Royal Academy #Wattys2020

By ChinitaQueen25

2.6M 83.8K 19.2K

Luna. Every day it's a different version of itself. Sometimes frail and pale, sometimes vigorous and lustrous... More

Royal Academy
Luna
Sefarina
Welcome
Process
Pudding
Unending
Found you
Underworld
Explosion
Eyes
Mirror
Duel
Day
Unfamiliar
Muse Attack
Faded
Unanswered
Scatha
Soaree
Mortal realms
Dahlia
Mystic
Unwary
Deva soul
Connection
Experience
Son of Hades
Out
Long gone
Damage Control
Siren's voice
Menefesi Day
Sword dancing
Seen
Sudden
Search
Rescue
Ethereal
Pitfall
Beginning
Plans
Phase 1
Olympus
Warzone
Back up
Missiles
Peace
Fun
Missing
Epilogue
2nd book
SC

Official

40.7K 1.6K 381
By ChinitaQueen25

Luna.

"-merong limang kingdoms sa Crestopia. Nasa pinakailalim ang mga hana o ang mga crestiors na hindi kabilang sa kahit anong kingdom. Sila ang mga nasa paligid lamang at kadalasan ay tagapagsilbi."

Napahikab ako sa pangatlong pagkakataon, ewan ko ba bakit antok na antok ako ngayon. Klase ko ngayon kay Lady Eavour at dinidiscuss niya ngayon kung anong ganap sa pyramid.

"Sa limang kingdoms umiikot ang pyramid. Nasa ilalim ang fairies, ang mga bampira, sumunod ang mga demi-gods, ang mga pillar users at nasa pinakatuktok ang wizards. Ang pagkakasunod sunod nito ay nakabase sa kung gaano kalakas ang crest ng isang kingdom."

Nilabas ko ang glass paper na nasa bag ko at nagsulat ng kung ano ano. Yung daliri ko sumasakit dito eh. 

Pwede namang gumamit ng ballpen at papel dito kaya bakit hindi nila 'yon ipagamit sa'min? Mapupudpod daliri ko rito eh.

"Not everyone agrees with the pyramid's heirarchy, as in any other realm. There have been complaints and petitions claiming that this isn't in their favor, isn't as factual as it should be, and a variety of other things. But do you know why none of them were able to change it?" Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko.

Bakit niya pa kami pinaghanap noon ng mga sagot sa kung bakit nagkagulo ang pyramid kung wala man lang palang nangyaring gano'n?

"Because, as much as they believe it is unjust, lahat ay nagkaroon ng pagkakataong makinabang." Pumalungbaba ako at hinintay ang kasunod nitong sasabihin.

"The elders establish the pyramid with the grace of the Luna. It is sacred, and thus undefiable. It exists for a specific reason: to maintain balance and peace across all realms."

Napapikit ako sa kadahilanang inaantok na ako. Pinigilan ko ang paghikab at nagsumikap na pakinggan ang mga sinasabi ni Lady Eavour. 

"The Hanas have also joined the heirarchy. They may be at the bottom, serving everyone, but I want you to remember that they were once a normal mortal, at birth, and I don't want anyone belittling them because of it."

"They were the mortals who were abandoned and abused, which is why they seek refuge here despite their differences."

Nagulat ako sa sinabi nito. Marahan akong napaayos ng upo at napahinga ng malalim, naaalala ang mga taong ginugol ko sa lugar ng mga mortal.

Kung hindi ba ako ginulo ni Sefarina sa mortal realms ay pipiliin ko pa ring pumunta rito at mabuhay bilang Hana? O patuloy akong magiging mahirap?

Nagtaas ng kamay ang kaklase ko. "Lady, I have a question."

"Yes, Leanna?" 

"Does the..."

Napahikab na naman ako at tuluyan ng nawala ang atensyon sa klase. Kaya siguro ako antok na antok dahil klase pala ni Master Laidre ang susunod at mukhang maninirahan na naman ako sa infirmary ng ilang araw.

Minuto lamang ang lumipas at nagpaalam na si Lady Eavour.

Matamlay akong naglakad papuntang Nallum dahil magmula nung nakaraan ay kinlaro niya na sa amin na doon na raw kami magk-klase.

