Clash of the Campus Royalties...

By Lil_Sissy

38.2M 635K 133K

QUEENS OF WALDEN HIGH VS. KINGS OF HARTFORD ACADEMY Let's get it on!!!! More

Prologue
Chapter 1: First Day
Chapter 2: New Queen?
Chapter 3: My kuya Sungit
Chapter 4: Who Da Hell?
Chapter 5: Meeting him... I mean THEM
Chapter 6: Saberday
Chapter 7: CLASH!
Chapter 8: Scott-Lexi <3
Chapter 9: Sorry?
Chapter 10: Deal?
Chapter 11: Sembreak yeah!
Chapter 12: The fudge! >___<
Chapter 13: The other side of HIM
Chapter 14: What the?
Chapter 15: Why so sungit?
Chapter 16: Clash again?
Chapter 17: Bati bati din
Chapter 18: It hurts
Chapter 19: Lexi is drunk.
Chapter 20: Hangover
Chapter 21: That NIGHT
Chapter 22: Last Day (Part 1)
Chapter 22: Last Day Part 2
Chapter 22: Last Day (part 3)
Chapter 23: Stalker Mode
Chapter 24: Kings VS. Kings
Chapter 25: The Evil Three
Chapter 26: Queens VS. Queens
Chapter 27: Trip Trip
Chapter 28: PROVE it beybeh!
Chapter 29: ACQUAINTANCE PARTEH!
Chapter 30: Oh myy
Chapter 31: HOW WE WORK TOGETHER. (DAY 1)
Chapter 32: Ashley's PAST and PRESENT
Chapter 33: How we work together (Day 2)
Chapter 34 (part 1): The most awaited PARTY
Chapter 34 (part 2): The most awaited PARTY.
Chapter 34(part 3) :The most awaited PARTY
Chapter 35: HE'S BACK
Chapter 36: A date with HIM.
Chapter 37: His sister's POV
Chapter 38: FRETHAN <3
Chapter 39: How are they?
Chapter 40: Beginning
Chapter 41: Butterflies in stomach
Chapter 42: Feelings
Chapter 43: Decisions
Chapter 44: The official suitor?
Chapter 45: It was all a mistake!
Chapter 46: Say whuuut? :O
Chapter 47: I wanna go home!
Chapter 48: DAMOVES NI PARENG ETHAN :">
Please Read!!!
Chapter 49: Love and Lies
Chapter 50: Wounds
Chapter 51: His side.
Chapter 52: Comeback UD ni Ms. Otor. ^___^
Chapter 53: The day before the pageant
Chapter 54: Mr. & Ms. Clasher
Chapter 54: Mr. & Ms. Clasher (Part 2)
Chapter 54: Mr. and Ms. Clasher (part 3)
Chapter 55: Big Deal?
Chapter 56: ASHIAN (ASHI-YAN)
Chapter 57: FRETHAN is love
Chapter 58: YAN tayo eh. :">
Chapter 59: It will haunt them
Chapter 60: The EX. :)
Chapter 61: WE ARE THE QUEENS
Chapter 62: Assurance
Chapter 63: Ilang tawa?
Chapter 64: Unexpected
Chapter 66: Worthy
Chapter 67: All or Nothing
Chapter 68: Christmas Party
Chapter 69: Daring Truth
Chapter 70: The Final Clash
Chapter 70: The Final Clash pt. 2
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: Summer Outing

Chapter 65: Familiar Feeling

297K 6.2K 2K
By Lil_Sissy

Chapter 65: Familiar Feeling

Ashley's POV

"Moniknik! May tao ata sa labas!" Papasok pa lang kami ng kwarto niya nung nakarinig ako ng kumakatok sa pinto. Tatlong beses pa nga eh.

"Baka nagpadeliver lang si Lola ng pizza. Nanjan naman sila manang." Sabi niya sabay hikab.

"Ako na lang yung magbubukas tas ihahatid ko kay Lola D." Suggestion ko.

"Ash, hindi ka pa ba inaantok? Matulog na tayooooo..." Nagkapout na sabi niya at parang gusto nang humilata sa sahig.

"Hindi pa eh. May hangover pa ako sa date namin kanina. Hahaha! Mauna ka na nga kasi, susunod ako."

"Nakakaasar naman to! Bahala ka nga, sana multo yang kumakatok!"

