Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 2: Heartbeat

910 16 2
By chumeleven

(---YUMI’S POV---)

(A.N: Pasensya na kung medyo inulit ko yun ibang scene. Important din naman kasi. :D)

Past 8 am na at hindi pa gising si Jenny. Malalate na kami sa school kaya no choice ako kundi gisingin na siya.

                “Jenny!” sigaw ko.

                “Gumising ka na dyan at baka ma-late tayo sa school!”

After, 30 minutes, lumabas na din ng kwarto si Jenny. As usual, nakaupo lang ako sa sala. Tapos na din kasi ako kumain. Ako naman lagi ang nauuna sa kanya kaya ako din ang unang natatapos sa lahat ng mga dapat gawin.

                “Kumain ka na. Dalian mo.” Sabi ko kay Jenny.

“Oo. Eto nga oh. Kakain na.”

                “Kahit kalian talaga, ikaw ang laging nauuna. Early bird.” May gana pang mag-asar tong si Jenny.

                “Ok na mauna kesa naman sa ma-late no. Alam mo naman na ayaw kong nalalate sa school o kahit sa anong meeting.” Sagot ko sa kanya at saka siya inirapan.

Sanay na naman din ako na laging late gumising si Jenny. Hindi ko din naman siya masisisi. Mahirap din naman ang laging kulang sa pahinga. Nagtratrabaho siya tuwing friday, saturday at sunday sa Starsky Coffee Shop. Ako ang nagpasok sa kanya doon. Family friend namin si Tita Beth na owner ng coffee shop. Napakiusapan din namin si Tita Beth na kung pwede 3 days lang siya magwowork dahil na din pinagsasabay niya ang work at pag-aaral niya. Malaki din naman magpa-sahod sila Tita Beth, kaya kahit 3 days lang ang pasok ni Jenny, ok na din. Nakakaipon din siya ng pang-gastos niya sa araw-araw. Pagdating sa rent ng condo, hindi ko na siya sinisingil. Siya naman ang nag-grogrocery ng mga pagkain namin kaya ok na din. Ok din naman kanila Mom at Dad na dito tumira si Jenny. Mas maganda nga daw yun para lagi akong may kasama.

Napansin ko na bigla na lang ngumiti tong si Jenny habang nasa byahe kami papuntang school. Nag-text na naman siguro ang Papa Adrian niya. Ang ka-textmate niya. Hindi ko alam kung paano niya naging crush yun, samantalang hindi pa naman nya nakikita ng personal yun ka-text niya. Kilig na kilig pa nga siya kapag nagtetext sa kanya ang mokong.

“O, bakit ka ngumingiti mag-isa dyan? Nag-text si Papa Adrian mo no?”  biglang tanong ko kay Jenny.

                “Oo. Nag-text siya. Nag-good morning at ingat daw ako sa byahe. Ay, kinikilig ang lola mo. “ kilig na kilig na sagot niya.

                “Pagdating talaga dyan sa Papa Adrian mo, lagi ka na lang kinikilig. Ni hindi mo pa nga nakikita yan. Baka mamaya, panget naman pala yan at loner kaya naghanap ng matetext. Tch.”

                “Bestfriend ba talaga kita? Lagi mo na lang nilalait si Papa Adrian ko.” Sagot niya with matching pout. 

                “Hindi naman sa nilalait, pero kasi, hindi mo pa nakikita yun tao. Hindi mo rin naman ako masisisi. Concerned lang din naman ako sayo.”

                “O-oo na lang ako sayo. Haist.”

Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya. Parehas kasi kaming NBSB kaya siguro ganoon na lang ang kilig niya kapag nagtetext si Papa Adrian niya. Marami din naman nagtangkang ligawan kami pero parehas kaming walang balak magpaligaw. Hehe.

Pagkadating namin sa school, pumasok na kami. Kasabay na naman ulit namin pumasok si Adrian Lee at  ang pinsan niyang si Jiro Lee. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako napatitig kay Jiro. Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

 Biglang bumilis ang heartbeat ko.

*dug*

*dug*

*dug*

Ilang beses na namin nakasabay sila Adrian at Jiro pero ngayon lang bumilis nang ganito ang heartbeat ko. Sa sobrang pagkakatitig ko kay Jiro, hindi ko namalayan na hinihila na pala ako ni Jenny. Nag-ring na kasi ang school bell. Kaya nagtatatakbo na kami papuntang classroom.

Pagdating namin, nakita ko si Jiro, nakaupo sa tapat ng bintana at nakatitig sa malayo. Ano kaya ang iniisip ni Jiro? Teka, bakit ko nga ba iniintindi yun? Haist. Ano ba yan. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak ko. Hmp.

Dumating ang class adviser namin. Binati namin siya at umupo na kami ni Jenny. Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Jenny at nakita ko ang mga chewing gum na nakadikit sa palda niya. Naku, si Adrian at mga barkada niya ang may gawa nun. Hari kasi ng kalokohan si Adrian. Porket alam niyang walang lalaban sa kanya kaya ang lakas ng loob nyang gumawa ng kalokohan.