Ang tanging hinihiling ko lang ngayon ay sana hindi na namin kasama ang mga Jeden at Ketto, kaming mga Hiru ang nas-stress eh!

Pumunta muna ako saglit sa Ensiv para bumili ng inumin nang mahimasmasan naman ako kahit kaunti. Nang magising naman ako sa katotohanang haharapin ko na naman ang dalawang caste'ng may kakayahang putulin ang hininga ko.

"Salamat." Ngiti ko sa isang Hana'ng nag-abot sakin ng juice.

Si Sefarina muna ang nagbibigay sa akin ng olca sa ngayon. Nahihiya man ako ay pinawalang bahala ko na lang. Wala ng mas nakakahiya sa ginawang pagnanakaw ko sa kanya dati. 

Well, actually, hiram lang. Ibabalik ko rin naman.

"Woooh! Kaya mo yan, Luna." Tampal ko sa sarili ko.

Tinapon ko ang pinag-inuman ko bago nag-martsa papunta sa Nallum na agad kong pinagsisihan. Mabilis akong tumalikod para sana hindi na pumasok nang marinig ang eskandalosang sigaw ng dalawang tanga.

"Lunaa!" Nanlumo ako habang dahan dahang nilingon ang dalawa na malaki ang ngiti habang kumakaway sa akin.

Parang kanina lang ay hinihiling ko na wala sila pero nandito sila ngayon sa harap ko, buhay at masayang kumakaway. Napabuga ako ng hangin at sinamaan ng tingin si Master Laidre na walang ka-malay malay.

Impit akong napasigaw sa inis bago dumiretso sa tabi ng mga kaklase ko. Hindi ko na pinansin sila Sefarina at Veton na nagtutulakan at nagsasapawan sa kung sino ang mas mataas ang kaway.

Sinubukan ko ring bilangin kung ilan ang mga Jeden at tunay ngang iilan lang sila kumpara sa Ketto at Hiru. Sobra pa nga ang sampung daliri ko kumpara sa bilang nila.

Napatingin kaming lahat kay Master Laidre na umangat sa ere at parang nakaupo sa hangin. Nakadekwatro pa ito na tila komportable sa kinalalagyan.

Sarap buhay ah.

"Get a partner." Utos nito at walang ano anong nagsigalaw ang lahat.

"Hi, best friend." Kumaway kaway si Sefarina sa harapan ko.

Sinilip ko si Veton na ka-partner si Pream at nakita ko si Dame at Arrow na magkatabi pa rin. Nilakihan ko ng mata si Sefarina dahil dapat isang Jeden din ang ka-partner niya!

"-- and fight." Halos lumuwa na ang mata ko sa narinig.

Tumingin ako sa ere kung saan nakaupo pa rin si Master habang dahan dahang nililibot ang Nallum para makita kaming lahat.

Ang lakas talaga ng tama no'n! Pinigilan ko ang sariling magmura dahil syempre, nirerespeto ko pa rin si Master Laidre kahit na gaano man siya kasalbahe.

"What should I do?!" Nagpa-panic kong tanong kay Sefarina na kasalukuyan akong tinatawanan.

"As much as I want to laugh, I can't! Hindi nga ako namatay sa kamay ni Master, baka sayo naman ako matuluyan!" Kinakabahan kong sabi.

"Para naman kitang papatayin, Luna lang! Maglalaban lang tayo."

"Oo nga, maglalaban. Ibig sabihin magpapatayan na tayo." Tanga kong sagot.

Hindi ako natinag kahit na binatukan ako ni Sefarina. Paano ko ba uunahin si Sefarina para hindi niya ako maunahan?

"What's the catch?"

Automatic na natahimik ang lahat matapos magsalita ang nilalang na mukhang imposibleng magsalita. Ngisi lamang ang ginanti ni Master kay Dame na walang imik.

Ang sarap kagatin nung ilong niyang mas mataas pa ata sa grades ko ngayong semestre.

"Ganito, para mas madali... isipin mo na lang ako ang pinakakinaiinisan mong tao." Napabaling tuloy ako kay Sef.

"Sure ka na d'yan?" Naw-weirdohan kong tanong.

