Kuya

By JustPlainlyMe

4.8M 40.5K 8.8K

Puro ka kuya. Lagi ka na lang kuya. More

Kuya
take one (andrew)
take two (andrew)
take three (andrew)
take four (andrew)
take six (juniper)
take seven
take eight
take nine
take ten
take eleven
take twelve (juniper)
take thirteen
take fourteen
take fifteen
take sixteen
take seventeen
take eighteen
take nineteen
take twenty
Take Twenty One
take twenty two
take twenty three
take twenty four
take twenty five
take twenty six
take twenty seven
take twenty eight
take twenty nine
take thirty (last chapter)
extra
A writer's thank you note.
Announcement!
Facebook Group
ANNOUNCEMENT
tekla and tallnut's comeback

take five (andrew)

157K 1.5K 349
By JustPlainlyMe

Malas. Kung meron mang taong malas, ako na ata 'yun.

Wala na atang makatatalo sa record ng pagkamalas ko! Sino ba naman ang hindi matatawag na malas kung pagising na pagising mo pa lang sa umaga, putak ng Nanay mo ang bubulahaw sa'yo. Malas na nga, mas lalo pang minalas dahil amoy jebs ang katabi ko kanina sa Jeep, hindi ata nagsabon si Manang, umaalingasaw. Sinong hindi mababadtrip kung hindi lang 'yun ang kamalasan mo dahil pagdating mo sa klase, nakalimutan mo na submission pala ngayon ng problem set sa Statistics? Anong klaseng kamalasan ba ang meron ako? Dyahe, dyahe. Takte, hindi lang 'yun. Kaninang lunch break, kung kelan nangalahati na 'ko sa napaka-asim na sinigang, kung kelan napasarap na 'ko sa pagkain, saka ko naman makikita ang nagscu-scuba dive na langaw sa ulam ko.

Ang malas ko. Ang malas malas ko, sa sobrang malas ng araw na 'to, hindi ko na alam kung may ikamamalas pa ba dito ang mga ibang araw na dadating sa buhay ko. Napakamot na lang ako sa ulo kahit alam kong wala akong kuto, mannerism daw ito. Ang astig lang ‘no, may mannerism din ako?

Hinay-hinay akong naglakad hanggang sa makalabas ako ng campus. Lalong nangunot ang noo ko nang makita ang mga patak ng letseng ulan na dumapo sa kamay ko. Malas. Mabilis kong hinanap ang wallet ko at binuksan ito para kumuha ng pangbayad sa Jeep pero nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang walang laman ang wallet ko, kahit singkong duling, wala talaga. Saka ko lang naalala na binayad ko pala ang perang natira sa ga-bundok na pina-photocopy para sa project namin. Malas. Pa’no ako uuwi nito?

Si Jan, bigla kong naalala si Jan. Agad kong hinanap ang cellphone sa kailaliman ng bagpack ko. Nang makuha ko ito ay sumilay ang isang ngiti. Dali-dali akong nagtype sa cellphone kong 3210. Oh, wag kang umangal, binenta ko ‘yung Samsung, mai-date ka lang. Pamana pa sa’kin ’to ni Tatang. Aba, vintage ‘to, gusto mo?

Maya-maya pa ay bigla na lang tumunog ang pinaka-ayaw kong marinig sa lahat. Halos itapon ko sa Mamang humagalpak nang marinig ang nakaka-asar na tunog ng check operator services.

“Kawawang bata, 3210 na nga lang ang cellphone, wala pang load. How poor can you get, totoy?” pang-inis na sabad ng Mamang naglalakad sa daan.

Huminga na lang ako ng malalim at inirapan ang matanda. Mukhang nasindak naman siya dahil agad namang umalis at tinulak ang fishball cart n’ya. Ang gara ng tindero ng fishball, paingles-ingles na lang.

Halos ubusin ko na ang buhok sa sobrang inis. Umuulan na nga, wala pang pamasahe, wala pang load. Dyahe! Takte lang, ang malas ko!

Dumiretso ako sa isang waiting shed at naghintay sa pagdaan ng tropa para maka-utang ng pera. Walang tao dito kaya ayos lang. At dahil wala ring pera ang DPWH ay hindi man lamang naisipang lagyan ng upuan ang Waiting Shed. Kung magwe-waiting ka, di’ba ang awkward kung nakatayo ka lang? Dapat nakaupo e. Standing Shed dapat ang tawag dito e. Okay, korni na, daming alam.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Pero pa’no ko ba gagawin ‘yun? Isang mahabang buntong-hininga ang ginawa ko. Pero para na akong sasapian ni Satanas nang makita ko kung sino ang tumatakbo papalapit dito sa Standing Shed, waiting shed pala.

