My Bully Best Friend

By GabrielaTimog

343K 5.4K 853

Naghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Watt... More

My Bully Best Friend (Soon)
My Bully Best Friend Teaser #1
PROLOGUE
Chapter 1- This means WAR!!
Chapter 2- What the Hell?
Chapter 3- Make over daw
Chapter 4- Facebook Profile
Chapter 5- New Love?
Chapter 6-The Date
Chapter 7- Be Alright
Chapter 8- The Party Pooper
Chapter 9- Gentleman
Chapter 10- Their Way of Hell Life
Chapter 11- Final Wave
Chapter 12- My Bully Best Friend?
Chapter 13- Once a Bully, Always a Bully
Chapter 14- Seven Eleven
Chapter 15- Feels
Chapter 16- Sad Endings
Chapter 17- Ferris Wheel
Chapter 18- Glimpse of Reality
Chapter 19- Real Rev
Chapter 20- Trap
Chapter 21- Mission: Sabotage... Failed
Chapter 22- Such'a Snob!
Chapter 23- A Night to Remember
Chapter 24- She is Back
Chapter 25- No One Else Comes Close (Part 1)
Chapter 26- No One Else Comes Close (Part 2)
Chapter 27- No One Else Comes Close (Part 3)
Chapter 28- Melancholy
Chapter 29- Thank You
Chapter 30- The Plan
Chapter 31- It's a Christmas Thing
Chapter 32- Fallen Stars
Chapter 33- So Fishy
Chapter 34- Dragon Balls
Chapter 35- A goblet of Wine
Chapter 36- The Decision
Chapter 37- Insa
Chapter 38- Clone Replacement... Yes or No?
Chapter 39- Let it Rain
Chapter 40- Backstabber
Chapter 41- Broken Valentine
Chapter 42- When is my turn?
Chapter 43- By the Way, His Name is Jack Frost
Chapter 44- Proper Closure
Chapter 45- When I Fall
Chapter 46-Jealousy
Chapter 47- I am Lucky tO haVe a bestfriEnd like YOU.
Chapter 49-Reconciliation
Chapter 50- Kasama Kang Tumanda
Chapter 51-My Life Without You
Chapter 52- Sunset
Chapter 53- Batman ♥ Pikachu
Chapter 54-Unexpected
Chapter 55- Secrets
Chapter 56- Weak
Chapter 57-Tears
Chapter 58- Come Back to Me
Chapter 59- 100th Day
Chapter 60- That Night
Chapter 61- Where Is He?
Chapter 62- The Revelation
Chapter 63- Painful Truth
Chapter 64- Suffering and Pain
Chapter 65- Photographs
Chapter 66- Will You...
Chapter 67- Why, Lord?
Chapter 68- My Beginning and End
Chapter 69- His Last POV
Chapter 70- All of Me
Chapter 71- All My Life
Chapter 72- Till Death Do Us Part
Chapter 73- My Bully Best Friend
Chapter 74- Almost
FAQs and FYI
Chapter 75- One Last Good-bye
EPILOGUE
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 48- Lucky

3.6K 56 9
By GabrielaTimog

"Di ka pa tutulog?" tanong ko sa kausap ko sa phone.

"Di pa. Ikaw ba?" tanong nya.

"Kapag natulog ka, tutulog na din ako." sagot ko.

"Ay nakoooo. Balak ko pa manding magpuyat. So magpupuyat ka din?"

"Wag kang feeling Rev. Haha."

"11 pm palang naman. Kaaga pa. Mamaya na tayo matulog." sabi nya.

"Parang kanina lang hindi tayo magkasama ah. Dito ka pa nga kumain sa bahay namin eh." sabi ko.

"Wala kasi akong kasama dito sa bahay. Nakakatakot. Kapag di ako maingay parang nakakarinig ako ng... alam mo na. Kaya yun." pananakot nya.

Tinanggal ko ung pagkakatalukbong ko sakin ng aking kumot at tumingin sa paligid ng aking kwarto na wala nang ilaw, "Ya. Wag ka ngang manakot."

"Totoo naman kasi eh. Minsan may napaparinggan akong naiyak, nakanta, minsan tinatawag pa yung pangalan ko."

"Itigil mo na yan! Ibababa ko ito eh! Tch!"

