[Book 3] And that's what make...

By stylesbxby

137K 5.8K 1.1K

[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 3] Love does not begin and end the way we seem to think it does. Lo... More

one hundred sixteen; before
one hundred seventeen; clues
one hundred eighteen; lastnight
one hundred nineteen; regret
one hundred twenty; heartaches
one hundred twenty one; search
one hundred twenty two; password
one hundred twenty three; passport
one hundred twenty four; protective
one hundred twenty five; changes
one hundred twenty six; hoodie
one hundred twenty seven; dare
one hundred twenty eight: emotions
one hundred twenty nine; break
one hundred thirty; texts
one hundred thirty one; same
one hundred thirty two: pain
one hundred thirty three: better one
one hundred thirty four: drink
one hundred thirty five: overthinking
one hundred thirty six: rude
one hundred thirty seven: sorry
one hundred thirty eight: family
one hundred thirty nine: cinderella
one hundred forty: prince
one hundred forty one: employee
one hundred forty two: rush
one hundred forty three: unexpected
one hundred forty four: choose
one hundred forty five: rain
one hundred forty six: boss
one hundred forty seven: efforts
one hundred forty eight: mansion
one hundred forty nine: promises
one hundred fifty: status
one hundred fifty one: video
one hundred fifty two: irritated
one hundred fifty three: cook
one hundred fifty four: run
one hundred fifty five: abandoned
one hundred fifty six: sacrifice
one hundred fifty seven: monster
one hundred fifty eight: operation
one hundred fifty nine: la union
one hundred sixty: accident
one hundred sixty two: abs
one hundred sixty three: flight
one hundred sixty four: bitter
one hundred sixty five: painting
one hundred sixty six: infinite
Epilogue

one hundred sixty one: love

1.9K 69 19
By stylesbxby

"Looking for me?"

Nang marinig ko yung familiar na boses, bigla ako napatayo at gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Sobra ko siyang namiss, sobra ko siyang mahal!

"Lumapit ka na nga dito devil slash monster." Palambing kong sabi at ewan ko pero nang makita ko siya ng malapitan, gumaan ang loob ko.

Pagkatapos ng paglapit niya, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na gagawin ko.

"Alexandra..."

Ginising ko ang possibility na mangyayari at nakita kong malapit na siya sa akin.

Akala ko nangyari yun, day dreaming lang pala.

"Uhm, nandito ka na pala." Sabi ko at umupo nalang ako at hinayaan na umupo siya sa upuan, ngayon ay magkaharap kami.

"Naalala mo ba?" He slightly smile at me while referring to the Jell-O shot na pinadala niya sa bartender.

Tumango ako pero hindi ko siya matitigan ng mabuti baka maiyak nalang ako bigla.

"Masaya ako dahil pumayag kang makipagkita kahit na alam kong... mahirap."

"Ginawa ko 'to para magkaroon ng closure, diba yun yung gusto mo?" Cold kong sagot.

"Ako lang ba ang may gusto?"

Ako rin gusto ko.

Hindi lang gusto para sa closure kundi gusto para makasama ka, makausap ka.

Hindi ako nakasagot kundi humingi ng tubig sa waiter. Ito ang event na open area, sosyal pero may halong kaguluhan dahil sa mga taong nagsasaya.

Uminom ako ng tubig, isang baso kagad naubos ko at alam kong nagtataka na siya o kaya nawoworry sa ginagawa ko ngayon.

Zac, pasensya na kung ganito ako ngayon. Alam mo naman na miss na miss kita at pinagsisisihan kong hindi kita dinalaw after ng surgery mo. Dinalaw nga kita, hindi naman kita nalapitan.

Tumitingin ako sa paligid dahil ayoko talaga siyang titigan. At alam kong kanyang mga mata ay nakatitig lang sakin.
_____________________

Zac

Ewan ko kung matutuwa ako sa nararamdaman niya ngayon o mawoworry kung ano ang iniisip niya.

