I Kissed The Playboy..

By my_love_letter

706K 21.8K 1.2K

Mapa-ibig kaya ng isang Playboy ang isang Cold-hearted girl? Let's see. -- My_love_letter (MLL) More

I kissed the playboy...
IKTP - 1
IKTP - 2
IKTP - 3
IKTP - 4
IKTP - 5
IKTP - 6
IKTP - 7
IKTP - 8
IKTP - 9
IKTP - 10
IKTP - 11
IKTP - 12
IKTP - 13
IKTP - 14
IKTP - 15
IKTP - 16
IKTP - 17
IKTP - 18
IKTP - 19
IKTP - 20
IKTP - 22
IKTP - 23
IKTP - 24
IKTP - 25
IKTP - 26
IKTP - 27
IKTP - 28
IKTP - 29
IKTP - 3O
IKTP - 31
IKTP - 32
IKTP - 33
IKTP - 34
IKTP - 35
IKTP - 36
IKTP - 37
IKTP - 38
IKTP - 39
IKTP - 40
IKTP - 41
EPILOGUE

IKTP - 21

13.8K 483 53
By my_love_letter

Nag punta lang kami ni Scott sa pool area para panuorin sa pagsasaya 'yung mga schoolmates namin. Nakaupo lang kami ngayon sa pinaguupuan kanina ni Scott noong nilalandi siya ng isa sa mga fans niya.

May beer din kaming hawak, pero ako hawak ko lang hindi ko naman iniinum. Hindi naman kasi ako umiinum.

"Masaya talaga akong nandito ka Sweetie." Sabi niya. Halata naman, kasi kanina pa siya naka ngiti.

Inabot ko sa kanya ang kamay ko. "Regalo mo?" Naalala ko kasing sinabi niya sa'kin na ngayon niya ibibigay ang regalo niya.

Ngumiti siya. "Mamaya." Kumindat siya sa'kin tsaka niya ininum ang beer niya habang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

Nang maubos niya 'yung beer niya kinuha naman niya sa'kin 'yung beer kong hawak.

"Akin na lang?" Tanong niya.

Tumango ako. "Tubig na lang sa'kin."

"Ikukuha lang kita." Tumayo siya at nag lakad na papasok siguro ng bahay niya.

Hinanap nalang ng paningin ko si Mika, i wonder kung saan siya dinala ni Enzo kanina pa sila mag kasama. Pero na lock ang paningin ko sa mga fans ni Scott na ang sama ng tingin sa'kin.

Kung nakakamatay ang tingin patay na 'ko sa tingin ng mga 'yun.

Nag simula silang mag lakad papalapit sa direksyon ko.

Gulo 'to panigurado!

Pero kahit alam kong aawayin ako ng mga bruhang 'yun hindi ko pa din inalis ang tingin sa kanila pagpapakita na hindi ako natatakot sa kanila.

Nang makalapit sila sa'kin tumayo ako para pantay lang kami.

"Anong kailangan nyo?" Tanong ko.

"Umalis ka na dito! Panira ka ng party!"

Hindi lang sila makadikit kay Scott ako na sinisisi nila.

"Alam nyo hindi ko gagawin 'yun dahil lang sinabi nyo." Tinalikuran ko na lang sila. Aakma na sana ako sa paglalakad pero bigla nila akong hinawakan sa braso ko.

"Ano ba?!" Pagpupumiglas ko.

"Makaka-ganti na 'ko ngayon!" Sabi nung babaeng umupo sa kandungan kanina ni Scott.

Pinag tulungan ako nitong tatlo na ilapit sa pool pero nag pumiglas ako ng todo, napa bitaw pa nga sa isang braso ko 'yung isang bruha pero nagawa parin nila akong ma-ihulog.

Oh shit! I can't swim.

Sinubukan kong i-angat ang katawan ko kaya lang hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yun. Hindi ako makalutang.

Bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa bewang ko para tulungan akong 'wag malunod.

Nang tignan ko kung sino 'yun si Scott ang nakita ko.

"You're safe now, Sweetie." He reassured.

Iniyakap ko sa kanya ang braso ko, ayaw kong maka bitaw dahil baka matuluyan na 'kong malunod.

Humanda sa'kin ang bruhang 'yun!

"Dito lang kaya muna tayo sa pool." Dinig kong sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. "Bakit naman?"

"Para nakayakap ka lang sa'kin."

