Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

549K 18.7K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 38

7K 221 10
By InsaneSoldier

Yanyan's

I drove by all the places we used to hang out getting wasted

I thought about our last kiss, how it felt, the way you tasted

"And even though your friends tell me you're doing fine..." Sinabayan ko na yung nagliligalig kong sound trip habang hinihintay si Steff. Bumili pa kasi siya ng ayshkrim. Excited na ako!

Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?

When he says those words that hurt you, do you read the ones I wrote you?

Hindi naman ako brokenhearted pero kasi nemen, nakaka-LSS yung kanta nila. Hay...at ang gwapo pa ng mga nakanta...

"Sometimes I start to wonder, was it just a lie? If what we had was real, how could you be fine?" Napahagikhik na 'ko. Siguro masasampiga ako ni Steff kapag nalaman niya 'tong pinag-iisip ko. Selosa pa naman iyon.

'Cause I'm not fine at all

I remember the day you told me you were leaving

I remember the make-up running down your face

And the dreams you left behind you didn't need them

Like every single wish we ever made

"I wish that I could wake up with amnesia!" Nagsimula na akong bumirit. Feel na feel ko, eh! "And forget about the stupid little things! Like the way it felt to fall asleep next to yu, ooh! And the memories I—"

"Hoy, babae! Tumahimik ka!"

Napalingon ako sa babaeng sumigaw sa akin na walang iba kung hindi si Cindy. Hay, nako, high blood na naman. Hindi bukal sa loob na hininto ko yung music at sinimangutan siya. Ayon na, eh!

"Ano bang problema, Cindy?" Kahit medyo asar ako ay nagtanong pa rin ako. Iniintindi ko na lang.

Hay, mahirap talaga maging mabait na pinsan...

Yamot na yamot na pinagtaasan naman niya ako ng kilay, then, ayon, nagulat ako kasi biglang naging poker face yung expression niya. "Kakagaling ko lang sa sakit, Yan. Feeling ko lalagnatin ako ulit dahil diyan sa boses mo."

Ngumuso ako pero wala siyang reaction. "Maganda naman, ah?"

"Sigurado ka?"

"Hindi, he-he." Sagot ko with matching peace sign. Ilang beses na kaya nilang pinamukha na hindi kaaya-aya ang boses ko. Nakakatampo na nga, eh. Pero kailangan tanggapin kasi nabibilang ako sa angkan ng mga laitera at sadista. Si Mama pa lang, jusko! "Ang seryoso mo naman!"

"Tahimik!" Iritableng reklamo ni pinsan, may kasama pandidilat ng mata. "Ibuka mo pa 'yang bibig mo, sasaksakin kita ng karayom."

Nag-zipped naman ako ng mouth. Katakot, eh. Grabe siya!

Hindi na siya nagsalita pagkatapos ng ginawa ko. Tiningnan ko yung ayos niya—pajama, nakayapak lang, at walang kaayus-ayos ang hair. Mukha siyang yagit. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Tinitingin-tingin mo?" Pagtataray niya with matching taas ng kilay. Umiling-iling naman ako. Umismid siya.

Pinanood ko siyang umalis sa harap ko. Hindi ako kumibo ng mga ilang segundo. Nakikiramdam lang.

Nang matiyak ko na nasa kwarto na siya ay saka lang ako huminga ng maluwag. Napasandal na ako sa sofa at napa-sign of the cross kahit hindi naman ako Catholic. "Mahabaging langit, nakakatakot siya!" Siyempre bulong lang iyan. Baka mamaya mahagip ako ng lumilipad na something kapag narinig niya ako.

Kakagaling niya nga lang sa lagnat pero parang dumoble naman iyong kasungitan niya. Tsaka kapag nagsasabi siya ng kasadistahan, mas nakakatakot na. Eh, paano ba naman! Sobrang seryoso ni—

"Ay, lamig!" Saad ko nang may dumikit na bagay sa pisngi ko.

Napatitig ako sa ice cream na biglang sumulpot sa mukha ko. Oh, ice cream! Sinundan naman ng mata ko yung kamay na may hawak no'n at automatic na napangiti ang lola ninyo. Oh, Steff!

Landi!

"Nakatunganga ka riyan?" Nakangiti pero may bahid ng pang-aasar na tanong niya sa akin. "I know, I know, nai-in love ka na naman lalo."

