Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 30

6.8K 249 10
By InsaneSoldier

Yanyan's

Aray!

Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari?

Nakapikit na nailagay ko ang braso ko sa mata ko, kunot-noo pa 'ko habang paantok na umungol. Ang bigat ng katawan ko, feeling ko nakipag-wrestling ako ng twenty four hours non-stop sa sobrang sakit ng katawan ko na parang anytime ay magkakalasug-lasog na.

"Naman!" Napakamot ako sa ulo ko at nag-effort talaga akong magmulat ng mata. Medyo maliwanag na dahil sumisilip na rin yung liwanag ng araw sa bintana ko. Pagbangon ko ay parang lumindol bigla. "Ay wow, grabeng hangover 'to..."

After ng ilang minutong pakikipag-away sa sarili ko kung tatayo na a ako o ano ay namalayan ko na lang na sumusuka na 'ko sa banyo ng kwarto ko.

"Kadiri!" Sabi ko at ni-flush ang toilet. Mabilis din akong pinagpawisan kaya naligo rin agad ako. Hindi bale nang masakit ang ulo, basta fresh!

Pagkatapos kong maligo ay nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nabawasan na ang sakit ng ulo ko. Buti naman! Ayan kasi Marian, laklak pa kasi! Bakit ba kasi ako nag-feeling lasinggera kagabi, makainom wagas.

Ngayon...himala, ah. Nadala ko ang sarili ko rito sa higaan ko. Tsaka mukhang nagawa ko pang makapaglinis ng katawan kagabi dahil iba na yung suot ko kanina. Achieve!

Bumaba ako ng kwarto at pumunta nang kusina. Napakunot ako ng noo nang makita ko si Steff na prenteng nakaupo at nanginginain ng breakfast na hinahain ngayon ni inang mudrakels. Napatingin sa'kin si Mama at pinanlisikan ako ng mata. Hala, ano na namang ginawa ko?

"Buti naman naisipan mong gumising agad!" Lalapit pa sana si Mama para pingutin ako pero nakatakbo ako sa kabilang dulo. "Aba, kalakas ng loob mong uminom pero hindi mo naman pala kaya! Naku! Buti na lang nandito 'tong si Steff kagabi. Jusko, kung maikli ang pasensiya ko malamang sa kalsada ka na nagising!"

Awts! Ang hard ni Mama! Eh, maiksi naman talaga ang pasensiya niya!

"Huwag mo 'ko matingnan-tingnan ng ganyang babae ka!" Pinanlakihan niya ako ng mata kaya umiling ako. Peace na! World peace!

Pero wait. Ano raw? "Si Steff po?"

Tiningnan ko si Steff. Hanggang ngayon hindi pa rin siya natingin sa'kin. Aba himala, usually lalapit na agad siya sa'kin para yumakap, ah. Nakain nito?

"Oo," Sa wakas, kumalma na si mother dear. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Steff at kumuha na ng plato ko. "Pasalamat ka at nag-volunteer 'yang pinsan mo na alalayan ka kagabi."

"Siya po?" Tanong ko.

Nag-poker face si Mama. "Hindi."

"Nagtatanong lang, eh." Grabe, nasa lahi ba talaga namin ang mga masusungit? Jusmiyo baka naman ampon lang ako dahil ako ang pinakamabait dito sa amin?

"Ayusin mo kasi 'yang tanong mo," Napahilot siya sa sentido niya. "Nagkaka-wrinkles ako dahil sa'yo."

"Ma, matagal ka ng may wrinkles—" tiningnan niya ako ng masama kaya patay-malisyang naghain ako sa sarili at kumain na agad. "Ang sarap ng luto mo, Ma."

"Hotdog lang 'yan."

"This is da most delishossso hotdog in the whole wide word!" Sabi ko at kumagat ng mas malaki sa hotdog. Yum! Lasang Purefoods!

"Tigilan mo 'kong bata ka."

"Hindi nga, Ma, si Steff nag-alaga sa'kin? Sino'ng nagpalit ng damit ko?"