"Hahahaha. Joke lang."

"Ikaw talaga. Wala ka nang ibang alam kundi ang pagtripan ako. Tch."

"Di ah. Alam kong minamahal kita. Actually, parang yung dalwang un lang ung alam ko. Yung pagtripan ka at mahalin ka. Hahaha. Parehas kasing nagbibigay saya sakin eh."

"Hahahaha. Cheesy mo. Ang gay."

"Hoy, pagbigyan mo na ako. Ang tagal ko na kayang inintay na dumating tayo sa ganito. Naiipon na nga sakin ung mga gustong gusto kong sabihin sayo eh."

"Ikaw kasi pahulihin ka. Hahaha." I joked.

"Hindi ako pahulihin. Masyado lang talaga akong mabait at nakaya kong magparaya."

"By the way, ano ba ung mga iniipon mong sasabihin sakin?" tanong ko.

"Saka ko na sasabihin kapag tayo na."

"Hahaha. Ok."

"Osige na. Tara nang matulog."

"Ok. Bye." sabi ko.

"Babye." pero hindi pa nya binababa.

"Babye na." nakangiting sambit ko.

"Babye." di pa rin nya binababa.

"Rev, may balak ka bang ibaba?"

"Ikaw mauna." sabi nya.

"Ikaw na." sabi ko.

"Ayiiiieee. Gusto mo pang maparinggan ang boses ko nohhhhh??? Ayieee." sabi nya.

"Seriously Rev? Haha. Geh. I'll hung up na. Goodnight."

"Hahaha. Goodnight din. Babye."

Iniintay kong ibaba nya pero hindi pa rin nya binababa. Pero may huli syang sinabi sakin...

"I am Lucky tO haVe a bestfriEnd like YOU." then he hung up.

That line again.

---

The next day, maaga akong gumising dahil may klase kami. Bumaba na ako sa dining room nang naka-uniform na at nakasakbat na sa likod ang bagpack.

"Anak, hindi ka ba magbebreakfast?" tanong ni mommy mula sa kusina.

"On the way nalang po. May mahalaga pa po kasi akong aasikasuhin eh."

"Ok. Are you in a hurry? Gusto mo bang magpahatid sa daddy?"

"She doesn't have to." lumabas si daddy mula sa backdoor sa kusina.

"Why not?" tanong ni mommy.

"May sundo naman sya eh." sagot ni daddy.

Napatilt ung ulo ko sa isang side. Nagtataka naman ako kung sino ung sundo ko. Imposible kasing si Rev kasi hindi un nagsusundo ng 6 am sakin. Kaya sino naman kaya yun?

"Sinong sundo nya?" tanong ni mommy.

"Tignan mo Kylie sa may gate." sabi sakin ni daddy.

"Ok...?"

Naglakad ako palabas sa gate ng bahay namin. Binuksan ko ung gate at nakita si Rev na nakaupo sa gutter na nakapasak ang headset, suot na cap ngunit hindi sya tulog dahil may ginagawa sya sa phone nya.

Napangiti naman ako nang makita ko sya. Di pa nya alam na nakalabas na ako dahil nakatuon parin ung pansin nya sa kanyang phone kaya pumunta ako sa likod nya at tinakluban ung kanyang mata gamit ung dalawa kong kamay.

Kinapa-kapa nya muna ung kamay ko bago pa sya sumagot. Pinipigilan ko na din ang tumawa dahil mukhang mula sa pagkapa sa aking kamay ay hinuhulaan nya ung nagtaklob sa mata nya.

Nagtaka nalamang ako nang hawakan nya ito at hindi tinanggal sa kanyang mga mata. Ung hawak na... as in hawak.

"Halatang halatang tamad ka." sabi nya habang hawak ang aking kamay na nakataklob pa sa kanyang mga mata.

"H-huh?" nalilitong tanong ko.

"Ang kinis kasi ng kamay mo eh. Hindi magaspang." Tinanggal nya ung kamay ko sa mata nya saka tumingin sakin at ngumiti.

WTF. BAKIT ANG GWAPO NYA?!

"Bakit hindi ka pumasok sa bahay?" tanong ko.

Tumayo sya at humarap sakin, "Wala lang. Nagpapainit lang." sagot nya.

