Cindy's
Hay, buhay. Parang life.
One. Two. Three. Four. Five.
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Ilang oras na rin na wala siya. Ay wow, naging pink na dito mata ko't lahat-lahat tapos wala pa rin siya? Ano 'yon, na-amnesia? Nalimutan nang may girlfriend siya? Galing! Usually nandito na agad 'yon at nakikipaglandian sa'kin. Lalo na't walang pasok.
"Walang poreber!"
Tiningnan ko nang masama si Yan. Bwisit 'to, kita nang naba-badtrip na 'ko tapos sasabihin pa 'yon? Porke nagka-develop-an na sila ng kapatid ko, ganern? Gano'n na 'yon? "Hoy, babae! Manahimik ka riyan!"
"Hala. Depensib, eh." Painosente niyang sagot sabay angat ng hawak niyang phone. "Nanonood kaya ako!"
"Anong pinapanood mo, aber?"
"Tom and Jerry!" Masigla niyang tugon.
"Letse!" Iritableng sagot ko. "Palamon ko sa'yo 'yang cellphone mo, eh." Edi si Tom at Jerry na may poreber!
"Sama!"
Inirapan ko lang siya at muling nagmukmok sa puwesto ko. Kapag si Juliet hindi ko pa nakita sa loob ng sampung minuto, susugurin ko na siya sa bahay nila! Malaman ko lang na si Romeo ulit ang dahilan kung bakit wala siya ngayon, mapapatay ko na talaga 'yon! Humanda siya!
Muli akong nagbilang, pero wala pa yatang ten seconds ang lumilipas ay tumayo na ako. "Nasaan na 'yon!"
Gulantang naman na napalingon sa'kin si Yanyan. "Nasaan yung ano?"
"Yung martilyo ko." Halos magkadikit na yung kilay ko sa sobrang pagkaasar.
Bigla naman siyang namutla at ngumiti ng alanganin. "Ci-Cindy, mabait naman ako ngayon, 'di ba?"
"Oh, tapos?"
"Ayokong mabutasan ng ulo?" Patanong na sagot niya. Nakahawak pa siya sa ulo, parang self-defense.
Ay sus. Kung hindi lang masama ang araw ko, tatawanan ko 'to, eh. "Bakit patanong? Gusto mo rin mabutasan kahit papa'no?"
Mabilis naman siyang umiling. Lumapit ako at binatukan siya ng malakas. "Ouch!" Tumingin siya sa'kin na akala mo aping-api siya. "It hurts!"
"Huwag kasing assuming."
Nang mahanap ko ang martilyo na pinamana pa sa'kin ng lola ko, na galing sa pinsan niya na binigay ng kapatid nito na galing sa best friend nito na minana pa sa tatay nitong karpintero—charot lang. Nakuha ko lang 'to sa tambakan ng mga anik-anik sa bahay. Feeling antique lang yung inosenteng martilyo. Oh, well. Ganito talaga kapag maganda.
Nagbihis na agad ako at nag-ayos bago lumayas. Hayaan na lang si Yanyan na feel at home sa'min. Sana lang virgin pa siya pag-uwi ko, maya-maya nasa bahay na si Ate, eh. Rated SPG, the following scenes are not suitable for young audiences. Parental guidance is advised. Taray!
At dahil wala naman akong sasakyan, edi pinush ko na ang tuluyang paglalakwatsa sa pamamagitan ng pagco-commute. Mabilis naman akong nakarating sa subdivision kung saan siya nakatira. Trapik pa rin sa Pinas pero dahil maganda aketch ay nag-give way na sila para mabilis akong makarating. Joke. Baka mamaya tamaan ako ng kidlat dito. Dyosa ako na hindi marunong maghimala. Charot. Thug life.
Nakilala ako agad ng security guard nina Juliet kaya naman pinagbuksan agad nila ako ng gate.
"Ay, Ma'am, wala po si Ma'am Juliet sa loob." Bungad ni kuyang guard.
Tumaas naman agad ang kilay ko sa sinabi niya. "Saan daw nagpunta?"
"Kay Sir Romeo po."
May sumirit na yatang dugo sa ulo ko. Kumukulo na. Juliet, nako. Hindi ka pumunta ng bahay para lang do'n sa lintik na Romeo na 'yon.
Galing talaga! May dumating lang na past, nalimutan na agad si present! Ang sarap lang pumatay! Feeling ko talaga nalimutan na niyang nag-e-exist pa yung girlfriend niya, eh. Nakakainis ka na, Juliet, sinasaktan mo ako.
Kahit wala siya ay pumasok pa rin ako sa loob. Dito na lang ako maghihintay.
Sobra na.
Umupo ako sa sofa at pinagmasdan lang itong lugar ni Juliet kahit na ilang beses na akong nakapunta rito. Ayos sana kung kasama ko siya kaso hindi. Wala. Nando'n siya kasama no'ng lalaking kinabaliwan niya dati.
Napabuntong hininga ako at tumingala. "Hay. Bakit pakiramdam ko maaagaw ka niya sa'kin anytime?"
Napapikit na lang ako sa naisip ko. Lintik kasi, naluluha ako sa naisip ko. Anobanamanyan. Pero papayag ba naman ako na maagaw siya? Siyempre hindi. Kahit ilang months pa lang kami ni Juliet, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.
Kahit naman madalas na mataray ako, sana kahit papaano naramdaman niya yung love ko. Sana hindi niya 'yon malimutan na lang basta dahil lang sa may dumating. Pero siguro...hay. Ang akin lang naman, kung saan siya masaya, edi doon siya. Ay. Ano ba 'to.
Binatukan ko ang sarili ko sa sobrang frustration. "Cindy, para kang sira. Huwag ka ngang mag-iisip ng negative!"
Nababaliw na yata ako, eh. Kinakausap ko sarili ko. Pero kasi. May something akong nararamdaman na sobrang hindi komportable. Napailing ako. Natatakot ako. Iyon 'yon, takot.
Hindi bale, dala ko ang martilyo ko. Kapag napaslang ko na 'yang Romeo na 'yan, wala na akong magiging karibal.
Napalingon ako sa nakabukas na pinto nang may marinig ako na sasakyan. Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa anticipation. Siya na yata 'yon.
Bigla akong nakaramdam ng panlalambot. Parang na-drain yata lahat ng lakas ng loob na meron ako para magtaray. Pero kahit na gano'n ay pinilit kong tumayo at lumapit. Sumilip at sumiksik ako sa gilid ng pinto. Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang pagbubukas ng gate at ang pagpapasok ng isang blue na sasakyan. Huminto ang makina nito. Mga ilang segundong pagitan lang din ay lumabas na si Romeo. Tama ako, sasakyan niya nga 'yon. Next naman na bumaba ay si... Juliet. Napakuyom ako sa palad ko. Parang may nakadagan na hollowblocks sa dibdib ko dahil ang bigat ng paghinga ko.
I feel threatened—and jealous.
Nakangiti sila sa isa't isa. Ang ganda ng ngiti niya. Mukhang maganda yung pinag-uusapan nila. Sayang lang kasi hindi ko naririnig. Pero parang ayoko ring marinig kasi natatakot ako na may malaman.
Cinderella, kailan ka pa natakot? Pakikipag-usap sa'kin ng isang part ng brain ko.
Simula nang na-in love ako kay Juliet, natuto na akong matakot.
Hay. Hay. Pag-ibig.
Nanlaki ang mata ko nang lumapit si Romeo kay Juliet at binigyan ito ng halik sa labi. Napahawak ako ng mahigpit sa pinto. Feeling ko maiiyak ako nang makita kong ngumiti pa yung girlfriend ko na namumula pa. Kinikilig. Putspa. Wait. Nakakainis! Bakit parang ako pa yung sabit dito? Nasaan na yung martilyo ko?
Feeling ko nandidilim na ang paningin ko sa nakita. Ganito ba sila kapag wala ako? Maderpader! Kahit naiwan ko yung martilyo sa living room ay dali-dali pa rin akong sumugod palapit sa kanila.
Napalingon sila sa'kin. Parang tinakasan ng dugo si Juliet sa katawan dahil kaagad siyang namutla. Oh, nasaan na yung blush on sa mukha mo? Si Romeo naman ay mukhang nagtaka lang.
Napahinga ako ng marahas at tinuon ang tingin kay Romeo. "May regalo ako sa'yo." Nanggagalaiting sabi ko bago siya bigyan ng malakas na suntok sa mukha. Napadaing pa ako sa sakit, may nabali yata sa kamay ko. Pero hindi ko na 'yon ininda. "Ito pa, oh." Hindi na siya nakailag nang sapakin ko ulit siya. Tumama 'yon sa panga nito. Napaatras siya ng kaunti at napahawak sa mukha niya. Halatang nasaktan. Dapat lang 'yan sa'yo!
"C-Cindy!"
Matalim na tiningnan ko si Juliet. Gustung-gustong ko na umiyak pero hindi ko ginawa. Sus! Bakit ako iiyak? Hindi ako ang dapat na iiyak! Hindi ako ang may mali rito.
"M-mine..." Hahawakan niya sana ako pero tinapik ko agad siya. "Let me explain—"
"Huwag mo akong madaan-daan sa let me explain na 'yan, ah, gasgas na 'yan. Letse ka! Lalong huwag mo akong tatawaging mine!" Napayuko siya sa sinabi ko. Ako naman, parang siya na lang ang nakikita ko. Pero hindi, hindi katulad noong dati na parang ang sarap sa pakiramdam na siya lang nakikita ko. Iba ngayon, para siyang kutsilyo na lumalaslas sa'kin kapag nakikita ko. Masakit kasi. "Dumating lang 'yang bwisit na lalaking 'yan, kinalimutan mo na ako."
"It's not like that..."
"So ano yung nakita ko? Friendly kiss?" Sarcastic na tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay. "Friendly kiss lang din ba yung ginagawa natin?"
Hindi siya nagsalita. Pero umiiyak na siya. Makaiyak akala mo siya agrabyado. Napailing na lang ako. Humarap ako kay Romeo na nakatingin lang sa'kin. "Ikaw, alam mo na girlfriend niya ako?"
Ngumiti siya kahit na may pasa na siya sa mukha. "Nikki told me."
Sinipa ko ng malakas yung tuhod niya kaya napahiyaw siya sa sakit. Buti na lang may takong yung suot ko. Nakakabwisit mukha niya, eh. "Alam mo naman pala. Bakit mo pa nilalandi si Juliet?"
Kahit mukha na siyang tanga ay nagawa niya pang sumagot. "I like her. And her parents likes me for her."
Okay. Masakit. Aray.
Ginagawa ko naman yung gusto nila pero kulang pa rin. Napailing ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Para akong pinagkaisahan dito. Gusto nila si Romeo para kay Juliet kasi bukod sa kapangalan nila yung bida sa story ni pareng Shakespeare, lalaki si Romeo.
Lumingon ako kay Juliet. Nakatingin siya sa'kin. Kita ko namang nasasaktan siya pero...hindi ko kaya na yakapin siya and sasabihing okay lang ang lahat. Ano ako, shunga?
Napapikit ako at napahilamos na lang sa mukha. Then, umalis na ako nang hindi nagpapaalam.
"Cindy!"
Huwag muna ngayon. Masakit pa. Lahat ng tapang at kasadistahan ko nawala nang dahil lang sa nakita ko. Dahil sobrang sakit. Bravo. Galing ng pag-ibig. Ang galing ni Juliet. Ang galing nilang lahat.
Huwag ka munang iiyak, Cindy. Konting pride pa. Sa bahay mo na lang ilabas lahat.
_____