Juliet and Cinderella (GL) [B...

Od InsaneSoldier

541K 18.5K 1.4K

[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet... Více

Book I: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book I
Book II: Prologue
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Final Chapter

Chapter 21

9.2K 284 12
Od InsaneSoldier

"Dito ka na mag-Christmas."

Napalingon sa'kin si Juliet tapos ang mata jusko, pwede nang isabit sa christmas tree sa sobrang ningning! Ang laki pa ng ngiti. Parang nagtanong lang.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa couch ng living room namin. Alas-dos na ng hapon at walang may gustong mag-siyesta sa amin. Si Ate Steff nasa work pa, nagpapakadalubhasa. Si Yanyan missing in action, baka inutusan ng nanay niya or baka naghihilik sa bahay nila. Sina Dianne at Trisha naman may date. Susko, araw-araw na lang kung gumala yung dalawang 'yon. May balak yatang libutin ang Pinas.

"Really? Dito?" Tuwang-tuwang tanong niya, may kasama pang paghawak sa kamay ko.

"Ay hindi na pala binabawi ko na." Poker face na sagot ko na ikinasimangot niya. Napailing tuloy ako at binatukan siya kaya lalo siyang napasimangot, may kasama pang pag-pout. "Joke lang, ano ka ba!"

"Ows?" Naniniguradong tanong niya.

"Ah, ganyan, sige! Huwag ka nang—"

"Joke!" Singit agad niya na parang natakot. "I'd love to be here! Sakto magbabakasyon din mga maids namin. Hanggang New Year ako rito, ah?"

"New Year ka riyan! Sabi ko Christmas, 'di ba?" Taas-kilay kong tanong.

Napakagat siya sa lower lip niya. "B-but, gusto kong makasama ka sa New Year." Nilaro-laro niya ang mga daliri na parang bata habang nakatingin sa akin na akala mo nagpapaawa.

Napairap tuloy ako at napakamot sa ulo ko. Kung sabagay, kakaalis lang ng magulang niya last month and nalaman ko na hindi sila makakarating sa Pasko and New year. Mga busy. Si Mama naman hindi pa nagsasabi, pero sure akong dadating 'yon. Lagi namang ganoon 'yon, umuuwi ng biglaan. "Oo na."

"Really?" Ngumiti ulit siya.

"Ay, hindi hindi—" Babarahin ko sana siya kaso inunahan ako ng yakap at halik sa lips ng bruha.

"Thank you! I love you, Mine!"

Pinalobo ko ang pisngi ko bago ngumiti habang hinahagod ang likuran niya. Hay nako, Juliet, hindi na kita natanggihan. Hindi man lang ako hinayaang mag-inarte ng slight, dinadaan ako lagi sa yakap at kiss, eh. Kainis!

Pero okay na rin siguro na hindi ako nakapag-inarte, at least masaya siya. Tsaka gusto ko rin naman siyang makasama sa New Year, ayoko lang sabihin. Huwag na huwag niya lang akong aayain manood ng fireworks.

"Let's watch the fireworks together!"

Binitawan ko siya at nag-cross arms. "Ano? Ayoko nga!"

Ang baduy-baduy no'n! Tsaka ang boring!

"Why?" Parang bata niyang tanong. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog. "Why?"

"Why ka riyan. Ang baduy no'n Juliet!" Sagot ko at tinulak siya ng mahina para bitawan niya ako.

"Eh..." Ngumuso siya at bumaba ang tingin sa mga kamay niya. "Hindi pa ako nakakanood no'n."

"Ows?" Naningkit ang mata ko sa sagot niya. Tumango-tango naman siya ng mabagal. Napabuntong-hininga ako at ginulo yung buhok niya. "Fine. Pero last na 'yon ah."

Tumingin siya sa akin ng nakangiti na ulit, yung parang ngiti ng batang binigyan mo ng chocolate na tigpiso. Ganoon yung ngiti niya, labas lahat ng ngipin pati gums kita. Ang cute, nakakainis! Tapos nawawala pa yung mata niya, chinita kasi. Yumakap siya sa akin at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Thank you."

"Mm-hm." Napapikit na lang ako at ibinagsak ang katawan sa couch kahit nasa ibabaw ko siya. Whatever, inaantok ako. "Juliet, tulog tayo."

Naramdaman kong umiling siya at hinalikan ang leeg ko. Napahinga tuloy ako ng malalim sa ginagawa niya. Umangat yung halik niya sa tainga ko at kinagat ito ng mahina kaya napakagat ako sa lower lip ko, hindi na ako nag-abalang imulat ang mga mata.

"Ang bango mo, Mine," bulong niya.

"Alam ko." Mahinang sagot ko kasi mas fini-feel ko yung lips ni Juliet sa leeg ko. Landi! "Perks of being maganda 'yan."

"It's true, indeed." Sagot niya lang. Inangat niya ang halik hanggang sa magdikit ang lips namin. Ako namang si babaeng naakit, hinalikan naman siya pabalik.

