya ng mapatingin siya sa akin "Oh... may kasama pala kayo----Hey! I know you!" sabi pa niya at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Do you know each other?" nagtatakang tanong ni Sir Nathan, napa-smirk naman si Bryan.

"Of course kuya... I will never forget her" lokong sagot pa ni Bryan at pumasok na siya sa kotse, dahilan para mapausog ako papalayo, sinara na niya yung pinto sabay tingin ulit sa'kin, hindi pa rin mawala yung ngiti niyang nakakainis. "Long time no see... Ms.Agcaoili" hirit niya pa habang nakangiti ng nakakaloko sabay kindat sa'kin dahilan para mapanganga na lang ako sa gulat at mapangiti naman si Cassandra, samantalang hindi ko naman mabasa ang reaksyon ni Sir Nathan na walang reaksyong nakatingin sa amin ngayon.



OMAYGOODNESS!



MAG-PINSAN PALA SI SIR NATHAN AT ANG MOKONG NA BRYAN NA TO!



**********************

Source of Alamat ng Ulan: http://azirsimrot.blogspot.com/

Alamat ng Ulan

Akda ni: Riza R. Tormis

Isinaayos sa tulong ni: Christian Mercado

Source of Limahong: http://www.watawat.net/limahong_the_pirate_and_his_kingdom.html

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 182K 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran n...
1.6M 88.9K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
2.2M 5.7K 47
TULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidu...
3.9M 147K 46
Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at...