"Ay naman te. Kinilabutan ako ha?" I said with full sarcasm. Ako pa tatakutin nito.Tiss!

Bumaba na ako ng hagdan para puntahan yung tao sa labas. Grabeee, hindi ko maexplain tong sayang nararamdaman ko. May hangover pa ko sa date namin ni Sungit. Hahaha! Ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya, few years ago before my ex broke my heart. Sana palaging ganito. Sana si Gian na talaga. Woooooh~ Love is in the air~ (=^.^=)

Bigla akong napapreno ng malakas sa paglalakad nung may nakita akong babaeng nakatalikod sa tapat ng pinto. Imposible namang si Fretzie to, di hamak na mas may laman to sa payatot na yun. Lalo naman si Lexi, asa namang magteterno ng pink na pangtulog ang isang yon. Si Monique? Pwede rin kaso, sino naman yung kausap ko kanina? At dahil hindi ako tanga malamang alam kong hindi si Monique yung babaeng to. Nako naman si Ateng!!! Napakaepal niya para unahan ako sa pagbukas ng pinto. Sino ba kasi siya? Parang ngayon ko lang din siya nakita. Siguro bagong katulong nila Monique? Or worst...

O______O

Siya na yung Beatrice?

Yung babaeng sinasabi nilang naging dahilan sa pagbabago ni Gian. Gusto kong mamangha sa kanya, paano niya nagawang baguhin ang isang tulad ni Gian Santiago na ubod ng gwapo? Ganun ba siya kaganda?

Kahit nakatalikod siya sakin ramdam ko yung kaba ko. She have this aura... yung tipong hindi pa siya nagsasalita maiintimidate ka na. Ayoko naaaaaa! Hindi pa ako handang makilala siya. Duwag na kung duwag, kahit na alam kong mahal ako ni Gian wala akong ideya kung anong laban ko sakanya. Isa lang naman akong hamak na madaldal na nilalang. =_____=

Aakyat na nga lang ako bago niya pa ako makita. Sayang naman yung pizza... (╯ 3╰)

"G-Gian..."

I froze. Wait--- No. What am I thinking?! Umuwi na si Sungit kanina pa ah! Nakita pa nga yung kotse niyang palayo eh. Imposible talaga. *Shakes head* Nakakaparanoid naman tong Beatrice na to! Pero what the hell... Of all names? Sabagay common naman yung pangalan na Gian at pwede ring nabingi lang ako at hindi pala talaga Gian ang sinabi niya. Hay nako Ashley, gamit gamit rin ng cotton buds ano? =____= Pinilit ko yung sarili kong humakbang palayo. Hindi ako pwedeng makita ni Beatrice at ayaw kong masira tong ispesyal na araw na to.

"Anong ginagawa mo dito?!"

O____O

Shoot. Hindi ako napaparanoid. Hindi ako pwedeng magkamali! Boses yun ni Gian! At narinig ko siyang sumigaw ng ganun for the first time! He sounded really mad to the point that I can't imagine his face while saying those words. He's a very reserved person and he doesn't show much emotion unlike other people. But now...

I just wanted to cry.

  (Please click the multimedia or play Cat and Mouse by The Red Jumpsuit Apparatus in your players.)

Parang nanghina bigla yung mga tuhod ko. Para akong kandilang natutunaw. Eto na nga ba ang sinasabi ko. WALA NA... Nagkita na sila!!! And worst hindi pa kami ni Gian. Gusto kong magpalamon sa sahig, sa hagdan, sa pader at sa lahat ng bagay na nakikita ko! Sana hindi to totoo, sana panaginip lang ang lahat ng to. Gustong-gusto kong sisihin ang sarili ko, sa dinamidami ng pwede kong kalimutan bakit yun pa?! Why do I have to look and wait for the right timing when the moment we were together earlier was the perfect one?!

I want to cry out loud. The pain, the anxiety and this feeling is driving me crazy to think that they had just seen each other.

Dahil sadyang masokista ako, nagtago ako sa likod ng hagdanan. Kung saan ni anino ko, wala silang makikita. Kailangan kong malaman ang susunod na mangyayari.

Umatras ng kaunti si Beatrice kaya nakita ko yung mukha ni Gian. Still had that handsome face but not the usual emotionless one. I can see hatred... I can see that he's in pain.

