Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 24

6.9K 245 5
By InsaneSoldier

"Ssh!"

"Huwag kang maingay."

"Ikaw yung maingay, eh."

"Shut. Up."

Napakunot naman ako ng noo nang makarinig ako ng mga maiingay na bulungan sa tabi ko. Nakadapa ako sa kama at nakapikit. Malamang natutulog ako. At nakakainit ng ulo dahil maingay sila. Inaantok pa ako, eh!

"Ready?"

"Oo."

"Basta kapag nag-ala dragon, alam na, ah?"

"Yes, ma'am!"

Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? At saka sino ba yung mga boses? Kaurat.

"One, two, three..." Sabay-sabay na bilang nang mga boses. "Hiya!"

"Aray!"

Tuluyan nang nagising ang diwa ko at lahat ng nerve cells ko sa katawan nang makaramdam ako ng bigat sa katawan ko, sa likod. Jusko ano 'to, bangungot? Ang bigat!

"Sandwich!" Sigaw ng mga hinayupak na dumagan sa likuran ko.

Napamulat ako ng mata at pinilit silang lingunin. Shete talaga, hindi ako makahinga!

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang makita ang pagmumukha ni Dianne at Trisha. "Ay letse ta-talaga! A-lis! H-hah!"

Umalis na sila sa pagkakadagan sa akin at automatic namang napatihaya ako at sumagap ng maraming oxygen. Uubusan ko sila! Hagikhik naman sila ng hagikgik habang pinapanood akong mahirapan dito. Loko, at talagang natutuwa pa sila.

"Good morning, Cinderella!" Hyper na bati ni Dianne. Ngumiti naman si Trisha at nag-peace sign. "Long time no see!"

Sinamaan ko sila ng tingin at bumangon ng dahan-dahan. Napahawak kaagad ako sa likuran ko dahil sobrang sakit. Shit, nabalian pa yata ako. "Letsee kayo." Inis na inis na sambit ko sa kanila habang nanggigigil. "Lumapit kayo at kayo ang babalian ko ng likod!"

Sukat doon ay nambelat lang sila. "Ayaw nga namin. Ano kami, tanga?"

"Oo, Dianne." Tatango-tangong sagot ko. "Sa lagay natin, kailangan mong maging tanga ngayon. Langya ka, sasapakin talaga kita!"

Letse! Sakit talaga ng likod ko! Dalawang tao ba naman pumatong sa'yo ng biglaan tingnan natin kung hindi ka maghingalo.

"Sapak, bilis!" Pang-aasar niya. "Sapak!"

Bubulyawan ko pa lang sana sila nang bigla silang tumakbo palabas ng kwarto ko. Aba't! Tinakbuhan ako!

May araw din 'tong mga 'to. At ngayon ang araw nila! Lintik lang ang walang ganti. Hah! Kotse mo ngayon, Dianne, ang kawawa. Napangiti ako sa naisip ko. Paniguradong iiyak yung babaeng 'yon.

Masakit man ang likuran ay dahan-dahan na rin akong bumangon para mag-ready sa pagligo. Alas-diyes na pala ng umaga. Wala rin sa tabi ko si Juliet. Malamang, si Pedro na naman ang kasama no'n. Bwisit yung batang 'yon, gustung-gusto yung girlfriend ko. Oh, edi si Juliet na may charms sa bata! Ako na wala! Tse! Bwisit.

Dala-dala ang towel ko ay pumasok na ako sa banyo at naligo. Hindi ko maiwasan na hindi mapakislot nang tumama yung malamig na tubig sa katawan ko, lalo na sa likuran ko. Nadali yata talaga ako ng mga ugok na 'yon.

Hay. Kung kailan naman kasi bisperas ng bagong taon saka pa sila nagpakita. Bwisit, mga epal. Sana nag-around the world na lang sila.

Papikit-pikit pa ako nang lumabas ako ng banyo. Nakabalot lang sa tuwalya ang katawan ko habang pinapatuyo ko ang buhok ko. Sakit talaga ng likod ko, shit!

Kakatapos ko lang magbihis ng underwear ko nang muntik na akong mapamura dahil bigla na lang bumukas ang pinto. "Ay putra—J-Juliet?"

Para naman siyang naestatwa sa puwesto niya at walang hiya-hiyang hinagod ako ng tingin. Sinara niya yung pinto sa tabi niya at napalunok. Napakunot pa ako ng noo dahil narinig kong nag-click yung pinto. Okay...bakit niya ni-lock?

"Y-you look ravishing, love," Halos bulong na sabi nito sa'kin habang papalapit.

Napairap naman tuloy ako at tumalikod na para ipagpatuloy yung pagbibihis ko. Narinig ko naman siyang napasinghap at napasigaw ako ng pigil nang hinawakan niya yung parteng likod ko na masakit. "Aray naman!"

"S-sorry." Pinaharap niya ako sa kanya at kita kong nag-aalala siya sa kung anong nakita niya sa likod ko. "Does it hurt too much? Where did you get that bruise?"

"Bruise? Pasa?"