Ang cute niyang kabahan, hindi ko akalain na maiinom niya ang isang basong tubig sa sitwasyon na meron kami ngayon. Siguro nga, talagang nililibang niya sarili niya sakin.

Sa nakikita ko, hindi siya makatitig. Habang ako naman ay, tinititigan siya and I'm memorizing her entire face including her hair, her neck, everything about her.

Oh god, I've missed her so much.

Kinuha ko yung phone ko at may tinext lang then maya-maya, nag-iba ang music. Kung kanina, maingay, ngayon naman ay acoustic songs na ang kinakanta.

Bigla siya napatigil sa naririnig niyang kanta, "Ang pangit ng mga kanta ngayon. Bakit kaya ganon?" Nahihiya niyang bulong kahit na narinig ko naman.

Napangiti ako at ang sagot ko naman ay, "I asked them to change the song."

Napatingin siya sakin and her sparkling eyes shining at me, napatitig ako lalo.

"I bought this event." Amin ko.

"Huh? T-teka, binili mo 'to? P-paano?"

"I gave them money."

"Bakit? Bakit mo 'to binili? Lahat nalang ba binibili mo?!" Pag-aalala niyang sabi.

"Para ma-solo kita." Sagot ko at napatahimik siya at parang may sasabihin pa siya pero hindi na natuloy.

"Speaking of which, sinabihan ko silang lahat na walang titingin sayo o magbabantang lumapit except for that bartender that gave you this..." Turo ko sa Jell-O shot.

"Lalo na't ganyan ang ayos mo ngayon, siguradong may lalapit sayo." Dugtong ko.

Napaubo siya at napatingin siya ulit sakin pero umiiwas pa din siya. In short, hindi siya makatagal ng tingin.

"Ibig mong sabihin, kanina ka pa nandito?" Tanong niya and I nodded.

"Pinapanuod lang kita nung pumasok ka then umupo dito at tinitignan yung mga lovers dyan... naisip kong, iniisip mong sana ganon tayo."

"Zachary Salvador, 'di kaya masyado ka nang mahangin?" Sarcastic niyang sabi.

And I smiled, "Totoo naman diba?"

"Na ano? Na masyado kang mahangin?" Palaban niyang sagot at ngumiti nalang ako.

"And oh, don't think about walking out after this conversation or during our talk 'cause I already blocked every way around this event."
___________________

Alex

"ANO?!" At tinignan ko kagad yung mga pwede kong daanan mamaya.

Isang way, ay hinaharangan ng familiar na tao, si Seb. Then sa isa naman, si Sam. At sa isa, si Troy. Then si Louis, na nag-wave pa sakin.

Seriously?
_____________________

Zac

"Alexandra, with all my efforts just to have you here is happening, sana yung gusto kong mangyari, sana... maging successful." Pakiusap ko.

Act cool.

She sighed, "Wag ka na magdrama dyan. Aminin na natin sa isa't isa kung ano talaga nararamdaman natin ngayon. Magtanong ka na kung anong gusto mong malaman."

"Is it because of her? My mother?" Tanong ko at kahit na alam ko na ang sagot, gusto kong malaman galing sa kanya.
___________________

Alex

Nakayuko lang ako magdamag at hindi pa rin makatingin sa kanya. I silently sighed and answered him, "May point naman siya... na tuwing magkasama tayo, palaging isa sa atin ay napapahamak lalo na ikaw."

"And you believed that?"

Napatahimik lang ako.

"Hindi niya alam kung ano mga pinagdaanan natin. Wala siyang alam sa nararamdaman natin. Hindi niya alam kung gaano natin kamahal ang isa't isa, Alexandra. Hindi mo kailangan maniwala sa mga sinasabi niya."

"Zac, lahat ng sinabi niya, ay totoo. Naniniwala akong dahil sakin, nasasaktan ka, dahil sakin, muntik ka nang..." At napatigil ako dahil nagsisimula na akong umiyak.

"Alexandra..." Hinawakan niya bigla kamay ko, "Please, marami na tayong pinagdaanan, ngayon ka na susuko?"

