Royal Academy #Wattys2020

By ChinitaQueen25

2.6M 83.8K 19.2K

Luna. Every day it's a different version of itself. Sometimes frail and pale, sometimes vigorous and lustrous... More

Royal Academy
Luna
Sefarina
Welcome
Process
Pudding
Unending
Found you
Underworld
Explosion
Eyes
Mirror
Duel
Day
Official
Unfamiliar
Muse Attack
Faded
Unanswered
Scatha
Soaree
Mortal realms
Dahlia
Mystic
Unwary
Deva soul
Connection
Experience
Son of Hades
Out
Long gone
Damage Control
Siren's voice
Menefesi Day
Sword dancing
Seen
Sudden
Search
Ethereal
Pitfall
Beginning
Plans
Phase 1
Olympus
Warzone
Back up
Missiles
Peace
Fun
Missing
Epilogue
2nd book
SC

Rescue

27.6K 1.2K 120
By ChinitaQueen25

Luna.

Nakaramdam ako ng kilabot habang unti unti naging visible sa mata namin ang isang disyertong isla.

Ang kaninang kahel na kapaligiran ay ngayo'y napalibutan na ng kadiliman matapos tuluyang umangat ang bilugang buwan sa kalangitan.

"Wow." Bulaslas ni Iraia sa tabi ko.

"So weird... so creepy." Nakangiwi niyang saad na kulang na lang ata ay mangisay sa sobrang pandidiri.

Inirapan ko siya at sinilip si Sefarina na humihikab habang bahagya pa ring minomonitor ang tubig. Matapos nilang makipaglaro sa isang sea creature kanina'y hindi na sila nakapagpahinga ni Veton. Minabuti nilang magmasid na lang sa deck para maagapan agad kung sakaling may bisita na namang dumating.

Bago pa kami makarating sa buhanginan, Master Laidre motioned with his hand for Arrow to stop the ship.

"Stay alert. They're expecting us." Aniya at tinignan ang tahimik na isla.

Tahimik akong napahinga ng malalim. Inaasahan ko ng hindi kaguluhan kung hindi katahimikan ang sasalubong sa'min.

Una, kaya nga sila kumuha ng mga hostage para makaharap kami at pangalawa, alam nilang anuman ang mangyari ay uunahin naming iligtas ang mga nadakip.

"Prioritize the hostages at all cost. The Hirus under Katana's surveillance will stay here kasama ang ibang deltas para makapaggamot."

Katara's a demigod, daughter of Iaso- the goddess of cures, remedies and modes of healing. Even from afar, she can heal us with the string of energies she will release, giving us a big edge.

Ngayon ko lang din nalamang may mga delta pala kaming kasama. Akala ko kasi ay palagi lang silang naka-buntot kay Lady Doreena.

"We'll stick to our original plan. Half of the Jedens will lead the attack, with the Kettos in the middle, and the remaining Jedens will scatter behind." We all nodded in agreement.

Pagdating namin sa pampang, sabay sabay kaming bumaba at tahimik na pinalibutan ang buong lugar.

Kinalabit ko si Iraia na nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang paligid. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam na parang may mali. 

If it isn't obvious yet, ramdam kong patibong lang 'tong haharapin namin.

"Brooo!" Pasigaw na bulong ni Veton at mabilis na inakay si Pream na kamuntikan nang mawalan ng malay.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-kulay puti ang kanyang mata at nang bumalik ito sa dati nitong kulay, nakita ko kung paano gumuhit ang takot don.

"Sirens." It was only a whisper, but that one word was enough for us to understand what he was saying.

As soon as he shared his visions, nakarinig kami ng malambing na huni na animo'y gusto kaming patulugin.

Fuck, no.

We heard a loud noise coming from the east kaya nakangiwi kong tinignan si Master Laidre na ngayon ay nakakunot ang noo na tila hindi gusto ang nangyayari.

"Forward!"

Hindi pa man din nakakasugod si Master Laidre ay nauna na si Sefarina'ng gigil na gigil. Pinigilan kong tumawa dahil halatang kanina pa siya nanggigigil at malas lang nitong mga makakasalubong niya, sa kanila maibubunton ni Sefarina ang kanyang inis.

"Mga tanga, gising!" Stress na sabi ni Sefarina at mabilis na tumakbo sa isang rebel.