"Wag ganun. Lalo kang iitim." biro ko.

"Pakyu ka haha."

"Kaw din." I pout.

"Tara na sa school." aya nya.

"Pupunta ka sa school nang nakaganan?" tanong ko sabay napatingin sa kanyang suot na sweat pants na grey, sandong puti pero natakluban ito dahil sa kanyang kulay pulang jacket.

"Oo. Anong masama sa suot ko?"

"Wala naman. Tsaka, wala kang klase ng ganitong kaaga diba?" sabi ko.

"Kaya nga." sagot nya na parang wala lang sa kanya.

"Ok lang sayo ang maglakad ng ganitong kaaga? 6am palang oh." sabi ko.

"Basta ikaw. Malakas ka sakin eh." then he winked at me.

"Haha. Ok sige."

Nagsimula na kaming maglakad. Magkatabi kaming naglalakad sa gutter. Malapad naman ang gutter dito sa subdivision. Pwedeng maglakad nang sabay ang tatlong tao.

"Musta tulog mo?" tanong nya.

"Ok lang naman." sagot ko.

Humatching sya, "Ah ganun ba?"

"May sipon ka?" tanong ko.

"Oo eh." sagot nya.

"Uminom ka ng maraming tubig para mabilis na mawala yan." sabi ko.

Pagkatingin ko sa kanya, nakangiti sya. Ung slight na smile pero cute. Ah hindi ko maipaliwanag! Haha. Basta ang cute ng ngiting un!

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.

"Wala lang. May naiisip lang ako." sagot nya habang nakangiti pa din.

"Ano naman ung iniisip mo?" tanong ko.

"Iniisip ko na... mukhang mapapatagal ako sa relationship na papasukin ko sayo."

Bumilis ang tibok ng puso ko, "B-bakit naman?"

"Kasi... napaka-caring mo. Gusto ko sa babae ung ganun eh. Ung concern. Parang ang sarap magpa-baby kung ganun ung magiging girlfriend ko." sabi nya bago mamula ung tenga nya.

Butterflies. Shaks. "So ganun? Magpapababy ka nalang sakin forever?" tanong ko.

"Hindi. Syempre aalagaan din naman kita kasi trabaho ko un. Tsaka, hindi naman kita liligawan kung hindi ako handang mahalin at alagaan ka."

"Rev... paano kung sagutin na kita ngayon..."

"Oh. Tapos?"

"Anong magiging reaction mo?" tanong ko.

"Syempre sasaya. Hindi ko alam. Baka iba ung magawa ko kapag sobrang saya ko." sagot nya.

"Eh paano kung... ireject kita?" tanong ko.

"Edi dapat sinabi mo na sakin pa nung una na wala talaga. Para ayos na ang lahat. Walang aasa at walang makokonsensya."

Mukhang imposibleng ireject kita. "Ahhhh." nakarating na kami ng school. "Andito na ako. Babye. See you mamaya." I smiled.

"Ok. Pakabait ka ah?" bilin nya.

"Opo. Haha."

"Haha. Ok." lumapit sya sakin tas tumingin sa paligid. Maya maya pa'y binalik na nya sa mga mata ko ung mga tingin nya, "Magingat ka," hinalikan nya ang noo ko. "dahil mahal kita." he smiled at me.

"Ok. Babye."

"Bye." then he jogged away.

Pumasok ako sa gate ng school. Sa paglalakad ko...

"I saw it." napatingin ako sa direksyon kung saan ko naparinggan ung lalaking nagsalita.

"Jared."

Naglakad sya palapit sakin habang suot suot ang kanya mga ngiti sa kanyang mukha, "Kayo na ba?" tanong nya.

I shook my head.

"Hindi kayo pero hinalikan nya ang noo mo?"

Nabigla ako sa sinabi nya, "Nakita mo pala?"

"Oo naman. Kakasabi ko palang diba?"

I nodded.

"So... kayo na ba?"

"Hindi pa. Pero nililigawan na nya ako." sagot ko.

"Sa wakas. Hindi na sya naduwag." sabi nya.

Napangiti ako sa sakanya. Kahit na may past kami parang wala na talaga. Yung tipong Kristelle at Rev lang. Sobrang friends after ng breakup. Ang gaan pala sa feeling na hindi ka malungkot. Yung wala kang sama ng loob sa isang tao. Kahit na may past kami, we ended up being good friends.