"Tumigil ka nga! Muntikan na nga akong malunod kapilyuhan pa ang nasa isip mo!"

He chuckled. "Sorry."

Sinimulan niya ang lumangoy papunta sa gilid ng pool tsaka niya 'ko tinulungang maka-ahon.

Nakarinig ako ng ingay na mula sa mga bruhang nag hulog sa'kin sa pool nakita kong isa sa mga bruha ay sinasabunutan ni Mika. Inaawat na siya ni Enzo pero ayaw pa din nitong papigil.

Aakma sana ako sa paglalakad para tulungan si Mika pero bigla naman akong hinawakan sa bewang ni Scott.

"Bitawan mo 'ko!" I told him.

"No! Dito ka nalang, paaalisin ko na sila."

Nag lakad siya papalapit sa kanila tsaka naki awat si Scott kay Mika mula sa pagkakasabunot nito sa isang bruha.

"Umalis na kayo!" Pagtataboy ni Scott sa kanila.

"Scott hindi naman namin alam na hindi siya marunong lumangoy." Pagpapaliwanag nung sinabunutan ni Mika.

"Wala akong pakialam! Umalis na kayo! 'Wag na 'wag na kayong lalapit kay Koko. Kung hindi, lagot kayo sa'kin!" He warned. "ALIS NA!" Pasigaw na sabi ni Scott na ikinagulat nila.

Nag madali silang mag si-alis ang nga bruha tsaka naman lumapit sa'kin si Scott, ganun din si Mika.

"Are you okay?" Pagaalala ni Mika.

"Yah! I'm okay, don't worry."

"Bwiset talaga! Kung 'di lang nila ako pinigilan kinalbo ko na isa-isa 'yun eh!"

"Calm now Miks, Sweetie is fine." Scott said.

She groans angrily. "Hindi ko mapigilan ma-bwiset sa mga 'yun! Mga panira ng gabi! Bwiset!"

"Ayos na 'ko." I reassured to her. Inabot ko nalang sa kanya 'yung kamay ko. "Pahiram ng susi sa kotse, kukunin ko 'yung bag ko. Mag bibihis lang ako."

"Are you sure, ayos ka lang?" Tanong niya ulit.

Tumango ako bilang sagot.

Inabot niya sa'kin 'yung susi ng kotse niya tsaka ko naman sinimulan ang mag lakad.

"Samahan na kita, Sweetie."

Sumabay sa'kin si Scott sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay. Dumiretso ako sa kotse ni Mika at kinuha 'yung bag na dala ko. Buti nalang pala talaga nag dala ako ng gamit kung hindi uuwi ako ng basa.

Tsk. Bwiset talaga!

Pagkakuha ko ng bag ko kinuha din naman agad sa'kin 'to Scott at siya ang nag buhat.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya.

"Medyo badtrip pa din pero, Oo ayos lang."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ito pareho. "Don't worry, hindi ka na malalapitan ng mga 'yun."

"Salamat nga pala sa tulong kanina."

"Hindi mo kailangang mag pa salamat, Sweetie. Ililigtas kita sa kahit anong paraan na kaya ko."

"So feeling mo si Clark Kent ka na niyan?"

He laughed. "Medyo."

Hinila na niya ako papasok ng gate, dumiretso kaming dalawa papasok ng bahay at... sobrang laki talaga nito. Tuloy-tuloy lang ang pag hila niya sa'kin hanggang sa umakyat kami mula sa second floor.

Pag akyat namin dumiretso kaming dalawa sa isa sa mga kwarto at pag pasok namin inilibot ko agad ang tingin ko dito. Kwarto siguro niya 'to. Tingin ko lang, dahil hindi naman niya 'ko dadalhin dito kung hindi at tsaka pang guy ang kulay ng room at design.

"Kwarto mo 'to?" Tanong ko.

"Yup! Dito ka nalang sa bathroom ko mag bihis." Inabot niya sa'kin ang bag ko tsaka ko naman sinimulang mag lakad papasok ng bathroom niya.

Tinabi ko lang muna ang bag ko tsaka ko naman sinimulan ang mag shower ulit pero sandali lang dahil plano ko lang naman talaga ay mag bihis.

After ko namang nag shower, nag bihis din naman agad ako. Tsaka din naman agad ako lumabas ng bathroom.

Pag bukas ko ng pinto nakita ko si Scott na tila katatapos lang din mag shower at mag bihis.