She summoned a sword made of water, ang dulo nito ay kumikintab-kintab pa. Halata mong bago itong hasa at mukhang hinanda talaga para sa pangyayaring 'to.

There, she used it to slice the head of the poor being.

Kasabay nang paggising ng ilan ay ang unti unting paglakas ng sigawan na ngayo'y papunta na sa direksyon namin.

Tangina?

My eyes widened nang makita kung gaano kadami ang mga rebels na nasa harap na namin ngayon. I can't even count kung ilang ulo ang nakikita ko!

"Sefarina, tangina ka." Hindi ko napigilang matawa nang murahin ni Veton ang kaibigan namin.

"Stop laughing and fucking move forward!"

Dame took the first step to fight the rebels in front hanggang sa sinundan na namin itong patayin ang kung sino man ang makasalubong namin.

"Hoy." Hinatak ko ang damit ng isang rebel mula sa likod at dinuro siya.

"Asan yung mga kinidnap niyo?" Maangas kong tanong at tinutukan siya ng maliit na patalim na gawa sa apoy.

Parang tanga siyang tumawa at bigla akong dinuraan. Mabuti na lang ay mabilis akong nakaiwas. Hindi ba sila tinuruan ng etiquette?

"Mukha ba akong inutil? Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Ngising aso niya.

Tumaas ang kilay ko at walang pasabing sinaksak ang lalamunan niya. Hinagis ko siya sa lapag at inapak ang isa kong paa sa likod niya bago malakas na hinatak ang buhok niya na ikinasigaw niya.

"Oo, isa kang inutil. Bwiset ka."

Sinipa ko ang likod niya na inaapakan ko bago walang pasabing hinampas ang ulo niya nang paulit-ulit. Nabitawan ko ang buhok niya at agad na umilag nang sinubukan akong habulin ng patalim na kontrolado ng bagong dating.

Napadapa ako ng maramdaman ang paparating na atake mula sa likod. Gumulong ako pahiga at pinasukan ng apoy ang bunganga niyang nakabukas bago siya malakas na sinapak.

"Aw."

Napangiwi ako at tinignan ang kamay kong nag-lantang gulay sa tigas ng mukha nitong hayop na 'to.

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang tumawa na parang tanga habang nagdudugo ang bibig at namamaga ang mukha.

Ang tibay ng mukha nito ah.

I gathered enough flame on my fist at sa pangalawang pagkakaton, sinapak ko 'yon sa kanya but this time, inside his mouth at kasabay non ang paglabas ko ng apoy sa loob ng kalamnan niya.

Nilabas ko agad ang kamay ko at nandidiring pinunas 'yon sa damit ko. Halos marindi ako sa lakas ng sigaw niya kaya tinapat ko ang kamay ko sa bibig niya at permanente iyong sinarado gamit ang apoy ko.

"Bye!" Maligalig kong paalam at tumakbo sa loob ng kakahuyan.

"Luna, where the fuck are you?!"

Agad kong nilingon ang malakas na boses ni Pream pero mukhang malayo siya sa kinalalagyan ko ngayon.

"Luna, I told you to stay close! Napakatigas ng ulo mo!" Tanging ngiwi lang ang nagawa ko nang dumagdag ang boses ni Sefarina.

Napuno ng katahimikan ang paligid. Panay naman ang linga ko dahil pakiramdam ko ay may biglang susulpot kaya mas nag-doble ingat ako. 

Tahimik akong naglakad habang panay ang mura dahil mukhang tuluyan ng nabali ang ilang mga buto ko sa likod.

'Run, kid, run.'

Mabilis akong napalingon sa likod ko, nang makitang walang katao-tao ay mabilis pa sa alas-kwarto akong napatakbo.

That voice... hindi ako pwedeng magkamali.

That's the voice that keeps hunting me in my dreams!

'That's right, run.'

Aligaga ako muling lumingon at binilisan pa lalo ang takbo. Hindi ko na binigyang pansin pa ang gasgas na nakukuha ko sa mga kahoy at punong nadadaanan ko.

'... run until you die.'

Impit akong napasigaw nang sumabit ang paa ko dahilan para sumubsob ako sa damuhan. Hingal kong hinawakan ang paanan ko habang pilit pinipigilan ang bibig kong 'wag sumigaw.

"Shit naman, bakit ngayon pa?" Panic kong sabi sa sarili.