Nagsimula kaming maglakad, "Ayos na ba kayo ni Rev?" tanong ko.

He sighed, "After nung nangyari sa Cebu noon, hanggang ngayon hindi pa din kami nagkakapansinan." sagot nya.

"Akala ko ung pagsasacrifice ko sa friendship namin ni Rev ang makakaayos ng lahat senyo pero hindi pala. Parang mas lumala." kumento ko.

"Pero at least, dahil dun, nalaman mo ung halaga nya sayo diba? Tsaka... sorry nga pala kung... pinalayo kita kay Rev noon."

"Tss. Ano ka ba. Ayos na sakin un." sabi ko.

"Kylie. Magkababata naman kami ni Rev eh. Alam mo na naman na bihira lang kaming magkaayos dahil sa iisang reason. Pero handa naman akong tuluyang makipag-ayos sa kanya dahil... after all, we're bestfriends."

Napangiti ako sa sinabi nya, "Every committed sin comes to reconciliation. May pag-asa pa naman kayong magkaayos eh. Tiwala lang."

"Salamat." He smiled.

---

Mabilis tumakbo ang oras. Lunch na so ineexpect ko na si Rev na dumating. Andito ako ngayon sa waiting area kasama si Enzo at Kristelle. Na-text ko na din naman si Rev na iniintay ko na sya.

"Parang dati naman hindi nmo hobby ang magintay kay Rev ah." kumento ni Enzo.

"Oo nga. Madalas nag-iiwanan kayo." segunda ni Kristelle.

"Tas uuwi sa away." dagdag ni Enzo.

"Bangayan." dugtong ni Kristelle.

"Hindi pansinan." dagdag pang muli ni Enzo.

"Pupunta samin ni Enzo." sabi ni Kristelle.

"Tas magrarant samin." dugtong ni Enzo.

"Sa araw araw na ginawa ng Diyos, yan lang ang ginagawa nyo. Paulit ulit. Halos nasaulo na namin ni Enzo ang pagkakasunod sunod!" kumento ni Kristelle.

"Oo nga. Tas ngayon... Wow! Iniintay mo si Rev! Anong nakain mo?"

"May lagnat ka ba?" pinatong ni Kristelle ang likod ng kanyang kamay sa noo ko. "Gusto mo bang magpadala na sa clinic?"

"Baka naman meron ka. Sus! Moodswings!" sabi ni Enzo.

Tumingin ako sa wrist watch ko, "Ewan ko dun. Sya tong nanliligaw tas ako pa pagiintayin nya."

Tumahimik si Enzo at Kristelle. Dun ko lamang napansin na nakatitig sila sakin. As in ung sobrang titig. Napatigil sila sa pagsasalita. Bakit? Anong meron?

"A-ano? P-pakiulit nga ng sinabi mo." sabi ni Enzo.

"Wait lang. I think may naparinggan akong 'sya tong nanliligaw.'" sabi ni Kristelle.

Nagkatinginan silang dalawa tas sabay na tumingin ulit sakin, "NANLIGAW NA SI REV SAYO?!" sabay nilang tanong.

Napalaki ako ng mata. "Hindi ba ako nakikipagusap sa sarili ko nun?"

"Malamang hindi. Naparinggan namin eh." sabi ni Enzo.

"So totoo nga?" tanong ni Kristelle. Pero saktong dumating si Rev at tumabi sakin. Ah thank God. Dumating ka din!

"Oh. Bakit ganan ang mga mukha nina Enzo? Parang nakakita ng multo." tanong ni Rev.

I just shrug. Fudge! Ang epic ko! Hindi ko pala un nabulong sa sarili ko!

"Nag-intay ka ba ng matagal? Nakakain ka na?" tanong sakin ni Rev.

I hesistantly nod. Napapansin na siguro nina Enzo. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanila. Sadya lang akong nabigla dahil nasabi ko pala un nang malakas at naparinggan pa nila.

"Confirm." naparinggan kong sinabi ni Enzo.

Napatingin sa kanila si Rev. "Ano ung confirm?" tanong nya.

Tinignan ni Kristelle at Enzo si Rev. Nanliliit pa ang mga mata nila, "Nililigawan mo na si Kylie noh?" tanong ni Enzo.