"Saan ka nag shower?" Pagtataka ko kaya lumingon siya sa'kin para tignan ako.

"Sa guest room." Sagot niya.

"Mmm." I just hummed.

Nag lakad nalang ako papunta sa salamin at pinunasan ang buhok ko.

"Scott nasaan ang parents mo?" Tanong ko habang nakatingin sa reflection niya sa salamin.

Napapa isip lang din kasi ako kung paano siya nakapag pa-party? Hindi ba siya papagilitan ng parents niya nito.

"Both silang nasa ibang bansa for work." Sagot niya.

"Hindi ba sila magagalit sa ginawa mong 'to?"

He shakes his head. "No, they don't mind."

"I see."

"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya.

"Tapos na."

"Labas na tayo, dalhin na din muna natin ang bag mo sa guest room."

"Okay." Kinuha ko nalang muna ulit ang bag ko na kinuha lang na naman niya sa'kin para siya ang mag buhat. Cellphone ko lang ang kinuha ko sa bag ko tsaka ko 'tong hinayaang bitbitin niya.

Nag lakad kami mula sa pangalawang pinto mula sa kwarto ni Scott, it means 'yun ang guest room.

Siya lang ang pumasok sa guest room para ilapag lang ang bag ko tsaka din naman siya lumabas. Hinawakan ulit niya ang kamay ko tsaka kami sabay na nag lakad pero hindi pababa ng hagdan kundi papunta sa terrace, kung saan may naka setup na isang table at dalawang chair at pagkain.

"Kailan mo 'to pinahanda?" Gulat kong tanong.

"Kanina nung ikukuha sana kita ng tubig."

Wow!

Hinila niya 'ko papalapit ng upuan at pinaupo. Nang makaupo naman ako siya naman ang umupo sa bakanteng upuan.

"Kain ka na." He told me.

"Honestly hindi naman ako gutom."

After nang nangyari kanina, i don't think na gaganahan akong kumain.

Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko tumingin ako mula sa baba nitong terrace at kita mula dito ang pool area kaya nakikita ko din 'yung mga bisita ni Scott.

"Sure kang hindi ka gutom?" Dinig kong tanong ni Scott.

"Yup."

Tumabi sa'kin si Scott at sabay naming pinag masdan ang nga tao sa baba na nag e-enjoy sa party.

"May ipapakita ako sa'yo!" I told him.

"Ano 'yun?" Kunot noo niyang tanong.

Ini-unlock ko ang cellphone ko kaya mukha niya agad ang bumungad dahil siya ang wallpaper ko.

Ipinakita ko 'to sa kanya. "Anong kalokohan 'to?"

He laughed loud. "Ang gwapo ko dyan 'di ba?"

"Siraulo ka talaga!"

Bigla niyang kinuha ang cellphone ko tsaka niya 'to nilagay sa camera. "Picture tayo, Sweetie."

"Ayoko nga!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko basta bigla nalang siyang umakbay sa'kin tsaka niya itinapat ang camera sa'min.

Pero kahit naka tapat na ito sa'min hindi naman pa din niya kami kinuhanan ng litrato.

Tumingin ako sa kanya. "Akala ko mag-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya 'kong hinalikan sa labi ko na ikinagulat ko.

Tumingin siya ulit sa cellphone ko after niya akong halikan kaya napa-tingin din ako dun. At nanlaki ang mata nang makita na kinuhanan niya ng litrato ang pag halik niya sa'kin.

"Scott!! Burahin mo 'yan!"

"Ayoko nga! Ang ganda nga eh."

"Cellphone ko kaya 'yan kaya ako ang masusunod kung anong buburahin dyan!"

Sinubukan kong agawin ang cellphone ko pero inilayo niya lang 'to sa'kin.

"Scott, akin na 'yan!"

"Wait lang! Ipapasa ko muna 'to sa cellphone ko." Kinuha niya 'yung cellphone niya sa bulsa niya tsaka niya sinimulang ipasa sa kanya ang picture naming magkalapat ang labi.

Haay! Pasaway talaga 'tong si Scott!

--

Keep voting. ☆

Continue Reading

You'll Also Like

19.7M 173K 60
WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga kami pero hanggang papel lang. Hawak ko ng...
2.6K 227 24
COMPLETED Story Description: Megan Uy grew up in a family of lawyers and being surrounded by that kind of profession, her family wants her to follow...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...