Nagsimulang gumalaw ang mga labi namin. Hinapit ko siya palapit, yung tipong hiyang-hiya na yung space sa aming dalawa. Nilaliman niya ang paghalik at napaungol nang kagatin ko siya. Pasensya na, nanggigil lang. Sarap kaya humalik ng girlfriend ko. Landi talaga!

Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang pumasok sa loob ng damit ko para haplusin ako sa tiyan. Parang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang init ng kamay niya. Nakakadeliryo lang.

"Tita Cindy!"

Mabilis pa kay Flash na naitulak ko si Juliet nang makarinig ako ng sigaw ng bata.

"Ouch!" Daing niya habang hawak ang likuran. Nahulog kasi siya mula sa ibabaw ko. Eh, hindi naman gaanong kalaki ang couch namin.

"Sorry, sorry!" Agad ko siyang tinulungang bumangon at pinaupo sa tabi ko. Ako na rin humagod ng likod niya. Sa nag-panic ako eh!

"Tita Cindy!"

Napalingon na lang ako sa kaliwa ko at nakita ang salarin ng pagkahulog ni Juliet. Isang batang lalaking may kalat na chocolate sa bibig at ngiting-ngiti pa sa akin ang hinayupak. Napailing ako at napatapik sa sarili kong noo. Delubyo na 'to.

"Uh, who is he?" Nagtatakang tanong ni Juliet habang titig na titig sa batang kaharap na namin ngayon. Hindi pa ako sumasagot nang biglang lumitaw ang slow kong pinsan.

"Hello, mahal kong pinsan! Hello, Juliet, lalo kang gumaganda!"

Tiningnan ko ng masama si Yanyan na kadarating lang at may dalang isang box ng Ferrero at kung anu-ano pang chocolate. May dala rin siyang malaking bag. Napatikom agad siya ng bibig. Tinuro ko yung batang lumapit na sa kanya at nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang nakangiti pa rin sa akin, kitang-kita yung tsokolateng sumabit sa ngipin niya, ew. "Anong ginagawa ng bubwit na 'yan dito?"

"Uh, he-he-he-he." Tumawa siya ng alanganin. "Let me explain?"

Tumakbo na yung bata papuntang kusina, malamang magkakalkal 'yon ng pwedeng kainin niya. Tumayo ako at nameywang, tinaasan ko siya ng kilay. "Siguraduhin mong maganda 'yang sasabihin mo kung ayaw mong ibaon kita ng buhay diyan mismo sa kinatatayuan mo."

Napalunok siya at sunud-sunod na tumango. Hinawakan naman ako sa kamay ni Juliet, halatang gusto akong awatin kaso wala na siyang nagawa dahil pati siya ay pinagtaasan ko rin ng kilay.

"E-eh, kasi, ganito...ma-magbabakasyon kasi s-si ano, si kuya pati yung ano niya, yung asawa niya." Paliwanag niya habang hindi makatingin sa akin ng maayos.

"So?"

"Ayon nga. Edi ba ano, si Mama nagt-trabaho ta-tapos si Papa nasa ibang bansa naman, walang mag-aalaga sa kanya. Tsaka si ate, may mga anak din na maliliit. Ano kasi, sabi ni ano ni mama, dito raw muna siya hanggang new year─"

"Ano!" Napatalon siya nang napataas ang boses ko. Nagpalakad-lakad ako dahil sa sobrang pagkairita. Naman, alam namang hindi ako mahilig sa bata! "Ano ba naman 'yang si Tita, Yanyan!"

"Sorry na! Sinabi na ni Mama,eh. Alam mo namang maikli pasensya nung nanay ko, baka i-flush niya sa toilet 'yang si Peter sa sobrang kulit." Dahilan niya na ikinakunot ng noo ko.

"Eh, anong tingin mo sa akin? Kapag ako naubusan ng pasensya ililibing ko ng buhay 'yong bubwit na 'yon!" Nanlalaki na ang mata ko sa pagkairita.

"Huwag naman, papatayin ako ni Mama!" Nahihintakutang sagot niya.

"Okay lang. Pake ko sa'yo." Walang ganang sagot ko. Narinig ko namang natawa si Juliet sa sagot ko kaya medyo kumalma ko.

"Ano? Ang sama mo!" Nakangusong sabi sa akin ni Yanyan.

"Ngumuso ka pa, tatanggalin ko 'yang labi mo." Warning ko sa kanya kaya agad siyang nagtakip ng bibig.

Hinila naman ni Juliet ang laylayan ng damit ko kaya napaupo ako sa tabi niya. "Who's that kid ba?"

"Pamangkin ko, si Peter." Sumandal ako sa balikat niya at inamuy-amoy siya. "Mag-iingat ka sa batang 'yon. Sobrang kulit no'n." Lumingon ako sa pinsan ko at pinanlisikan siya ng mata. "Hoy Yan, puntahan mo sa kusinan yung bulilit mo, baka kinain na ng ref 'yon."