"Mmm." Masaya niyang tango.

Sa dami ng nakaaway ko sa mortal realms, hindi ko na alam kung sino sa kanila ang iisipin ko. Mas madami pa nga ang nakaaway ko kaysa sa naging kaibigan ko— na wala rin actually.

Naalala ko si Rambo, yung baboy na lider na nakasalubong ko no'n sa karinderya. Lintek na ulupong 'yon. Pasakit sa buhay! Pati baso kong nananahimik, naiwan ko dahil sa kanya.

Kusang lumapat ang kamay ko sa pisngi ni Sefarina na gulat na gulat na nakatingin sa akin. Nagulat din ako pero hindi ko na lang pinahalata.

"Hala, sorry." Labas sa ilong kong saad.

"Masakit ba?" Dagdag ko pa.

Nagawa ko na, alangang bawiin ko pa at sabihing hindi ko sinasadya kahit medjo sinadya ko naman?

"D-did you just slap me?!" Mukhang 'di ata effective.

Inangat ko ang kaliwa kong kamay at sinampal naman ang kaliwa niyang pisngi. Para naman pantay diba? At least hindi lang ang kanang pisngi niya ang namumula.

Effortless ang paglagay ng blush on.

"Kulang pa ba?" Na-imagine kong may mga usok na lumalabas sa ilong at tenga niya dahil pulang pula na ang mukha niya.

Nagalit ko ata, 'di ko rin sure.

Nanlaki ang mata ko nang palibutan kami ng tubig. Ah sure na ako, nagalit ko nga.

Malungkot ko siyang kinawayan at nginitian na para bang nagpapaalam.

Oras mo na ata para maka-face to face si bro, Luna. May you rest in peace.

"Joke lang! Joke joke joke!" Nilagyan ko pa ng tono ang pagkakasabi ko pero walang epekto.

Napayuko ako nang batuhin niya ako ng water ball. "Akala ko air bender lang ang totoo, pati pala water bender."

"Avatar ka, girl?"

Reklamo ko at muli na namang iniwasan ang panibagong batch ng mga tubig na ngayon ay sing-tulis na ng patalim. Hindi pa nga ako nakakabangon sa isa, may mga paparating na naman!

Paano ko naman 'to gagantihan kung simula pa lang wala na akong palag?!

Hindi naman gumagana yung ginawa ko kay Master nung nakaraan kaya hindi ko na alam kung paano ko patutulugin 'to. I tried looking beyond her para malaman ko man lang kung anong makakapagpatigil dito.

Naningkit ang mga mata ko nang makita si Sefarina at isang babaeng naglalaban, pamilyar ang mukha nito pero 'di ko na inalala pa. Uunahin ko pa ba ang nakita ko sa future niya kung mamamatay na ako sa kamay niya ngayon?!

"Sef naman!"

Natameme ako dahil basang basa na ako. Nawala na rin ang konsentrasyon ko sa pagtingin kay Sefarina. Tumigil siya saglit para tignan ang kabuoan ko. 

Tumango tango siya na para bang masaya sa nangyayari sakin.

"Hehe. Sorry." Nag-peace sign pa ito na halata namang labas sa ilong at muli na naman akong pinagbabato ng tubig na hugis patalim.

But this time, mas malala.

Oh no.

Napalunok ako ng sunod sunod at hinintay ang isang wave ng tubig na paparating sa akin. Tubig na tila isang makinang nanghihigop na kapag nakuha ka'y paniguradong pira-piraso ka.

Sinubukan kong umalis at magpumiglas sa taling gawa sa tubig na nakapalibot sa'kin. Napapikit ako ng wala sa oras sa kaisipang ang tanging choice ko na lang ay harapin ito at malunod. 

But out of instinct, my tied hands unconsciously released an energy to protect myself from harm.

"Luna!"

Dinilat ko ang isa kong mata kasunod ang kabila at nakitang basang basa si Sefarina. Nagtatatalon ako sa tuwa pero agad ding nawala dahil nakita kong may mga sunog na parte ang uniform niya.

Dahan dahan kong binaba ang isang kamay kong nakatakip sa mata ko at sa isang nakatapat kay Sefarina.

Paano ako nakawala sa pagkakatali?