"Oo. Bakit?" diretsong sagot ni Rev.

And in 5,4,3,2,1...

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!" tili nilang dalwa na halos magtinginan na ang ibang tao dito sa waiting area.

"Pucha. Tumahimik nga kayo!" suway ni Rev sa kanila tas tumigil silang dalwa.

"Sorry namaaaan!! Kasi namaaaaaaaan. Nililigawan mo na pala syaaaaaaaaa. Shaaaaaakkksss." kinikilig na sambit ni Enzo.

"Teka teka. Kelan mo pa sya nililigawan?" tanong ni Kristelle.

"Kahapon lang. Nagpaalam na ako kina tita." sagot ni Rev.

"Naks! Sunod nyan kasalan naaaaaa! Tententenen! Tententenen!" kanta ni Enzo. Ung pangkasal na tono.

"Kasal agad? Girlfriend muna. Diba Kylie?" tumingin sya sakin tas kinindatan ako.

ANO BAAAAAA. BAKIT KELANGAN NYA UNG GAWIIIIIIIIIIIINNNNN?!

"Shaks. Kinikilig si Kylie. Namumula oh." sabi ni Enzo.

"Di ah!" tanggi ko though ramdam kong sobrang pula na ng mukha ko.

"Hahaha. Ayos lang yan. Lahat tayo dumadaan sa ganaaaaan." sabi ni Kristelle.

"Alam na ba ni Jared?" tanong ni Enzo sakin.

Ramdam kong tumingin si Rev sakin. "Oo. Nasabi ko na." sagot ko.

"Really? Anong sabi nya?" tanong sakin ni Kristelle.

"Naggoodluck. basta un." Duh! Ang awkward kaya kung pagkekwentuhan namin si Jared habang nasa harap si Rev!

"Ahhh. Good." sabi ni Enzo.

"Sooo... ligawan stage na pala kayo. So hindi na kayo magbestfriends?" nakangiting tanong ni Enzo.

"Magbestfriends parin kami," sabi ni Rev tas hinawakan nya ung kamay ko sa ilalim ng table. Syempre, hindi un kita nina Enzo, "Yun nga lang, binigyan namin ng chance ung friendship namin na sumobra pa sa limitasyon bilang magbestfriends." tinignan nya ako kaya napatingin din ako saka kami nagkangitian.

"Haaay. Sa wakas. Dito rin pala uuwi ang lahat." sabi ni Enzo.

"Oo nga. Haaaaay. Sige. Una na kami ni Enzo." sabi ni Kristelle tas tumayo na sila ni Enzo.

Tinanggal ko ung pagkakahawak ni Rev sa kamay ko dahil baka makita nila, "Ok. Sunod nalang ako." sabi ko.

"geh byeeee." then umalis na sila.

Naiwan kami ni Rev na nakaupo sa waiting area. Walang nagsasalita samin. Talagang tahimik lang. Hindi ko alam kung bakit naging awkward ung atmosphere namin ngayon. Not until he broke the ice.

"Nakakain ka na ba?" tanong nya.

I nod. "Ikaw?"

"Di pa nga eh."

"Di ka kumain sa bahay mo?" tanong ko.

"Hindi. Wala kasi akong naluto tsaka tignan mo naman ung suot ko, naka-casual ako." nagpout sya.

"Pft. Wag kang magpout. Hindi bagay. Hahaha." pero ang totoo naman, cute talaga. Hihi.

"Ilibre mo ako. Dali na." sabi nya.

"Hala. Bakit naman ngayon?" medyo nabigla kong tanong.

"Eh kasi gutom na ako eh! Dali na! Kapag di mo ako nilibre, sige ka. Mamamatay ako. Mawawalan ng isang nagmamahal sayo."

"Shut up." I said before turning red.

---

Dahil gutom ang kasama ko, nilibre ko nalang sya sa Mcdo dito sa loob ng campus. Grabe. Parang ako ang nanliligaw sa kanya. Ako na nga tong nag-intay sa kanya, ako pa itong nanlibre. Ganito na ba talaga ngayon? Baligtad na? Tsk tsk tsk.

"Bakit nga pala hindi ka nakauniform?" tanong ko sabay higop sa cokefloat ko.