Takte naman eh, kung kelan minalas ka na nga, mas lalo ka pang minalas.

Tatke naman Juniper, ano bang trip mo? Di’ba, ayaw kong makita ka? Di’ba allergic ako sa kulot mong buhok? Di’ba, ayaw kong makita ang chubby mong katawan? Eh bakit dito ka pa tumakbo? Bakit ang slow poke mo? Bakit hindi mo ma-gets? Bakit ba? Sadista ka ba talaga?

Bakit pakiramdam ko eh pinaglalaruan ako ng mundo?

Tumingin ako sa pader. Kunwari, di kita nakita. Kunwari, busy ako sa pagbibilang ng vandalism dito sa Standing Shed. Kunwari, wala ka.

Kung alam mo lang kung ga’no ko ka-gustong harapin ka at gawin ang mga bagay na ginagawa natin dati. Pero hindi e, kunwari, anino ka lang.

“Kuya,” sambit mo. Okay, kunwari, di kita narinig. Let’s just pretend na may nagsasalitang anino. Blablabla, hindi kita narinig.

Muli akong tumingin sa pader, oo, face the wall ang drama ko. Mas okay na ‘to, kesa face Juniper o face your fears. Alam mo bang isa ka sa kinatatakutan ko?

Takot akong makita ka kasi takot akong makita ang sarili kong nababaliw at nahuhulog na naman sayo. Dyahe ka! Para lang isang utot ang pakiramdam ko sa’yo. Pinilit ko mang itago, maaamoy pa rin at maaamoy. Hindi mapipigilan ng simpleng pag-upo sa sulok. Aalingasaw pa rin kahit anong tago.

“Kuya,” ulit mo. Napakamot na lang ako sa ulo. Ayaw ko na Juniper, maawa ka naman! Torture na eh. Sobra na.

“Kuya naman, pansinin mo naman ako!” lumapit ka sa’kin at hinila mo pa ang braso ko. Bakit ang feeling close mo? Aba, ‘di tayo close! Porke ba niligawan kita, close na tayo? Hindi!

“Oh, and’yan ka pala? Kamusta?” tanong ko. Kunwari, di talaga kita nakita.

“Bakit ka ba ganyan?” parang nababaliw na tanong mo. Kinunot ko naman ang noo ko para magmukhang naguguluhan ako. Best actor di’ba, pang-Oscar’s ang dating.

“Oh? Ganito naman ako dati pa ah?” ngumiti pa ako para mas lalong kapani-paniwala.

“Wag ka namang pilosopo kuya! Bakit ka ganyan? Hindi ka naman dating ganyan ah?”

“Ganito na ako dati, pogi!” ngumisi pa ako. Kunwari, di kita maintindihan. Kunwari lang naman pero kung alam mo lang Juniper.

“Eeeee. Kuyaaaa!” padabog-dabog mo pa akong yinugyog. Ang bata mong tingnan. At oo na, nakyokyotan ako, pero sikreto lang ‘yun. Bahala ka, di mo malalaman ‘yun.

“Ano ba kasing problema mo Julienne?” tanong ko gamit ang totoong pangalan mo. Kitang-kita ko kung ga’no nanlaki ang mata mo, nabigla ka ‘no? Tiningnan lang kita ng mataman at di kaila sa mga mata ko ang mabilis na pagbuntong-hininga mo. Hinihika ka ba? Problema mo?

“J-Juniper,” sambit mo. Ayaw mo na bang tawagin kita sa totoong pangalan mo? Masaya ka ba sa tuwing tinatawag kita ng Juniper? Pero tanda ko naman na inis na inis ka sa’kin dati dahil sa bansag na ‘yan.

“Mas okay na ang Julienne, ayaw mo nu’n, hindi ka na pagtatawanan ng mga tao dahil sa bansag na binigay ko sa’yo. At saka, narealize ko lang, bakit ba kita tinawag na Juniper dati? Dapat, Julienne talaga eh. Ang bopols ko lang din eh,” tumingin ako sa malakas na pagbuhos ng ulan, pilit na inilalayo ang paningin sa’yo. Ayaw kong makita ang reaction mo. Natatakot ako na kapag nakita ko ang pagka-dismaya sa mukha mo ay bigla ko na lang tibagin ang pader na ginawa ko para malayo sa’yo. Ayaw ko Juniper, hindi pa ako handa. Hindi pa handa ang puso ko. Saka na.