I really hate her for doing this to him! Anong ginawa niya kay Gian para magkaganyan siya?! Sure wala akong alam sa past nila, pero grabe naman! Anong klaseng tao ba siya? Wala ba siya kahit konting awa?

"I missed you too!" Tila nagbingi-bingihang sabi ni Beatrice at dumambang yayakapin si Gian ngunit umatras ito.

"Bea, don't act as if nothing happened between us." Narinig kong sabi ni Gian.

"It’s been years. Am I still not forgiven?!" Kahit ayaw ko yung mga naririnig ko, gusto ko pa ring makinig. Alam ko kasing eto na eh, binabalikan na nila yung past nila. Finally, malalaman ko na ang mga sagot sa mga tanong ko.

"No." He said full of coldness.

"But you're the reason why I'm here, the reason why I came back. Don't make this hard for me, please."

"I'm the reason? Then what are you doing here in your ex's house? He's the reason too? Nice logic."

Habang tumatagal lalong lumalamig yung boses ni Gian. Para bang yung karampot na pagbabagong nagawa ko kay Gian ay nawala sa isang iglap lang. Bigla siyang bumalik sa Gian na una kong nakilala, yung Gian na natapunan ko nung juice! Yung ubod ng sungit at mayabang!

"It’s because I don't have a place to stay! Do you want me to sleep in the streets?!" Medyo nagbago yung tono ni Bea, parang siya pa yung may ganang magalit?

"But you should've asked me first!"

O________O

"I didn't bother. I know you're so mad at me..."

"Sa lahat ng tao Bea, ikaw ang nakakaalam na hindi kita kayang tiisin. Na kahit ang laki laki ng galit ko sayo hindi ako magdadalawang isip na patuluyin ka sa bahay namin. You know that, don’t you? But still you doubted!”

"Nagduda ako kasi alam kong meron ka ng iba. Hindi ako tanga Gian!"

"You are! Because UNTIL NOW, You never recognize my feelings. Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam na ikaw pa rin! Bea your numbness is killing me!"

"God! You still love me?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Beatrice. She's crying maybe because of happiness while I’m crying because of pain. She rushed to him and hugged him really tight while I’m here hugging myself, hoping that this will lessen the pain I'm feeling right now.

Sabi ko na. Mauulit nanaman yung nangyari dati. Bakit palagi na lang? Wala na ba akong karapatang maging masaya?! Sa totoo lang nakakasawa na yung ganito eh. Sobrang sakit na. Yung pakiramdam na ganito na lang palagi yung nangyayari tuwing nagmamahal ako. Bakit ba? Ano bang mali sakin? Gusto kong magwala sa sakit, gusto kong sumigaw ng sobrang lakas pero mas pinili ko na lang na umiyak ng tahimik kahit na alam kong mas mararamdaman ko yung sakit sa ganitong paraan. Masokista nga talaga ako. Pwede naman kasing lumabas ako dito at sampalin si Gian dahil pinaasa niya ako pero tulad nung dati mas ginusto kong sarilihin tong sakit. Wala na rin namang magbabago, ipapahiya ko lang ang sarili ko.

Alam niyo ba yung pakiramdam na mas nangingibabaw yung panghihinayang mo kesa sa galit?! Sinayang ko yung pagkakataon ko kanina. Kung sana hindi ko nakalimutan, kung sana hindi na ko naghanap ng magandang timing, kung sana sinagot ko na siya nung una pa lang---may karapatan na sana ako ngayong lumabas at magwala dito.

I feel so drained, yung utak ko, yung puso ko, yung buong pagkatao ko. Ang sakit sakit na. Parang kanina lang ako yung sinasabihan niyang mahal niya tapos nagkita lang sila ni Beatrice, biglang nag-iba?

Bakit ang panandaliang saya ay palaging may kapalit na sakit na pangmatagalan?

Tumalikod na ako sa kanila. Wala na kong balak makita kung anong ginagawa nila ngayon. Ayaw kong makita nila akong ganito, ayaw kong kaawaan nila ako. I have to save my pride atleast.

Hindi ko naman alam na sa ginawa kong yon ay makakagawa ako ng ingay. Nasagi ko yung vase at agad itong nabasag sa sahig na gumawa ng malakas na ingay.

BAKIT NANGYAYARI ANG LAHAT NG ITOOOO?!

