Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 4: First Conversation

828 14 2
By chumeleven

(---JIRO’S POV---)

 

Is that Adrian?! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Adrian, nandito ngayon sa YG CLUB at nag-DDJ. Paano nya nagagawa to? E samantalang ang higpit nila Tita sa kanya. Nag-rerebelde ba siya? Oh, well. Andyan na yan. May magagawa pa ba ako? Tatanungin ko na lang siya mamaya kung anong dahilan niya at nag-DDJ siya dito.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa YG CLUB. Hehe. Nandito lang naman ako para magsaya. Hindi naman sa lahat ng panahon dapat seryoso tayo diba? Syempre, kelangan mo din magpakasaya paminsan-minsan. Buti na lang at hindi kasing higpit ng parents ni Adrian ang parents ko.

 Bigla kong naalala yun mga nangyari kanina sa school. Yun na ata ang pinaka-memorable sa lahat dahil napansin ako ni Yumi. Ang long time LOVE ko. Nahuli ko siya kanina na nakatitig sa akin nun papasok na kami ng school at habang pinagtitilian kami ng mga babae. Nginitian ko lang siya pero nakatitig pa rin siya sa akin. May nararamdama na din kaya siya sa akin? Sa tingin nyo?

Isa pang rason para magsaya ako ngayon ay dahil nakausap at nakilala ko na din siya kaninang break time. Sa wakas! After 3 years mga tol! Hahaha!

*flashback*

                “Adrian, help me!” sigaw ni Lian.

Pero nilagpasan lang siya ni Adrian. Wala pang 3 minutes, bumalik si Adrian at hinatak si Jenny. Nagtaka ako kung bakit si Jenny ang hinatak niya papalayo. Ang tanga talaga ni Adrian kahit kalian. Kahit si Jenny, hindi nakapagsalita nun hinatak na siya ni Adrian.

                “What was that?! Bakit si Ms. Chewing Gum ang hinatak niya at hindi ako?!” halos mangiyak-ngiyak na si Lian sa kinatatayuan nya. Ang sangsang na ng amoy nya. Isama mo pa ang masangsang na pabango nya. Yuck.

                “OMG!  Hindi kaya pinagpalit ka na ni Adrian dun sa babae na yun?!” tanong nun alagad ni Lian.

                “No way! Ni hindi pa nga nya nakakausap si Lian kung ano ba talaga ang relationship nila.” Sabat naman nun isa. Hindi na ma-ipinta ang itsura ni Lian ngayon.

                “Both of you, shut up!“ iritableng sigaw ni Lian.

“Follow me. I need to freshen up. Dun tayo sa dormitory ni Alexa.“

“What?!“ gulat na gulat na tanong ni Alexa.

“Is there any problem with what I’ve just said?” pagtataray ni Lian.

“Ahm, n-no. Let’s go.” Hindi na naka-imik yun Alexa at naglakad na papalayo ang Mean Girls.

So, kaming dalawa na lang ni Yumi ang naiwan. Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala sa kanya. Oo, torpe ako. Dahil ang tagal kong nakatunganga, hindi ko napansin na iniwan na pala ako ni Yumi at inukupahan ang isang bakanteng cottage. Agad ko naman siyang sinundan.

                “H-hi Yumi! A-ako nga pala si Jiro. Jiro Lee.” Damn. Bakit ako nag-stutter? Habang nagpapakilala ako, biglang bumilis ang heartbeat ko.

*dug*

*dug*

*dug*

                “H-hi! A-ako si Yumi. Yumi Park.” Woah! Nag-stutter din siya. Dapat ko ba yun ikatuwa? Hahaha!

Mga ilang minuto din kami hindi nagkibuan.

~ silence ~


Nag-start ako ng isang topic about sa kaibigan niyang si Jenny.

                “Ang tapang pala ng kaibigan mo no? Parang amazona. Never pa naka-encounter si Lian ng babaeng kasing-tapang ng kaibigan mo. Ni wala nga lumalaban dyan eh.” Pasimula ko.

                “Ah, o-oo. Matapang talaga yun saka palaban. Lalo na kapag alam nyang siya ang nasa tama.”

                “Ano nga palang name nya?”

                “Jenny. Jenny Choi.”

                “Jenny?” Parang familiar ang name nya. Bigla kong naalala yun ka-textmate ni Adrian. Si Jen. Hindi kaya si Jen at Jenny ay iisa? Hmmm. Pero malabo yun. Ang description sa akin ni Adrian, mabait at maaalahanin si Jen, hindi amazona.

*Krrriiinnnggg*

Argh. Nag-ring na ang school bell. Ibig sabihin, start na ng second period. Malas naman. Hindi ko pa masyadong nakakausap si Yumi.

                “Ji-Jiro. Mauna na ako ha. Baka ma-late ako sa klase. Sige ha. Nice meeting you.” Inabot ni Yumi ang kamay nya para makipag-handshake sa akin. Sineswerte pa rin ako.

                “Sabay na tayo. Tutal mag-kaklase naman tayo diba? Nice meeting you din.” Todo smile ako kay Yumi. Ang ganda nya talaga at ang bata nyang tingnan. Pagka-abot ko ng kamay ko sa kanya, hindi ko na siya binitiwan. Hinila ko na siya papunta sa classroom dahil baka ma-late pa kami. Napansin ko kasing ayaw na ayaw niyang na-lalate. Kahit nun 1st year college pa lang kami, lagi siyang perfect attendance.

Pagdating sa classroom. Parehas kaming hingal na hingal.

                “Ba-bakit mo ako hinila? Ayan tuloy. Napatakbo din ako ng wala sa oras.” Tanong niya sa akin.

                “E kasi, baka ma-late tayo. Kita mo. Hindi tayo late. Sakto lang ang dating natin. Kung hindi pa tayo tumakbo, e di na-late tayo. Ayaw mo pa naman na na-lalate ka.” Yari! Nadulas ako.

                “Ha? Paano mo nalaman?”

                “A-ah. Napansin ko lang. Magkaklase din kasi tayo dati at lagi kang on-time dumadating.” Palusot ko sa kanya.

                “Aah. Oo, ayaw ko talaga nang na-lalate. Lagi nga akong inaasar ni Jenny na, early bird.”

                “Ok lang yun. Hindi naman masama yun ah? It’s a good thing that you don’t waste time because every second, every minute that passes by is precious.” Lalo na kapag kasama kita. Pahabol ko sa isip ko. Hehe.

*end of flashback*


 

Ang saya ko lang. Sana magtuloy-tuloy na to. Nandito na nga pala ako sa bahay. 3 am na. Umuwi na din ako ng mapansin kong pauwi na din si Adrian. So, 2 hours lang pala siyang nag-DDJ. Kaya tinext ko siya.

To: Adrian Lee

I saw you sa YG Club. Nag-DDJ. Matagal mo na bang ginagawa to? Alam ba to nila tita at tito?


Aba. Hindi nag-reply ang tanga kong pinsan. Tinulugan na ako. Sa school ko na lang siya kakausapin. Pwede ko ipang-blackmail sa kanya ang alam ko. Hahaha! Ano bang magandang kondisyon ang pwede ko hingin kay Adrian? E kung kakuntsabahin kaya ni Adrian si Jenny para mailakad ako kay Yumi? Ayos! Pwede yun. Lagot ka sa akin Adrian mamaya. :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Medyo maikli lang po ulit ang update. :)

Continue Reading

You'll Also Like

361K 10K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
306K 16.5K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...