Agad naman siyang sumaludo at napangiwi ng inirapan ko siya. Ibinaba niya muna yung mga dala niya bago umalis. Bumalik ulit ako sa pag-amoy kay Juliet nang makaalis na si Yanyan.

"Mine," bulong niya.

"Oh?"

"Nabitin ako."

Napatingin ako sa mukha niya at nakitang nakanguso na naman siya. "Nabitin saan?"

"Kiss."

Napaiwas ako ng tingin nang maalala ko yung ginawa namin. Lalo na no'ng naramdaman ko yung kamay niya sa loob ng damit ko kanina. Kailan pa ako naging ganito ka perv? "Okay."

"Mine."

"Bakit ba?"

"I'm wet." Nahihiya niyang sagot tapos namumula pa ang pisngi. Napakunot tuloy ako ng noo.

"Ha? Ano bang—" Nanlaki ang mata ko nang ma-gets ko yung sinabi niya. Pinalo ko siya ng malakas sa braso. "Manyak!"

"Sorry, can't help it." Nakangusong sagot niya. Halatang nahihiya pa rin sa sinabi niya. Yumakap siya sa akin at nilaro-laro ang buhok ko. "Sorry na."

Tumango lang ako at sumubsob sa leeg niya. Ano ba namang magagawa ko sa ganoon, hindi naman niya 'yon mapipigilan, sa ganda ko ba naman.

"I love you." Masuyong sabi niya na ikinangiti ko naman. Yung puso ko nagdu-dugdug sa bilis.

"I love you, too." Sagot ko sa kanya at kiniss siya sa leeg niya. Humigpit lang yung yakap niya sa akin. Kinikilig na naman 'tong babaeng 'to. Wala, maganda, eh.

"Guys, mamaya na kayo maglandian at asikasuhin ninyo muna 'tong si Peter."

Nagbitaw kami at sabay na napalingon kay Yanyan na hawak sa kamay si Peter na mukhang naligo sa gatas at ang lagkit niyang tingnan. Ew! "Hoy, Pedro! Anong ginawa mo?"

Humagikhik siya at dumila. "Sarap ng milk Tita Cindylangot!"

Pinandilatan ko siya ng mata at akmang susugurin sana ang kaso pinigilan ako ni Juliet. "Hinayupak talaga 'tong batang 'to, eh." Nababadtrip na bulong ko. Tawagin ba naman akong... ugh! Yuck! Saan ba niya nakuha yung ganoong tawag?

"Love, she's just a kid." Paalala sa akin ng girlfriend ko.

A monster kid. Bulong ko naman sa isip ko.

"Cindy—"

"Ano?" Tiningnan ko ng masama si Yanyan na mukhang takot na.

"Ah, eh... A-aalis na kasi ako. Nag-nag-text na si mama."

Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Ano pa nga bang magagawa ko, nandito na yung bata. Si Tita naman ang may gusto at hindi itong pinsan ko. "Sige na, alis na. Kami na ni Juliet bahala."

Para namang nagkaroon ng star sa mata niya. "Sure? Hindi mo ililibing ng buhay si Peter?"

"Pag-iisipan ko."

"Cindy naman, eh."

"Oo na hindi na." Umismid ako.

"Thank you!" Lumapit siya sa akin at yayakapin sana ako pero inamba ko lang ang kamao ko sa kanya. Napangiti tuloy siya ng alanganin at umatras. "Okey. Alis na ako, bye!"

"Paliguan mo na ako?" Nang-aasar na tanong ni Pedro. Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay. Eh, kung ipakain ko kaya 'to ng buhay sa buwaya?

Mahirap paliguan itong bubwit na 'to, eh. Pinagmasdan ko ulit siya at napailing dahil ang dugyot talaga niyang tingnan. Nanlalagkit yung buhok at damit, nagkalat na chocolate sa mukha, plus yung pilyong ngiti sa labi niya. Kaya ayoko sa bata.

"Know what, Cindy," Hinawakan niya ang kamay ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Feeling ko, instant parent tayo dahil sa pamangkin mo. Aalagaan natin siya. Like a family. Parang mag-asawa lang."

Napangiti na rin tuloy ako dahil sa sinabi niya. Hindi dahil do'n sa aalagaan namin, napangiti ako dahil naiisip niya yung ganoon. Mag-asawa. Yie, kainis! Kinikilig ako! Okay na rin siguro 'to kahit may epal na batang Peter. Mabuti sana kung totong anak namin yung aalagaan namin. Naks! Anak daw? Advance lang, Cindy? Hay nako. Basta 'yon! Pagp-praktisan ko na lang 'tong si Pedro para may alam na rin. Ako na naghahanda sa future!

Hinalikan ko siya sa pisngi at kinindatan. "Oo na. Halika na, paliguan na natin yung bulinggit na 'yon." Sabi ko habang nginunguso si Peter na nakanganga lang sa amin. Literal na nakanganga. Mga bata talaga.

"Tapos sabay tayo maliligo after?" Pilyang tanong niya.

"Tse! Manyak nito."

____

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
517K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...