It's Him! My Jerk Boss!

Από sherann0588

14.7M 131K 12K

Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror... Περισσότερα

TEASER
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
Chapter 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
CHAPTER 7 Part 1
CHAPTER 7 part 2
CHAPTER 8
CHAPTER 9 part1
CHAPTER 9 part2
Chapter 10 part 1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13 instruction on how to view the hidden chapter
Chapter 14
CHAPTER 15
Chapter 16
chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
CHAPTER 22
Chapter 23
Chapter 24
chapter 25
Chapter 25.2
chapter 26
Chapter 27.1
chapter 27.2
Chapter 28
Chapter 28.5
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
chapter 34
chapter 34.2
Chapter 35
chapter 36.1
CHAPTER 36.2
Chapter 38
chapter 39
Chapter 39.2
Chapter 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 42.2
Chapter 43
CHAPTER 43.2
Chapter 44
CHAPTER 44.2
CHAPTER 45
CHAPTER 46
Chapter 46.2
Chapter 47
Chapter 47.2
Chapter 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

Chapter 37

180K 1.6K 155
Από sherann0588

Dedicated kay Jovelyn Negos na palaging nasa Group kahit pa mga nakabaon sa hukay ang karamihang members doon. Sa mga gusto pong makasali sa group pm nyo lang ako sa fb para ma-add ko kaya. Closed group po kasi iyon *0*. Nagpapagames ako doon minsa kapag may topak. Lol. Anyway dedicated din ito sa inyong lahat! Thanks! Sa mga nagpapabati naku sorry my annesia talaga ako. Basta sa lahat ng nakausap ko sa chat at kung saan saan pa, hello po ^0^.

..

..

"You are late!" Nakangising komento ni Knight ng dumating si Jin sa hotel.

"Sorry.." tumatawang sagot ni Jin dito.

"Oh my! You look happy Kingson. I heard na may liligawan ka na daw?" Kinikilig pa na sabi ni Ban.

"It's just a rumor.." pagdedeny pa nito na sinagot ni Knight ng isang smirk.

"Kaya naman pala you are asking about courting psh..." sabi pa ni Knight.

"Sabi ni Knight may kuya daw ang liligawan mo? Is he really scary?" Tanong ni Patrick kay Jin.

"Tss! I am Jin Kingson Estude. I can handle her brother." Pagyayabang ni Jin.

"See? Edi umamin ka din! Come on! Who is this lucky girl?" Pangungulit pa ni Ban.

"Tsk.." tanging sagot ni Jin.

"Come on! Sabihin mo na.." pangungulit ni Ban.

"No." Tipid na sagot ni Jin.

Inirapan lang sya ni Ban. Si Aisha naman ay papalit-palit ang tingin sa mga kaharap nya. Naisip nya, si Amy kaya ang liligawan ni Jin? Si Amy na whitelady sa restroom ni Jin sa Misibis Bay? Si Amy na kapatid ni Patrick? Si Amy na Anya talaga ang pangalan? Si Anya na isinisikreto nila kay Jin na kapatid ni Patrick? Si Anya na PA ni Jin? "Pfft!..." muntik ng maibuga ni Aisha ang kinakain nya. Natatawa kasi sya sa naisip nya. Akalain nyo naisip pa nya iyon?

"Dufus! Ok ka lang?" Nagaalalang tanong ni Knight.

..

..

Ilang oras na kinuskos ni Anya ang mga sulat ng marker sa mukha at katawan nya. Kakaiba lang ang topak ng boss nya eh. Ganoon pa man, habang tinatanggal nya ang mga sulat sa mukha nya ay nakangiti pa din sya. Nakuha pa nga nyang mag selfie at pinost pa iyon sa Facebook! May nakalagay pang feeling happy. Mukhang tanga lang hindi ba? Kinikilig kasi sya sa boss nya. Kahit ginawa pa syang sketch board nito ok lang sa kanya. Si Jin Kingson Estude kaya iyon!

Kinailangan nya kasing burahin ang mga remembrance na iyon sa katawan nya dahil

Pupuntahan nya sina Ban. Nasa restaurant daw ang mga ito sa isang hotel. Oo na. Matigas na ang ulo nya. Pero namimiss na talaga nya ang kuya at sister-in-law nya. Lalong-lalo na ang parents nya. Gustong-gusto nga sana nyang dalawin ang mga ito sa farm nila sa Zambales pero nagtitipid sya. Hindi ba mas maganda kung sakaling dalawin nya ang parents nya ay para i-uwi ang mga ito sa bahay nila? Sabi naman ng boss nya ay ibabalik daw nito ang bahay nila sa takdang panahon. Pero kailan? Babayaran ba ni Anya ang 14million na ipinambili ng boss nya sa bahay nila? Wala pa ngang isang million ang ipon ni Anya eh.