Sinilip ko ang itsura ng paa ko at napangiwi sa dami ng dugong sumisirit mula sa sugat ko. Butas butas na rin ang pantalon kong suot.

Tangina naman, kami 'tong nagliligtas pero parang ako na naman ata dapat ang kailangang i-rescue.

Pinilit kong gumapang papunta sa tagong lugar dahil hindi ko na kayang tumayo at maglakad pa. Ganoon na lang ang pagkagulat ko dahil isang kweba ang sumalubong sa akin.

Kaya ba wala kaming makita dahil dito nila tinago ang mga hostage? I bit my lower lip and tried to look around. 

Mukhang sinigurado nilang walang makakahanap sa lugar na 'to dahil sa haba ng tinakbo ko kanina, sigurado akong nasa gitna ito ng kakahuyan o di kaya'y nasa dulo na.

Sinubukan kong tumayo para sana'y mas lumapit pa rito pero agad akong bumalik sa pagtatago nang may iilang lumabas mula roon.

"Wala pang nakakaabot dito, binibini. Mukhang makikita na lang natin ang bangkay nila sa tabi-tabi." Tawa ng lalaki.

Bahagya akong sumilip para makita kung sino ang mga nag-uusap. Hindi rin naman ako makakasugod lalo na sa kondisyon ko ngayon.

"Hindi ko alam kung tanga ba sila o gusto lang nila ng gulo. Tingin ba nila may maliligtas pa sila?" The woman scoffed.

"Mga bobo."

I squinted my eyes as I tried to use my ability to see them clearly. Bahagya pa akong napangisi dahil ang tagal na pala magmula noong huli ko 'tong ginamit.

"I can't wait to get my hands dirty with their blood." I clenched my jaw as I threw a glare on him.

Ang kapal ng budhi niyang isipin na hindi pa marumi ang kamay niya? Kung wala pang nakakapagsabi sa kanyang mas madumi ang pagmumukha niya, pwes, ako ang gagawa.

"Let us be grateful that they accepted our invitation to celebrate their deaths." Muli nitong halakhak.

Wala sa oras na nagsalubong ang kilay ko nang makitang muli kung paano sinira ng babaeng 'to ang likuran ko.

"Hindi nila alam na nahulog lang sila sa patibong natin."

Ano raw? Patibong?

Putangina, tama nga ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung paano ako makakaalis dito ng hindi nila napapansin nang makarinig ako ng mga kaluslos na tila may paparating. Sinilip ko ulit ang babae at lalaki na ngayo'y nakangisi na.

"Lintik lang ang walang ganti." Punong puno ng hinanakit kong bulong habang masama ang tingin sa dalawa.

My eyes widened upon their arrival. Shit, nandito silang lahat!

Mabilis kong inangat ang kamay ko at sinubukang gawan ng sraya ang lahat ng kasama ko.

"Move back! We've been tricked!" I shouted as I gained their attention.

"Oh, you're still alive." Manghang sabi ng babae at muling tumawa na parang nasisiraan ng bait.

Bigla naman akong napaubo matapos magsimulang umatake ang dalawang rebels. Sinubukan kong patibayin lalo ang sraya pero hindi na kaya ng katawan kong maglabas pa ng enerhiya.

Binasag ko ang sraya at binato ang enerhiya patungo sa direksyon nitong mga putangina.

"What do you mean, Luna?!" Sigaw ni Veton sakin na hindi ko makita kung nasaan dahil isa isa nang naglabasan ang mga rebels mula sa kweba.

"They didn't leave anyone alive. They want us next." Nanghihina kong sagot.

Fortunately, the Kettos quickly formed a sraya for us. Azalaura's face was filled with concern as she looked at me. Isang kindat naman ang sinagot ko sa kanya bago napaupo sa lapag.

Napapikit ako sa pagod habang pilit inaayos ang paghinga. Bakit ba ang hina hina ko? Palagi na lang ba akong susukuan ng katawan ko?

"On it, Luna!"

Dahil busy ang rebels sa pag-atake, hindi naman siguro nila mapapansing aalis ako mula sa pinagtataguan ko. 

Pinilit kong tumayo at ginamit ang natitira kong enerhiya para dalhin ang sarili sa direksyon nila Dame.