"Obviously," Para sarcastic na sagot niya kaya tinutuktukan ko siya sa noo niya. Nakakainis sumagot, eh. "Oo nga, pasa! That hurts, love."

"Huwag kasing pilosopo 'di ba?" Nakairap na sagot ko. Nagkapasa pala yung pananakit ng mga minions na 'yon. "Mainit ulo ko. Papa-shoot to kill kita riyan."

Nag-pout siya sa akin na parang nagpapaawa. "You'll do that? Hindi mo ako love?"

"Love. Joke lang, oy!" Sagot ko at tinapik siya sa braso niya. "Iiyak ka na naman."

"Hindi ako iiyak, ah," Sagot niya saka pinakita ang nag-uumapaw niyang imaginary muscles. Payat. "Mine, bakit ka nga nagkapasa?"

"Sisihin mo yung mga kaibigan mo. Daganan ba naman ako! Ayan, nasobrahan." Naiinis na sabi ko. "Sakit-sakit tuloy."

Sukat doon ay bigla niya ako pinatalikod at huli na ng mag-react ako dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa likod, doon sa masakit na part. "J-Juliet, anong ginagawa mo?"

"I'm taking away the pain. Masakit pa ba?" Halos makiliti naman ako sa hininga niya nang sumagot siya.

Patuloy lang siya sa pag-kiss at feeling ko pain reliever yung lips niya dahil nawawala talaga yung sakit. Jusko ano 'to, bakit ang korni ko!

Napakuyom naman ako ng kamao at napakagat ng labi. Feeling ko nag-iinit yung mukha ko sa ginagawa niya. Badtrip naman 'tong si Juliet, pinapakilig ako! "H-hindi na."

Okay. Relax. Lintik kang Cindy ka, ano 'to, bakit ako nauutal? Parang baliw lang! Kinakausap ko na sarili ko. Mahusay. Woo, bravo!

Pinaharap na niya ulit ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay at ngumiti bago ako bigyan ng mabilis na kiss sa labi. "Tuturuan natin ng leksyon sina Dianne and Trisha."

Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. Ang bad ko yata, medyo nahahawa na sa kamalditahan ko si Juliet. Oh, well, maganda naman kaming parehas.

Kinuha niya yung tshirt sa kama ko at siya na mismo ang nagbihis sa akin. Ewan ko ba rito, minsan ginagawa akong bata. Duh, may kamay naman ako pero gusto niyang ganyan. Abnormal. Pagkatapos niyang isuot yung short sa'kin ay saka niya lang ako niyakap ng sobrang higpit. Nahampas ko naman siya sa braso ng bigla niya akong kinagat sa balikat. "Aray naman, Juliet."

"Sorry. Nakakagigil ka kasi, eh." Sagot niya lang habang ngiting-ngiti.

Napailing na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Hawak kamay kaming naglakad palabas ng room pagkatapos kong makapag-ayos.

Pagdating sa sala naabutan ko si Pedro na kumakain ng chocolate. As usual. Lumingon siya sa amin at ngumiti kaya napangiwi na naman ako dahil nakita kong may chocolate ang mga ngipin niya. Mukha tuloy nabubulok. Si Mama naman nanonood lang ng TV.

"Ma, sina Trisha?" Tanong ko agad dahil hindi ko sila napansin dito sa loob. Ang tahimik kasi.

"Ah, sumama kay Steff papunta kina Marian." Sagot nito nang hindi man lang kami nililingon.

"Ah, okay." Tangong sagot ko. "May pintura tayo diyan, Ma?"

"At aanhin mo ang pintura aber?"

"Magp-paint kami ni Juliet."

"Tinotopak ka na namang bata ka."

"Meron nga?"

"Oo. Sa alam mo na kung saan."

"Okay."

Hinila ko naman si Juliet papunta sa likod-bahay namin at ayon, nakakita ako ng pintura. Maliit lang pero keri na.

"Uh, anong gagawin natin diyan?" Takang tanong sa akin ng cute kong girlfriend habang naglalakad kami. Ngumisi lang ako at nanlaki ang mata niya nang ma-realize ang masama kong plano nang makarating kami sa sasakyan ni Dianne. "Dianne will freak out, Mine!"

"Edi masaya!" Natatawang sagot ko at binuksan na yung lata ng pintura. Exciting!

Napailing na lang sa akin si Juliet nang sinimulan ko nang ihagod yung brush na may pintura na sa sasakyan ni Dianne. Yey, magd-drawing ako!

Maya't maya akong napapahagikhik sa tuwing nai-imagine ko yung magiging reaction no'ng mag-jowa kapag nakita nila itong sining na ginagawa ko sa sasakyan nila. Si Juliet, ayan panay ang iling na akala mo nangungunsumi sa akin pero pangiti-ngiti din naman at halatang naaaliw sa ginagawa ko.

"Let me try," Sabi niya. Binigay ko sa kanya yung brush at kahit siya ay napahigikhik din nang magpinta siya ng stick na tao. Ay, ka-kyut na durowing!