"Ang yabang po." Irap ko kahit hindi naman talaga ako marunong, tinawanan pa nga ako, eh. "Akin na nga iyan!" Imbes na tingnan pa siya ay inagaw ko na lang yung isang plastic ng ice cream. Naging heart na yata yung mata ko dahil sa ibat-ibang flavors na nasilayan ko. "Wow..."

"Date na tayo." Inabot niya yung kamay ko at hinila ako patayo.

"Ha? Saan?"

"Sa kwarto." Sukat doon ay nagtaas-baba siya ng kilay. Ahm, bakit parang may masamang balak siya sa way ng ngiti niya?

"Pwede ba iyon?" Nagtatakang tanong ko. "Sa kwarto tayo magde-date—aray!" Sapo ang noong tiningnan ko siya ng masama. "Ba't ka namimitik sa noo!"

"Slow mo, eh." Napa-ouch ako nang pitikin niya ulit iyong noo ko. Ang sakit! "Nakakainis ka. Buti na lang mahal kita."

"Nakakainis ka rin! Namimitik ka ng noo!" Banas na banas na sagot ko. "Bahala ka riyan!"

Itatakbo ko na sana yung ice cream kaso wala, hinablot niya yung braso ko at walang sali-salitang kinaladkad ako papuntang kwarto.

"Rape! Rape!" Nang-aasar na sigaw ko. Wala lang, feel ko lang.

"Kung pwede nga lang."

"Ano!" Pinandilatan ko siya ng mata pero halakhak lang ang nakuha ko sa babaeng 'to. Naramdaman ko rin na in-intertwine niya iyong mga daliri namin. Kunwari hindi ako kinikilig. "Bitawan mo 'ko!"

"Nah." Mapang-asar na sagot nito hanggang sa makarating na kami sa room niya. "Gagahasain pa kita."

"Rape!"

--

"Nagiging invisible talaga ako kapag nakakakain ka ng ice cream," yamot na reklamo ni Steff. Hindi ko siya pinansin, masarap kumain, eh. "Yanyan ko, pansinin mo 'ko!"

Hmm...sarap...

At gaya ng sinabi niya, nag-date keme nga kami rito sa kwarto niya. Aba, nagtitipid yata itong babaeng 'to. Imbes na sa sinehan kami ay nag-download na lang siya ng movie at iyon ang pinanood namin sa laptop niya. Gusto ko nga sana ng romance kaso nagtalo pa kami dahil sci-fi ang dinownload niya. Buti na lang nagandahan ako. Tsaka masarap yung ice cream.

Nanigas ako nang maramdama ko yung braso niyang nakapulupot na sa baywang ko. Tiningnan ko siya pero nagtaas-baba lang ang kilay ng bruha. Patay...

"Ahm, Steff? He-he," parang tangang tawag ko, "Gushto mo ng ayshkrim?"

"Cute." Humalik siya sa pisngi ko. "Kaya nakakaadik ka, eh. Pabebe nga lang."

"Hindi, ah!"

"Ows?"

"Hindi nga!" Pinatong ko yung ice cream sa bedside table at humalukipkip.

"Hmm..." Ngumisi siya ng pang-asar and ayon, inirapan ko ulit kaso tumawa lang siya. Azar! "Ah, pakipot lang."

Ngumuso ako. "Idol ko kasi si Maria Clara."

Ngumiti lang siya ng pagkatamis-tamis. Kaso parang ang creepy. Parang may binabalak na hindi masama. "H-huwag ka ngang ngumiti ng ganyan. Steff, ano ba!"

"Maria Clara," Biglang lumambing ang boses niya. Nilapit niya ang mukha sa akin, napasandal ako sa headboard ng kama. "Maaari ko bang masilip ang ilalim ng iyong palda?"

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Excuse me, shorts ang suot ko."

"Oh," Tumaas ang kilay niya. Napaigtad ako nang dumako ang kamay niya sa hita ko. Aawatin ko sana siya kaso maagap niyang nahawakan ang dalawang kamay ko. "So, pwede ko bang ibaba ang zipper ng iyong shorts?"

"Isa, Steff, ah!" Warning ko. Babaeng 'to! Umandar na naman kamanyakan!

Humagikhik naman siya bago binitawan ang kamay ko. Nanggigigil na kinurot ko siya sa braso.

"Aray!"

Hindi ko siya pinansin. Tumaas kaya balahibo ko sa sinabi niya! Lakas makapang-akit. Hay...

"Steff?"

"Yes, Yanyan my love?"

"Pwedeng alisin mo 'yang kamay mo sa hita ko?"

"Kiss muna."

"Isa!"

Ngumiti siya ng mapang-akit, at oo na, effective siya! Steff naman, bakit ang ganda mo? Hindi rin nakatulog yung napakabilis kong heartbeat.

"Yanyan, huwag ganyan."

"Ha?"

Nilapit niya ang mukha sa akin. Patay. Wala na akong aatrasan. Yung kamay niya, wala na sa hita ko. Nasa baywang ko na. Napalunok ako nang ipinasok niya ang kamay sa loob ng damit ko bago muling haplusin ang baywang ko. Ramdam na ramdam ko yung init niya.

Napapikit ako nang i-kiss niya yung noo ko. "Marian."

"Po?" Parang batang tanong ko. Tiningnan ko siya. Napangiti ako nang makitang nakangiti siya sa'kin.

Hinalikan niya yung tungki ng ilong ko. "I love you."

"I love you, too, he-he," Sagot ko at tumawa na parang robot. "Yung kamay mo—"

Halik ang sinagot niya sa'kin. Kiss sa lips. Pumikit ako. Hinila ko yung kwelyo ng damit niya para mapalapit pa sa'kin. Suminghap siya at diniin yung kamay sa baywang ko. Hindi pa naman tumataas yung hawak niya kaya safe pa ang puri ko. Harot!

Sabay kaming napaungol nang maramdaman ko yung...yung, ah, eh...yung dila niya sa loob ng bibig ko. Mas lumalim ang halik at mas siniksik niya ang sarili sa'kin. Napunta sa batok niya yung mga kamay ko at pinaglaruan ang buhok niya. Aww, ang lambot. At ang sarap ng kiss!

Gumalaw yung kamay niya pataas. Magp-protesta sana ako kaso bumaba yung labi niya sa tainga ko. Nabaliw yata ako ng mga five seconds. Shit, ang lambot ng lips niya. Nakakakiliti. "S-Steff..."

Isang mahinang ungol lang ang sagot niya. Napapikit na ako dahil sa mainit na hininga niyang tumatama sa balat ko. Yung labi niyang paulit-ulit na dumidikit sa earlobe ko at yung ngipin at dila niyang pilyang kumakagat dito. Bakit po ang sarap?

"S-Steff—" Malalalim na ang paghinga ko nang pinalayo ko siya. Yung kamay niya kasi, umabot na hanggang sa...sa d-dibdib ko. Pero sa labas lang naman ng bra. P-pero kahit na! R-ramdam ko kaya!

Nagtataka namang tumitig siya sa akin. Napalunok ako nang mapansin yung tingin niya. Mainit...

Mukha namang natauhan siya pero hindi inalis ang kamay. Eh, lalong nag-iinit ang mukha ko! Ngumuso siya sa akin. "Bawal?"

"Malamang!" Mabilis na sagot ko, "A-alisin mo na 'yang kamay mo."

"Ang lambot, eh." Ngumiti siya na parang bata. Nanlaki yung mata ko nang igalaw niya ang kamay, may lalabas na yatang usok sa bumbunan ko sa sobrang pagb-blush! "Maliit pero masarap hawakan."

Ay. Jusko patawarin. "Nanlait ka pa! Edi sa'yo na may laman ang boobs!"

Inalis na niya ang kamay at wala na naman sa poise na tinawanan ako ng malakas. Pinanood ko lang siya. Hindi ko alam kung maa-amaze ako sa tagal ng tawa niya o maiinis.

"Tapos ka na tumawa?"

"Wait lang." At isang set na naman ng halakhak ang narinig ko. "Okay na." Ngiting-ngiting sabi niya.

"Sa susunod, huwag ka nang manonood ng porn, ha?" Paalala ko, "Pati ako minamanyak mo, eh."

"Girlfriend naman kita, eh." Kumindat siya. Inamba niya ang kamay na parang hahawakan ulit ako kaya tinapik ko yung braso. Hagikhik naman ang bruha. "Cute mo."

"Alam ko."

"Yanyan?"

"Ano na nam—" hinalikan ulit niya ako. At muli, nabaliw na naman ako sa sarap.

Parehas kaming habol ang hininga nang matapos. Magkadikit ang noo namin. "Yanyan ko?"

"Hm?"

"Love you..." Masuyong bulong niya na ikinangiti ko.

"Hmm... I love you, too."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 150 1
Paano kung natutong mag mahal ang isang kamatayan?
4.3M 94K 48
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table...
545K 19.6K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
2M 51.5K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...