"You okay?" Mahinang tanong ni Pream na siyang nakasalo sa akin bago ako muling bumagsak.

"Kaya ko pa. Mag-iingat kayo." Nakangisi itong sumaludo sa akin matapos akong itago sa likod ng puno.

Bahagya kong hinarap ang katawan sa direksyon kung nasaan ang kweba at tahimik silang pinanood.

Arrow's busy fighting with his shadows habang si Dame ay seryoso lamang na nakalagay ang kamay sa bulsa na tila ina-absorb ang lahat ng atakeng tumatama sa kanya na akala mo bombang pwedeng sumabog anytime.

Damn, his crests are fucking mind blowing!

"What should we fucking do now?!" Inis na sabi ni Sefarina na naghahagis ng mga swords niyang kasing-tulis ng karayom.

"Bro, retreat na tayo bro." Sabi ni Veton na ngayo'y kasama si Pream sa ere na nagpapalipad ng daan daang kidlat at laser beams sa kalaban.

Tinignan ko naman si Master Laidre na seryoso pa ring nakikipaglaban. Laking gulat ko ng tumingin ito kay Dame na katabi niya na parang sinasabing siya ang dapat mag-desisyon at hindi siya.

"Fight until no fucker is left alive."

With his statement, both Pream and Veton flew towards inside the cave. Sefarina raised her arms as a colorless bow appeared on her hands and the moment she pulled the string, it released hundreds of colorless arrows na direktang tumama sa noo ng mga rebels.

As if it's not enough, Arrow opened his palms and a huge black hole appeared underneath the rebels. Malakas na sigawan ang narinig naming lahat habang isa isa silang nahulog doon.

May ilang nakailag ngunit hindi pa man din sila nakakabawi, a force coming from Dame's body was released, creating a massive explosion.

Halos lahat kami'y napapikit sa lakas ng impact. Again, as if it wasn't enough, nilabas niya ang kanang kamay sa kanyang bulsa as he slowly moved his fingers. It created a greyish smoke na unti-unting bumalot sa buong braso niya.

He then throw it inside the cave making it dissolve into tiny fucking pieces.

My eyes darted to the ground when I felt something landed on my feet.

"Ahh! Puke ka!" Malakas kong tili when I saw the head of the woman who tortured my back.

Nandidiri ko 'yong tinampal at pinaghahatak ang buhok. Kung hindi dahil sa kanya edi sana walang buto ang nabali sa likod ko!

"Enough."

Tinignan ko si Arrow na muling naglabas ng black hole at walang pasabing sinipa ang ulo papasok don na agad ding nawala.

Natampal ko ang pisngi ko dahil first time kong makakita ng pugot na ulo at ang masasabi ko lang, hindi siya magandang experience.

The Kettos removed the sraya that they used to minimize the impact of the rebels' attacks on us. Namayani ang katahimikan habang nananatiling alerto na para bang sinisiguradong wala ng natira.

"I can't hear any heartbeats aside from us." Nilingon namin si Vodka at sabay sabay na lang kaming napahinga ng maluwag.

"Let's go home."

Tumalikod na si Dame para maglakad pabalik kasama si Master Laidre.

Iraia tapped my shoulder at nginitian naman ako ni Sefarina bago nila ako inakay para makapaglakad ng diretso.

Kapwa kaming napahinga ng maluwag nang makitang walang pinsalang naiwan sa barko. Mabuti na lang at walang nangyari sa mga Hiru na naiwan. The deltas including Katara immediately treated our wounds.

Malalim akong napahinga habang pinagmamasdan ang mga sirens na nakalutang sa tubig. Napailing ako at naaawang pinanoood ang paghalo ng kakaibang kulay ng kanilang dugo sa asul na karagatan.

Poor souls.

A single mistake was all it took for them to ruin their lives.

"Oh no, ang dami mong sugat! Paano ka na bukas?!" Panic ni Iraia nang makita ang kabuoan ko habang ginagamot ng isang delta.

Yeah right, bukas na nga pala ang Ethereal at tangina, bugbog sarado pa ako.

**

Continue Reading

You'll Also Like

651K 19.3K 70
They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes...
342K 14.4K 60
Infernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. It's for those students who wanted to lea...
142K 4.1K 66
2nd Installation of Musical Academy! Highest Rank Achieved: #3 in Musical #248 in teen-fiction #81 in Academy
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...