"Hindi ko alam kung magwowork pa tayo, Zac. Kung maraming hadlang satin. Kung maraming pwedeng mangyari sa relasyon natin. Maybe fate doesn't want us to be together." Sagot ko.

"Fuck fate. Fuck everyone who tries to ruin us-"

"Zac. Nanay mo pa rin 'yun-"

"I mean not fuck in a real and serious way. Its just an expression."

Napakamot ako sa ulo ko dahil naging joke pa ang usapan namin.

"Honestly, I don't care what people think about us. I want us to be together again, Alexandra. Matagal tagal na rin na wala tayong serious relationship. Alam kong gusto mo rin yun."

"Yes, I want that to happen, Zac. Pero, hindi ko alam kung kaya pa natin 'tong patibayin. I can't live without your mom hating me forever."

"Nagawa nga natin dati diba? Even my dad, I mean your dad. Diba? We did that even if they hated us. Ngayon, its just my mom. I can talk to her everyday just to make her agree with our relationship kung nabobother ka dun."

Pinunasan niya mga luha ko at hinawakan yung pisngi ko, "I know that you know, you want this relationship back just like I want it too."

Oo, gustong gusto ko.

"Pwede kong pag-isipan?" Tanong ko sa kanya and he nodded.

"Think all you want pero hanggang ngayong gabi lang." He slightly smile.

I nodded at binitiwan niya yung pisngi ko at umayos sa pagkakaupo.

"I'll be back." Paalam niya at tumayo siya at nawala bigla.

Anong dapat kong gawin? I can't just leave him like this. Hindi ganon at hindi ganon dapat ang magiging ending nitong storya namin.

Nilagay ko yung mga kamay ko sa ulo ko at nastrestressed na ako. Gusto ko siya, gustong gusto ko siyang makasama, makausap, mayakap, mahalikan at lahat lahat na pero sa nangyayari ngayon, hindi ko na alam.

Pumayag na ako sa offer sakin ng nanay niya at hindi ganon kadaling bawiin.

Kung ipagpapatuloy namin 'to, I don't think na titigil mom niyang sirain relasyon namin. Sa tingin palang ng nanay niya, alam kong ayaw na niya ako at iba tingin niya, nakakatakot.

"Mahal ko siya pero..."

Hindi ganon eh.

Walang pero pero... pero ngayon, meron na. Ano na nangyayari sakin?

"Hello everyone, I'm not used to talk when I'm on stage but I'm here for a big reason..."

Napatingin ako sa lalaking nagsasalita sa stage at hindi ako makapaniwalang nandun siya, kasama pa sila Troy.

"I want to dedicate this song for my love over there." Turo niya sa pwesto ko at nagtinginan mga tao sa paligid, they all cheer at hindi ko matago yung sarili ko sa mga tao dahil sa pagkakasabi niya ng ganon, my heart flutters.

And music plays...

Your love is bright as ever
Even in the shadows
Baby kiss me
Before they turn the lights out
Your heart is glowing
And I'm crashing into you
Baby kiss me, kiss me

Nakatingin lang ako sa kanya habang iniintindi mga lyrics na kinakanta niya. It is a beautiful song, masyadong maganda na napapaisip ako.

Before they turn the lights out
Before they turn the lights out
Baby love me lights out

Bakit minahal ako ng lalaking ito? Anong nakita niya sakin? Bakit siya ganito?

In the darkest night hour
I'll search through the crowd
Your face is all that I see
I'll give you everything
Baby, love me lights out
Baby, love me lights out

Napakaswerte ko dahil nainlove sakin ang lalaking tulad niya. Hindi ko ineexpect na makakarating kami sa ganitong sitwasyon na we can't live without each other.

