Her Debt

By chiefheinous

188K 3K 182

To be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen... More

Paalala
SIMULA
PAYMENT 1
PAYMENT 2
PAYMENT 3
PAYMENT 4
PAYMENT 5
PAYMENT 6
PAYMENT 7
PAYMENT 8
PAYMENT 9
PAYMENT 10
PAYMENT 11
PAYMENT 12
PAYMENT 14
PAYMENT 15
PAYMENT 16
PAYMENT 17
PAYMENT 18
PAYMENT 19
PAYMENT 20
PAYMENT 21
PAYMENT 22
PAYMENT 23
PAYMENT 24
PAYMENT 25
PAYMENT 26
PAYMENT 27
PAYMENT 28
PAYMENT 29
PAYMENT 30
PAYMENT 31
PAYMENT 32
PAYMENT 33
PAYMENT 34
PAYMENT 35
PAYMENT 36
PAYMENT 37
PAYMENT 38
PAYMENT 39
PAYMENT 40
PAYMENT 41
PAYMENT 42
PAYMENT 43
PAYMENT 44
WAKAS

PAYMENT 13

3.2K 67 2
By chiefheinous

"Jane..."

Mahinang tapik sa pisngi ko na nagpairita sakin. Tinabig ko ang kamay nito at nagtalukbong ng kumot.

"Iiwan kita dito," inis na saad ng kung sino mang damuhong 'to.

I raised my middle finger to whoever this person is. Istorbo siya.

"Jane! Don't you dare raise your middle finger on me if you still want your job!"

Napabangon ako sa malakas na sigaw nito. Kinusot ko ang mata ko para makita ng maayos ang taong 'to.

"Hi," mahinang sabi ko.

Si Sir Kai pala. Umulan nga pala ng malakas kaya dito kami napadpad sa hotel at siguro pauwi na kami.

"Cover your body!" Inis na wika nito.

Napatingin naman ako sa katawan ko and I saw my bare breast. Kinuha ko ang kumot at pinangtakip dito. Tinignan ko siya na bihis na bihis na.

"Pinadry clean ko na yung damit mo. Nasa banyo," ani nito.

Naghikab ako at nag-unat bago tumayo. Narinig ko ang pagsinghap niya pero nginitian ko na lang siya.

Tawa ako ng tawa pagdating ko sa banyo dahil pulang-pula ang mukha niya. What a face! Ganun pala dapat gawin kay Sir Kai para manahimik. Walk naked infront of him.

Naghuhum ako habang naliligo. Iniisip ko kung bakit sayang-saya ako pagtripan si Sir Kai. Crush ko ba siya? Baka nga.

Di na din ako lugi sakanya. Gwapo na macho pa kaso nga lang masungit minsan pero pagbigla ko na lang siya sinungguban nagiging sweet. Napatawa na lang ulit ako.

Teka lang, siya kaya? Lugi kaya siya sakin? Malamang hindi! Over my gorgeous sexy body! Hindi na siya lugi sakin!

Ngiting-ngiti ako sakanya pagkalabas ko ng banyo habang siya ay masama ang tingin sakin.

"Good morning!" Masayang sabi ko.

Inisnob niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang baso ng kapeng hawak niya at ininom yun.

"Yunmy," nakangising sabi ko.

Nakaawang ang bibig nito sakin kaya nginisian ko pa siya lalo.

"You... childish woman," hindi makapaniwalang saad nito.

Ngumiti ako sakanya at kinuha ang tinidor sa kamay niya. Tinusok ko ang hotdog sa pinggan niya at kinain ito. Nakanganga ito sakin kaya sinubuan ko ito ng kanin.

"Subuan pa kita, love?" Mapang-asar na sabi ko.

"Sure love," sarkastikong sabi nito.

Masama ang tingin niya sakin habang sinusubuan ko siya pero nginitian ko lang siya. Habang sinusubuan ko siya ay kumakain din ako. We share the same spoon. No big deal, we already kissed.

"Thanks, love."

Pinunasan ko pa ang bibig niya kahit ang sama ng tingin sakin nito. I kissed his lips pagkatapos.

"You're so fucking annoying," inis na sabi nito.

Pinunasan ko ang lipstick stain sa labi niya. Tumalon ako paupo sa lap niya.

"Don't curse," saad ko.

Umirap ito sakin at pinaalis sa kandungan niya. Tumayo ito at nilagay ang kamay sa bulsa.

"Come on," ani nito.

Humiga ako sa sofa at mapang-asar na ngumiti sakanya. Sinubukan niya kong hatakin pero yumakap ako sa sofa. Tawa lang ako ng tawa ng mainis siya.

"You should tell me a story before we leave!" I demanded.

I just love pissing him. He had this pitch-black expression that emphasize his jet black eyes more.

"Tell me about your most beloved woman," sabi ko pa.

Tinignan niya lang ako ng masama bago umupo sa tabi ko.

"Why do you wanna know? To know if you have a chance on me? The answer is no," masungit na sabi nito.

"Ouch naman!" Saad ko habang nakahawak sa puso.

"I'll only love her and no one can replace her in my heart. I promised her that I'll come back for her," sabi nito na malayo ang tingin.

Habang tintignan ko siya ay nakikita ko ang labis na pagmamahal niya dun sa babaeng yun. Ang swerte naman ng babaeng yun. May isang katulad ni Kai Vogel ang nagmamahal sakanya. Ako kaya, kelan kaya ako mamahalin ng isang Gray Saibara Urquico? Este kelan pala ako makakahanap ng lalaking magmamahal sakin?

"So... tell me about her," dumapa ako at ngalumbaba sakanya.

"She's a prim and proper kind of woman."

Ngumisi ako sakanya. Prim and proper huh? Ganun pala ang trip ni Sir Kai. Ladylike.

"I met her when I'm in high school, fourth year high school."

Nag-abang pa ko ng kasunod pero umirap lang siya saakin.

"Ano na? Tapos anong nangyari?" Saad ko.

"Bakit ba? Wag mo na usisain," irap nito.

"Ano nga!? Nagkita na kayo? Kayo na?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi pa kami nagkikita."

Napatili ako ng buhatin niya ko na parang sako. Sinuntok-suntok ko ang likod niya pero hindi niya ko binaba.

"Mailap siya sa tao pero ginawa ko ang lahat para mapalapit sakanya then we became close."

Natahimik ako sa sinabi niya. Binaba niya ko pagkadating namin sa elevator.

"Masaya siya kasama. Tahimik lang siya at misteryosa kaya maraming lalaki ang nagkakagusto sakanya," nakangiting saad nito.

Tumunog na ang elevator at sabay kaming bumaba. Sumakay kami sa kotse niya ng tahimik.

"She's aloof. Hindi naman siya masyadong nagsasabi sakin ng mga problema niya pero kahit papano kinakausap naman niya ko," biglang sabi nito.

So yung babaeng gusto niya, demure at siguro maganda? Kasi maraming nagkakagusto sakanya?

"Then something bad happened and I'm not there for her."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagmamaneho.

"Anong nangyari?"

Bigla akong kinabahan. Anong nangyari dun sa babae?

"Naaksidente ba siya? Comatose siya ngayon? Patay na siya?" Gulat na tanong ko.

"Are you crazy!? Sasamain ka sakin pagmay nangyari sakanyang masama!" Sinamaan niya ko ng tingin.

Nagzip ako ng bibig sa harap niya at ngumiti. Sasamain nga ako kay Sir Kai nito.

"She's accused..."

Tinitigan ko mabuti si Sir Kai.

"Of killing our own friend..."

"Galit na galit yung mga kaibigan namin sakanya pero ako di ako naniniwala na magagawa niya yun. I know her. Hindi niya magagawa ang ganun bagay."

Kai... Kaine...

Can it be?

"I left the country for my sick mom kahit ayaw ko siyang iwan. Wala akong choice. I promised her that I'll comeback pero hindi ko alam kung saan siya makikita. Kumuha ako ng private investigator para ipahanap siya."

Natahimik ako bigla. Parang nawala ang dila ko dahil sa mga narinig ko.

"You know what Jane? I miss her so much. Walang nagbago. Mahal na mahal ko pa rin siya. I love her more than a friend. Hindi ko sinabi sakanya noon kasi nahihiya ako pero ngayon. Pagnagkita kami, sasabihin ko na sakanya."

Nakatulala lang ako kay Sir Kai. Hindi alam kung anong dapat sabihin. Dapat na ba kong mag-assume o ano?

"Jane?"

Bahagya siyang sumulyap saakin kaya umiwas ako ng tingin sakanya. "Sana... s-sana makita mo na siya..." tanging sabi ko lang.

"You okay?"

"O-Oo naman!" At bahagya pa kong tumawa.

"Are you serious about me? About what happened to us? Sorry but I can't love any woman than her. What happen to us is a mistake, just pure desire. I'm so sorry Jane..."

Is he thinking that I'm jealous of his love? He's wrong. I'm thinking about something that disorient my mind. Is that even possible? Bakit hindi ko nahalata? Bakit hindi niya nahalata? Masyado bang mahaba ang eight years para makalimutan na ang itsura ng isang tao?

"We're here."

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay di ko napansin na nandito na pala kami. Mataas na ang araw pagkadating namin sa harap ng building niya.

Vogel...

I don't know anyone who's surname is Vogel. Am I just imagining things? Siguro nga. Hindi lang naman ako ang may ganun kwento. Maybe there is someone who have a situation like mine.

"Sir Kai?"

Nagkatinginan kami bago niya ko taasan ng kilay.

"Do you know my whole name?"

Kumunot ang noo niya sakin. I just wanna know maybe... I'll know the answer...

"No. Hindi ko ugali alamin lahat ng pangalan ng empleyado ko," saad nito.

