Juliet and Cinderella (GL) [B...

By InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... More

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 23

8.2K 279 21
By InsaneSoldier

"Gusto mong sa kumukulong mantika kita paliguan?"

Nakakabwisit na talaga 'tong batang 'to! Bakit ba ang hirap-hirap niyang paliguan?

"'Yaw! Magiging prayd Peter ako, Tita Cindylangot, 'pag sa mantika mo 'ko niligo." Sagot niya na may kasama pang pagbelat.

"Tse! Cindy lang!" Naiiritang sagot ko. Nag-cross arms ako. "Ayon nga ang plano, Pedro. Iluluto kita tapos ipapakain sa mga aso riyan sa labas!"

Sukat doon ay bigla naman siyang umiyak at nagdabog sa harap ko. Nakakaloka! Ano 'to? Natakot talaga siya sa sinabi ko?

"Bad ka! Bad ka!" Ngalngal niya sa akin habang panay ang iyak. Hay, edi lalo akong mahihirapang paliguan 'to! Ang amos-amos na nga tapos iiyak pa! Kaya wala akong pasensya sa bata, eh.

"Mama! Anuhin mo nga 'tong bata rito! Iyak ng iyak!" Sigaw ko kay Mama na abala sa pagluluto sa kusina. Katulong niya si Juliet doon dahil yung butihin kong kapatid ay missing in action pa rin ngayon. Susme, kaninang umaga pa siya wala, tanghali na!

"Ay nako, Cindy! Patahanin mo 'yan at may ginagawa ako rito!" Rinig kong pasigaw na sagot niya.

Ay shit talaga. Ako talaga yung magpapatahan? Paano ba patatahanin 'tong tiyanak na 'to? Lagyan ko na lang kaya ng packing tape yung bibig pati mata niya?

"Huwag na huwag mong tatapalan ng tape 'yang mukha niyan, Cindy," Rinig ko ulit na sabi ni Mama. "Tatanggalin ko 'yang kilay mo!"

"Letse!" Pigil inis na bulong ko. Napatakip tuloy ako sa kilay ko dahil sa pananakot niya. Hindi pa naman nagbibiro 'yon. Manipis na nga kilay ko tapos tatanggalin niya pa? No way highway!

Napakamot na lang ako sa batok ko at napadabog na rin. Lalo namang lumakas yung iyak niya.

"Bad!"

Ayoko namang tawagin si Juliet para humingi ng tulong. Asa siya! Hindi pa kami bati, 'no!

Nag-count muna ako ng one hanggang ten, huminga ng dahan-dahan hanggang sa kumalma ako. Kailangan ko nang mag-praktis na habaan ang pasensya ko dahil siguradong mabilis akong tatanda lalo na kung may bulilit na tumatambay sa bahay.

This time, tiningnan ko na siya ng mahinahon at nilapitan. "Hoy, Peter, tahan na."

"Wah! Bad!"

Ay putragis naman. Eh, bakit lalong umiyak 'to! Diyusko, nawa'y magkaroon sana ako ng mahabang pasensya para sa pamangkin ko na 'to bago ko pa tuluyang isagawa yung madilim kong plano sa kanya. Pilit kong pinakalma ang damdamin ko at labag man sa loob ko ay hinagod ko na yung likod niya para pakalmahin siya at tumahan.

"Stop crying na, yung sipon mo, oh, ew!" Nandidiring sabi ko at napilitang punasan yung ilong niya. Kadiri! "Sige na, hindi ka na ipapakain ni Tita sa aso."

Next time na lang siguro.

"P-pwamis?" Masinuk-sinok na tanong niya. Aw, ang pula ng ilong ni bata, sarap panggigilan hanggang matanggal. Kaso baka mapatay ako ng nanay nito. Huwag na lang.

"Opo," sagot ko, "sa susunod na lang."

Natatawang napakamot ako sa ulo nang umiyak ulit siya ng malakas. Hah! Eh, kasi naman ang sarap lang i-bully!

"Mama Lola, oh! Wah!" Sumbong ng pikuning bata kay Mama. Pinandilatan ko siya ng mata kaya lalo na namang umiyak.

"Cindy!"

"Opo na! Sorry!" Natatawang sagot ko. "Aray! Peter!"

Bigla ba namang akong pinaghahampas? Sama ng ugali talaga! Hinawakan ko naman yung dalawang kamay niya para hindi na siya makagalaw. Ang kaso ang walangya, aba, sinisipa naman ako! "Bad ka, Tita! Cindylangot! Bad!"