"Did I..." Napakurap ako ng ilang beses at napasinghap.

Nawala ang pagkabasa ng buong katawan nito at tanging naiwan ay ang punit punit niyang damit. Buti na lang ay hindi nakita ang panloob niya.

Sino ang may gawa n'yan sa kanya? 

Ginalaw ko ang aking mata bago napaawang ang aking labi matapos mapansin ang tingin ng mga tao sa'kin.

"Ako?" Nagtataka kong tinuro ang sarili ko dahilan para mas sumama ang tingin ng mga ito sa'kin.

"Weh?" 

Nagulat ako nang magtititili ang kaibigan ko at tinignan si Master Laidre sa ere na may makahulugang tingin sa akin. Tumakbo papunta sa akin si Sefarina at niyakap ako habang nagtatatalon kaya pati ako ay napatalon.

"Sabi na hindi ka lang Hiru eh, Jeden ka. Jeden!!" Tili nito at muli na naman akong niyakap.

"Huh?"

Ako? Isang Jeden?

I'm just a normal citizen of this realm! Why can I now do things that even I had no idea I was capable of?!

Oh my gods, ang galing ko naman?!

"I actually didn't believe at first na isa ka lang Hiru." Napalingon kami kay Master Laidre na naglalakad papunta sa direksyon namin.

Nginitian ko siya ng hilaw. Share mo lang? 

"You emitted fire, as evidenced by the burn marks on Sefarina's uniform. On the verge of death, your instinct was to integrate your energies to produce a fire that acted as a reflector, mirroring the attack back to Sefarina." Lumaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi ni Master.

"Sure ka na, Master?" I blinked.

Napatingin ako sa kamay ko at wala sa sariling nakumpirma na apoy nga ang enerhiyang pinakawalan ko kanina.

The fuck? Posible pala lahat ng 'to?

"Welcome to Jeden, Luna." Tinanguan ako ni Master na tinalikuran na kami.

"Welcome to Jeden, my lady." Sumulpot si Veton na sinuotan ako ng kapa at hinagis naman niya ang kapa niyang kahuhubad lang kay Sefarina.

"Masilipan ka pa dyan, kasalanan ko pa." Irap ni Veton kay Sefarina na nag-make face lang.

"Thanks, ibabalik ko na lang sayo 'to." Tukoy ko sa kapa na kanyang binigay.

Nginisian lang niya ako bago inakbayan. Bahagya niya akong hinarap sa direksyon ni Master Laidre na kasama na naman sila Arrow at si Dame na walang suot na kapa.

Walang suot na kapa...

Nanlaki ang mga mata ko at napaturo sa kapang suot ko at kay Dame. Paulit-ulit ko 'yong ginawa hanggang sa napanganga ako ng tuluyan.

"Tangina?!" Natawa naman si Veton.

"Gago ka, kung kani-kanino ka nanghihiram ng gamit! Hindi ko naman clo-"

"You're welcome raw." Nakangisi nitong ginulo ang buhok ko bago hinalikan ang pisngi ko at tumakbo sa direksyon nila Master.

Napahawak ako ng mahigpit sa kapang suot ko. Ibabalik ko pa ba 'to o itatago ko na lang? Well, nakakahiya naman kung itatago ko pero nakakahiya rin naman kung ibabalik ko pa.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at halos matawa sa sarili. Itago ko na lang kaya?

"Let's change na muna, Luna. Baka nilalamig ka na." Hinatak na ako ni Sefarina.

Tumingin ako muli sa direksyon nila at nagkasalubong ang mga mata namin.

Labag man sa kalooban kong putulin ang staring contest namin ay umiwas na ako ng tingin dahil baka bigla naman akong madapa kapag hindi ako tumingin sa dinadaanan ko lalo na't hatak hatak pa rin ako ni Sefarina.

Napahinga ako ng malalim habang pinoproseso pa rin ang mga kaganapan. Ano pa bang kailangan kong malaman tungkol sa sarili ko?

**

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
1.7M 51.5K 44
The Darkness inside her is awake. Anger running to her veins now. Strong, Powerful and Fearless. Her broken wing is needed to be payed. But who will...
651K 19.3K 70
They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes...