Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 31

6.8K 227 7
By InsaneSoldier

Cindy's

"Yung totoo, bakit ang tagal nila? Baka may ginagawa na silang kababalaghan, ah!"

Natawa naman si Juliet sa sinabi ko at yumakap lang sa'kin. Eh, paano ba naman kasi, kanina pa kaming naghihintay rito ni Juliet sa living room at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa kwarto sina Ate at si Yanyan. Ay nako, baka naman 'pag napadpad ako sa lungga nila, rated SPG na yung madatnan ko! Don't me! Susunugin ko kwarto nila!

"Juliet, pasukin na natin!" Utos ko at akmang tatayo na pero inawat niya 'ko at hinila paupo. Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ng bongga ang noo ko. "Bakit ba?"

"Let them be alone, kailangan nila 'yon." Kalmadong sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko, jusmiyo nagiging ano na naman po siya. "If you want, let's go to your room, let's be alone there."

Kinurot ko yung pisngi niya. "Ano na namang naiisip mo, Juliet?"

"Kiss?"

"Oh?"

"And hug? And more kiss? And a lot of kiss?"

Napa-poker face ako sa sagot niya. "Hindi mo naman siguro ako gagahasain, ano?"

"Well..." Ngumiti siya ng pilya kaya ayan, nakatikim ng batok. Hinimas niya ang tuktok ng ulo at nag-pout. "Ouch."

"Manyak ka, eh."

"Sa'yo lang naman." Tinaasan ko siya ng kilay kaya tinikom niya ang bibig niya, zinipper kuno pa. Isip-bata talaga.

"Yo! Dianney and Trishaey in the house, yo!"

Napalingon naman kami sa mga bagong dating na bwisita. Si Dianne, parang ewan, hindi mo alam kung rapper o sira-ulong gumagaslaw sa harapan namin, may suot pang malaking salamin. Si Trisha naman nakangiwi na at parang humihingi na sa'min ng sorry dahil sa kabaliwan ng girlfriend niya. Buti pa siya matino, eh.

"You've gone mental, Dianne," Naiiling na komento ni Juliet kaya natawa ako at nakipag-apir pa sa girlfriend ko. Sumimangot naman si Dianne at umarteng brokenhearted.

"Awts! You guys hurt my feelingz!"

"Feelingz talaga?"

"Oo, feelingz!" Hyper na sabi niya. After ng ilang seconds ay bumalik na rin siya sa normal. I mean, yung pinakanormal na itsura niya. "Okay, naka-move on na 'ko."

Anak ng, ang bilis, ah.

"Bakit kayo napadpad dito?" Pagbabago ko na lang sa usapan. Baka mamaya mahawa pa si Juliet ko sa kabaliwan ng mga 'to, bilib nga 'ko kay Trisha dahil nakakatagal siya.

"Bakit?" Tumaas-taas yung isang kilay niya. Mukha siyang kolokoy. "Miss mo 'ko?"

"Hindi."

"Sungit!"

"Thank you."

Humagikhik naman sa tabi ko si Juliet. "I love that side of yours...sexy." bulong niya.

"Tse!" Natatawang sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Lagi na lang may pambanat, eh. Unlimited.

"Ugh," Arte ni Dianne na parang nasusuka, si Trisha naman nakahawak lang sa likuran niya. "Baby, remind me not to watch the gross scene again."

"May sinasabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya ngumiti lang siya at umiling. "Good." Buti na lang, or else bibigwasan ko siya. "So, bakit nga kayo napunta rito?"

"Ah, kasi ganito 'yon..." Ngingiti-ngiti pa si Dianne, habang tumatagal ay nawawala na ang ngiti niya hanggang sa kumunot na ng bongga ang noo niya. Natatawa tuloy ako sa phasing ng pagmumukha niya. "Ano nga 'yon?"

"Natatae ka na?" Sabi ko habang natatawa, tiningnan naman niya 'ko ng masama pero nginisihan ko lang siya. Kasalanan ko bang mukha siyang natatae.

"Natatae agad? 'Di pwedeng nakalimutan ko lang yung sasabihin ko?" Tumingin siya sa girlfriend niya na may dala ng marshmallow. Okay? Saan nanggaling 'yon? "Baby, ano nga ba ulit yung ichi-chika ko?"

"Hindi mo kaya sinabi sa'kin."

"Okay lang, hindi ako mahilig sa tsismis," Sabi ko at nakikuha ng marshmallow kay Trisha. Sinubuan ko muna si Juliet na napangiti na naman na parang bata bago ko kainin yung akin. "Sarap naman. Yum!"

"Pero importante 'yon!" Giit ni Dianne. "Sobrang importante!"

"Pero kinalimutan mo?" Taas-kilay kong tanong. Inabot na sa'kin ng girlfriend niya yung isang pack ng marshmallow na bukal sa loob kong tinanggap, aarte pa ba 'ko.

"Eh─"

"Matanda ka na."

"Grabe ka!"

"Lumayas na nga kayo." Sabi ko at umarteng tinataboy sila. "Tsupi."

"Alam mo, napakabait mong kaibigan," Sarcastic na sagot niya bago ngumuso. Hindi bagay! "Gusto mo lang maka-score kay Juliet namin, eh."

Hindi ako nagsalita. Tumayo ako at sinundan lang nila ako ng tingin, naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng gagamitin ko para paslangin ang bwisit na bespren ng girlfriend ko. Ngingiti-ngiti akong bumalik sa kanila at kaagad na namutla ang mukha ni Dianne nang makita ang hawak ko.

"S-saan mo gagamitin 'yan?" Tanong niyang napapaatras.

"Ah, eto?" Tiningnan ko yung hawak kong tinidor, bumalik yung tingin ko sa kanya at lumapit. Hala sige, atras pa. "Siyempre...sa'yo."