Agad akong napatingin sa kanila at tahimik na nagdadasal na hindi nila ako nakita. Pero napapikit ako nung nakita ko silang naglalakad palapit sakin. Hindi pwede to! Ayoko ng confrontation, ayokong marinig yung paliwanag niya, wala akong sapat na lakas para ibuhos lahat ng sama ng loob ko at sigawan siya.

Agad akong tumakbo paakyat ng hagdan...

"Ashley!!!" Rinig kong sigaw ni Gian habang hinahabol ako. Mas binilisan ko ang pagtakbo paakyat pero nahabol niya ako at nahawakan ang braso ko.

"Bitaw." Sabi ko habang nakayuko at pilit kong pinipigilang ang sarili kong humagulgol. Ayaw kong makita niya akong nasasaktan. Gusto kong iparamdam sakanya na wala akong pakialam kahit na ipagpalit niya ako kay Beatrice! Tutal ako naman yung lumalabas na kontrabida sakanila diba?!

"Ashley, I can explain."

"Bitiwan mo ako sabi." Lechugas! Naiiyak nanaman ako. I really hate dramas!

"Ashley, please..."

"Sinabi ko na sayong bitawan mo ako!!" Binuhos ko ang buong lakas ko parang tanggalin yung hawak niya sa braso ko at agad na tumakbo. Pumasok sa kwarto ni Monique nang hindi lumilingon sa kanila.

"Ashley buksan mo tong pinto! I'll explain everything!"

Nakasandal ako sa pinto kaya rinig na rinig ko yung boses niya sa labas at ramdam na ramdam ko yung pagkalampag niya dito.

"Ashley? Sino yung sumisigaw sa labas? Hala---BAKIT KA UMIIYAK?!" Nagulat ako nung tumakbo agad si Monique palapit sakin at niyakap ako. Hindi pa rin pala siya natutulog.

"Wala na Monique... nagkita na sila! BAKIT GANUN, AKALA KO BA AKO YUNG MAHAL NIYA?! *huk* Ang sakit sakit!" Hirap na hirap kong sabi habang umiiyak balikat ni Monique.

"Shhhhh... Tahan na. Ako nang kakausap kay Gian---"

"ABA! BAKIT UMIIYAK YAN?!" Halos mapatalon naman kami ni Monique nung sumigaw si Lexi. Eto na... Replay ba to?! Jusko. Ayoko naaaaa. Bakit kailangang magising ni Lexi? Kung ako kaya kong manahimik at tiisin ang sakit, ibahin niyo si Lexi.

"N-Napuwing lang ako. Ano kasi yung mata ko eh---" nagdadahilan pa ako nung kumalabog ulit yung pinto.

"Ashley naman!" Sigaw ni Gian mula sa labas.

Kitang-kita ko kung paano nawala yung antok sa mata ni Lexi.

"Lexi matulog ka na nga! Ako nang bahala dito." Awat ni Monique, alam niya rin namang malaking gulo pag pinairal ni Lexi yung init ng ulo niya.

"Ano ba kasing nangyari?! Si Gian ba yung nasa labas?! Bakit umiiyak si Daldalita?!" Sunod-sunod na tanong ni Lexi.

"Lexi matulog ka na nga..." Nanghihinang sabi ko.

"Ashley naman! Tingin mo inaantok pa ako? Ano ba kasing nangyari?"

"Nagkita na sila. Si Gian at Bea." Naiinis na sabi ni Monique.

"Oh ano naman ngayon? What's the big deal?! As if namang may magbabago!"

I burst into tears.

Yun na nga eh! Ang dami nang magbabago ngayong alam kong mahal niya pa rin yung taong sumira sa kanya.

“M-Mahal niya pa rin eh.” I said while crying.

"Put---Haay!!! Nakakabaliw! BUKSAN NIYO NGA YANG PINTO!" Utos ni Lexi. Agad kong hinawakan yung kamay niya at umiling.

"Ano ba Ashley? Mananahimik ka nanaman?!"

"Tama na muna. Masyadong masakit!"

"Kung nasasaktan ka, kailangan ganun din sila! Wag kang papayag na ikaw lang!"

"...Ashley hindi ako aalis dito hanggang di kita nakakausap!"

Lalong nandilim yung mukha ni Lexi sa sinabi ni Gian. Agad niyang tinungo ang pinto at padabog na binuksan ito.