"Nyenye, kawawa ang bata! Hala sige iyak!" Pang-aasar ko pa lalo dahil hindi niya ako maabot. "Ay ang bata, weak!"

"Cindy!"

"Oo na po!" Nakaka-stress naman 'tong si Mama.

Niyakap ko na lang si Pedro ng mahigpit para hindi makagalaw. Hindi ko na rin inalala kung tumutulo yung luha at sipon niya sa damit ko. Maliligo na lang ako.

"Oh, sige na sige. Tahan na, hindi na kita aawayin." Pang-aalo ko sa kanya. Panay na yung sinok, eh, baka mamaya ubuhin na 'to.

"Liar!" Ay sosyal, English. Nagpupumiglas pa rin siya sa yakap ko, nakagat pa nga ako sa balikat. "Luto mo 'ko, eh! Liar!"

"Hindi na," Tatawa-tawang sagot ko.

"Nitatawanan mo 'ko!"

"Hindi, ah." Hinarap ko siya sa akin, nakatitig lang siya ng masama habang sumisinghot. "Bili kita ice cream. Okay na ba 'yon?"

"Ays krim?" Ulit niya.

"Oo nga, ulit-ulit lang?" Pambabara ko sa bata kaya napanguso siya. Ginulu-gulo ko yung buhok niya. "Bibili kita basta bati na tayo?"

Kunwari pa siyang nag-isip mga three seconds lang naman yung pagitan bago siya tumango ng masaya. Tatahan din pala. "Okey!"

"Good! Pero maligo ka muna, ha?" Sabi ko. Tumango naman siya. Ay sus! Mapapaligo ko rin naman pala siya.

Kinuha ko na yung mga damit niya na nilagay ko sa sofa at dinala na siya sa banyo sa kwarto ko, nakipaghabulan pa kasi sa akin 'tong bulilit na 'to kaya umabot kami sa baba. Pinapasok ko na siya sa banyo. Lumabas ako at kumuha na rin ng damit. Sasabay na lang din ako, bata lang naman 'to, eh.

"Oh, bakit nandito ka?" Tanong ko sa taong nasa kwarto ko paglabas ko ng banyo. May towel pa nga sa ulo ko, pero bihis na ako. Buti na lang. Naka-denim short lang ako at black na t-shirt.

Nasa tabi naman niya si Peter na binibihisan na niya. Tumingin siya sa akin at ngumuso. "Sabay kayo naligo?"

Napairap ako ng wala sa oras. Anong klaseng tanong 'yon. "Halata naman, 'di ba?"

"Ang sungit." Bulong niya na narinig ko naman.

"Mahal mo naman." Walang ganang sagot ko. "Lumabas ka kung nasusungitan ka."

"Mine naman, sorry na." Iniwan niya sa kama si Pedro at nilapitan ako. Yayakap sana siya kaso pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ang cute mo lang kasi kanina. Sorry na."

"Oh, so ganoon? Ang cute mo ring awayin kaya tsupi!" Kinuha ko yung suklay na nasa table at lumapit kay Peter para suklayan siya.

"Tita, Tita mama, away kayo?" Inosenteng tanong ng batang nasa harap ko.

"Hindi." Sagot ko. Pagkatapos ko siyang suklayan ay saka ko lang siya nilagyan ng pulbos sa likod, sa dibdib pati sa may leeg niya. Mukha tuloy espasol pero keri lang.

"Mine," Parang batang tawag ulit niya sa akin.

"Bakit na naman ba, Juliet?" Hindi ko siya nilingon. Inaayos ko ulit yung damit ni Peter kahit ayos na naman.

Naramdaman kong nasa tabi ko lang siya. Yumakap siya sa akin nang mahigpit. Nilagay niya sa side yung buhok ko and na-feel ko na lang na hinalikan niya ako sa batok,."Sorry na. I love you."

Ayan na naman tayo sa I love you na 'yan. Nakakapanlambot talaga, kaasar!

"Mine," Bulong niya sa tainga ko then proceed ulit sa pagpapak niya sa batok ko. "Sorry na kasi..."

"Juliet, may bata rito," Paalala ko sa kanya, baka sakaling nakakalimutan niya. Alam kong masarap yung ginagawa niya pero may bata nga kasi!