Parehas kaming tatawa-tawa nang maubos na namin yung paint. Medyo marumi ang mga kamay namin pero keri lang.

"Sometimes, para kang bata, Mine."

"Aysus, sinakyan mo naman." Sabi ko sa kanya na ikinibit balikat niya.

"Well, that's fun. And it's more fun because I did this with you."

"Oo. Kaya kapag nagwala sina Dianne, damay ka."

Natawa kami parehas. Na-imagine ko si Dianne na umuusok yung butas ng ilong. Pangit pala, parang takore lang.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at naghugas ng kamay. Mukha na naman kaming ewan dahil pinapahid niya yung basang kamay niya sa mukha ko. May topak din yata si Juliet ngayon.

After no'n ay dumiretso naman kami sa kusina at nanginain lang ng kahit anong meron sa ref. Nakakagutom din pala maging pintor.

"Hoy, Cindy!" Tawag ni Mama mula sa sala.

"Po!" Sagot ko bago sinubo yung Kisses na inaabot sa akin ni Juliet. Ngumiti naman siya at hinalikan ako ng mabilis sa leeg.

"Anong ginawa mo sa pintura?"

"Pinang-pintura, malamang!

"Sumagot ka ng maayos!" Inis na sigaw ni Mama.

"Nag-paint nga po kasi Ma!" Sigaw ko ulit bago bumulong. "Alangang ipanligo."

Hindi na sumagot si Mama no'n. Malamang na-hook na naman sa pinapanood niya.

"Mine,"

"Hm?"

"Manonood tayo ng fireworks, 'di ba?" Hopeful na tanong niya.

"Matatanggihan ba naman kita." Sagot ko.

"Mine."

"Oh?"

"Love mo ako?"

"Malamang."

"Gaano mo ako kamahal?"

Napatawa ako ng mahina. Nagpapalambing yata 'tong babaeng 'to, eh.

Hinalikan ko siya sa labi niya at medyo natakam dahil nalasahan ko yung chocolate sa bibig niya. Nginitian ko siya at idinikit lalo yung upuan namin. "Hindi na tinatanong yung ganoon."

"Why?" Nakangusong sagot niya. "Hindi mo yata ako love, eh."

"Sira talaga 'to."

"Love mo ako?"

"Oo nga."

"Gaano ka-love?"

"Super love."

"Gaano ka-super?"

Tiningnan ko siya ng seryoso at hinawi yung ilang strand ng hair na humarang sa mukha niya. "Super. Kahit ano gagawin ko para sa'yo at hindi kita iiwan kahit sabihin mong lumayo ako. Juliet, alam kong medyo may saltik ako minsan at inaaway kita minsan ng walang dahilan. Pero mahal kita, swear." Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. "Hindi ako expressive sa salita pero sana ramdam mo kung gaano ako ka-patay na patay sa'yo sa way na alam ko."

Napangiti siya at mabilis na namula. Ay sus! Kinilig ang babae.

Yumakap siya at ibinaon ang mukha sa leeg ko, naramdaman ko pa nang saglit niya itong halikan. "Love, I don't mind if you are unique sometimes. Or kahit inaaway mo ako. I don't mind. I love everything about you. Hindi ko kayang mahiwalay sa'yo."

"Ako din naman 'no." Sagot ko habang hinahagod ang buhok niya. "Hindi kita lulubayan kahit mag-end of the world na."

"I love you so much."

"I love you, too." Inilayo ko na siya ng kaunti. Hinalikan ko siya sa noo at sinubo ng biglaan yung chocolate na hawak ko. "Kain na."

Para kaming ewan dito habang kumakain. Magsusubuan tapos tatawa. Epic, nakakatawa itsura ni Juliet nung may sumabit ng chocolate sa ngipin niya. Mukha siyang toddler. Kaso sobrang cute niya talaga! Nakakadala yung chinitang mata ng babaeng 'to. Tapos ang hilig pang ngumuso. Hay, Juliet. Noong nagpaulan si Lord ng cuteness siya siguro ang nakasalo ng lahat. Oh, well, bagay kami. Maganda ako. Walang kokontra siyempre.

"Cinderella Hayssbert! Juliet Shin Parker!"

Sabay kaming napangiwi nang marinig na namin yung pamilyar na boses ni Dianne. Wow! Ngayon ko lang ulit narinig yung second name ni Juliet.

"Anong ginawa ninyo sa sasakyan ko!"

Sukat doon ay bigla kaming tumawa ni Juliet ng malakas. Halatang asar na asar yung boses. Sus! Mayaman naman siya! Kayang-kaya na niyang diskartehan ang pagpapalinis ng kotse niya.

"Humanda kayo sa akin!"

Epic!

_____

Continue Reading

You'll Also Like

62.4K 3K 65
Lucia found herself living under the same roof with her cousin who she never met before in her entire life. Will they be able to co-exist like normal...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
La Calle Real By Nine

Historical Fiction

1.3K 167 6
Violet Manalo went inside an old museum in the street of Calle Real. She offended the paintings and broke the wooden doll of a witch that she didn't...