We don't have forever
Baby daylight's wasting
You better kiss me
Before our time is run out
Nobody sees what we see
They're just hopelessly gazing
Baby take me, take me
Before they turn the lights out
Before time is run out
Baby love me lights out

Pangalawang beses ko na siya nakitang kumanta on stage. Matagal tagal na rin ang huli. Napapangiti at kinikilig na ako habang kinakantahan niya ako. Hindi ko mapigilan sarili kong medyo lumapit papunta sa kanya.

In the darkest night hour
I'll search through the crowd
Your face is all that I see
I'll give you everything
Baby, love me lights out
Baby, love me lights out
You can turn my lights out

Then unexpectedly, dahan dahan siya bumaba sa stage at habang tumutugtog sila Troy, naghihiwayan naman mga tao.

I love you like XO
You love me like XO
You kill me girl XO
You love me like XO
Is all that I see
I'll give you everything
Baby love me lights out
Baby love me lights out
You can turn my lights out

Nang magkaharap na kami, hinawakan niya kamay ko. Paano ako makakapag-isip nito? Paano ako makakapagdesisyon ngayon? Should I tell him? Tungkol sa pagtanggap ko sa offer ng nanay niya?

In the darkest night hour
I'll search through the crowd
Your face is all that I see
I'll give you everything
Baby, love me lights out
Baby, love me lights out
You can turn my lights out

I think I knew the answer. I will keep it a secret dahil buo na desisyon ko. Aalis ako dahil yun ang gusto ko. Para sa ikakabuti naming dalawa.

But, I will spend time with him hangga't sa huling araw ng pagkaalis ko.

He smiles at me, hinawakan niya yung pisngi ko at sa sobrang lapit ng pisngi namin sa isa't isa, kulang nalang ay...

"Nakapagdesisyon na ako." Sabi ko.

At hinihintay niya yung sagot ko.

"I love you." Ngiti ko na para bang maiiyak, "I still love you and I will going to love you more and more. Walang katapusan!"

Napangiti siya and he kissed me immediately in front of many people.
__________________

Nang matapos ang bandfest which is kunyaring bandfest pala dahil parang wala rin nangyaring bandfest, kasi si Zac, binili ang event at sunud-sunod naman nagperform sila Troy habang kami naman ni Zac ay may sariling mundo.

Ayun nga, matapos ang bandfest, nandito kami ngayon sa tabing dagat, making the bonfire.

Sila Louis, Zac and Sam ay kumuha ng mga kahoy at bumili na rin ng mga kakainin habang kami nila Troy at Seb ay nandito, nagkwekwentuhan.

"Wag mo na gagawin yun ha." Sabi ni Seb habang naka-akbay sakin, "At kung gawin mo man yun, sabihin mo kung nasaan ka."

"Sorry. Alam kong nagtatampo ka dahil hindi ko sinabi sayo. Pero, yun talaga balak ko eh. Na walang maka-alam, kami lang ni mama." Sabi ko.

"Nakabili ba si tita ng bibilhin niya dito?" Tanong ni Troy at napanganga ako.

I slightly laugh, "Hinahanap pa niya eh."

Napatawa siya, "Hay nako, Alex. Pinag-aalala mo mga tao."

"Guys, kasama ko naman si mama at tsaka safe ako. I'm still alive oh." Proud kong sabi.

"Kahit na. Eh paano kung biglang nagpautos yung witch na yun na i-spy ka or kidnapin ka? Kaya ba ni tita? Baka ano pang mangyari sa inyo." Katwiran ni Seb.

"Seb, namiss din kita." Ngiti ko nalang sa kanya at niyakap ko siya, "Sorry sa pag-aalala. Hindi ko mapapangako pero, I will try."

"See? You're planning something."

"Wala ha." Sagot ko bigla at bumitaw na ako sa yakap habang si Troy ay nakatingin lang sakin, hindi ko alam kung ano iniisip niya pero meron siyang gustong sabihin.

"Diba sabi ko sayo, babawi ako?" Tanong niya and I nodded.

"At dahil magkasama tayo ngayon, kakantahan kita ng paborito mong kanta." Ngiti ni Seb.

"Seb please, wag ngayon. Baka umulan-"

"Shh, just listen."