"Are you crazy? Bakit hindi mo inaalam!? Paano kung magnanakaw pala yun o spy ng ibang kompanya?" Inis na saad ko.

Hinilot niya ang sentido niya at tumingin saakin ng masama.

"Don't lecture me on what to do to my company! I have people to do that task! Hindi ako nagalit nung pinagtitripan mo ko kanina pero wag mong pakealaman kung pano ko patakbuhin ang kompanya ko!" Inis na saad nito.

Tinanggal niya ang seatbelt ko at binuksan ang pinto ko.

"Get out," madiin na saad nito.

Lumabas na lang ako para walang gulo at isa pa, gulong-gulo na ang isip ko. Lalakad na sana ako palayo pero bigla akong napahinto at kinatok ang bintana ni Sir Kai. Sinenyasan ko siya na ibaba yung bintana. Kunot noo siya sakin pagbaba niya ng bintana. Halatang inis na sakin.

"Sir? Nickname mo lang ba yung Kai?"

Inis itong napakamot sa gilid ng leeg niya at sinamaan ako ng tingin. Caliginous stare.

"Sabi ko nga po. Shut up na lang ako."

Naglakad na ako papasok sa building namin. Para akong lutang. Ang daming tanong sa isip ko pero ni isa walang nasagot. Am I just really imagining things?

Napaling na lang ako...

Imposible pala. Hindi ganun ang itsura ni Kaine. Kaine is chubby and friendly. Hindi naman friendly si Sir Kai, in fact sobrang sungit nga nito at woman hater pa.

But all of that, maybe, is a was now. Eight years have passed. People change. Ako nga nagbago, siya pa kaya? Siguro nga hindi na din ako nakikilala ng ibang kakilala ko dati. I used to have a long shiny hair but now I have my short auburn hair. The way I speak and dress also changed. Everything about me changed.

Siguro nga.

Hindi ko din masabi. Bahala na nga! Bala siya! Sungit niya!

"Hoy bitch! Kelan ka ba hindi malalate?"

Napairap ako sa pagdating ni Blair sa office ko. Kakadating lang may epal na agad.

"Fuck off," irap ko.

She raised her middle finger kaya ganun din ang ginawa ko at winagayway ko pa sa ere.

"Hey! You remembered Kaine?" Tanong ko pagkatapos ng battle of the middle finger namin.

Prente siyang nakaupo sa harap ko habang nag-iisip.

"Oh! Yung bestfriend mong chubby? Yung pumunta sa ibang bansa? Why?" Saad niya habang nagkukutkot ng kuko.

"Sa tingin mo, nagbago na kaya siya?"

"What do you mean? Paanong nagbago?" Taas kilay na tanong nito.

"Basta nagbago! Physically? Attitude niya? Sa tingin mo?"

I'm so paranoid about this issue. Hindi kasi mawaglit sa isip ko. Maybe I need a piece of advice.

"I don't know! Bakit ako tatanungin mo? Ako ba siya?" Sabay irap nito.

Then I remembered that Blair is nonsense.

"Walang kwenta! Gawin mo 'to lahat!" Sabay hagis ng gabundok na papel.

"What!?" Exaggerated na sabi niya.

Napangisi ako. Perks of being the head of finance.

"Do that you dumb head," baliwalang sabi ko.

"Oo! I think he already changed! Matagal mo na siyang hindi nakikita kaya syempre nagbago na yun! People changes constantly! Hindi porket iniwan mo siyang mabait, mabait pa rin siya. Many things happened kaya wag kang mag-expect na ganun pa rin siya katulad ng dati! Malay mo ngayon may six pack abs na yun o kaya womanizer na pala! Kaya wag mo na pagawa sakin lahat 'to!" Mahabang litanya ng bitch.

Napangisi na lang ako. Marunong naman palang sumagod ng maayos... kailangan pang takutin.

People changes constantly and no one can stop it. Hindi natin mapipigilan ang pagbabago ng isang tao. People changes depends on the situation. We change based on our experiences.

Pero di pa rin ako sigurado sa naiisip ko kaya hanggang hypothesis ko lang yun. I need to observe, investigate and to have evidences. Parang scientific method lang yan. Step by step makukuha ko ang sagot.

All I have to do is to keep an eye on Sir Kai.

"You think so? Okay. Go and work your ass," nakangising sabi ko sakanya.

I'm Mindy Jane Espeilla, I think I'm gonna be detective Conan's apprentice.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 118 35
An aspiring accountant, aspiring doctor, and soon-to-be heiress. This is a light college story of misadventures and mishaps in reaching their dreams.
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
37.2K 918 23
Emmanuel Van Morgan Morgan Series #3 ✅ kisstelm 2020 2020 Story ▪️Completed ▪️
82.9K 1.6K 38
Euphorsine Thalia Belleza was raised to be prim and proper. Lahat ng kilos at galaw niya ay bantay-sarado mula pagkabata. Thalia had a simple dream b...