“N-nasanay na ako sa Juniper,” para kang bata na inikot-ikot ang isa mong daliri sa kulot mong buhok. Isa ‘yan sa mga mannerism mo. Kulot ka na nga, lalo mo pang pinapa-kulot ‘yang buhok mo.

“Julienne na lang para masaya.” Pinilit ko talagang bumungisngis dahil alam kong hindi ka maniniwala kung hindi ko ‘yun gagawin.

“P-pero…” putol mo, takte, pa-suspense ka pa. Pero ano Juniper? Napayamukos na lang ako.

Alam mo ba kung anong problema sayo? Lagi mo akong pinapaasa. Lagi mo akong binibigyan ng tsansa pero ano? Lagi mo rin akong binibigo! Ano bang problema mo? Ba’t ganyan ka? Dakila kang paasa. Dakila kang play girl. Lagi mong pinaglalaruan ang damdamin ko. Aba naman Juniper, nasaan ang hustisya?

“Julienne. Simula ngayon, yan na ang itatawag ko sa’yo,” malamig na sabat ko. Bigla kang yumuko at para naman akong mababaliw. Halos gusto kong lumukso papalapit sa’yo at tingnan ka sa mata. Sabihing Juniper pa rin ang gusto kong itawag sa’yo pero hindi ko ‘yun gagawin. Para saan pa ang great wall of Andrew kung gagawin ko na naman ang kagaguhang ‘yun? Ilang sakit rin ang tiniis ko, ilang pagtitimpi maggawa ko lang ang pader na ‘to tapos ganon-ganon lang? Titibagin ko lang kasi yumuko ka? Ayoko na, awat na.

Sapat na naman siguro na halos binigay ko na sa’yo lahat, pwera kaluluwa. Aba, mahal ‘yun ano. Okay, nababaliw. Baliw na nga siguro ako dahil nahulog pa ‘ko sa’yo. Baliw na siguro ako kasi kahit alam kong napakalalim ng bangin mo, pinili kong lumukso. Ngayong nakakapit na ‘ko sa lubid at pinipilit nang umahon, wag mo naman akong hilahin pailalim, Juniper.

Parang awa mo na. Kung lagi ka lang namang paasa, mas mabuting magka-iwanan na.

Bigla na lang tayong nilukob ng katahimikan. At wala akong planong basagin ‘to. Sa cold treatment ko na ‘to, baka sakaling may magbago. Baka maging happy ending ang kwento o baka naman iwan mo na talaga ako. Oo, aaminin ko Juni, ang drama-drama ko. Baka isipin mo, bakla ako sa sobrang kadramahan ko. Pero matanong kita, alam mo ba kung pa’no mag-isip ang mga lalake? Hindi mo alam e.

Para kaming mga pipi, walang karapatang magsalita. Dahil ‘yun ang nakasanayan. Hindi kami pwedeng umiyak at lalong hindi pwedeng lalambot-lambot. Pero tulad n’yo, tao lang din kami. Hindi kami santo, hindi kami bato. May pakiramdam kami. At tulad ninyo, nasasaktan din kami.

Tulad ngayon, nasasaktan ako. Di nga lang halata kasi magaling kami eh. Magaling kaming mag-kunwari.

“K-Kuya…”

Tama na Juniper. Punung-puno na ako! Ayaw ko nang umasa!

Dali-dali akong lumabas ng Waiting Shed at naglakad palayo sa’yo. At wala akong pakialam kahit mabasa pa ako ng pesteng ulan na ‘to.

Sa ngayon, isa lang ang nasa isip ko… ang malayo sa’yo. Dahil alam kong sa bawat oras, sa bawat minuto, sa bawat segundo na malapit ako sa’yo, nahuhulog ako. At ayaw ko nang mangyari ‘yun. Ayaw ko na kaya tama na ang kabobohan!