"May practice ako." di halatang gutom sya.

"Ng ano?"

"Sayaw." tipid na sagot nya.

Wow. Ilang talent ba meron tong lalaking toh? "Di ka halatang gutom."

"Pogi kasi ako."  natapos syang kumain. "Ahhhhhhh. Sarap kumain! Wooooh!" umunat unat pa sya.

"Busog?" tanong ko.

"Hmm." he said as he nods.

Napapangiti ako habang tinititigan ko sya ngayon. Parang habang tumatagal, lalong nalalim ung feelings ko sa kanya. Naiisip ko tuloy, kelangan ko pa bang patagalin ung panliligaw nya sakin? Kilala ko na naman sya, kabisado ko na sya. Papatagalin ko ba?

Sabi nila, hindi panliligaw ung dapat nagtatagal. Dapat ung relasyon. Nakilala ko na naman si Rev bago kami umabot sa ganitong stage eh. Siguro kelangan ko nalang mag-intay ng tamang tyempo.

Ilang span kaya ng weeks or days ung kelangan kong intayin bago ko sagutin si Rev? Pakiramdam ko naman kasi hindi ko na kailangan pang patagalin ung panliligaw nya eh. Kilala ko na sya.

"Kylie..." napatingin ako kay Rev.

"Hmm?" tanong ko

He smiled, "Wala lang." tas nagpatuloy sya sa paghigop ng coke nya.

"Weird." I said.

"Ayos lang naman kahit magtagal ako panliligaw sayo. Pero wag mo na akong paasahin kung wala kang balak sagutin ako." sabi nya.

"Hindi naman kita hahayaang ligawan ako kung..."

"Kung...?"

"K-kung... paaasahin lang kita... diba?" sagot ko.

Hindi sya umimik pero nung napatingin ako sa kanya, nakangiti sya tas namumula ung tenga nya. Ang gay nya. Halatang halata kung paano sya kiligin. Ganun pala ung ibang lalaki kapag kinikilig noh. Nakakatuwang tignan pero ang gay. hahahaha. I'm so bad. Sorry. Haha.

"Ang cute mong kiligin." sabi ko.

Napatingin sya sakin, "Ano?"

"Walaaaaaa." napangiti ako.

Pinahidan nya ako ng sundae sa pisngi, "Ikaw. Kung ano anong pinagsasasabi mo."

"Gaaaah! Ano ba?! Kakadiri ka!" sabi ko.

"Hahaha. Mukha kang engot. Hahaha. Eto pa." pinahidan nya naman ung kabilang side. "Bwahahaahha! Bonakid ka na. Batang may laban. Bwhahahahahaha!" pangaasar nya.

"Walang ya ka!" pinahidan ko sya ng choco hot fudge sa pisngi.

"Aba gumaganti ka ah." sinubukan nyang lumapit pero napahidan ko ulit sya ng choco hot fudge sa kabilang pisngi.

"Bwahahahahahaah! Mukha ka nang ita! Tamang tama sa kulay mo! Bwahahahahahahaha!!!" hindi naman halatang masaya kami noh?

"Bonakid!"

"Ita!"

"Bonakid!"

"Stupid! Mas worse pa ang ita kesa bonakid noh! At least, hindi ako maitim. Bwahahahahaha! Bleeeeeehhhhh!" pang aasar ko.

"Ah ganun ah." kinuha nya ung bag ko at tumakbo palabas ng Mcdo.

"Hoy! Bumalik ka dito!"

Hinabol ko sya sa campus. Parang lang kaming engot na may ice cream sa mukha at naghahabulan. Sya naman kasi ang may pasimuno. -_-

Nauwi ang lahat sa paghihilamos sa gripo sa may science hall. 2pm na at nagsimula na yung subject ko ngayong hapon pero mukhang late akong makakarating.

"May klase ka ngayon diba?" tanong ni Rev na kakatapos lang maghilamos.

"Oo." sagot ko naman habang nagpupunas ng aking mukha.

"Wag ka nang umattend." aya nya.

"Bakit naman?" ang totoo nyan, kakatamad naman talagang umattend sa subject ko ngayon dahil boring ang teacher. Talambuhay lang nya ung kinukwento nya sa halip na maglecture. Gusto ko lang talaga malaman ung reason nya kung bakit hindi nya ako pinapaattend.