Nakakainis naman 'tong babaeng 'to. Tampo pa dapat ako, eh, 'yan tuloy wala na! Dinadaan ako sa landi.

"Anong gawa ninyo?" Inosenteng tanong ni Peter habang naka-tilt yung ulo niya, halatang nagtataka. Ayan na nga ba sinasabi ko.

"Nilalambing ko Mommy mo. Tell her nga na bati na kami." Sulsol naman ng babaeng nakadikit sa akin.

Sumimangot si bubwit sa akin. "Sabi mo hindi kayo away?"

Hay nako naman. Pinagkaisahan pa ako. Tumayo ako at lumapit sa pinto. "S'ya sige. Juliet, ilibre mo na lang kami ng ice cream niyang anak mo para makabawi ka."

"Bati na tayo, love?" Masayang tanong niya.

"Wala 'kong sinabi." Binuksan ko yung pinto at nauna nang lumabas. Alam ko namang susunod 'yang mga 'yan. At hindi nga ako nagkamali dahil nauna pang makalabas si Peter sa akin. Oh, edi siya na excited sa ice cream!

Umakbay naman bigla sakin itong girlfriend ko at medyo nanigas nang maramdaman ko yung lips niya sa tainga ko. "Anak natin."

Pinigilan kong huwag mapangiti sa sinabi niya. Kaso hindi ko napigilan kaya umalis agad ako sa pagkakaakbay niya at nauna nang maglakad para sundan yung anak daw namin. "Baliw!"

Hindi ako kinikilig. Duh!

--

Yanyan's

"Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo?"

Ngumiti lang siya sa akin ng sobrang tamis habang yakap-yakap niya yung unan ko na super favorite niya raw dahil kaparehas ko ng amoy. Huwag ko nga raw lalabhan. Sira talaga, edi ang dumi na no'n pag gano'n!

"Hahanapin."

Tiningnan ko yung oras, tanghali na rin pala. "Oh, edi umuwi ka na. Baka gusto mong tulungan yung nanay mo na magluto ro'n."

"Kaya na niya 'yon." Umikot-ikot siya sa kama ko. "Nandoon naman si Juliet, eh."

Napaismid na lang ako sa kanya. Baka pagod pa. Eh, siya kasi halos yung naglinis ng kwarto ko. Nagmukha na ngang pantao 'tong lugar ko, eh. Oo na, burara na. Sa tinatamad ako maglinis. "Uwi na kasi, tanghali na, kumain ka na roon."

"Bakit ba excited kang paalisin ako? Mami-miss mo ako niyan sige ka." Pang-uuto niya sa akin.

"Bakit naman kita mami-miss? Kapit-bahay lang kita." Sagot ko sa kanya habang hinihila siya patayo. Ang bigat naman nitong si Steff! "Tayo na!"

"Ha? Tayo na? Girlfriend na kita?" Ngiting-ngiting tanong niya. Pinagsasabi nitong babaeng 'to?

"Ha? Baliw ka ba?" Kunot-noong tanong ko.

"Sabi mo tayo na? Oh, edi girlfriend na kita?"

Napakamot tuloy ako sa ulo dahil sa sagot niya sa akin. Seryoso ba talaga siya roon sa sinabi niya na manliligaw siya? Oh, eh, ba't ang bilis niya?

"Sabi ko tayo as in bumangon ka! Ano tingin mo sa akin, easy to get? Asa!"

"Hmp! Pakipot!" Nakasimangot na sabi niya bago tuluyang tumayo. "Parehas kayo ng kapatid ko... pakipot!" Hinila niya ako palabas ng pinto.

"Hoy, ba't kasama ako?" Naguguluhang tanong ko habang panay lang ang pagkaladkad niya sa akin pababa. Hindi niya ako sinagot kasi nadaanan namin si Mama na mukhang may kukunin sa kwarto niya.

"Tita, sa amin na magl-lunch 'tong si Yan, ah?" Paalam niya na ikinalaki ng mata ko. Ba't kasama na naman ako!

Si Mama naman, oo lang ng oo. Hays! Hinila na niya ulit ako hanggang sa makalabas kami ng bahay namin. Ayaw niyang bitawan yung kamay ko, akala mo naman maliligaw ako. "Hoy, bakit kasama ako? Masarap yung luto ni Mama! Gutom na ako!"

"Masarap din luto ng nanay ko kaya sa amin ka na kumain." Walang kwentang dahilan niya. Jeskelerd bakit po binigyan mo ako ng ganitong pinsan? Ang tigas po ng ulo niya! "At isa pa..."