Bumulong ako kay Troy, "Pagpasensyahan mo na siya ha." And I chuckled.

"Actually, matagal na akong nagtitiis sa kanya." Pabiro niyang sabi.

"Narinig ko yun." Sabi kagad ni Seb.

"Sinadya kong marinig mo."

At napatawa naman ako sa sagutan nila.

"Okay, game." Sabi ni Seb at nag-umpisa na siyang umawit.

Hindi man siya magaling kumanta, dahil sa effort niyang kumanta, nalilibang ako sa mga negative thoughts na pumapasok sa isip ko.

"Sinong kumakanta?"

"Nakakagago naman yun."

Napatingin kami sa parating na tatlong lalaki na maraming dala dalang mga paper bag at kahoy.

"Anong gago? Excuse me pero magpasalamat kayo dahil may effort pa akong kumanta." Sabi ni Seb at napatawa naman kami.

"Fine, fine." Louis gave-up.

Umubo si Zac kay Seb at tinignan ko siya kung ano yun.

"That's my place." Turo ni Zac sa kanya at umalis nalang si Seb sa tabi ko at tumabi si Zac sakin.

"Here." May binigay siyang paper bag.

"Ano 'to?"

"All the cravings you want."

Tinignan ko ito at masasarap nga mga binili niya para sakin.

"Thank you." Sagot ko and he smiled.

"Namumula ka na naman." Asar ni Louis.

"Oo nga, pero kahapon sobrang pale." Banat naman ni Sam.

"Shits."

Nagtawanan naman sila habang nag-uumpisa nang kumain.
___________________

Hindi ko na namalayan, kanina pa kami nandito dahil napasarap ang kwentuhan naming lahat.

Si Zac ngayon ay kumakanta at tinititigan ko lang siya habang sila Louis ay nag-iinuman.

Maya-maya, nakatulog na sina Louis and Seb. Habang sina Sam at Troy ay nagkwekwentuhan pa, kami naman ni Zac ay magkaholding hands lang at nagkwekwentuhan rin.

Ring! Ring! Ring!

Biglang nagring yung phone ni Zac at kinuha niya ito without letting go of my hand.

Hindi na muna niya ito sinagot kundi tinignan niya kung sino pero hindi ko ito tinignan, tinignan niya ako at ang sabi, "I'll be back."

Tumango ako at lumayo muna siya.

Napatingin ako kay Sam at hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya sa paghindi pagsabi kung nasaan ako.

Talagang mapagkakatiwalaan siya.

"Sam!" Tawag ko.

"Yeah?"

"Thank you."

"Sure. Uhm, by the way, they already know."

"Okay lang." At tinignan ako ni Troy at nang-aasar sa pagrereact ng 'tsk tsk'

Tumayo siya at pumunta malapit sa tubig, tumayo rin ako at sinundan siya.

"Troy?"

Tinignan niya ako at hinihintay yung sasabihin ko.

"Uhmm..."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko siya icoconfront about sa kung anong meron kami dati. Hindi pa kami nakakapag-usap tungkol samin. Alam kong napakasama kong tao dahil pinaasa ko lang siya, ginawa ko siyang tanga, and I feel bad for it.

"Alex, you don't have to feel bad for me." Sabi niya bigla.

"P-paano mo-"

"I just know." He slightly smile.

"Troy, uhm, hindi ko alam sasabihin ko."

"Wala kang dapat sabihin, Alex. It just happened. That's what fate is. At wag mo na naman isipin na pinaasa mo ako o ginawa mo akong tanga, okay?"

Paano niya nalaman iniisip ko? Is he a mind reader?

Magsasalita na sana ako, gusto ko huningi ng sorry pero naunahan niya ako.

"And don't feel sorry. I don't regret that I loved you." He smiles at kitang kita yung namumula niyang pisngi dahil sa pag-inom niya.

Nanahimik nalang ako at nakisabay sa pagtingin niya sa dagat na madilim.