"AKO! AKO ANG KAUSAPIN MO!" Agad ring sinara ni Lexi ang pinto pagkalabas niya.

Hinawakan ni Monique yung kamay ko.

"Everything will be fine."

Sana. Sana nga.

"Lexi, just let me talk to her please!" Rinig kong pakiusap ni Gian. Nakasandal kami ni Monique sa likod ng pinto at nakaupo, tahimik na nakikinig kila Lexi.

"Ano ka?! Hindi pwede. Ako tong nasa harap mo, ako’ng kausapin mo!"

"Lexi naman..."

"Anong Lexi naman? Botong-boto pa naman ako sayo para sa kaibigan ko tapos ano?! Mas matindi ka pa pala sa ex niya!"

"You know nothing."

"I know nothing?! Nakita mo ba kung paano umiyak si Ashley?! Sh*t. She's been through hell because of her ex and now?! HINDI KA BA NAAAWA?!" Ramdam ko yung gigil sa boses ni Lexi na para bang siya yung sinaktan, siya yung niloko. Sinundan ito ng malakas na tunog.

Napapikit ako. It was loud enough to hear a slap.

"Oh my God!" I said.

"He deserved it. If I were Lexi, I would do the same." Sabi ni Monique.

"Ano Gian?! Masakit ba? Sumagot ka! MASAKIT BA?!"

"Ano bang problema mong babae ka? Bakit mo sinampal si Gian?!" Then I heard an unfamiliar voice. If i’m not mistaken that should be Beatrice.

"Wag kang epal diyan kung ayaw mo ring masampal ng kabilaan!"

"Gosh. Napaka war-freak mo! Bahay mo ba to?!"

"Makapagtanong ka ah! Bahay mo ba to?!"

Narinig kong napapigil ng tawa si Monique. Tignan mo to, kanina ang drama sabay tatawa.

"Sorry. Ang funny lang." I smiled a bit. That's Lexi. No one can shut her just like that.

"Bea please stay out of this." I heard him say.

"No. It's late. Umuwi ka na."

"No. I need to talk to HER."

"She doesn't want to talk to you. Isn't it obvious?"

"Mabuti pa nga umuwi ka na Gian. Nang mawala na rin sa paningin ko yang butiking yan. Paka-arte."

"Shut up!"

"Shut up my ass. Boses butiki!"

"How dare you?!"

"C'mon Gian. Umuwi ka na baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko pati yang babae mo masaktan ko."

"G-Gian..." Parang naiiyak na sabi ni Beatrice.

"Don't touch her Lexi."

"Then just f*cking leave! Have mercy on Ashley!"

“Ashley!!!! I know you’re listening! I want you to know that... I-I’m very very sorry. You don’t deserve this!”

I tried to cover my ears but my heart can hear it loud and clear. He’s saying sorry for what?! For making me look stupid believing a Gian Santiago would really fall in love with me?! Iniwan niya ako sa ere eh! Ineexpect ba niyang kaya ko siyang patawarin sa sorry niya?! Kung mahal niya pa rin si Beatrice, hindi niya ko dapat pinaasa ng ganito!

“Magingat ka sa paguwi, digital pa naman ang karma. G*go ka. Pinaasa mo yung kaibigan ko!”

“Sorry talaga Lexi. I-I just...”

He really loves Beatrice for doing this to me.

“Kahit lumuhod, tumambling sabay split ka diyan, walang magagawa yang sorry mo! Sana lang talaga wag mong pagsisihan tong ginawa mo sa kaibigan ko kasi honestly? Hindi ka malaking kawalan sakanya, ikaw ang nawalan tandaan mo yan.”

***

I'll post the next chapter within this week. Comments please. :D

Continue Reading

You'll Also Like

62.4K 1.4K 19
Highest Rank, #25 in NewAdult (10-26-2018) How to tame a player? By GreatPretender04 How to tame a player? Are you heartbroken because of a playboy...
7K 294 19
"SCHOOL OF MYSTERY: THE POWER OF NINE" "Posible nga ba na sa isang paaralan, may mga estudyanteng nagtataglay ng kakaibang kakayahan o kapangyarihan...
123K 7.1K 68
Dedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER...
3.9K 259 23
Love and friendship story of six 4th year high school students from section Sampaguita.