"Juliet?" Tumingin siya sa girlfriend ko at ngumiti na parang humihingi ng tulong. "Awatin mo naman girlfriend mo, oh?"

Tumingin si Juliet at ngumuso. "Mine, uhm, will you─" Tinaasan ko siya ng kilay kaya napaiwas siya ng tingin, binalik niya ang tingin kay Dianne at mahinang nagsabi ng sorry.

Namumutla namang tumingin sa'kin si Dianne. "A-alam mo namang best friend kita, 'di ba?"

"Hindi."

"Tsaka m-mahal kita?"

"Lalong hindi."

"J-joke lang kasi! Sorry na, hindi na ako uulit!" Pinagsalikop niya ang dalawang kamay niya tapos ni-rub, yung parang katulad sa mga korean kapag nahingi ng sorry. With matching pikit-pikit pa ng mata.

Tumingin muna ako sa kanya at nagbilang. One, two, three...okay, payn. Ipinatong ko na lang sa center table yung sandata ko─chos! Sandata, eh, tinidor lang 'yon. Napangiti naman siya at akmang yayakap kaya inangat ko ulit yung tinidor. Edi huminto rin. "Arte. Huwag nang yayakap."

"Okay." Ngiti-ngiti naman siya. "Wuvyu Shindi!"

"Ew." Inirapan ko siya kaya natawa yung girlfriend niya.

"Anyways, malapit na balentayms, mga pare." Umupo siya sa gilid na upuan, masakit lang sa paningin na nakakandong sa kanya si Trisha. Tumingin siya sa girlfriend ko na mukhang naiinggit na sa nakikita. "Juliet, mah friend, what's your plan?"

Napatingin ako kay Juliet at gano'n din siya sa'kin, humawak siya sa kamay ko at pinaglaruan ito. Ngumiti siya ng matamis. "It's secret."

"Ay." Sabay na reaction nung mag-jowa. Pati tuloy ako ay nanlumo. Naiintriga ako. Anong gagawin ni Juliet? Sana huwag akong matuluyan sa sobrang kilig, ano po? Kawawa me...charot!

"It's a surprise," Humalik siya sa pisngi ko at mukha na naman akong naaaning dahil nabibighani ako sa kadyosahan ng chinitang itetch. "Okay, love?"

Wala sa sariling napatango na lang ako. Surprise daw, eh, edi maghintay na lang. Pero may tanong ako, Juliet, how to be you po? Why so gorgeous? Joke!

Ang tanong talaga, e, kung bakit ang swerte kong ako ang minahal niya. Grabe kasi, hindi keri ng kagandahan ko kung paanong ang tulad niya ay na-inlove sa kapwa niya dyosa. Woo, ang humble ko talaga! Pero seriously, I really am a lucky woman to have her. Sana, walang umepal na manggugulo ng love story namin. Or else, matitikman niya ang bangis ng isang Cindy.

Nabalik ako sa reality nang bigla na lang niya akong halikan sa lips. Napailing tuloy ako at pinigilang mapangiti...at kiligin. Landi! "Manyak ka na naman."

Ngumiti siya, yung ngiting parang batang nahuli sa aktong may tinatago palang candy sa bulsa. "You're staring at me kasi, I thought you want a kiss."

"Kiss agad?" Natatawang tanong ko at tumango naman siya. Wow atey, taas ng self-confidence!

Pwes, tama ka! Char!

"Hindi ko alam kung kikiligin ako o masusuka─j-joke lang!" Bawi ni Dianne nang bigla kong kunin yung tinidor at hinagis sa gilid niya. Namutla agad, eh.

"Huwag ka kasing epal." Matigas na sabi ko. Niyakap niya naman si Trisha na nakakandong sa kanya at humagod naman ito sa buhok niya. Si Juliet naman ay humagikhik lang at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

Ayos, ah, bumabaluktot na rin yung buntot ni Dianne sa'kin. Yas!

Matapos ang ilang minutong pananahimik at panlalandi ni Juliet sa leeg ko─kanina pa kasi siya panay kagat at halik sa leeg ko─ay himalang binasag ni Trisha ang katahimikan.

"May theater play daw na gagawin yung Com. Engineering sa Foundation day, ah."

Ay, oo nga ano. Hindi naman 'yon nabanggit ni Yanyan pero narinig ko lang. Ako nga hindi ko alam gagawin ng sa amin, eh.

"What play?" Si Juliet na ang nagtanong. Hindi na nga siya humahalik pero nakayapos naman siya sa waist ko.

"Hay nako, edi yung casual play na laging ginagawa." Sabi ko. Alam ko, final na yung decision na iyon ang gagawin. "Romeo and Juli─"

"Naalala ko na!" Biglang sabat ni Dianne. "Naalala ko na yung ichi-chika ko!"

"Ha?" Ngayon niya lang talaga naalala?

"Juliet!"

"What?"

Napakamot si Dianne sa ulo niya at napatingin sa'kin, parang biglang nag-alangan. Tumikhim siya. "Ah, eh...si ano, gusto ko lang sabihin na lumipat daw si R-romeo sa Parker U."

Kumunot yung noo ko. Sino ulit? Romeo?

Napatingin ako kay Juliet, hindi ko gusto yung reaction niya. Saka ko lang naalala.

Si Romeo nga pala yung dahilan kung bakit nakita ko siyang umiiyak noon.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

141K 5.2K 37
[Medrano University Series #3] [ProfxProf] (Written in English/Tagalog) "You'll never know if you'll never try." - Reed Leighton Cruz A story of f...
4.8K 253 11
"I don't want to end what we have, but I am also the reason why it has to end. Mahal kita." - Lux.
102K 8.7K 43
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
768K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...