"Wala lang. Vacant ko kasi ngayon eh."

"Ayiiiiieeeee. Gusto mo lang akong makasama." biro ko.

"Hahaha. Masyado kang feeling. Basta wag ka nang umattend ha? Tara na." hinawakan nya ang braso ko't hinila kung saan.

Nakarating kami sa likod ng school. Hindi pa ako nakakarating dito, first time toh. Sobrang tahimik at mahangin dahil sa likod ng bakod na nakaharang ay ang matataas na talahiban.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Wala lang." sagot nya.

"Ahhh." I took a step forward. I took the moment to feel the fresh air na nadaan sa aking mukha. Napakasarap sa pakiramdam.

"Sarap dito noh?" sabi nya.

"Alam mo ba ung isang place na ayaw kong puntahan?" tanong ko sa kanya.

"Ano un?"

"Ayokong puntahan ang isang art exhibit." sagot ko.

"Bakit naman?"

"Ang boring kasi. Mula sa aura, sa mga tao, sa background music hanggang sa paintings. Hindi naman kasi ako artistic na tao kaya hindi ko maintindihan ung mga simpleng abstract painting." paliwanag ko.

"Paano kapag may pupuntahan kayo ng family nyo na ganun?" tanong nya.

"It's either magpapaiwan ako sa bahay or kaya naman kapag sumama ako, magpapaiwan na lang ako sa kotse. Pero madalas talaga natakas ako." sagot ko.

"Loko ka." napatawa sya ng konti.

"Ayoko kasi talaga. Kakaboring kaya."

"Sabagay nga naman."

"Rev..."

"Hmm?"

"Wala lang."

"Weird ka."

"May gusto lang kasi akong malaman." sagot ko.

"Ano un?"

"Bakit palagi mong sinasabing 'I'm lucky to have a bestfriend like you' sakin? May something ba dun?" tanong ko.

"Bakit? Hindi ba ako swerte dahil bestfriend kita?"

"Hindi naman sa ganun. Nakakaintriga lang kasi... palagi mo nang sinasabi."

Napangiti sya. "I'm lucky to have a bestfriend like you... oo may meaning un." sagot nya.

"Ano un?"

"May ballpen ka ba jan?" tanong nya.

Pinasok ko ang kamay ko sa aking bulsa at kinuha ang ballpen saka binigay sa kanya.

Kinuha nya ang kamay ko saka sinulat sa aking palad ang:

I am Lucky tO haVe a bEstfriend like YOU.

"Jejemon ka ba?" tanong ko. Ang gara kasi ng pagkakasulat eh. Ang jeje tignan.

"Hindi timang. Pwedeng patapusin mo muna ako?"

"Oo na."

"Ang slow mo talaga. Tsk." then saka nya tinuloy ung pagsusulat.

Hindi nya dinugsungan ang katagang ito. Ngunit may mga letra siyang ginawa pa nyang mas maitim kesa sa ibang letra.

I am Lucky tO haVe a bEstfriend like YOU.

Binitawan nya ang aking kamay at doon ko lamang napagtanto ang ibigsabihin sa likod ng katagang ito.

"I love you?" tanong ko.

"Buti naman na-gets mo na. Oh anong jeje jan? Tch." sabi nya.

Wala akong maiimik. Sobrang iba ng feeling. Napapangiti nalamang ako sa aking nalaman. Gusto ko mang sabihin ang 'I love you too' ngunit naisip ko na hindi pa ito ang tamang oras.

"Oo Kylie, matagal na akong maswerte dahil kaibigan kita."

____________________

Continue Reading

You'll Also Like

229K 5.9K 72
I never expected myself to fall in love with a certain guy. But one day, I just woke up having some feelings for the Bad Boy. In his arms, I found ha...
349K 23.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
TALAHIB By Fangsie(KailGutz)

Historical Fiction

60.4K 2.2K 23
Unang kwento sa seryeng Hiyas Siya'y nagmula sa malakas na tribu, sinanay sa pakikidigma, at naipaghiganti ang nasirang ina laban sa mahigpit nilang...
107K 987 11
They have gone through a lot of hardships, just to achieve the justice and simple life they wanted with the people they love. And their desired succe...