Damang-dama ko ang page-emo sa lakas ng ulan. Alam kong pag-uwi ko ay bibingo na naman ako kay Inay dahil sa nagpabasa na naman ang nag-iisang baby boy niya. Alam kong maaaring magkasakit ako sa mga ginagawa ko. Alam kong maraming pwedeng mangyari sa kagaguhang ito pero hindi ko na inisip ang mga ‘yun e.

Mas mabuti nang magkasakit, mas mabuti nang mapagalitan, mas okay na ‘to kesa tiisin ko pa ang mapalapit sa’yo. Mabilis akong humakbang palayo. At hindi ako titingin kung sa’n ka nakatayo. Dahil baka mahila mo na naman ako pabalik sa’yo.

Bahala ka na Juniper. Bahala ka na kung ano ang gusto mong isipin.

Unti-unti akong nakalayo. Bawat hakbang ng mga paa ko ay sing-bigat ng sampung kilo ng pako. Mabigat na nga, para pa akong tinutusok-tusok.

Sige pa, Andrew. Makakalayo ka naman di’ba?

Halos magtagumpay na ako sa plano eh, kaya lang, bigla kong narinig ang sinabi mo.

“Kuya, tama na, pwede ba?”

Isang hakbang pa ang ginawa ko at hindi ako lilingon. Hindi talaga.

Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang tunog ng mga paa mo. At sa hindi malamang dahilan, natigilan ako. Takte, di kita matiis.

Para akong isang bato na nasa gitna ng kalsada. Buti na lang at walang dumadaang sasakyan dahil paniguradong dedo ako pag nagkataon. Andun lang ako, nakatayo na parang may toyo sa ulo. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ‘ko.

Lilingon ba ako? Sa paglingon ko ba, may mababago ba?

Wala, walang mababago. Mananatili pa rin akong parang asong sunod ng sunod sa’yo. Kalabisan na ‘yun di’ba? Kaya hindi na ako lilingon at magsisimula na akong humakbang palayo sayo. Tama na ‘to.

Hahakbang na sana ako pero bago ko pa man magawa iyon eh nanlaki na lang ang mga mata ko sa pagpulupot ng mga braso mo sa katawan ko. Yakap-yakap mo ko mula sa likod. Kung alam mo lang kung ga’no ako maubusan ng dugo kakaisip kung bakit mo ‘to ginagawa. At oo, di ko ikakaila, kinikilig ako. Dyahe ka, Juniper. Bakit yinakayakap mo ako? Ano ba ang drama mo?

“Wag ka munang lumayo, Kuya. Wag mo muna akong iwan. Miss na miss na kita. Miss na miss ko na ang dating tayo,” ramdam ko ang panginginig mo. Pero hindi ‘yun dahilan para bitawan mo ako.

Juniper, totoo ba ‘to? Totoo ba ‘tong yakap mo? Totoo na ba ‘tong namimiss mo ako at ‘yung dating tayo? Totoo bang nangyayari talaga ‘to at hindi na lang isang panaginip na gawa ng malikot kong utak?

Dahil kong oo, aba, ito na ata ang pinakama-swerteng araw ko at ako na rin ata ang pinakama-swerteng tao sa mundo.

---

Author's Note: ISA PO ITONG ON-GOING. KAYA EXPECT UPDATES FROM TIME TO TIME. Sa mga nagbabasa, sa mga bagong readers, sa mga walang sawang nagco-comment. Maraming salamat.

Yung paabutin niyo ng 200 000 ang reads ng kwento ko eh sobra-sobra na para sa'kin. Salamat talaga, sana patuloy niyo pa kong suportahan. :D

At sa mga may planong magbasa pala ng mga short love stories (one shots) ko, basahin niyo na po sya as soon as possible dahil ide-delete ko na sya dito sa account ko dahil masyado na pong crowded ang works ko. At isa pa, ipa-publish (self-publish) na rin po kasi ang selected stories na 'yun (sana, bumili kayo, hahaha) kaya basahin niyo na po kung may plano kayo.

By the way highway, ang mga susunod na chapter (chapter six to ten) ay kay Juniper's point of view naman.

Maraming salamat. <3

lovelovelove,

Juniper/Sharmaine

Continue Reading

You'll Also Like

862K 29.2K 63
Meet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya, kontento na siya sa atensyon at pagmamah...
4.5M 165K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
156K 3.1K 37
She is Krsytal Jimenez .. perfect .. good girl and Loyal ... BESTFRIEND Ni Michael Clemente na inlove na inlove sa kanilang science teacher na si Ms...