"Hey." Mahinhin na sabi ni Zac nang lumapit siya samin.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi naman ni Troy samin at umalis na siya.

"Everything's okay?" Tanong ni Zac and I nodded.

"Hindi ka ba hinahanap sa Maynila?"

"Hindi naman." Ngiti niya at inakbayan niya ako, "We can extend for another day."

"Ah."

"Sabihin mo kay tita, she can join us tomorrow for breakfast."

"Huh? Uhm, okay lang kami. I mean, may breakfast rin naman kami dun sa hotel-"

"Alexandra, I already contacted Bogart to change your hotel location tomorrow. The hotel that you're staying in is already informed about this."

"Zac! Bakit mo yun ginawa?"

"Why not?"

I sighed, "Ayan ka na naman eh."

Napatawa siya, "Let's go. Hatid na kita baka hinahanap ka na rin ni tita. Mag-alala pa yun."

I sighed, "Okay."
____________________

Nasa isang lugar ako kung saan may pagkain. Puro pagkain, stainless steel, flatware, glassware...

"Chef, these are the things that needed in our next week's big event." Sabi sakin ng isang foreigner.

"Thank you." At kinuha ko yung mga papers na binigay niya sakin.

Siguradong nananaginip ako ngayon.

Mga nakikita ko ngayon ay puro mga nagluluto, yung iba, nagbabake, busy silang lahat at amoy na amoy yung mga pagkain na niluluto nila.

At itong suot ko ngayon, nararamdaman ko na hihimatayin ako sa nakikita ko ngayon. Nakasuot ako ng chef's uniform.

Wala ako sa Pilipinas, siguradong nasa ibang bansa ako dahil na rin sa mga taong nasa paligid ko and how they talk.

This is what I want in my life.

"Anak, gising!"

"Hrmmph..."

"Anak, gising. Gumising ka na. Nakidnap yata tayo."

Napadilat kagad ako nang makita ko yung mukha ni mama sa harapan ko.

"Ma?"

"Anak, jusko sino ba itong mga 'to?"

"Po?"

Umupo ako sa kama at pinipilit imulat mga mata kong inaantok.

Nang mapatingin ako sa gilid ko, nanlaki bigla yung pagmulat ko.

"Kuya Bogart?" Gulat kong sabi at may mga kasama siyang mga babae.

"Goodmorning, Ms. Alex! And to you Mrs. De Guzman, inutusan po ako ni Sir. Zac na bitbitin mga dalahin niyo po para sa paglipat niyo sa kabilang hotel."

Napanganga ako at pati na rin si mama.

Nag-usap na kami ni Zac kagabi bago kao pumasok ng hotel, at pumayag na siyang hindi na kami lillipat.

Makulit na bata.

Tsk tsk.
___________________

Zac

"You're creeping me out, Zac."

"Yeah, why are you smiling?"

"Mukha ka daw palaka." Tawa naman ni Louis kay Sam.

"Gago ka talaga!"

"Wag na kayong maingay. Pagbigyan na natin siya. Tawagan na natin yung mental center-"

"Hoy!" Bigla ko tinigil si Troy sa pagsasalita, "Hindi ako nababaliw noh."

"Bakit ka tumatawa?" Tanong naman ni Sebastian.

"Pinag-usapan kasi namin ni Alexandra na, hindi ko na sila lilipat ng hotel. Pero, nilipat ko pa rin sila." Ngiti ko, "Ano kaya itsura niya ngayon?"

"Ganito oh." At sumimangot si Sam.

"Hindi, hindi. Ganito." At ngumiti naman siya.

"Baliw, ayaw ngang lumipat ni Alex eh. Eh, 'di ganito." At umiyak kunyari si Troy.

Ring! Ring! Ring!

Tinignan ko yung phone ko at pangalan ni Alexandra yung nakalagay.

Sinagot ko kagad ito at kunyari seryoso, "Hello?"

"Zac! Akala ko ba pinag-usapan na natin na hindi na kami lilipat?"