"Ay malamang si Steff din!" Iritableng sagot ni Mama. "Tanong ka ng tanong, ayan si Steff!" Tinuro niya si Steff na tahimik pa rin. "Kausapin mo!"

Napatingin naman ako sa kanya. Ang seryoso naman niya masyado ngayon. Wala ba siya sa mood? Baka red flag? Hindi naman siya ganyan kahit meron siya. Hala! Hindi kaya may nasabi akong kaadikan kagabi tapos nagalit siya? Jeskelerd! Help!

Napalunok ako. Wait, huhugot lang ako. Sumubo ako ng sumubo ng fried rice at ulam. Stress na stress namang akong tiningnan ni mama na parang gusto na niya yata akong itakwil. Charot! Mahal ako ni Mama kahit masungit siya sa'kin kaya 'di niya ako itatakwil, 'no!

Nang malunok ko ang kinakain ko at saka ako bumuwelo. Pero bago pa ako makapagsalita ay tumayo na siya at ngumiti kay Mama. "Thank you sa breakfast, tita. Una na po ako, may pasok pa ako sa work eh."

"Ah, ganoon ba. Sige, salamat din." Sabi naman ni Mama na nakangiti na, pero sumimangot siya nang mapatingin sa'kin. Wow.

Isinara ko ang nakanganga kong bibig habang pinapanood si Steff na maglakad paalis. What happened. What.

Pinagloloko ba 'ko no'n? Papasok, eh, day off niya kaya ngayon! Ano bang problema niya? Baka naman may nasabi talaga akong something something eklavu kagabi?

"Mama, hindi ako pinansin ni Steff?" Sabi ko na lang at napanguso habang kumakain.

"Baka naubusan na rin sa'yo ng pasensiya."

Hindi na lang ako sumagot. Katampo naman 'tong si Mama! Imbes na i-cheer up ako, talagang pinamumukha pa sa'kin na sakit ako sa ulo. Grabe ang sarap niyang magmahal! I'm so, so—so touched! Iiyak na nga 'ko, eh.

Pero sa totoo lang, kahit hindi ko pansinin, may part sa'kin na nasaktan doon sa kilos niya. Ang weird niya. Pa'no kung naubusan nga talaga siya ng pasensiya sa'kin? Baka hindi na niya ako pansinin. Or worst...baka tumigil na siya sa panliligaw niya. Baka nainip?

Ayan, Yanyan Rivero, magpakipot ka pa! Binatukan ko ang sarili ko ng sunud-sunod.

"Anak, para kang tanga," Napatingin ako kay Mama dahil sa sinabi niya. "Huwag mo nang pukpukin 'yang sarili mo, wala ka nang iso-slow pa dahil," Tumikhim siya. "Neseye ne eng lehet..." Ala Daniel Padilla na lagoanta niya.

Nabilaukan tuloy ako ginawa niya at napainom agad ng tubig. "Basag yung boses!"

So gano'n, nasalo ko lahat ng biyaya ni Lord sa pagiging slow? Aray naman!

"Mas basag naman yung sa'yo."

Napairap ako. Cindy, is that yow?

Nakakalurkey!

Pagkatapos kumain ay kaagad akong nag-ayos at lumarga na. Tama. Pupunta ako kina Steff at kakausapin siya. Nabo-bothered talaga ako sa kilos niya, eh. Napailing ako at napangiti sa sarili. Oh, my gosh, I'm so improbing in my English!

Nang makarating sa aking destination ay kaagad akong pumasok nang walang paalam, hindi naman naka-lock kasi. Nabungaran ko si Cindy na as usual, feeling prinsesa na nakaupo sa sofa habang nakasiksik naman sa kanya si Juliet na mukhang balak nang tumira dito. "Mahal kong pinsan! Hello, Juliet! Gumaganda ka lalo!"

Ngumiti siya sa'kin samantalang yung pinsan ko ay tinaasan lang ako ng kilay. "Bakit nandito ka na naman?"

Sungit!

Pero siyempre, hindi ko na 'yan sasabihin sa kanya. Mahirap na, baka masapak pa ako bigla. "Si Steff?"

"Bakit?"

"Kakausapin ko lang siya." Sagot ko.

"Bakit?" Ulit na naman niya.

Napakamot ako sa ulo. "Basta."

Umismid siya. Nagsusungit na naman. Lagi na lang red flag 'tong si pinsan. "Nasa kwarto. Huwag mong istorbohin at may date 'yon."

Nag-buffering yata yung brain cells ko. Ano raw? Date? Date? "Date?"

"Ulit-ulit?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.

"Date? Kanino?" Tanong ko na hindi pinansin yung pang-o-okray niya. Jusko sanay na 'ko!

Hindi siya sumagot. Instead, kinuha niya yung phone niya at may tinap na kung ano. Maya-maya lang ay may pinakita siya sa akin na Facebook profile ng isang lalaki. "Ay. Ang gwapo."

Nagp-piyesta na yung mata ko rito. Emergheed, kegwapo naman itetch. Tiningnan ko ang name ni koyang gwapo, Jake.

"'Yang gwapong pinagpapantasyahan mo ang ka-date ni ate Steff."

Parang biglang nag-pause ang paligid ko. Ito? Ito? Teka, pa'nong— "Eh, ano, Cindy. Hindi pwede 'yon kasi ano—"

"Kung ikaw pwedeng magpaligaw sa iba, edi pwede rin siya." Nginisihan niya ako na ikinalunok ko. Ewan ko pero 'di ko gusto yung nararamdaman ko. Kinakabahan ako na natatakot. "Baka nakakalimutan mong babae rin si Ate."

"P...pero," Kumunot ang noo ko. "Pero 'di ba nanliligaw siya?"

"Baka nagsawa na. Sumuko. Nawalan ng gana." Dire-diretsong sabi niya sa'kin.

Nagsawa? Sumuko? Si Steff? Hindi naman marunong sumuko 'yon,eh! Ngayon pa ba siya titigil?

"Arte mo kasi, Yan. Tapos ngayon tatanong-tanong ka? Tigilan mo 'yang pag-iyak!"

Ngayon ko lang namalayan na naiiyak na pala ako. Lumapit sa'kin si Juliet at siya na mismo ang nagpunas ng pisngi ko. "Stop crying."

"Hindi ako naiyak 'no," Suminghot ako at kinusot ang mata ko. "Napuwing lang ako."

"Style mo bulok." Singit ni Cindy. "Aarte ka na lang ba diyan?"

"Hindi. Magce-celebrate ako." Sarcastic na tugon ko kaya tiningnan niya ako ng masama. Sakit kasi magsalita eh, ako na nga 'tong nasaktan.

"Oh, sige, ihahanda ko yung kandila tsaka cake. Ano pa? Ah! Kukuha na rin ako ng kutsilyo para isaksak sa'yo!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Puro ka iyak! Hala sige, so gano'n na 'yon? Papanoorin kitang mag-drama rito habang si Ate, magpapakasaya sa bagong jowakels niya?"

Nagsalubong 'yung kilay ko. Akala ko ba date lang? Bakit jowa na agad?

"Ang gulo mo, Cindy," sagot ko, "Ano bang gusto mo talaga?"

"Ay, tanga talaga." Napatapik siya sa noo niya, tumingin siya kay Juliet. "Palagi mo ngang i-remind sa'kin kung ga'no ka-slow 'tong si Yanyan."

"Grabe ka!" Natawa na lang si Juliet sa reaction ko. Isa pa 'to, nagluluksa na nga 'ko rito tapos tinatawanan pa 'ko.

"Yanyan, lilinawin ko para mas ma-gets mo, okay?" Sabi sa'kin ni Cindy. Tumango na lang ako, ano pa nga ba. "Good. So, ang gusto kong sabihin, imbes na magmukmok ka rito...bakit hindi mo na lang puntahan si Steff sa kwarto niya ngayon?"

"Eh, 'yon nga yung gusto kong gawin 'di ba? Pero pinipigilan mo 'ko." Binatukan niya 'ko bigla. "Aray naman!"

"Ewan ko sa'yo! Puntahan mo na nga siya!"

Napakamot ako sa ulo at naglakad na papunta sa kwarto ni Steff. Ang gulo nila kausap!

Grabe. This is it, pansit! Pipigilan ko yung date niya. Hindi siya pwedeng tumigil sa panliligaw. Nasimulan na niya, eh, dapat tapusin niya!

Ay wait, anong sasabihin ko sa kanya? Aamin na ba ako? Eh! Teka! Paano ako aamin?

Napalunok tuloy ako. Nandito na 'ko sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Bahala na!

Kaagad kong binuksan ang pinto at naabutan siyang nakaupo habang hawak ang phone niya. Don't tell me ka-text niya yung Jake! "Steff!"

Nanlaki naman ang mata niya at napatayo. "Yanyan? Anong ginagawa mo ri—"

"Huwag kang pupunta sa date ninyo!" Sabi ko agad. Napakunot naman yung noo niya. Magsasalita na dapat siya pero inunahan ko na siya. "Hep! Ako muna!" Lumapit ako sa kanya at tinulak siya paupo sa kama niya. Bale, nakatingala siya sa akin ngayon. Now or nevah na 'to, lez push this. "Uulitin ko, hindi ka pupunta sa date ninyo nung Jake na 'yon, o ng kahit na sinong otoko riyan sa tabi-tabi."

"Ha? Eh, si—"

"Ako nga lang muna kasi!" Tinakpan ko yung bibig niya at tiningnan siya ng masama. Huminga ako ng malalim. "Hindi ka pwedeng magsawa sa'kin okay? Hindi pwede dahil gusto kita. Gets mo? Gusto kita! At dahil gusto kita, bawal kang makipag-date sa kahit na sino maliban sa'kin."

Binitawan ko na ang bibig niya at nakitang nakangiti siya. "Okay."

"Okay lang?"

Sukat do'n ay bigla naman siyang tumawa ng tumawa ng sorang lakas. Feeling ko nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Gano'n na 'yon? Pagkatapos kong umamin, tatawanan niya lang ako? Halos binuhos ko na buhay ko ro'n, ah!

"Huwag ka ngang tumawa!"

Lalo pa siyang tumawa. Nakahawak na nga siya sa tiyan niya, eh. Ang sama ng ugali! Maya-maya lang din ay kumalma na siya pero hindi naman natanggal sa labi niya ang ngiti.

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha yung date-date na 'yan pero masaya ako kasi umamin ka na. Take note," Kumindat siya sa akin. "Hindi ka na lasing ngayon."

"Ha?" Teka, date? Hindi totoo yung date? Lasing? Sinong lasing? Ako?

"Sinong nagsabi sa'yong may date ako?" Tanong niya.

"Si Cindy."

Tumawa na naman siya. Ibig sabihin niloloko lang nila ako? "Wala kang date?"

Ang lakas ng tawa niya. "Wala!"

Feeling ko mas lalo akong namula. "Eh, sino yung lasing?"

Tumawa na naman siya lalo. "Ikaw!"

Hindi naman ako lasing, eh.

"Hindi mo tanda, 'no?"

"Yung ano?"

"Umamin ka sa akin kagabi habang lasing ka."

"Ano!" Nakakahiya!

Natahimik ako nang bigla niya 'kong halikan sa lips. Ngingiti-ngiti siya sa'kin habang ako ay ito, nga-nga. Mababaliw na yata ako!

"Pa'no ba 'yan. Edi wala ka nang kawala sa'kin?"

Hindi ako makapagsalita. Ano pa bang sasabihin ko?

Nakaka-speechless!

_____

Continue Reading

You'll Also Like

801K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...
188K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
126K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
4.8K 253 11
"I don't want to end what we have, but I am also the reason why it has to end. Mahal kita." - Lux.