Ngumiti siya ng nakakaloko kaya napalunok ako. "A-ano?"

"May gagawin tayo... sa kwarto ko." Taas-baba pa yung kilay niya habang sinasabi 'yon. Ito na naman po tayo! "A special performance...for your eyes only." May kasama pang kindat at smirk.

"T-tigilan mo nga ako. Halika na nga lang!" Hinila ko na lang siya papunta sa direksyon ng bahay nila dahil kahit tumanggi ako, alam kong wala akong magagawa. Kaiyak lang. Ano kayang performance 'yon?

"Uy, si Yanyan ko, excited!" Malanding pang-aasar niya. Ang harot ng boses, pramis! "Don't worry, gagalingan ko para sa'yo. Yung tipong mapapa-wow ka talaga."

"Isa, Steff, ah. Tama na!"

Tinusuk-tusok niya ako sa tagiliran habang naglalakad kami. "Asus! Totoo, 'no? Excited ka. Yie."

Hindi ko na lang siya pinansin kahit panay ang pang-aasar at panghaharot niya sa akin.  Ano ba naman 'tong babaeng 'to, walang kapaguran!

"Yanyan, my love! Pansinin mo ako!" Ini-sway niya yung kamay naming dalawa na parang bata. "Uy!"

"Ano ba kasi 'yon?" Inalis ko yung kamay niya. "Ang clingy mo, nasa labas tayo!"

"Tse! Pakipot!" Pikon na sabi niya pero hinawakan din naman ulit yung kamay ko. Oh, kita mo 'to. Edi ako na pakipot!

Pagkapasok namin sa kanila, naabutan namin sina Cindy at Juliet, pati na rin si Peter na kumakain ng ice cream. Automatic na naging heart yung vision ko sa kinakain nila at lumapit. Ice cream!

"Mahal kong pinsan, pahingi!" Sabi ko habang nakatitig lang sa kinakain nila. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Kay Juliet ka manghingi, libre niya 'to, eh."

Lumingon naman ako kay Juliet na nangingiti sa akin. "Ang ganda mo ,Juliet, pahingi!"

Tumango naman siya at dumiretso sa kusina. Nilagay niya siguro sa ref yung iba.

Uupo na sana ako sa isang couch pero inunahan ako ni Steff kaya sinimangutan ko siya. "Ako riyan, eh."

"Yanyan my love, hindi pa kasi tapos..." Muntik pa akong mapatili nang bigla niya akong hilahin kaya napaupo ako sa lap niya. "Oh, ayan, tapos ang problema. Sweet ko, 'no?"

"Mga bugok. Ngayon na nga lang kayo lumitaw tapos sa harap ko pa kayo maglalandian." Mataray na sabi ni Cindy habang pinagtataasan kami ng kilay. Nakabalik na rin si Juliet at inabot na sa akin yung ice cream pati yung kutsara. Yum!

"Edi maglandian din kayo ni Juliet, " Sagot ng babaeng nagkakalong sa akin. "Ang bitter mo talaga─"

"Kung isaksak ko kaya sa bibig mo 'tong kutsara ko?" Ang sadista talaga! Itutok ba naman yung kutsara sa amin.

Napalunok ako nang mapansin kong sa akin talaga siya nakatapat. Ba't ba ako laging trip niya? So sa'kin niya ipapalunok yung kutsara? Pwede bang yung ice cream na lang.

Bigla namang lumitaw si Tita at binatukan si Cindy. "Aray ko, Ma!"

"'Yang bibig mo kasi! Nakong bata ka! Saan ka ba nagmana ng kasadistahan?"

"Sa'yo po malamang." Bulong ni Cindy kaya binatukan ulit siya. Natawa tuloy ako, ang bilis nga naman ng karma!

"Sige, Yanyan, tawa pa! May kalalagyan ka talaga sa'kin!" Nanggigigil na banta niya kaya binatukan ulit siya ni Tita. "Ma naman!"

Pinigilan ko na lang matawa. Ang sama ng titig sa akin, eh. Baka naman hindi na ako abutin ng Christmas kapag tinawanan ko pa. Kakashokot kaya!

Isusubo ko na sana ulit yung ice cream kaso kinuha ni Steff at siya ang kumain. Grabe 'to! "Hoy, akin 'yon!"