Nang matapos at muling magmukhang tao si Anya ay nagsuot na sya ng bonggang outfit. Dahil fashionista ang ate Ban nya, ay naku! Dapat tapatan nya ito kung ayaw nyang magmukhang alalay. Nagsuot sya ng white mini dress, light blue na wedge at nagdala din sya ng light blue na sling bag. Inilugay lang nya ang sobrang haba nyang buhok at naglagay ng konting make up para lalong lumutang ang kagandahan nya. Alam nyo naman yang si Anya, gusto nya laging agaw eksena. Dapat unkabogable lagi ang beauty.

"Tsk tsk tsk.. nagustuhan ng Friendsung natin ang parusa ng Greek God nyong amo." Nakapameywang na humarang si Lenny na pinto ng unit para hindi makalabas si Anya. Parang mayordoma lang.

"Tama ka dyan. Eh kasi naman napakafirm ng muscles ni Sir Kingson. Yung biceps nya ang yummy at huwag ka ang abs chokolateng chokolate parang ang tamis-tamis!" Singit ni Manuel na humalukipkip pa sa tabi ni Lenny.

"Matamis din naman ang biceps at abs mo Manuel ah." Tugon ni Lenny.

"Kayaaaahhh! Lumayas kayo sa harapan ko! Nakakadiri kayong dalawa!" Bulyaw ni Anya.

"Nakakadiri ka dyan. Kapag ako nakakadiri? Kapag si Sir Kingson Yummy ganon'?"

"Yummy din kaya tong si Manuel ko!" Yumakap pa si Lenny sa bewang ni Manuel kaya pilit naman na tinatanggal ni Manuel ang mala-lintang kapit ni Lenny.

Napabuntong hininga nalang si Anya sa dalawa tapos ay tinakasan na nya ang mga ito.

..

..

"Is that Damien Friol? Yung vocalist ng Breakthrough?" Nanlaki pa ang mga mata ni Ban nang makita ang pinagkakaguluhang pumasok sa resto.

Napalingon naman sila sa gawi kung saan maraming tao. Kahit class ang restaurant na iyon ay pinagkakaguluhan parin si Damien. Napasmirk naman si Jin sabay sabing. "Show-off"

Narinig naman ni Patrick ang komentong iyon ni Jin. "Yeah he is.." sabat pa ni nya.

"I don't like him. His band sucks!" Bulong ni Jin.

"Me neither.." sagot nanaman ni Patrick kaya hinampas sya ni Ban.

"Aray!" Reklamo nito.

"Kayo talaga! Na-i insecure lang kayo. My God! Can't you see how gorgeous he became?" Sabi pa ni Ban. "For me pasado na sya for baby Annie." Kinikilig pa si Ban.

"Huh.. G@gong yan. Subukan lang nyang lapitan ulit ang kapatid ko.." Sagot naman ni Patrick. Alam kasi ni Ban na dating boyfriend ito ni Anya.

"Is he courting your sister?" Kunot noong tanong Jin.

"Ex kamo sya ng kapatid ko. Pinaghiwalay ko lang sila, wala kasing kapanga-pangarap yan noon. Gusto lang sumikat. Paano pag laos na sya? Anong ipambubuhay nya sa kapatid ko? Hindi pa din sya papasa kahit na grumaduate pa sya ng architecture."

"Really?" Napaisip naman si Jin. Ex daw ng kapatid nya ang Damien Friol na iyon? Damn that Damien! Pakiramdam ni Jin pinaglalaruan nito si Anya. O di kaya yung kapatid ni Patrick?

..

..

"Sukli ko po." Sabi ni Anya sa driver ng taxi. Napilitan syang magtaxi, baka kasi madungisan ang ganda nya kung mag ji-jeep sya. Isa pa walang dumadaang jeep sa sosyal na hotel na pupuntahan nya.

Nakasimangot na inabot ng driver kay Anya ang pisong sukli nya. 69 pesos kasi ang itinakbo ng metro ng taxi at seventy ang ibinayad nya. Aba kung bentesingko nga hindi pinatawad ni Anya piso pa kaya. Inirapan nya ang taxi driver at saka bumaba na ng sasakyan nito. Naglakad sya papasok ng entrance ng hotel. Chin up, stomach in, chest out pa sya habang pa-demure maglakad. Mga sosyal kasi ang mga tao doon kaya magpapakasosyal din sya. Isang araw lang naman pagbigyan nyo na.

"Do you have any reservation ma'am?" Tanong ng waiter ng restaurant ng hotel nang marating nya ito.

"I have my family inside." Nakangiting tugon ni Anya kaya pinapasok na sya nito. Natanaw nya di kalayuan ang kuya Patrick nya kaya na-excite sya at binilisan ang lakad. Malapit na sya sa pwesto ng mga ito ng mamukhaan nya ang boss nya na katabi lang ng kuya nya.

PATAY!

Agad na napahinto si Anya. Nagtago sya sa isang sulok sa likod ng halaman.

"Pangarap!" Napatalon si Anya ng kalabitin sya ni Jiro na kabanda ni Damien.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat din na tanong ni Jiro. "Baka mamukhaan ka ng ilang reporters. Sa hotel na ito ang press con ni Damien."

"Hindi ko alam.." napa-iling-iling pa si Anya. "I-mi-meet ko kasi yung kuya ko dito." Sabi pa ni Anya.

"Ah.. oh nasaan na ang kuya mo?" Tanong naman ni Jiro.

"Ah.. ano.. saan ba ang Restroom dito?"tanong ni Anya. Kailangan nyang umalis sa lugar na iyon.

"Doon.." Turo ni Jiro sa Direksyon kung saan kailangan nyang daanan ang pwesto nila Damien.

"Ah.. lalabas nalang ako.." tatalikod na sana si Anya para puntahan ang exit pero nakita nyang papasok doon ang ilang mga fans ng breakthrough. Yung iba yung mga nasa gig ng mga ito sa Batangas. Kaya naman sa Restroom nalang sya pupunta.

..

..

Hindi alam ni Jin kung si Anya nga talaga ang nakita nya o hindi na pumasok sa entrance ng restaurant. Nababaliw na nga ata sya, kung saan-saan na kasi nya nakikita ang imahe ng P.A nya. Napailing nalang sya. Imposibleng lumabas si Anya. Sa dami ba naman ng sulat nito sa katawan malamang hindi nya agad iyon mabubura.

..

..

"Jiro sandali huwag kang mabilis!" Sambit ni Anya kay Jiro. Sinasabayan kasi siya nitong maglakad. Nagpatulong sya dito na kung maari ay takpan sya nito sa pamamagitan ng pagsabay sa paglalakad papuntang restroom para hindi sya mapansin ng kuya at boss nya na magkasama sa iisang lamesa. Kung bakit ba naman kasi hindi nya tinanong si Ban kung sino ang kasama ng mga ito!

"Eto na nga oh! Tsk yari talaga ako nito kay Damien. Pagbibintangan ako nun na nang-aahas kapag nakita tayo." Sentimyento pa nito.

Hindi naman mapigilan ni Anya na sumulyap sa table ng kuya at boss nya. Isa pa ang gwapo naman kasi ng boss nya ang hirap makaget-over. Kitang-kita pa ni Anya ang marahan na pag-inom nito ng juice pagkatapos ay bahagya pa itong nagsmirk. That jerky smirk, pero kumabog ang puso nya nang bigla ay magtama ang paningin nila ng boss nya. Nataranta si Anya napatakbo sya ng di oras at dahil nga kay Jin sya nakatingin ay hindi nya napansin ang ilang wires ng camera ng mga reporters na nandoon kaya naman napatid sya doon at bonggang-bonggang napahiyaw ng...

"Waaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!"

Blag!

*CLICK*CLICK*CLICK*

..TO BE CONTINUED..

A /N: Sobrang inaantok lang po... hehe

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

His Own Desire Από noowege Stories

Γενικό Φαντασίας

19.8K 757 13
Sunshine thought she'd find a new family and love when she stepped into her mom's new husband's mansion. Unfortunately, she was wrong. Instead of lov...
80.7K 2.2K 54
Happy Ending??? "Tsss" akala ko mangyayare na yan sa LOVE STORY namen. pero isang maling akala lang pala ang lahat... Matapos ko siyang iwan. Sa ting...
2.7K 69 22
Daily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she appl...
26.4K 801 26
Meet Irish Halls, the girl who will babysit the most famous band member of One Direction, Niall Horan. Bukod sa hindi na ma-handle ng management ang...