Bigla na lang sinugod ni Jenny si Adrian at akmang susuntukin pero hindi natuloy ni Jenny. Alam niya kung ano ang magiging kapalit nun kapag tinuloy niya. Buti na lang at lumabas saglit un class adviser namin at hindi nakita ang pagsugod ni Jenny.

Bestfriend, huminahon ka. Sabi ko sa isip ko. Mukhang effective naman at bumalik na siya sa tabi ko. Napagalitan na din kasi siya ng class adviser namin. Nakakahiya, first day of class, ganito pa ang nangyari. After ng first period, hinila na naman ako ni Jenny. This time papunta sa CR.

                “Naku! Talagang si Mr. Mahangin at friends, walang magawa sa buhay. Hindi porket mayayaman sila ay pwede na nilang gawan ng kalokohan ang lahat ng estudyante dito.” Galit na sabi ni Jenny.

                “Buti at hindi mo tinuloy ang pagsuntok dun, kundi lagot ka talaga. Huwag mo na lang pansinin yun mokong na yun. Kakarmahin din yun. Kita mo.” Sagot ko kay Jenny habang tinatanggal ang mga chewing gum sa palda nya.

                “Kung hindi ko lang talaga mahal ang pag-aaral ko at ang scholarship ko, matagal ko nang sinuntok un eh.”

                “Huwag na mainit ang ulo. Buti nga at chewing gum lang ang nilagay at hindi rugby. Wala ka pa naman dala na extra palda.”

                “Ay, kampihan to, teh?!”

                “Hindi sa ganun, ang sa akin lang, sana sa susunod, huwag ka na magpapadala dyan sa pagiging amazona mo. Sayang naman ang mga pinaghirapan mo at saka mawawalan pa ako ng kakampi dito sa school pag nagkataon.”

Pagkatapos namin linisin ang palda ni Jenny, pumunta na kami sa cafeteria. As usual, marami na naman biniling pagkain si Jenny. Take note, break time pa lang. Hindi pa lunch break. Malakas talaga kumain si Jenny. Kahit ako, nahahawa na sa kanya. Ang maganda lang kasi sa amin, kahit anong lakas naming kumain, sexy pa din kami. Hahahaha! Hindi kasi kami tumataba. Mahilig kami mag-food trip ni Jenny lalo na pag weekend.

Habang papunta kami sa isang bakanteng cottage, nakasalubong namin ang Mean Girls. Sila yun mga babae na popular sa school dahil na din sa makakapal na make-up nila at “mean” na ugali. Ang leader ng group ay si Lian Kang. Siya lang naman ang girlfriend kuno ni Adrian. May kasabihan nga tayo na birds of the same feathers, flock together. Kaya hindi na nakakapagtaka na girlfriend to ni Adrian.

                “Naamoy nyo ba yun girls? Amoy chewing gum. Ewww.” Maarteng sabi ni Lian sabay spray ng perfume sa daan at sa amin ni Jenny na may hawak ng tray na puno ng pagkain.

                “Yeah, right. Sino ba kasi dito ang amoy chewing gum? Hahahaha.” Sabi ni buntot 1.

                “Duh! Sino pa ba e di itong si Ms. Chewing gum. Hahaha.” Pahabol ni buntot 2 sabay turo kay Jenny.

                “I know right?” sagot ni Lian sa dalawang babaeng naka-buntot sa kanya.

Hindi na nakapag-pigil si Jenny kaya tinapon nya ang mga binili nyang pagkain sa pagmumukha ni Lian. Eto pa naman ang mga binili ni Jenny: Caesar Salad with dressing, French fries, Buttered Corn and Carrots, Shawarma at kung anu-ano pa. Nagulat ako pati na din yun ibang estudyante sa ginawa ni Jenny.

                “How dare you! Look what you’ve done to me! ” sigaw ni Lian at akmang sasampalin si Jenny habang nililinis ng mga naka-buntot sa kanya ang mukha niya.

                “How dare you, mukha mo! Dapat lang yan sayo!” Sagot ni Jenny. Napigilan nya ang pagsampal sa kanya ni Lian at hinigpitan nya ang hawak nya dito. Hindi ko na pinigilan si Jenny. Dapat lang naman talaga yan kay Lian at saka alam kong kayang-kaya na ni Jenny yan. Amazona kaya yan.

                “Ouch! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!” pagmamakaawa ni Lian.

Saktong napadaan si Adrian at si Jiro. Kaya humingi ng tulong si Lian kay Adrian.

                “Adrian, help me!” sabi nya kay Adrian.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Pasensya na po kung may mga typo errors kayo na makikita.

Straight from brain to MS word po kasi ako gumawa ng story. :)

Thank you po! 

Continue Reading

You'll Also Like

119K 6.7K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
772K 27.1K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
57K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...