"Tikim lang, damot nito." Sagot niya sa akin. Nag-scoop siya tapos itinapat sa bibig ko. "Oh, open your mouth. Ito na yung airplane, bsh!"

Anong sound effect 'yon? Hindi ko na lang pinansin yung lame na airplane niya at sinubo na lang yung ice cream.

"Masarap?" Nakangiting tanong niya.

"Malamang, ice cream, eh." Sagot ko.

"Nah, mas sumarap, 'di ba?" Mas lumapad naman ang ngiti niya. "Mas sumarap kasi iisang spoon yung gamit natin. May bonus pang indirect kiss."

"Ewan ko sa'yo." Ang dami talagang alam!

"Mine, subuan din kita."

Napatingin ako kay Juliet na mukhang nainggit sa ginawa ni Steff. Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Cindy. "May kamay ako, Juliet. Ayan, si Pedro subuan mo."

Nangiwi naman ako nang mapatingin kay Peter. Ang kalat talaga kumain. Pero ang cute! Chocolate kasi yung flavor ng kinakain niya kaya, ayon, sobrang amos. Nag-pout naman si Juliet at inasikaso na lang yung bata. Tapos nakita kong napailing si Cindy, nag-scoop siya sa ice cream niya at tinapat ito sa bibig ng girlfriend niya. "Oh, nganga!"

Ngiting-ngiti naman yung isa na kumain. Halatang kinikilig. Mang-aasar na sana ako kaso inunahan agad ako!

"Subukan mong mag-react na babae ka, bubunutin ko lahat ng ngipin mo!"

Ugh, oo na!

--

Steff's

"Merry Christmas!"

Nagkangitian kaming lahat habang nagbabatian. Nakakatuwa lang kasi naka-video call kami kay Papa ngayon. Si Papa na kung saan-saang lupalop naggagala, dinaig pa niya si Dora sa sobrang gala!

"Oh, Papa, tingnan mo, nandito kaming lahat, may sabit pa!" Sabi ko habang tinuturo si Juliet na katabi ni Cindy at itong katabi kong si Peter na nilalantakan na yung salad. Ang dungis ulit niya!

Ngiting-ngiti naman itong tatay ko. Pahinto-hinto nga lang yung video niya kasi ang bagal ng net! Mukha tuloy siyang ewan lalo na kapag ang epic ng itsura niya.

Tanggap naman ni Papa yung relasyon nang kapatid ko, ano pa nga bang magagawa niya. Sa tigas ng ulo ni Cindy, hindi 'yon makikinig kahit paghiwalayin sila kung sakali. Hindi ko alam kung nasabi na niya kay Papa at Mama pero itong si Cindy, aba, acad. scholar na no'ng pagpasok ng second sem! Oh, edi siya na mautak. Nahabol niya yung grade niya, eh. Halatang gustong may patunayan sa parents ni Juliet na karapat-dapat siya maging legal na girlfriend nito.

"Oh, Cindy, huwag mong sasaktan 'yang si Juliet, ah. Lilipad ako pauwi riyan kapag pinaiyak mo 'yan." Biro ni Papa habang nakain din.

Napasimangot naman itong kapatid ko. "Bakit ba ako lagi. Ganoon ba ako kamaldita?"

"Ay tinatanong mo talaga?" Sabay naming tanong ni Mama.

"Letse! Kumain na nga lang!"

Tinawanan lang namin siya at tinuloy ang kwentuhan. Sayang lang at wala rito si Yanyan.After kasi namin mag-lunch kanina, tinawag din siya ng mama niya para daw tumulong sa bahay. Hindi ko tuloy naipakita yung performance ko!

Natapos rin yung tawag ni Papa. Nagkwentuhan pa muna kami saglit bago kanya-kanyang pumanik sa mga sariling kwarto namin.

"Mama," Tawag ko sa kanya habang naglalakad. Nginitian naman niya ako. "Ma, Merry Christmas ulit, ah. I love you po."

Hinila naman niya ako at niyakap ng mahigpit. "I love you, too. Sana ganyan din ka-sweet yung kapatid mo."

Natawa tuloy ako sa sinabi niya. "Ma, alam mo naman 'yon. May sariling definition ng pagiging sweet."

"Kung sabagay."

Pumasok na rin siya sa kwarto niya at ako naman ay pumunta lang sa kwarto para kunin yung regalo at gitara ko. Lumabas agad ako ng bahay at dumiretso sa bahay nina Yanyan. I dialed her number at mabilis naman niya itong sinagot. "Buksan mo yung pinto ninyo."