"Oo nga! Teka, hindi ko na-inform si Bogart kagabi. Ang forgetful ko naman." Acting kong sabi.

"Zac! Bawiin mo na 'to. Tapos may paswim suit ka pang bigay. Pinabili mo pa si Bogart at pinadala mo pa sa mga babae dito."

"Why not? Do you want me to make bawi right now?" Sarcastic kong tanong.

"Oo."

"Nasaan na ba kayo?"

"Papunta na dyan sa hotel." Badtrip niyang sabi at napangiti naman ako.

"That's good! I mean, ganon ba? Sayang, sasabihan ko pa naman si Bogart na ibalik kayo ng hotel kaya lang, papunta na pala dito eh. Baka mahirapan lang siyang magmaneho, 'cause kakagaling lang niya ng Manila." Palusot kong sagot.

"Um, ganon ba? 'Di bale nalang. Wag na pala." Mahinhin niyang sabi, "Sige, bye."

"See you." Ngiti ko at binaba na namin yung call.

"Kailan ka pa natutong magpalusot?" Asar ni Louis sakin at ibig sabihin, narinig nila lahat yung conversation namin.

"Oo nga! Sakin ba?" Sam winks.

"Pumunta na tayong rooftop." Ngiti ko dahil nakaprepare na sigurado yung breakfast.
___________________

Alex

Pinapunta muna kami sa rooftop at si Bogart na raw magdadala ng mga bags namin. Pagkapunta namin dun ay, natatanaw ko na kagad sila Zac at may nakahandang breakfast na. Plus, may swimming pool sa gilid.

"Goodmorning po, tita." Salubong ni Zac kay mama at nagbless namin yung iba sa kanya.

"Hi." Bati sakin ni Zac at hindi ko siya pinansin.

"Hala, nagtatampo love ko?" Bigla niyang sabi at buti nalang at nakaupo na sila para kumain.

"Anong sabi mo?"

"Love ko?" Ngiti niya at hindi ko matago yung namumula kong pisngi.

"Ewan ko pa din sayo."

He chuckles, "Goodmorning, love."

Napangiti nalang ako sa kanya at umupo na rin kami para kumain.
__________________

Maya maya, nagkwekwentuhan na kami at pati si mama ay nakikibiro na rin sa kanila.

Ring! Ring! Ring!

Tumutunog yung phone ni mama at sinagot naman niya ito.

Tumayo siya at tinawag si Zac.

"Gusto kang kausapin ng dad mo." Sabi ni mama sa kanya.

Nag-iba expresyon ni Zac na para bang may hint na kung anong mangyayari.

Kinuha niya ito at lumayo samin para mag-usap sila ng mabuti habang yung iba at nagkwekwentuhan lang.

Mga ilang minuto, lumapit si Zac kay mama at sinabing, "Tita, kailangan po kayo ni dad sa Manila. Ako na po bahala sa expenses."

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Gusto siyang makausap ni mom." Sagot naman ni Zac at hindi kami makapaniwala na magkakaharap na ng mabuti silang dalawa.
__________________

Continue Reading

You'll Also Like

39.4K 325 3
Exactly two decades after Wallace University was rocked by a mysterious death, another murder takes place -- and all hell breaks loose. As the invest...
22.1K 853 76
𝐑𝐨𝐬𝐞𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐤, 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐊𝐩𝐨𝐩 𝐆𝐢𝐫𝐥 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐁𝐋𝐀𝐂𝐊𝐏𝐈𝐍𝐊, 𝐢𝐬 𝐫𝐮𝐦𝐨𝐫𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐚 𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡...
2.4K 143 31
COMPLETED Dili tanang sikat na writer, gusto mahimong sikat. Naay uban na gusto ra jod musuwat para ma-share pod nila ilang kaagi, ilang kasakit og i...
474 88 22
Status: COMPLETE | EDITED FULL STORY NOW AVAILABLE! PUBLISHED AS PAPERBACK UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE! {IN COLLABORATION WITH HADLEE_ZIRCON} Had...