"Bakit?"

"Nasa labas ako. Bilis na!"

Pinatay ko agad yung tawag para hindi na siya makaangal. Mabilis naman niyang binuksan yung pinto. Napangiti ako nang makita siya. Sexy, eh.

"I miss you!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit pagkababa ko ng gitara at no'ng gift. Bumitaw ako sa kanya at kiniss siya ng mabilis sa lips. Wala na, 'di na siya nakaangal. "Doon tayo sa room mo, bilis!"

Inabot ko sa kanya yung regalo ko for her at binitbit ang gitara ko. Wala na naman siyang nagawa nang ako na mismo ang humila sa kanya papasok sa loob. Sinara ko ng dahan-dahan yung pinto at tinahak ang kwarto niya. Pinaupo ko naman agad siya sa kama niya. "Ready ka na sa performance ko?"

Napatango na lang siya sa akin. Tatangu-tango lang ako na parang bata. Nilabas ko yung gitara ko sa case. Then I started strumming.

"If I don't say this now I will surely break
As I'm leaving the one I want to take
Forget the urgency but hurry up and wait
My heart has started to separate..."

Tiningnan ko siya sa mata. "Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
I'll look after you..."

Napangiti tuloy ako kasi nakakatunaw siyang tumitig. Kinindatan ko siya at nagpatuloy. Good thing at hindi ako nadi-distract habang naggigitara, ngayon lang ulit ako tumugtog, eh.

"There now, steady love, so few come and don't go
Will you, won't you be the one I'll always know?
When I'm losing my control, the city spins around
You're the only one who knows, you slow it down

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
I'll look after you
And I'll look after you

If ever there was a doubt
My love she leans into me
This most assuredly counts
She says most assuredly

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
I'll look after you

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh

It's always have and never hold
You've begun to feel like home
What's mine is yours to leave or take
What's mine is yours to make your own

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh..."

"Wow..." Wika niya at mahinang pumalakpak. Napangiti ako lalo at pabirong nag-bow. Sabi na, eh, mapapa-wow siya.

"Ayos ba?"

"Super!"

Umupo ako sa tabi niya. "'Yung gift, bukas mo na lang tingnan, ah."

"Bakit?"

"Basta."

Tumahimik saglit. Hindi naman awkward. Ramdam ko yung heartbeat ko. Shocks, ganito ba ako kapatay na patay sa babaeng 'to?

"Yanyan?"

"Ow?"

"Huwag ka munang maging slow ngayon, ah?" Utos ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ako na naman yung slow! Kayo kaya yung magulong kausap diyan." Ngumuso siya at muntik na naman akong maakit sa lips niya. "Abo bang sasabihin mo?"

"Hindi ka magiging slow?"

"Oo na hindi na." Naka-pout na sagot niya.

Tiis lang, Steff. Mamaya mo na halikan 'yan.

Tumikhim ako at hinawakan siya sa kamay. "Mahal kita Yanyan. I love you, more than a friend can feel."

Ngumiti siya sa akin. Hay sa wakas, na-gets niya rin!

"Mahal din naman kita, duh! Parang kapatid na kita, eh. Baka sabihin mo slow pa ako niyan."

Napapikit ako at nagtitimping hinagod yung buhok ko, gagahasain ko na talaga 'to, eh!

"Slow!" Nanggigigil na sabi ko.

Napakamot naman siya sa noo niya. "Na naman?"

"Oo." Lintik, ano 'to? Joke? "Marian, makinig kang mabuti. Tatagalugin ko na at sana naman, ma-gets mo."

"Okey?"

Okay. Take two.

Hinalikan ko siya sa labi ng matagal. Mahabang smack. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata niya. "Mahal kita, okay? Mahal as in mahal na gustong maging girlfriend. Ano ka ba, Yan, kaya nga kita liligawan, eh! Ang hina ng pick-up mo. Mahal kita higit pa sa kayang ibigay ng isang kapatid o pinsan o whatever! Mahal kita. Mahal na mahal."

Nakatameme lang siya sa akin. Yung tipong ngayon lang siya tinubuan ng utak. Oo, medyo hard pero ganoon talaga, eh.

"Na-gets mo na?" Tanong ko.

Tatangu-tango siya. "G-gets..."

Buti naman!

_____

Continue Reading

You'll Also Like

878K 31.6K 37
[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being...
924K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...